CHAPTER 18
TILA may naramdamang kahungkagan si Louisse nang imulat niya ang mga mata ay wala na sa kan'yang tabi si Zairus. Nang sipatin niya ang sarili ay suot na niyang muli ang lingerie. Sa pakiramdam niya rin ay bago na ang suot niyang panties sa kan'yang ibaba. Nang sumagi sa kan'yang isipan na si Zairus ang nagbihis sa kan'ya kagabi ay tila may kamay nanamang humaplos sa kan'yang puso. Nawala ang dismayang kanina lang ay kan'yang naramdaman.
Tumayo na siya, kinuha ang bathrobe at isinuot iyon saka niya inayos ang kama nilang dalawa. Nang matapos ay ang pagbukas naman ng kurtina ang kan'yang pinagkaabalahan. Kumalat ang liwanag no'n sa kabuuan ng kuwarto, habang napapikit naman siya nang masilaw ng liwanag ng araw. She did the morning exercise. After that, she took a shower.
Simpleng polo dress lamang ang suot niya nang tuluyang bumaba sa ikalawang palapag ng mansyon. Gano'n na lang ang pagguhit ng ngiti sa kan'yang labi nang nasa bungad pa lamang siya ng kusina ay nakita niya na si Zairus na abala sa ginagawa nito. May kung anong hinahalo ito sa hawak na mangkok na sa tingin niya ay mukhang itlog.
Tila naramdaman nito ang kan'yang presensiya. Dahil bahagya itong lumingon, ipinikit ang mga mata at tila may sinamyo. Muli nitong iminulat ang mga mata at ngumiti. "Lena?" pagkumpirma nito.
Napagtanto ni Louisse na ang strawberry shampoo na kan'yang gamit ang sinasamyo nito kanina. "Yes, it's me."
Lumakad na siya at pumunta sa likurang bahagi nito. Ipinulupot niya ang kan'yang dalawang kamay sa beywang ni Zairus. Noon niya lang napagtanto na maliit pala siya para sa height nito. Hindi pa ito naka-diretso ng tayo pero matangkad pa rin ito sa kan'ya.
"What are you doing? Wala kang pasok ngayon?" She asked.
"Si Manang ang nagsabi sa akin na haluin na lang itong itlog. Dahil ito raw ang madaling gawin," anito. Napahanga naman siya nang maayos ang ginagawa nito, walang tapon. "And I took another leave. Ibinilin ko na kay Gin ang mga importanteng taong dapat niyang asikasuhin. Habang ako ay kailangan ko munang asikasuhin ang mapapangasawa ko."
Tila siya batang paslit na kinilig dahil sa ipinahayag nito. Nasa gano'n silang posisyon nang pumasok si Manang Pasing, suot nito ang apron na kapareho ng kay Zairus.
"Mukhang parehong maganda ang gising niyong dalawa," komento ng matanda.
Nang maalala ang nangyari kagabi ay biglang naisandal ni Louisse ang kaliwang pisngi sa likuran ni Zairus. Mukhang aware naman ito sa tumatakbo sa kan'yang isipan. Lalo na't ramdam niya ang paggalaw ng balikat nito, waring pinipigilan ang sarili na matawa.
"Bully ka," bulong niya, sapat lamang para ito ang makarinig.
"I didn't do anything, wife." depensa nito sa sarili.
Tuluyan na siyang kumalas sa pagkakayakap sa lalaki. "May maitutulong po ba ako, Manang?"
Tumango naman ito. "Ikaw naman ang nakatoka sa paghuhugas ng mga gulay," bilin nito.
Tinungo niya ang lababo at ginawa ang habilin nito sa kan'ya. "Nasaan nga po pala si Lineth?"
"Maaga siyang pumunta sa kabila. Sakto kasing dumating ang kaibigan niya kaya nakiusap siya kay Mr. Montell kung maaaring sa hotel muna siya i-assign," sagot ng matanda sa kan'ya.
Wala na ang pormal sa boses ni Manang Pasing. Bagay na nagustuhan ni Louisse. Dahil senyales iyon na hindi na naiilang at wala ng nakatanim na sama ng loob sa kan'ya ang matanda. O tamang sabihin niyang kay Lena?
Nagtulungan silang dalawa ni Manang Pasing sa paghahanda ng umagahan. Gusto pa sanang tumulong ni Zairus ngunit siya na ang pumigil dito sabay sabing, "I'm in charge," paggaya niya sa binigkas nito nang sila ay nagtatalik na dalawa.
Nang matapos makapagluto ay dumulog na silang dalawa ni Zairus sa hapag. Hindi na niya napilit pa si Manang Pasing na sumabay sa kanila, dahil tapos na raw itong mag-umagahan. Balik nanaman ang matanda sa pag-asikaso sa kanilang dalawa.
"Lena," tawag-pansin sa kan'ya ni Zairus.
Ibinaba niya muna ang hawak na kutsara't tinidor, bago ibinigay dito ang buong atensiyon. Pati ito ay tumigil na sa pagkain.
"Darating mamaya sa hotel ang parents ko. They want to see you."
Tila tinamaan ng kidlat si Louisse. Nanigas ang kan'yang katawan at para siyang namanhid. Ramdam niya rin ang pagbilis ng tibok ng kan'yang puso.
Bakit ba kung kailan nagiging maayos na ang lahat ay saka naman may dumarating na problema sa kan'ya? Oo at problema iyon dahil baka ang parents na ni Zairus ang makabuko sa pagpapanggap niya.
"This is the first time that they will meet you." Tila iyon ang hinihintay na kasagutan ni Louisse para muli siyang makahinga ng maluwag.
"S-sa tingin mo ba ay magugustuhan nila ako?"
Nang ngumiti ito ay tila bumaba ang mga anghel sa kalangitan. Kalabisan man na iyon ang isipin ni Louisse ngunit ganoon ang kan'yang nararamdaman. Ilang beses naman na niya itong napangiti ngunit tila may kakaiba sa ngiting ibinibigay nito sa kan'ya nang mga oras na iyon.
"They will not just like you. They will surely love you, the way I do, wife."
Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya sa sinabi nito. Muli na nilang pinagpatuloy ang pagkain at naging magana siya, dala sa isipan na siya ang makakaharap ng mga magulang ni Zairus.
"YOU CAN DO this, Louisse," pagkausap niya sa sarili habang nakatitig sa kan'yang repleksyon sa salamin.
All she need to do is to act like Lena - sophisticated and elegant. Napag-aralan na rin naman niya mula kay Rita ang mga make-up and style ni Lena sa tuwing dumadalo ito sa mga formal events, na mukhang na-apply naman niya sa mga oras na iyon.
Her hair is in updo hairstyle. While she apply a formal make-up but a natural look. She's wearing a white plain half sleeve midi dress that perfectly fits for her body curve.
Habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin ay napahanga si Louisse dahil mukha na siyang si Manuella Ortigaz sa kan'yang paningin. Nasa ganoon siyang tagpo nang marinig ang boses ni Zairus. "Are you done?"
Napakurap siya at nilingon ito. Nakasandal ang lalaki sa gilid ng pintuan. "Kanina ka pa ba nandyan?" Kinakabahang tanong niya rito. Natatakot siyang baka narinig nito ang pagkausap niya sa sarili at pagbigkas niya sa totoong pangalan.
"Kararating ko lang. I just checked my parents on their hotel room."
Noon siya nakahinga ng maluwag, saka niya napansin ang suot ng lalaki. Tila kakapusin ng hininga si Louisse nang mapagmasdan itong mabuti. He looks dashing in his blue suit and white polo. Na-emphasize ang ganda ng katawan nito dahil sa suot. It's as if he's born to wear a suit. Nakadagdag pa ang tindig nito nang umaayos ito ng pagkakatayo at inilagay ang magkabilang kamay sa suot na terno nitong slacks. He styled his hair slicked back and she was sure he had done it with the gel and combed it over well. It looks really great for his oval shape face.
"Where were you?" tanong ni Zairus.
Ipinilig ni Louisse ang ulo at mabilis siyang naglakad sa gawi ng lalaki. Umangat ang kan'yang kamay at humawak sa isang braso ni Zairus habang hinawakan niya naman ang isang kamay nito saka bahagya niya iyong pinisil. "I'm here."
Ginawa na naman nito ang palaging pagsamyo sa kan'ya. He really loves smelling her scent. "Let's go?" aniya.
"Wait. Can you turn around?"
Pinamulahan naman siya ng pisngi. "Zai, paalis na tayo. Ano ka ba?"
Mas lalo lang nangamatis ang pisngi niya nang tumawa si Zairus. Nahiling na lang tuloy ni Louisse na sana ay kainin na lang siya ng lupa sa sobrang pagkapahiya, nang marinig ang lumabas sa bibig ng lalaki. "What are you thinking, wife? I'll just want to put you this necklace."
May pilya ang ngiting ibinibigay nito sa kan'ya. Itinaas-baba pa ni Zairus ang kilay at ipinakita sa kan'ya ang kinuha nitong maliit na box mula sa bulsa ng suot nitong slacks. Dahil sa pagkapahiya ay tinanggal na niya ang kamay sa braso ni Zairus. Habang kumalas na siya sa magkahawak nilang mga kamay at mabilis na tumalikod, sapo ang kan'yang pisngi.
Maya-maya pa ay naramdaman niya ang paghaplos nito sa kan'yang likuran na nakapagpasinghap sa kan'ya. Kahit hindi siya direktang hinahaplos ni Zairus sa kan'yang balat ay kakaiba pa rin ang init na hatid ng palad nito. Hanggang sa natagpuan nito ang kan'yang batok, ipinaikot ang kwintas at tuluyan iyon isinuot sa kan'ya. She unconciously touch the pendant of that necklace. Pakiramdam niya ay lock ang design no'n.
Zairus was towering her when he turned her around. Ang chest part nito ang bumungad sa kan'ya. Hanggang sa bumaba ang tingin niya sa dalawang butones na hinayaan lamang nitong bukas. Noon niya nakitang may suot din itong kwintas. Itinaas niya ang kamay at inilabas iyon mula sa loob ng suot nito. Napangiti siya nang makitang puso iyon na may butas sa gitna, na sa tingin niya ay para sa susing pendant na siya niyang suot.
Nang mapansin niyang hindi maayos ang pagkakasuot nito ng necktie, muli niyang isinilid sa loob ng suot nitong polo ang k'wintas at ang necktie naman nito ang pinagtuunan niya ng pansin. Nang maiayos iyon ay wala sa sariling bumaba ang kan'yang tingin. Gano'n na lang ang kan'yang pagkagulat nang makitang may tent sa pagitan ng hita nito.
"You're hard!" manghang pahayag niya.
"Ikaw kasi! You're such a tease," anito. "And one more thing, naging ganito na ako simula nang tumapak kang muli sa islang 'to."
Does it mean he doesn't feel it towards Lena? Maghunos dili ka, Louisse. That's impossible. They have been together for almost three years.
"I think it's time to go," ang tangi niya lamang naiusal. Sa paraang iyon ay baka sakaling makalimutan niya ang mga tumatakbo sa kan'yang isipan.
ELEGANTE ang postura ni Mrs. Montell. Habang intimidating naman ang aura ng asawa nito. Kita na ang katandaan sa bakas ng hitsura ni Mr. Robert Montell, maputi na ang buhok nito ngunit bakas pa rin ang tikas at kagwapuhan. Kung pagmamasdang mabuti ay tila ito ang old version ni Ezekhiel Montero. Si Grazilda Montell naman ay maganda pa rin sa edad nito pero kapansin-pansing may wrinkles na sa mukha.
Tumayo ang mag-asawa nang tuluyan na silang makalapit sa table ng mga ito. Sinalubong siya ng halik sa pisngi ni Mrs. Montell na ikinagulat niya. Habang tinanguan lamang siya ng asawa nito at inalalayan na ang matandang babae sa muling pag-upo.
Pinanghila naman siya ni Zairus ng silya. Mabilisan lamang niyang pinisil ang kamay nito at tuluyan na siyang naupo. Hindi niya napigilan ang sariling ilibot ang tingin. Sila lamang ang nasa loob at walang nangahas na kumain doon.
Tila naman nabasa ni Mrs. Grazilda ang iniisip niya. "We reserve this restaurant for us. Ayoko namang sa buong durasyon ay suot ng anak ko ang shades niya. It's better if I can keep looking at his face."
Napatango na lamang siya sa paliwanag nito. Kaya pala kanina ay hindi na nag-abala pang suutin iyon ni Zairus. Alam na nitong ang parents at sila lang ang magiging guest ng restaurant.
"Don't be awkward to us, hija." Friendly ang tunog ng boses ni Mrs. Grazilda na nakatulong kay Louisse para kumalma. "Nang ipaalam sa amin ng anak ko na narito ka sa Britannica ay gusto ko na talagang lumipad ng Australia papunta rito. I want to finally meet you. Masyado ka raw kasing busy sa career mo kaya hindi mo mapaunlakan ang imbitasyon namin noon. But seeing you two walking towards us earlier, I can't help myself but to think, when will your wedding? Do you two have plans already? How about giving us grandchildrens?"
"Grazilda!" saway dito ng asawa. "You're telling her not to be awkward, but you keep talking that will make her feel that."
"Oh," anito na tila napagtanto ang ginagawa. "I'm so sorry, hija. I just got excited. Alam mo namang thirty-one years old na ang anak ko, hindi ba?"
Napatango naman siya. Masaya siyang malaman na totoong anak talaga ang turing ng mag-asawa kay Zairus. He finally found a family who will treasure him.
"Matagal ko nang sinasabi sa kan'ya na mag-settle na siya. Especially that he doesn't getting any younger. Baka niyan ay wala ng willing magpakasal sa kan'ya," pagbibiro pa ni Mrs. Grazilda.
"Mom, that's not true. " Sa wakas ay nagsalita na ang taong pinag-uusapan nila. "Lena is willing to marry me. Hindi ko naman nakikita ang sarili kong magpo-propose sa ibang babae. Kaya willing akong hintayin siya," anito.
May kung anong tumarak na patalim sa puso ni Louisse. Sa sandaling iyon ay napagtanto niyang imposible talagang mapalitan niya si Lena sa puso ng lalaki. Bigla ay naipilig niya ang ulo. What are you thinking, Louisse? Get a grip of yourself!
"Hindi sa minamadali ko kayo, Zairus." Si Robert na ang nagsalita. "Pero gusto kong mag-asawa ka na. Masarap sa pakiramdam na may inuuwiang asawa. Nakakatanggal ng pagod kapag nadatnan mo siyang naghihintay mula sa pag-uwi mo. Lalo na't alam mo sa sarili mo na wala na siyang kawala sa'yo, kasi kasal na kayo." He joke, then look at his wife. Dahil doon ay nawala ang pagka-intimidating ng matandang lalaki.
"Plano naman na naming magpakasal, dad. Binibigyan lamang namin ng isang buwan ang isa't isa. Handa na rin ang donor ko. Once na bumalik na ang paningin ko, kasal na kaagad namin ang siyang pagkakaabalahan ko."
Napalunok si Louisse. Hindi na niya napigilang inumin ang sariling tubig. Tila siya natuyuan ng laway dahil sa narinig. Mahihimigan ang saya sa boses ni Zairus. Planado na nito ang buhay kasama si Lena. Kaya nang dahil doon ay naramdaman nanaman niya ang guilt sa kan'yang puso.
"Ikaw ang dahilan kung bakit nawala sa kan'ya si Lena. Don't forget that Louisse," sulsol niya sa isipan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro