CHAPTER 27
THREE weeks being in a hospital been like a hell to Zairus. Tinanggal na ang benda sa kan'yang mga mata. At first, his eyesight were blurry the moment he opened his eyes. But later on, he can clearly see the images in front of him. It's no more darkness greeted his eyes. He can see his parents who's crying, standing in front of him and his assistant - Gin, hiding his true emotion through his serious face.
Kasiyahan - iyon ang dapat maramdaman ni Zairus dahil nakakita na siyang muli, bagay na matagal niya ring inasam. Pero paano niya iyon mararamdaman kung ang babaeng gusto niyang makita ay wala pa rin sa kan'yang tabi? He tried to call her many times, pero palaging unattended ang phone nito. Hinayaan niyang lumipas ang dalawang linggo dahil iniisip niyang babalik din ito sa kan'yang tabi, kailangan lang ito ni Rita. But a sudden news strike him.
"She's now gone, buddy. Why are you still investigating about her? Kararating mo lang sa Pilipinas, dapat ay nagpapahinga ka." It's Ezekhiel. Ito ang sumalubong at sumundo sa kan'ya mula sa airport.
Nang ibalita sa kan'ya nito na namatay si Lena sa plane crash ay hindi niya napigilan ang sarili na magwala sa hospital. Wala siyang pinapasok sa kan'yang hospital room na kung sino sa loob ng sumunod na linggo. Nag-utos lamang siya mula sa kakilala niyang imbestigador na alamin ang totoo. Lalo na't hindi pa siya pinapayagang mag-discharge ng hospital. Isa pa, hindi siya naniniwala sa sinabi sa kan'ya ng pinsan. He can feel that she's still alive. She promise that she won't leave his side. She promise...
Pagkalabas nila sa General Hospital, matapos daanan ni Ezekhiel sa obygene ang asawa nito ay napagpasyahan niya na mag-drive papuntang sementeryo. God knows how he wanted to go back in Manila, just to see by his two eyes that she's really gone. Ngunit sa sandaling iyon, nakatayo na siya sa mataas na gate ng Heaven's Paradise ay saka pa niya naramdaman ang pakiramdam na hindi na muna niya gustong malaman ang katotohanan.
"Good morning, sir," bati sa kan'ya ng guard. "Ngayon ko lang po nakita ang mukha niyo rito." Bigla ay napakamot ito sa ulo. "Ay! Baka hindi nakakaintindi ng tagalog si sir," pagkausap nito sa sarili. Kita niya ang hirap sa mukha nito na waring nag-iisip ng sasabihin sa kan'ya.
"I can understand tagalog and I can speak it, too."
Lumiwanag naman ang mukha nito.
"And yeah, this is my first time going here. I'll visit my girlfriend."
Tumango-tango naman ito at hindi na nagtanong pa. Tuluyan na siyang pumasok sa loob, bitbit ang biniling bulaklak.
Natigil lang siya sa paglalakad nang makatitigan ang pares ng mga mata. Nagsipagtayuan ang balahibo niya sa katawan nang makita ang halo-halong emosyon nakikita mula roon. Pero ang nangibabaw sa kan'yang paningin ay ang tila bakas ng pangungulila sa mga mata nito.
Tila siya nabuhusan ng malamig na tubig nang pagmasdang mabuti ang kabuuan ng histura ng babaeng hindi kalayuan mula sa kinatatayuan niya. Ang kulay pula nitong buhok na hanggang balikat, ang labi nitong kumikibot, ang cute nitong ilong at ang mga matang tuluyang iniwas na nito sa kan'ya. Naikuyom ni Zairus ang kan'yang kamao, nawalan ng emosyon ang kan'yang mga mata at ramdam niya rin ang pag-usbong ng galit sa kan'yang dibdib.
Why the hell did she look exactly like Lena?
Walang kapatid ang nobya niya. Ito na lamang at ang tita Rita nito ang magkatuwang sa buhay. Kaya bakit ngayon, ilang distanya lang ang layo sa kan'ya ay may babaeng kamukhang-kamukha ni Lena? And why the heck his heart beating so fast like he couldn't properly breath?
Unti-unti ay naglakad siya sa direksyon nito. Pigil niya ang sariling itayo ito mula sa pagkakaupo at malapitang pagmasdan. Iniwas niya ang mga mata rito at ibinaling ang kan'yang tingin sa lapida. Doon ay nakaukit ang pangalan ni Lena at ang petsa kung kailan na-involve ito sa plane crash.
Hindi niya na nagawang napigilan ang sariling tanungin kung sino ang babae. Nang muling iangat nito ang tingin sa kan'ya ay hindi niya maiwasang maipakita ang kalituhan. Hindi pa nakatutulong ang pamilyar nitong amoy - her strawberry scent. Kung nasa ibang pagkakataon lamang sila ay kanina pa niya ipinikit ang mga mata at sinamyo ang nakakadarang nitong amoy.
And when she told him her name, that was the first time he ever heard it, but it seems like he had know her for a long time. And her voice sounds familiar to his ears.
Nang iniwas niya ang tingin sa babae at ibinaling muli ang tingin sa lapida ni Lena at nalipat sa katabi nitong lapida ay nagawa niya ring itanong ang relasyon nito sa nobya niya. Maayos pa ang pakiramdam niya nang sabihin nitong kaibigan ito ni Lena. Pero bigla ay napagtanto niya rin na ilang beses na nga ba niyang pinilit ang nobya na ipakilala siya sa mga kaibigan nito na palagi nitong binabanggit sa kan'ya, ngunit ni isang beses ay hindi niya pa nakilala? And one more thing, is it coincidental that she has a friend who looks exactly like her?
He started to hate himself when he ask her one more time, making sure of her answer. Because it seems that he wanted to hear something from her. Pero nang wala na siyang narinig na sagot mula rito ay nagtanong siyang muli patungkol naman kay Arthur.
Nanigas ang kan'yang katawan nang sabihin nitong ex-fiancèe nito ang lalaki. As the second passed by, he became more and more confused. Why does he feel that way? Why he seem annoyed by what he heard?
He tried to burried inside his unexplainable feeling. And decided to leave her alone after putting down the flowers. Hindi na siya muling nangahas na tingnan ito. Pero ganoon na lang ang panginginig ng kamao niya nang makapasok sa sasakyan. May galit siyang nararamdaman kahit hindi pa siya sigurado sa kan'yang hinala.
Mula sa dashboard ng kan'yang sasakyan ay kinuha niya roon ang cellphone saka may tinawagan. Ilang ring lang ay sumagot na ito.
[What is it this time, my dear cousin? At saan ka nagpunta? Tinakasan mo ako pati na rin si Gin.]
"Don't act like as if you're my girlfriend, Khiel."
Tumawa ito. [Why you sounded so mad? May nangyari ba?]
Napatingin siya sa malaking gate ng sementeryo. Lumabas doon ang nagpakilala sa kan'ya bilang Louisse. Luminga-linga ito at nakita niyang para itong nakahinga ng maluwag. Nang kausapin ito ng guard ay hindi nakaiwas sa kan'yang paningin ang pagngiti nito. Marahas na napahugot ng hininga si Zairus at tuluyang iniwas ang tingin sa babae. Hindi niya gusto ang nararamdaman.
[Couz?]
"I want you to investigate someone. I know it's not coincidental that they are just friends."
[What do you mean?]
"I only knew her name. She's Lena's friend, Louisse."
Natahimik ang kabilang linya. Akala ni Zairus ay wala na ito nang bigla ay sumagot ang pinsan. [I'll update you later.] Then, he hung up the phone.
Nang muli siyang tumingin sa labas ay wala na ang babae. Nasapo na lang ni Zairus ang noo at napahugot muli ng buntong hininga.
Pagkauwi niya sa kan'yang penthouse ay bumungad sa kan'ya si Ezekhiel na prenteng nakaupo sa isa mga sofa sa living room. Umupo siya sa harapan nito. "Did you find anything?"
"Why do you want to know about her?"
Nagtagis ang kan'yang panga. Hindi niya maiaalis sa sarili ang naiisip na dahilan at maalala lang iyon ay labis siyang nagagalit. "I told you, she looks like Lena. And I don't believe that they are just friends."
"They are just only friends, Zai. Or is the reason why you want them to be connected is because you don't want to accept the fact that Lena were already gone?"
Iniwas niya ang tingin at kumuyom ang kamao. "I won't accept it."
"Then, what if she's really the woman you spend your one month with? What would you feel?"
Marahas na ibinaling niya ang tingin kay Ezekhiel. Hindi niya magawang mabasa kung anong iniisip nito. "At saan naman nanggaling ang tanong na 'yan?"
Nagkibit-balikat lamang ito. Imbes na sagutin siya ay binato siya nito muli ng katanungan. "Would you hurt her? Or you're the one who will be in pain?"
Nawalan ng emosyon ang kan'yang mga mata. "If either of those two, it's up to me to decide. But once I find out the truth, Khiel, I don't know what I'm capable to do."
Napatango ito. "No worries, she's just really a friend."
May inilapag itong brown envelope sa coffee table saka na tumayo.
"My wife is craving for something. I gotta go, I need to fill my duty as a husband."
Humakbang lang ito nang isang beses saka napahinto at muli siyang hinarap. "Oh. And one more thing, when will you back in Britannica? Are you planning to stay longer here in Manila?"
Nang tumango lang siya ay ipinagpatuloy na nito ang paglalakad at narinig na lang niya ang pagsara ng pinto.
Ilang minuto na rin ang lumipas mula nang umalis ang pinsan pero nakatitig lamang siya sa envelope na iniwan nito. Nagtatalo pa rin ang isip niya kung nais niya ba talaga iyong buksan. Sa huli ay napabuntong-hininga na lamang siya saka iyon kinuha at dinala sa kan'yang mini office. Doon ay inilapag niya iyon sa ibabaw ng table at may kinuha sa drawer.
It was the ring, cellphone and the crochet made by Lena. Then, the next thing he knew, a tear fell from his cheeks.
Why did she have the guts to leave him again?
He look at the ceiling, then he wipe his tears. Then, he open the envelope. It's the detailed information about her.
Louisse Anastacia Alejo.
Maraming impormasyon ang kalakip ng envelope pero iilan lamang sa mga iyon ang nakakuha ng kan'yang atensyon. She's also from Angel Eyes Orphanage. She was adopted when she was sixteen years old. But he's still bothered by the fact that she really look like Lena and there's inside him telling him to know her even more. Even though, all the information was already in front of him.
And while looking at the company information she's currently working, he already plotting an idea on his mind. Masasagot lamang ang mga katanungan sa kan'yang isipan at mapapanatag lamang ang kan'yang kalooban kapag nakaharap na niya itong muli. He will make sure that he will get the answer he wanted to hear.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro