CHAPTER 26
WALA ng stocks ng pagkain sa apartment ni Louisse. Kaya pagkalabas niya galing sa trabaho ay kaagad siyang dumiretso sa supermarket.
Pinipilit siya ni Tonyo na mag-leave muna sa trabaho dahil sa kan'yang kalagayan pero ilang beses niya lang itong tinanggihan. Hindi niya gustong mapag-initan ng mga ibang ka-trabaho lalo na't ilang linggo pa lang naman siya sa AlZero.
Matapos kumuha ng basket ay dumiretso si Louisse sa milk station. Kailangan niyang alagaan ang sarili dahil may bata na sa kan'yang sinapupunan. Hindi niya hahayaan na muling mangyari ang nakaraan. Ipinilig niya ang ulo at itinaboy iyon sa kan'yang isipan.
Nang akmang ilalagay niya na ang kinuhang gatas sa hawak na basket ay napahinto siya nang may yumakap sa kan'yang binti. Pagtingin niya ay isa iyong batang babae na naka-ponytail. Makikita sa mga mata ng bata na kaunti na lang ay iiyak na ito.
"Mommy," anito na ikinagulat ni Louisse.
Ilang sandali niyang pinagmasdan ang bata at sa hinuha niya ay parang may kamukha ito, lalo na ang mga mata nito. Tila siya tinamaan ng kidlat nang may maalala.
"Bata, anong pangalan mo?" kusang lumabas ang tanong na iyon sa kan'yang bibig.
"Bata? Mommy, ayaw mo na ba talaga sa akin? Bakit ganyan po ang tawag mo sa akin?"
Nataranta si Louisse nang magsimula na itong umiyak. Mabuti na lang at saktong nahulog sa basket ang nabitawan niyang hawak na gatas. Nang mapansing nakatingin na ang iilang tao sa kanilang gawi ay tuluyang ibinaba ni Louisse pati ang hawak na basket at inalo ang batang babae. Tila naging natural sa kan'ya nang buhatin ito. Hindi maipaliwanag ni Louisse kung bakit tila ang gaan ng loob niya rito.
Nasa ganoon silang sitwasyon nang marinig niya ang pamilyar na boses. "Nana."
"Daddy!"
Biglaan ang paglingon ni Louisse sa direksyon ng tinatawag ng bata. Ganoon na lang ang panlalaki ng kan'yang mga mata nang mapag-sino iyon.
"Kris?" Hindi makapaniwalang tawag niya sa lalaki.
Nakita niya kung paano na-tense ang katawan nito. Tila ito natuklaw ng isang ahas at hindi na magawang maigalaw ang katawan.
"L-louisse," nauutal nitong sambit at tila nabalisa.
Tuluyang bumaba ang bata sa pagkakakarga niya at lumapit ito sa lalaki. "Daddy, why mommy called me bata? Hindi niya na po ba ako love?"
Noon na nakumpirma ni Louisse ang hinala. Naikuyom niya ang kamao at seryoso na ang tinging ibinigay niya kay Kris. "We need to talk."
Napatango naman ito na parang nauunawan ang gusto niyang mapag-usapan. Pareho nilang hindi na natuloy ang binabalak na pag-go-grocery. Ang sasakyan ni Kris ang ginamit nila para mapuntahan ang bahay na tinutuluyan ng mga ito dahil naka-commute lang siyang nagpunta roon.
Huling kita niya sa lalaki ay noong burol pa ni Arthur. Kaya hindi niya sukat akalain na sa ibang lugar na ito nakatira, hindi na sa dating apartment nito.
Hindi na niya hinintay pang pagbuksan siya ng pinto ni Kris at kusa na siyang lumabas. Habang si Nana ay muling nangunyapit sa kan'ya. Tipid naman niya itong nginitian nang tumingala ito sa kan'ya. Nang dahil sa kan'yang pagngiti ay nakita ni Louisse na wala na ang lungkot sa mga mata nito.
Sabay-sabay silang tatlo na pumasok sa apartment. Maliit lamang iyon, sakto lang para sa dalawang tao. Nang pagmasdan ang kabuuan no'n ay natitiyak ni Louisse na mas malaki ang apartment niya kaysa kay Kris. Pagpasok sa loob ay living room kaagad ang bumungad sa kan'ya, ang isang pinto ay tiyak niyang ang kuwarto ng mga ito, habang kaunting hakbang lamang ay ang kusina na, na kanilang tinungo.
"Nana, play ka muna sa kuwarto."
"I don't want, daddy. Gusto ko pong kasama si mommy. Daddy, ang tagal po natin siyang hinintay na umuwi." Mababakas sa boses nito ang lungkot.
Hindi na nakatiis pa si Louisse na hawakan sa braso ang bata na naging dahilan nang paglingon nito sa kanya. "Nana, hindi ako aalis. Dito lang ako."
"Promise?" anito at itinaas pa ang pinky finger.
Ngumiti naman si Louisse at nakipag-pinky promise kay Nana. "Promise."
Malapad itong ngumiti at kusa na itong pumasok sa kuwarto. Habang si Louisse ay ibinaling na ang tingin kay Kris na hindi na magawang tumingin sa kan'ya.
"Ayokong pangunahan ka, Kris. Pero tama ba itong naiisip ko? A-anak niyo ba ni Lena si Nana?"
Narinig niyang humugot ito ng malalim na hininga, saka na siya tuluyang nilingon. Halo-halong emosyon ang nakikita niya sa mga mata nito. "Oo, Louisse. Anak namin si Nana."
Aware si Louisse na kahit hindi pa man sumasagot sa kan'ya si Kris ay alam na niya ang katotohanan. Pero ang marinig iyon mula sa bibig nito ay iba pa rin ang naging impact sa kan'ya.
"P-paanong nangyari iyon? K-kayo? P-pero hindi ba at nobyo niya si Zairus?"
Iniwas nito ang tingin sa kan'ya saka natulala. "Mas nauna kong nakilala si Lena, Louisse. Mas nauna akong mahalin siya."
Natahimik lamang siya.
"Nagkakilala kami sa Angel Eyes Orphanage at muling nagkrus ang landas naming dalawa sa bar na kan'yang pinapasukan."
Napasinghap siya. "You knew?"
Tumango ito. "Iyon ang dark side niya na ayaw niyang malaman ng iba."
Nakagat niya ang ibabang labi. Kahit na mismong sila ni Eya ay hindi nalaman ang bagay na iyon. Nagu-guilty siyang saka pa lang nila nalaman ang totoo kung kailan wala na ito.
"To make it short, we fell in love. Then, we found out that she was pregnant when they already dating. Gusto niyang ipalaglag ang anak namin dahil ayaw niyang malaman ng kan'yang tiyahin ang namamagitan sa aming dalawa. But I refuse. Itinuloy namin ang pagbubuntis niya but Rita is so cruel. Inilayo niya sa amin ng anak ko si Lena. Pinagbantaan niya ako na kung itutuloy pa namin ang relasyon namin ay hindi lang ang anak ko ang mawawala sa akin. I'll lose her, too."
Hindi na makahinga ng maayos si Louisse. How can that woman do this to them? And how can Rita manage to hurt her, her friends and even Zairus? Ano bang kasalanan nila rito?
"God knows how much it hurts me knowing that the woman I love is with another man. While, I'm still stuck with her. But all I can do is to pray for her safety and take care of our child," pagpapatuloy nito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro