Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 23.1

KAHARAP nila ni Eya ang isang lalaking nakaposas ang mga kamay. Hindi nito magawang tumingin sa kan'ya ng diretso. Hanggang sa naalala niyang ito ang lalaking ipinakilala sa kan'ya ni Arthur na bagong kaibigan nito.

"That's you!" bulalas niya. "Hindi ba ay ipinakilala ka na sa akin ni Arthur noon? He said you're his new friend." Hindi niya napigilang ipakita sa lalaki ang kan'yang pagtataka. "Pero bakit ka nandito? Bakit ka nakaposas?"

Saglit lang itong tumingin kay Eya at tuluyan na siyang tinitigan, diretso sa kan'yang mga mata. "I'm not just his friend."

"What do you mean?" naguguluhan niya pa ring tanong.

"Louisse, I'm his lover."

Nanigas ang kan'yang katawan. Para siyang sumali sa ice bucket challenge at binuhusan siya ng maraming yelo sa katawan. "T-that's... not true," hindi makapaniwalang kan'yang sambit.

"Si Rita ang dahilan kung bakit kami nagkakilala ni Arthur. Noong mga panahong iyon ay desperado na akong magkaroon ng malaking pera para sa operasyon ng anak ko, Louisse. Hindi mahirap makuha ang loob ni Arthur dahil likas siyang mabait. Pero hindi ko pa rin magawang makuha ng buong-buo ang tiwala niya. Binibigyan naman ako ng pera ni Rita pero hindi iyon sapat para makaipon ako ng sampung milyon."

Iniangat niya ang kamay, senyales para huminto ito sa pagsasalita. Hindi niya magawang ma-proseso ang sinambit ng lalaki.

He's Arthur's lover? And Rita planned everything? Iyon ang mga katanungang tumatakbo sa kan'yang isipan.

Ni hindi man lang siya nito binigyan kahit kaunting sandali para iproseso ang kan'yang mga nalaman, dahil muli itong nagsalita.

"Kinain ako ng pagiging desperado kaya naging sunod-sunuran ako sa mga ipinag-uutos ni Rita. Ako ang dahilan kung bakit nawalan ng brake ang sasakyan ni Arthur. Hindi totoong nag-aagawan sila ng manibela ni Lena kaya sila na-aksidente. Ang mga pulis na nag-imbestiga noon ay kasangkot din ni Rita, Louisse. Ipinangako sa akin ni Rita na mapupunta sa akin ang kayamanan ni Arthur. But it turns out na bago pa mangyari ang aksidente ay may testamento nang ginawa si Arthur. Lahat ng pagmamay-ari niya ay nakapangalan sa'yo."

Kahit nakaupo si Louisse ay tila nawalan ng balanse ang kan'yang katawan. Nanginginig ang buo niyang kalamnan at ramdam niya ang panghihina ng kan'yang tuhod. Bago pa niya mapag-isipan ang gagawin ay natagpuan na niya ang sarili na nakatayo at sinampal ito nang malakas. Pumihit ang ulo nito at napapikit.

"Louisse!" malakas na pagtawag ni Eya. Tumayo na ito at hinawakan siya sa braso. Pilit siyang pinapakalma.

"P-paano mo nasikmurang gawin iyon kay Arthur at kay Lena? Sa bibig mo na rin nanggaling na likas na mabait si Arthur. Kaya paano? Paano mo nagawa sa kan'ya ang bagay na 'to? How could you kill my boyfriend and my bestfriend?"

Tumaas-baba ang kan'yang dibdib nang dahil sa galit na kan'yang nararamdaman. Sunod-sunod na ring pumatak ang kan'yang mga luha na naging sanhi para manlabo ang kan'yang mga mata. Pero kahit na gano'n ay naging malinaw pa rin sa kan'yang paningin ang pagluhod nito sa kan'yang harapan.

"Alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko, Louisse. Kaya nang sabihin sa akin ng asawa ko na sumuko na ako, walang pagdadalawang-isip kong ginawa. Inaamin ko na natakot ako noong una kaya ako nagtago. Binantaan din ni Rita ang buhay ko at ng pamilya ko. Pero paano pa nga ba ako matatakot kung iniwan na ako ng mag-ina ko? Louisse, alam kong hindi maiibsan ang sakit na nararamdaman niyo sa pagluhod ko lang. Kaya handa akong maging witness against Rita. Sasabihin ko ang lahat ng mga nalalaman ko."

Umiling-iling lamang siya saka na lumakad paalis. Kahit na rinig pa niya ang pagsusumamo sa pagtawag nito sa kan'yang pangalan ay hindi na niya nagawa pang lumingon. Hindi pa man siya totally nakaka-recover nang dalhin siya ni Eya sa hepe ng mga pulis. Doon ipinakita sa kan'ya ang dashcam na na-recover ng mga ito sa sasakyan ni Arthur. Mas lalo lamang niyang naramdaman ang bigat sa dibdib nang marinig niyang nakikiusap si Lena na siputin siya ni Arthur sa kasal nilang dalawa. Kahit maayos lang nitong sabihin ang totoong rason.

Mula sa camera ay nakita niya na pumayag si Arthur. Balak na sana nitong mag-U turn ngunit hindi gumana ang brake, dahilan ng pagkataranta ng mga ito. Nakita pa niya ang panlalaki ng mga mata ng dalawa bago nila narinig ang tunog ng pagsalpok ng sasakyan kung saan lulan ang mga ito. Bago pa sumabog ang sasakyan ay nakita pa niyang pinilit ni Lena ang sariling magsulat. Iyon ang sulat na nakuha niya sa hospital. Natigil na roon ang nakunan ng camera.

Nanghihinang naisandal ni Louisse ang sarili sa monoblock chair. Parehong hilam na ng luha ang mga pisngi nila ni Eya. Nang medyo kumalma na siya ay doon pa lang ito nagsalita.

"Nang gusto ng kumalas ni Lena ay hindi pumayag si Rita, Louisse. Siya ang talagang nagplano ng lahat. Umabot pa ng ilang linggo bago sumuko sa pulis si Hubert kaya huli na para mahuli pa si Rita dahil nakaluwas na siya ng bansa. Louisse, napag-alaman din namin na ikaw ang sunod na gagawing kasangkapan ni Rita. Masyado ng nasisilaw iyon sa pera. Lalo na at mayaman ang pamilya ni Zairus. Hindi rin imposible na isa sa mga plano niya ay ang makasal kayo para mahawakan ka niya sa leeg."

Naipikit niya ang mga mata. Wala ng luha pa ang gustong tumulo mula roon, pero ang sakit na nararamdaman niya ay lalo lamang nadagdagan sa bawat katotohanang nalalaman niya.

"Eya, I want to go home."

Tumango ito saka siya inalalayang makatayo. Sa buong biyahe nila pabalik sa kan'yang apartment ay tahimik lang siya. Wala rin siya sa sarili nang buksan niya ang pinto ng kan'yang apartment at dumiretso sa banyo. Doon ay nagkulong siya. Binuksan niya ang gripo at hinayaang tumulo ang malakas na daloy ng tubig no'n. Nang makita ang isang gunting sa lababo ay kinuha niya iyon. Humarap sa salamin at walang pagdadalawang-isip na ginupit ang buhok.

Ang buong akala niya ay ubos na ang kan'yang mga luha pero sunod-sunod pa rin iyong nagsipagpatakan sa kan'yang pisngi. Hanggang sa marinig niya ang pagbukas ng pinto. Noon niya narinig pati ang pagsinghap ni Eya. Mabilis siya nitong nilapitan at kinuha sa kan'ya ang gunting. Mahigpit din siya nitong niyakap at inalo.

"Hinayaan kong gamitin ako ni Rita, Eya. Kapag nalaman ni Zairus ang totoo ay tiyak akong masasaktan siya."

Hinayaan niya lang ang sariling umiyak sa bisig nito. Tinapik-tapik naman ni Eya ang kan'yang balikat. "Wala kang kasalanan, L.A. Si Rita ang dapat sisihin sa lahat. Pasasaan ba at mahuhuli rin siya."

Walang ibang taong tumatakbo sa isip niya ng mga oras na iyon kung hindi si Zairus. Hanggang sa isang plano ang nabuo sa kan'yang isipan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro