Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 29

PAPATAPOS na si Louisse sa paglagay ng mga iniluto niya sa tupperware nang bumukas ang pinto ng kuwarto, iniluwa no'n si Eya na halatang bagong gising. Magulo ang buhok nito at pupungas-pungas pang lumapit sa gawi niya.

"Good morning," nakangiting bati niya, saka ulit ibinalik ang buong atensiyon sa ginagawa. Inilagay niya na ang tupperware sa bag na kan'yang dadalhin.

"Bakit ang aga mo?" tanong nito saka dumiretso sa sink at doon naghilamos.

"Ipinagluto ko kasi si Zai. Balak ko kasi siyang dalawin."

Napatigil ito sa ginagawa. Mabilis nitong pinunasan ang mukha gamit ang towel na nasa balikat nito.

"Mali ba ako nang pagkakarinig?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

Ngumiti siya ng tipid. "I want to make it up to him."

Mabilis ang naging hakbang nitong naglakad sa kan'yang harapan. Kaya muli niyang naibalik ang tingin sa kaibigan. Pinagkrus pa nito ang dalawang braso sa harapan ng dibdib nito. "Louisse, ipapaalala ko lang sa'yo na buntis ka."

Nang dahil sa sinabi nito ay nasapo niya ang hindi pa kalakihang tiyan.

"Ang sabi ng doctor ay magpahinga ka. Kaya nga tatlong beses na lang sa isang linggo ang trabaho mo sa AlZero because Tonyo considering your situation, right? Hinayaan lang kitang mag-iiyak kahapon kasi kailangan mo 'yon."

"Eya," mababa ang boses na tawag niya rito.

Itinaas naman nito ang isang kamay, wari siyang pinapatahimik. "Stop there, Louisse! Hindi ako papayag na umalis ka ng apartment. Patayin mo muna ako."

Napahugot naman siya ng buntong-hininga. Kapag ganoon ang inaakto ng kaibigan ay tila nanay niya ito. When in fact, mas matanda lang naman ito sa kanila ni Lena nang dalawang buwan.

Nasa ganoon pa rin silang lagay nang may kumatok sa pinto. Tumango sa kan'ya si Eya, senyales na ito na ang magbubukas. Nang maglakad na ito ay pinagpatuloy naman niya ang ginagawa. Kumuha siya ng spoon and fork, inilagay iyon sa malinis at maliit na plastic saka niya iyon inilagay sa bag.

"Look, who's here!"

Nang marinig ni Louisse ang boses ni Eya ay madali siyang tumingin sa gawi nito. Halos kapusin siya ng hininga nang mapagsino ang lalaking nasa tabi nito, walang iba kung hindi si Ezekhiel. Nakangiti ito sa kan'ya kahit may pasa ang mukha. Nanlaki ang kan'yang mga mata at mabilis na lumapit sa lalaki.

"Anong nangyari sa'yo?"

Tumawa naman ito. "Wala lang ito. Parang kagat lang ng dinosaur."

"Parang kagat daw ng dinosaur e sa lagay mong 'yan mukha ka na ngang dinosaur," pagsingit ni Eya.

Pareho nilang hindi pinansin ni Ezekhiel ang sinabi nito. "Ano nga pa lang ginagawa mo rito?" tanong niyang muli sa lalaki.

Sumandal ito sa hamba ng pintuan. Dahil matangkad sa kanila ang lalaki kaya nakatingala silang dalawa ni Eya para lang mapagmasdan ang mukha nito.

"Well, I expected that this time... you will not give up with my cousin. Dapat lang dahil hindi mabibigyan ng hustisya ang bugbog kong mukha."

Nagkatinginan silang dalawa ni Eya, parehong naguguluhan. Muli niyang ibinalik ang tingin kay Ezekhiel. "What do you mean?"

Imbes na sagutin siya ay sumilip ito sa maliit niyang kusina. Umayos ng pagkakatayo at lumakad papunta sa isa sa mga upuan at naupo roon, kaharap ang bag na naglalaman ng mga niluto niya. Nagawa pa nitong silipin iyon.

"You cook this for my cousin?"

Naglakad na siya papunta sa p'westo nito at dinaluhan ito sa lamesa. "Oo. Bakit ka nga nandito?"

Ngumisi ito. "To take you back."

Mas lalo lang ata siyang naguluhan sa pinahayag nito.

"Imposibleng makapasok ka sa opisina ni Zairus, Louisse. You're already banned there."

Napasinghap siya. Ganoon na talaga ang galit sa kan'ya ni Zairus.

"The only way for you to pay back what you did to him is to go to his penthouse and bring this lunch box to him. Ang kaso... makakapasok ka ba roon? Alam mo ba ang passcode ng bahay?"

Nakagat niya ang ibaba ng kan'yang labi. May point naman ito. Nang magpunta siya roon kahapon ay ang caretaker ang nagpapasok sa kan'ya. She didn't bother to look at the passcode dahil bukod sa pribado iyon, hindi niya rin expected na si Zairus ang bubungad sa kan'ya.

Ipinitik nito ang daliri sa kan'yang harapan. "That's why I'm here. This will be the least that I can do to also repay what I have done to my cousin. Nabugbog na rin naman ako kaya lulubos-lubusin ko na."

Doon na niya talaga nakumpirma na si Zairus ang bumugbog sa lalaki at naglagay ng pasa sa mukha nito.

"Pero Ezekhiel sabi mo ay close kayong dalawa, hindi ba? So, ibig sabihin ay ito ba ang unang matinding away niyo?"

"Don't mind it, Louisse. Let's go," mabilis nitong sagot, tila inililihis ang kan'yang tanong.

Nang tumayo na ito ay napahugot na lamang siya ng buntong-hininga. Mas lalo lamang tuloy siyang nagu-guilty ngayong iniiwasan ni Ezekhiel na sagutin ang kan'yang tanong. Papatayo na sana siya nang iharang ni Eya ang katawan. Naka-spread din ang dalawa nitong kamay, tila pinipigilan siya sa pag-alis.

"Eya."

Mabilis itong umiling. "Louisse, hindi na lamang sarili mo ang aasikasuhin mo. Balak mo ba talagang mawala iyang bata sa sinapupunan mo? Ang sabi ng doctor ay magpahinga ka."

Balak niya pa lang sanang sumagot nang marinig niya ang boses ni Ezekhiel. "You're pregnant?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

Pareho sila ni Eya na napalingon sa lalaki. Akala ni Louisse ay nakalabas na ito. Bakas ang gulat sa mukha ni Ezekhiel. Nanlalaki ang mga mata at nakaawang ang bibig nito. Wala siyang ibang nagawa kung hindi ang mapatango na lamang.

Maya-maya lang ay muling naging seryoso ang bakas ng mukha ng lalaki. Lumapit ito sa kanila at ito na mismo ang nagbuhat ng kan'yang bag, saka ito tumingin kay Eya. "Mas lalong kailangan niyang suyuin ang pinsan ko, Zaneya. Hindi niyo naman balak na itago sa kan'ya na magiging ama na siya, hindi ba?"

"Hindi," siya na ang sumagot.

"Good. Because I'll not let you do that after hearing everything. Let's go!"

Wala ng ibang nagawa pa si Eya nang kunin ni Ezekhiel ang kamay niya at sabay na silang lumabas ng apartment. Pinagbuksan pa siya nito ng pinto at tila naging maingat sa kan'ya. Tinanaw niya na lamang mula sa loob kung paano ito tumakbo patungo sa driver seat.

"Fasten your seatbelt," iyon kaagad ang sinabi nito nang makapasok ng sasakyan. "Sigurado akong matutuwa ang pinsan ko kapag nalaman niyang magiging daddy na siya. Lalo na at matagal na rin niyang gustong mag-settle."

Naiyuko lamang ni Louisse ang ulo. Pero binuo niya ang pangarap na iyon kasama si Lena.

Tila nabasa naman ni Ezekhiel ang tumatakbo sa isipan niya. Tinapik nito ang kan'yang balikat, pero walang sinabi. Madali siyang nag-seatbelt at lumarga na silang dalawa.

Nang ihinto nito ang sasakyan sa harapan ng penthouse ni Zairus ay siya lamang ang bumaba matapos nitong sabihin sa kan'ya ang passcode. Bago pa siya makahakbang para buksan ang gate ay tinawag pa nito ang pangalan niya. Mabilis naman niya itong nilingon.

"Goodluck!" anito saka ngumiti.

She was stunned for a second. Because that was the first time seeing him smiled genuinely to her. Ipinilig niya ang ulo at tuluyang binuksan ang gate. Wala ang matanda nang ilibot niya ang tingin. Humugot muna siya ng malalim na hininga at tuluyang nilakad ang main door. She pressed the passcode and entered the penthouse.

Hindi pa rin maiwasang humanga ni Louisse sa ganda ng interior design ng penthouse ni Zairus. Pero hindi ang pagmasid sa penthouse nito ang kan'yang ipinunta roon. Nang makita ang isang wooden door ay pumasok doon si Louisse kaya roon niya nakumpirma na iyon ang dining area. Doon ay inilapag niya ang dalang bag at isa-isang inilapag ang tupperware. Ayon kay Ezekhiel ay hindi papasok sa opisina sa araw na iyon si Zairus, balita ni Gin sa lalaki.

"Why are you here? How did you get in?"

Sa gulat ni Louisse ay muntik na niyang mabitawan ang hawak na tupperware. Mabuti na lang at mahigpit niya iyong nahawakan. Nilingon niya si Zairus na nakasandal sa hamba ng pintuan, hawak nito sa isang kamay ang isang champagne glass.

Alanganin siyang sumagot lalo na't tila ginigisa siya ng tingin ni Zairus. "Ezekhiel gave me the passcode," simula niya. "By the way, I cook for you. Especially your favorite kaldereta. It's better for you to eat first before drinking."

Inalis na niya ang tingin sa lalaki at tinanggal ang takip ng tupperware. Kumalat ang amoy ng kaldereta sa apat na sulok ng dining area.

"Am I your friend?"

Natigilan siya sa ginagawa dahil sa tanong nito.

"Who said you can talk to me like that?"

Muli niyang nilingon si Zairus nang marinig ang footsteps nito. Nakamasid lamang siya sa lalaki hanggang sa niyuko nito ang kitchen island. Hindi niya naman makita kung anong ginagawa nito, pero natitiyak niyang may kinukuha ang lalaki mula roon.

Nang tumayo ito ay tuluyan niyang nakita ang hawak ng lalaki – trashbin iyon. Wala siyang nagawa kung hindi ang pagmasdan lamang ang ginagawa nito. Ipinatong nito ang trashbin sa mesa at kinuha isa-isa ang tupperware at pinagtatapon nito ang laman niyon.

Nanikip ang kan'yang dibdib at napatulala na lamang siya. Naisip niyang tila gano'n lang kadali para sa lalaki ang itapon ang pagkain na pinaghirapan niyang iluto para rito. But she just put into her mind that she deserves it. Kulang pa iyon sa pagpapanggap at sakit na idinulot niya sa lalaki.

"Don't come here as if we knew each other. Don't act like as if you're part of my life."

Ngunit kahit ganoon ang naging trato sa kan'ya ni Zairus ay nagpabalik-balik pa rin si Louisse sa penthouse nito at ipinagluluto ang lalaki.

"Are you out of your mind? Why do you keep coming back?" Ayon kaagad ang bungad na tanong ni Zairus nang isang umaga ay nadatnan nanaman siya nito sa dining area.

"Right. You want me to forgive you? You want to atleast pay for what have you done?" dugtong pa nito.

"No. I won't ask for forgiveness, Zai. Tanggap ko namang walang kapatawaran ang ginawa ko sa'yo."

"Alam mo naman pala! So, why are you still here?"

Nakagat niya lamang ang ibaba ng kan'yang labi.

Because I love you and I want to be with you, together with our child.

"You don't understand what you did to me, right? Are you even a human?" Nagpupuyos sa galit ang mga mata nito. Pati litid sa leeg nito ay naglalabasan na rin.

"Zai."

"How many times do I need to tell you that don't call my name?"

Marahas nitong itinapon ang lahat ng hinanda niyang pagkain sa lamesa.

"Get lost!"

Naglakad na ito palabas ng dining area. Ilang sandali pa ang dumaan bago siya natauhan. Nang umakyat siya sa hagdan ay bumungad sa kan'ya ang maraming pintuan ng kuwarto. Hindi niya tukoy kung saan sa mga iyon pumasok si Zairus. Kaya nand'on lamang siya, nakatayo. Isinigaw na lamang ang gusto niyang sabihin, pumapag-asang maririnig nito iyon.

"I'm sorry," simula niya. "I know that even if I say this nothing will change. However, no matter what you say or do, I'll still be back to you. I'll come back to see you everyday."


DAHIL tatlong beses lang sa isang linggo ang pasok ni Louisse sa AlZero kaya niya nabibigyan ng oras si Zairus na ipagluto ito. Kahit na ba sa ilang beses na iyon ay palagi lamang itinatapon ni Zairus ang mga luto niya.

"Louisse, sinabi ko naman na sa'yo na huwag ka nang bumalik doon e. Hindi naman niya binibigyan ng halaga ang efforts mo."

Ilang beses na nga bang pigil iyon sa kan'ya ni Eya? Hindi na niya magawang mabilang pa sa kan'yang daliri.

"Eya, pahiram ako ng motor mo, ha?" pagbabalewala niya sa sinambit nito.

"Ayoko. Baka mapaano ka pa. Hindi ka ba ihahatid doon ng magaling na Ezekhiel na iyon?"

Napailing naman siya. Sa tono ng boses ng kaibigan ay parang nakalimutan na nito na minsan itong naging fan ng lalaki. "Busy siya. Tambak daw ang mga papeles na kailangan niyang pirmahan." Kabit-balikat niyang sagot.

Itinaas naman nito ang kamay. Tuloy ay natigilan siya sa pagbabalak na hanapin kung saan nito itinago ang susi ng motor nito.

"Teka nga! At kailan pa kayong naging close na dalawa, ha?"

Natigilan naman si Louisse. Simula nang unang araw na ipagluto niya si Zairus ay hindi na pumalpak si Ezekhiel na ihatid siya sa penthouse ng pinsan nito. Palagi rin siya nitong pinapadalhan ng text messages at nagagawa na rin nilang dalawa na magpalitan ng calls.

Iyon nga lang ang unang beses na hindi siya maihahatid nito. Dahil ba sa nalaman nitong may bata sa kan'yang sinapupunan kaya nagbago ang pakikutungo nito sa kan'ya? Iyon ay siyang hindi tukoy ni Louisse.

Nang tuluyang mahanap ni Louisse ang susi ng motor sa secret pocket ng bag ni Eya ay napangiti siya. Ilang araw na ring doon tumutuloy ang kaibigan kaya nandoon na rin ang iilang gamit nito. Ayon dito ay mas malapit daw kasi ang apartment niya sa opisina nito. Pero kahit anong paliwanag ni Eya ay aware naman ni Louisse na gusto lamang nitong palaging nasa tabi niya. Para na rin masiguro nito ang safety niya pati na rin ng kan'yang baby.

Nang maglakad siya ay nakasunod lang sa kan'yang likuran si Eya, nagsasalita pa rin. "Louisse naman. Para akong nag-aalaga ng five years old na bata nito. Ang kulit mo! Halata namang ayaw kang patawarin ni Zairus e. P'wede bang magpahinga ka naman at sarili mo muna ang isipin mo at si baby? And please, can you atleast listen to me for once?"

Nang marating ang motor nito ay huminto na siya at nilingon ang kaibigan. Ipinatong niya ang dalawang kamay sa balikat nito at tinapik ito. "I'm not doing this for me to be forgiven, Eya. You know that. Alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko kay Zairus. If I were to ask, I also don't want to be forgiven. Eya, I'm doing this for my child."

"Bakit?"

Natigilan siya.

"Why are you doing this for your child? Takot ka ba na kapag wala kang ginawa at hinayaan mo lang na malaman niyang may anak kayo ay hindi niya matatanggap ang bata, Louisse? Are you afraid that he will tell you that it isn't his child?"

Iniwas niya ang tingin. "That's my limitation, Eya. If ever I'll hear it from him even I love him, I'll turn my back and leave with my child. Just in case, Zairus didn't want to be the father, then I'll take care of my child." Sandali siyang tumigil, saka hinaplos ang ibabaw ng kan'yang tiyan na natatakpan ng suot na damit. "I can be a father and a mother, at the same time. And I'll not let my baby to feel unwanted. Because that's the most painful thing I'll ever be experience being a mother."

Huminga siya ng malalim saka nagpatuloy. "And I'm not saving myself to be broken. Because we both know that I'm in the middle of it. "

Tumango ito at ito pa mismo ang kumuha ng helmet at isinuot sa kan'ya. "Then, take care, okay?"

Ngumiti siya at tumango. Gumilid na ito habang siya ay tuluyang sumakay ng motor nito, inilagay ang susi at pinasibad na iyon. Nang marating ang penthouse ni Zairus ay humugot muna siya ng malalim na hininga saka tuluyang bumaba ng motor.

Balak na sana niyang tanggalin ang suot na helmet nang makita sa main door si Zairus, may nakapulupot na kamay sa braso nito at isa iyong babae. Akala ni Louisse ay iyon na ang masakit na senaryong makikita niya. But more than that, she's kissing Zairus.

Tumulo ang kan'yang masaganang luha. Nang pumasok ang dalawa sa loob ay tuluyang tumalikod si Louisse, sumakay ulit sa motor. Sa nanginginig niyang kamay ay muli niya iyong binuhay at lumisan sa lugar na iyon. Hilam na ng luha ang pisngi niya at lumalabo na ang kan'yang paningin.

Nagulat na lang siya nang may biglang tumawid na bata. Para masagip ito ay ipinihit ni Louisse pakanan ang manibela, pero sumalpok siya sa puno at tumalsik. Nanghihina ang buo niyang katawan. Ni hindi niya na magawang maimulat ang kan'yang mga mata, ni maigalaw ang kan'yang daliri.

"Help," tila bulong lamang iyon na lumabas sa kan'yang bibig. "H-help me. H-help us."

Maya-maya lang ay naramdaman na lang niya ang pagsakit ng kan'yang tiyan at tila may likido na lumabas sa kan'yang pagkababae.

"Help my baby," ang huli niyang nasambit bago siya mawalan ng ulirat.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro