CHAPTER 17
ILANG oras na rin ang lumipas buhat nang bumalik sila sa kuwarto ni Zairus. Ni hindi na niya nagawang maubos, ni makalahati man lang ang ice cream na siyang totoong pakay niya kaya siya bumaba kanina.
Nangamatis ang pisngi niya nang maalala ang nangyari sa pagitan nila ni Zairus sa kusina. Nawala nanaman siya sa sarili at nagpadarang sa apoy. Hindi na niya talaga nakikilala ang sarili kapag nararamdaman na niya ang haplos ni Zairus sa kan'yang katawan. Halik pa lang nito ay binabaliw na siya.
Ang bagay lang na ipinagpapasalamat niya sa nangyari kanina ay nagawa nitong alisin ang masama niyang panaginip. Mas naging effective pa iyon kaysa sa ice cream na ilang taon na rin niyang ginagawang paraan para makalimutan ang nakaraan.
Mabuti na rin at naisipan niyang maghilamos at magpalit ng underwear matapos nang ginawa nila kanina. Dahil kung hindi ay baka hanggang sa mga oras na iyon ay ramdam niya pa rin ang naging epekto ng daliri ni Zairus sa maselang bahagi ng kan'yang katawan.
Ngunit mukha talagang malaki ang naging impact sa kan'ya nang nangyari sa kanila dahil kanina niya pa sinusubukan matulog, pero sa tuwing ipipikit niya ang mga mata ay ang senaryo nilang dalawa ang kanyang nakikita - nakatuwad siya habang nasa likurang bahagi niya si Zairus.
May nagbago nga lang sa tumatakbo sa isipan niya, at iyon ay ang biglang pagsagi sa isip niya na si Zairus ay umuulos na sa kan'yang pagkababae, ramdam na ramdam niya ang katigasan nito habang wala siyang magawa kung hindi ang mapaungol na lang.
Nang dahil sa muling pagsagi ng senaryong iyon sa isipan, kaya naramdaman ni Louisse ang pagtigas ng tuktok ng kan'yang dibdib. Idagdag pa na nagsisimula nang mag-init ang kan'yang katawan dahil lang sa simpleng pagsagi no'n sa suot niyang lingerie. Akma na sana siyang tatagilid ng higa nang maramdaman niya ang paggalaw ni Zairus.
"What's happening to you, wife? Bakit ang likot mong matulog ngayon?"
Napaigtad si Louisse sa sobrang pagkagulat. Ang buong akala niya ay aayos lamang ito ng higa. Hindi niya naman akalain na nagising niya na pala niya ang lalaki.
"H-hindi kasi ako makatulog."
Sa mga oras na iyon ay naging malakas ang pakiramdam ni Louisse. Dahil ultimo ang paggalaw ni Zairus ay naging malinaw sa kan'yang pandinig. Tuluyang lumapat ang likod niya sa dibdib nito nang yakapin siya ng lalaki. Naramdaman niya pati ang mabining paghaplos nito sa kan'yang buhok. Kahit papaano ay kumalma ang katawan niya pero ang init na nararamdaman ay nandoon pa rin.
"Wife?"
She just hummed in response.
Mas lalo lamang siya nitong hinila palapit sa katawan nito na kahit kaunting espasyo ay wala na sila. Sa lagay ay mahihiyang dumaan ang hangin sa pagitan nilang dalawa. Hanggang sa maramdaman niya ang paghawak nito sa kan'yang kamay. He tightly entertwined their fingers, as if his life depends on it.
"Naaalala mo pa ba ang unang beses na nagkakilala tayo sa Angel Eyes Orphanage?"
Nang dahil sa narinig ay nanlaki ang mga mata ni Louisse. Tama nga ang hinala niya, galing din sa kapareho nilang orphanage si Zairus. But how can't she remember him? Masyado ba siyang focus noon kila Sister Cecilia, sa mga kaibigan, pati na rin kay Arthur kaya hindi niya magawang maalala ang existence nito?
Nabalik lang siya sa reyalidad nang kumalas si Zairus sa pagkakayakap sa kan'ya. Napaupo siya sa kama nang tumayo ito at tila may hinahagilap sa isa sa mga drawer sa bedside table. Binuksan nito ang lampshade at inabot sa kan'ya ang isang libro. Gano'n na lang ang pagbilis ng tibok ng puso niya nang mamukhaan iyon. Nandoon pa rin sa gilid ng libro ang initials niyang letrang 'L.'
It was a disney book about Belle entitled 'Beauty and the Beast.' Si Belle ang paboritong disney princess ni Louisse at iyon ang librong iniregalo sa kan'ya ni Sister Cecilia noong ika-syam niyang kaarawan. Iniingatan niya iyon noong bata pa siya at noon niya lang naalala na matagal na pala iyong nawawala. Hanggang sa isang senaryo ang naalala niya mula sa nakaraan. She was just twelve years old that time.
***
PIGIL NG labing-dalawang taong gulang na si Louisse ang pag-iyak. Kasalukuyan siyang nasa ibaba ng balon, sugatan ang mga tuhod, braso, pati na rin ang kan'yang kamay dulot nang pagkahulog. Pero gano'n na lang ang pagtigil niya sa pag-iyak nang marinig ang tinig ng isang binata.
"Itigil mo na ang kaiiyak. Hindi ka naman niyan matutulungan na makaalis dito," ani ng boses na kan'yang narinig. Malalim ang boses nito, bakas ang pagiging ganap na binata.
Kahit papaano ay naibsan ang takot na nararamdaman ng dalagita dahil napag-alaman niyang hindi siya nag-iisa sa balon.
"Hinulog ka rin ba nila rito?" Hindi na nakatiis si Louisse na magtanong.
"Gano'n ka rin," ang tangi lamang sagot nito.
Hindi nila magawang maaninag ang hitsura ng bawat isa dahil sa sobrang dilim ng balon. Nagpapasalamat na nga lang si Louisse na roon siya hinulog ng magkaibigang sila Keisha at Kenney. Dahil kung sa balon na may tubig ay tiyak na lunod na siya.
"Dapat ay may mag-aampon na sa akin," pagkikwento niya. "Hinulog nila ako rito dahil sa inggit. Gusto nilang sila ang magkaroon ng magulang. Ang gusto ko lang naman ay may mag-ampon sa akin para mahanap ko na ang taong importante sa buhay ko," pagtukoy niya kay Arthur.
"Same as with me. May pamilya na ring gustong umampon sa akin. But I'm not interested."
Rinig niya ang lamig sa boses nito.
"Pero bawat bata sa orphanage ay pangarap na magkaroon muli ng pamilya. Kaya bakit hindi ka interesado?"
Aware si Louisse na ayaw nitong makipag-usap sa kan'ya, pero hindi na niya magawang pigilan ang sarili. Umiiral nanaman ang pagigi niyang madaldal.
"Why would I, if my real parents abandoned me? How could I make a new family if it still clear in my mind how they left me?"
Natahimik si Louisse. Pero maya-maya rin ay nahanap niya na rin ang boses para magsalita. "They said that everything happens for a reason. May mga nagagawang mag-stay at may mga nang-iiwan. Pero ang sabi sa amin ni Sister Cecelia, kahit na iniwan kami ng mga magulang namin ay alam nila na sa puso ng mga parents namin ay mahal nila kami. Kasi kung hindi iyon ang nararamdaman nila, maaaring sa tiyan pa lang ay ipinalaglag na nila kami. Madali lang din sa kanila na iligaw ang mga anak nila at hayaan na lang mabuhay sa kalsada. But instead, they left us here in Angel Eyes Orphanage. Somehow, we can still be thankful because of that."
Namayani ang ilang minutong katahimikan bago niya ito narinig na magsalita.
"Maybe for some. But not for me. My eyes were open when my mama left me here. Everyday I'm asking myself, why did she left me? Didn't she love me anymore? Anong ginawa ko para iparanas niya sa akin na maiwanan ng taong mahalaga sa akin? Of all people, why me?"
Hindi namalayan ni Louisse na tumulo na pala ang luha niya. Hindi niya nagawang itanong ang mga bagay na iyon sa kan'yang sarili. How could she... if she can't picture how her parents looks like?
Ang tangi lamang pumapasok sa isipan niya kapag nakaharap siya sa salamin ay kung kanino niya nga kaya namana ang hitsura niya? Did she got it from her mom? Or from her dad? Pero ang mga katanungan na iyon ay naglalaho rin na parang bula.
"I can't answer your questions because in the first place, I'm not your mom. Maaaring magkaiba kami ng iniisip at pananaw sa buhay. Pero isa lang ang masasabi ko, totoong wala na akong mga magulang, ni hindi ako nabigyan ng pagkakataon para makilala sila. Pero nandyan pa ang mga taong handang iparamdam sa akin kung paano muling magkaroon ng pamilya at kung gaano sila kahalaga."
Bahagya siyang tumigil. Humugot ng hangin saka dinugtungan ang sinasabi. "Just like what Sister Cecelia told me, the great feeling is when you felt that love and give that love back."
Muling namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Hindi na muling umaasa si Louisse na maririnig ang boses nito. Noon niya rin napagtanto na tila pamilyar ang boses sa kan'ya ng binata. Hindi niya nga lang maalala kung saan niya iyon narinig.
Tuluyang isinandal ni Louisse ang likod sa malamig na bato sa kan'yang likuran at mahigpit na niyakap ang paborito niyang libro. Gano'n na lang ang gulat niya nang magsalita ito.
"Can I ask you a question?"
Tumango siya. Nang maalalang hindi siya nito nakikita ay nagsalita siya. "Sige lang."
"I think this is seems a bit adult questions. But how do you picture yourself having a husband? May pinapangarap ka na ba kung saan kayo magho-honeymoon kung sakali?"
Pinamulahan ng pisngi si Louisse. Kabastusan para sa dalagita kung hindi niya ito sasagutin. "Simple lang naman ang gusto ko sa buhay. Gusto kong maranasan ang marangyang buhay pero tahimik. Iyon bang kagaya ng mga isla na nakikita ko sa mga pictures? Patungkol naman sa honeymoon, bata pa tayo para pag-usapan iyon. But someday, I want to spend it with my future husband... kahit sa tree house lang."
"You seems like a simple girl," komento nito. Hindi tukoy ng dalagita kung paghanga nga ba ang narinig niya sa boses ng binata.
Bago pa siya makahuma ay may narinig na siyang tawag mula sa itaas. "Babi, nandyan ka ba?"
Isa lamang ang tumatawag sa kan'ya no'n.. si Tonyo. Napangiti siya at tuluyang tumayo.
"Oo, nandito ako," sigaw niya pabalik.
"Magbababa ako ng lubid. Subukan mong hanapin at gamitin mo para makaakyat dito," sagot nito na nag-echo sa kabuuan ng balon.
Hinihintay niyang ihulog nito ang lubid nang muling magsalita ang binatang kausap. "Makikita pa ba kita? At paano? Baka kapag nakalabas ka na rito ay nandyan pa ang pamilyang gusto kang kunin at tuluyan ka na nilang ampunin."
Bigla ay naalala niya ang hawak na libro. Sinundan niya ang pinanggalingan ng boses nito at napahinto nang tumama ang paa niya sa sapatos nitong suot.
"Ito ang paborito kong libro. Ipakita mo lang sa akin ito pagkalabas mo at maaalala na kita," aniya saka niya na iniabot ang paborito niya ritong libro. "Sumunod ka pag-akyat ko."
Bago pa ito makasagot ay muli na niyang narinig ang pagsigaw ni Tonyo. "Babi, nahanap mo na ba ang lubid?"
Kapalit ng pagkuha nito sa kan'yang libro ay ang pag-abot nito sa lubid. Sa hinuha niya ay iyon ang binbanggit ni Tonyo.
"Mag-iingat ka." Huling habilin na narinig niya rito at tinulungan pa siya nitong makaakyat sa abot ng makakaya nito, gamit ang lubid.
Sinalubong naman siya sa itaas ni Tonyo at tinulungan siyang tuluyang makaakyat. Nang maayos na siyang nakatayo ay dumungaw siya sa balon sabay sigaw. "Umakyat ka na."
Nangunot naman ang noo ni Tonyo. "May kasama ka riyan?"
Tumango lang naman si Louisse.
"Makakaakyat din siya, L.A. Ang importante ngayon ay maabutan natin ang mag-asawang Alejo. Nandyan pa sila at hinahanap ka."
Dahil sa narinig ay tila muling nabuhayan ang dalagita. "Pero paano siya?"
"Kaya na niya 'yan, Louisse. Tara na!"
Wala na siyang nagawa pa nang kunin nito ang kamay niya at tuluyan na siyang hinila at tumakbo na silang dalawa. Bago tuluyang maglaho ang balon sa paningin niya ay nalingunan niya pa ang paglapit doon ni Lena. Napangiti siya dahil alam niyang may tutulong na sa binata.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro