CHAPTER 23
TULUYANG inihinto ni Ezekhiel ang sasakyan nang marating na nila ang apartment. Ito ang inutusan ni Zairus para ihatid siya kay Rita. Dahil si Gin ay kasama nitong lumipad patungong America. Kahit hindi niya sabihin ay alam niyang aware si Ezekhiel na nagsinungaling siya sa pinsan nito. Hindi pa man niya sinasabi ang address ng kan'yang apartment ay pati iyon ay tukoy na rin ng lalaki.
Hindi niya na hinintay pang pagbuksan siya nito ng pinto, kusa na siyang lumabas ng sasakyan at ganoon din ito. Dumiretso ito sa trunk ng kotse para kunin ang maleta niya at ang painting na kan'yang dinala. Habang siya ay tinungo na ang pinto ng kan'yang apartment at binuksan iyon. Naging malikot ang mga mata ni Ezekhiel nang makapasok ito sa maliit niyang apartment. Hindi na rin siya nakatiis na kunin ang maleta niya rito, pati na ang painting. Mabilis lang niyang inilagay iyon sa kuwarto.
"So, this is where you live?" bungad na tanong nito paglabas niya. Tumango naman siya.
"Don't forget to call me if ever you'll need my help. Aalis na ako."
Bago pa ito makahakbang ay bumukas ang pinto at iniluwa no'n si Eya. Kaagad kay Ezekhiel napunta ang tingin nito. Kitang-kita ni Louisse kung paano nanlaki ang mga mata ng kaibigan. Bumuka-sara ang bibig nito pero wala namang lumalabas na salita.
"You must be Zaneya?" dinig niyang tanong ng lalaki.
Tumango-tango naman ang kaibigan saka may excitement ang mga matang lumapit kay Ezekhiel. "I'm your fan," pahayag nito. "Can you give me an autograph?"
Nagawa pa talagang mag-fangirl ng kaibigan niya kaysa dumiretso sa kan'ya at paulanan siya ng mga katanungan. Napailing na lamang tuloy si Louisse.
"Louisse," tawag pansin sa kan'ya ng lalaki. "Don't forget," huling habilin nito saka na lumakad palabas.
Tulala pa rin si Eya habang nakatingin sa palad, kung saan doon ito binigyan ng autograph ni Ezekhiel. Habang siya ay nakiramdam muna hanggang sa marinig niyang palayo na ang sasakyan ay doon niya na tuluyang isinara ang pinto ng apartment.
"Bakit siya nandito, L.A.?"
Nang lumakad siya papasok sa kuwarto ay sumunod din ito. "Hinatid niya ako."
"Tapos?" tila nawawalan ng pasensiyang tanong nito. "Magkakilala kayo?"
"Pinsan siya ni Zai," rebelasyon niya.
Nakita niya namang nanlaki ang mga mata ng kaibigan, pati na rin ang butas ng ilong nito.
"Ano?" bulalas nito. "You must be kidding."
"Tulad natin ay orphan din si Zai. Galing din siya sa Angel Eyes Orphanage. Naging magpinsan sila dahil ang umampon kay Zai ay tito ni Ezekhiel."
Napatango-tango naman ito. "Alam ko 'yong part na orphan si Zairus."
Siya naman ang nanlaki ang mga mata. "Alam mo?" gulat niyang tanong.
Nagulat din ang kaibigan sa nasambit dahil nagawa pa nitong takpan ang bibig kahit huli naman na. Tila ito kriminal na umamin sa krimen na nagawa. Doon na nangunot ang kan'yang noo. "Kailan mo pa alam?"
"May ipinakita na sa akin si Lena na picture niya noon. Siya rin ang nagsabi sa akin na orphan si Zairus," anito. Bakas ang konsensiya sa mukha.
"And you didn't tell me that?"
"Sorry. I thought it's not important."
"It's important, Eya." frustrated niyang sagot. "Alam mo bang ako pala ang nagligtas sa kan'ya sa balon at hindi si Lena?"
"Pero hindi ba ang k'wento sa atin ni Lena ay nagkakilala sila dahil iniligtas niya si Zairus?" Naguguluhan nitong tanong.
"Kasalanan ko rin naman dahil hindi ko siya nagawang maalala."
Maya-maya lang ay napansin nito ang canvas na natatakpan ng puting tela, na inilagay niya lang sa gilid ng kan'yang kama. Bago pa niya ito mapigilan ay naalis na ni Eya ang nakatabing na telang iyon. Bumungad dito ang painting nila ni Zairus. Naguguluhan naman itong napalingon sa kanya. "Bakit mayroon ka nito?"
"I just want to keep it," honest niyang sagot.
"Pero bakit?"
Hindi niya naman magawang sagutin ang tanong ng kaibigan. Dahil kahit siya ay naguguluhan na sa kan'yang mga desisyon. May dahilan na pilit pumapasok sa kan'yang isipan pero hindi niya magawang aminin sa sarili.
Nang mapansin nitong walang makukuhang sagot mula sa kan'ya ay muli nitong ibinalik ang tela sa pagkakatakip sa painting, saka muling umupo sa kan'yang tabi. "Huwag mong mamasamain ang tanong ko, L.A. Pero may nangyari ba sa mansyon? I mean..." tila hirap na hirap itong isatinig ang katanungan. "Si Zairus..." paputol-putol nitong sabi.
"May nangyari sa amin ni Zairus," siya na ang nagkusang sabihin ang totoo. "We did it twice."
Bumaka-sara naman ang bibig nito, hindi makapaniwala sa narinig. "Oh God. You did?" mahinang usal ni Eya. "B-but why? Why did you sleep with Lena's boyfriend?"
Tila gustong matunaw ni Louisse nang sandaling iyon. Kung maaari nga lang ay nagpalamon na siya sa lupa sa sobrang kahihiyan na nararamdaman. Lalo na nang marinig ang pangalan ng yumaong kaibigan. Kahit na wala na ito ay hindi niya maiaalis ang katotohanang ito ang totoong nagmamay-ari kay Zairus.
"Malinaw ang sinabi sa'yo ni Rita na ididistansya mo ang sarili mo kay Zairus. That's why I can't imagine how you two end up doing it!"
Aware si Louisse na pinipigilan lang ni Eya na hindi tumaas ang boses nito. Hindi lamang dahil sa pangako nilang magkakaibigan, kung hindi dahil pare-pareho silang galing ng ampunan at mga madre pa ang nagpalaki sa kanila. Para sa iba ay malaking kasalanan ang nagawa niya.
"I tried to distance myself from him, Eya. Pero sa tuwing malapit siya sa akin ay nakakalimutan kong nagpapanggap lang ako. Habang tumatagal ay tila ginugusto ko nang makilala siya. Alam kong walang ibang dapat sisihin kung hindi ako, Eya. Naging marupok ako. Hinayaan ko na may mangyari sa amin kahit na alam kong nagpapanggap lang naman ako. Kasi sa kan'ya ko nahanap 'yong comfort no'ng panahong ayokong alalahanin ang nangyari sa amin ni Arthur. But my reason will not justify what I did. It's not valid."
Sunod-sunod na tumulo ang masagana niyang mga luha, hanggang sa tuluyan na siyang napahagulgol.
"Umamin ka nga sa akin, Louisse. Mahal mo na ba si Zairus?"
Naipikit niya ang mga mata. Iyon ang tanong na pilit niyang iniiwasan, kahit alam naman niya ang kasagutan. Muli niyang iminulat ang mga mata. "Oo, Eya. M-mahal ko na siya. Mahal na m-mahal."
"T-Then do you..." Huminga ito ng malalim, sandaling ipinikit ang mga mata at muli iyong iminulat. "Do you regret what happened?" seryoso nitong tanong.
Yumugyog na ang kan'yang balikat sa sobrang pag-iyak. Nahaplos niya ang kan'yang pisngi gamit ang kan'yang palad. "Kamuhian man ako ng iba pero hindi ko pinagsisihan iyon, Eya. Yes, I felt guilty. But that's it. I never think of regretting it."
"Masasabi mo pa kaya 'yan kapag nalaman mo ang ginawa ni Rita?"
Tila huminto ang kan'yang luha at napatitig siya sa bakas ng mukha ni Eya. Halo-halong emosyon ang nakikita niya sa mga mata nito. Galit, awa, sakit at iba pang mga emosyon. Bigla ay naalala niya ang sinabi nito nang makausap niya ito. "Ang ibig mo bang sabihin ay ang itinawag mo sa akin?"
Tumango ito at saka umiling. "It's just a little piece of the story, L.A. Get dress and I'll bring you to someone."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro