CHAPTER 14
NAGISING man si Louisse dulot ng mainit na hininga na tumatama sa kan'yang mukha ay pinanatili niyang pikit ang mga mata. Hanggang sa maramdaman niyang may kamay na humahaplos sa kan'yang pisngi. Sa init na nagmumula sa palad nito ay kaagad na natukoy ng dalaga na si Zairus iyon.
"Lord, I know I'm not a saint. Because I'm a sinner. But I want to thank you for giving me a chance to be with her again," rinig niyang pahayag nito. Mahina lang ang boses ng lalaki pero sapat na para marinig niya.
Dahan-dahan niyang iminulat ang kan'yang mga mata para lang makita ang maaliwalas na mukha ni Zairus. Hindi niya napigilang hawakan ang kamay nitong humahaplos sa pisngi niya na mukhang ikinagulat ng lalaki.
"What are you doing?" she asked.
"I'm talking to Him. I'm telling Him how thankful I am, Lena."
Wala siyang naisagot. Hindi dahil sa nakakakilig nitong binitiwang salita. Kung hindi dahil ang taong nasa isip ni Zairus ay si Lena. Alam niya na iyon noong umpisa pa lang kaya kailangan niyang protektahan ang sarili mula rito. Bagama't ayaw niyang pangalanan ang umuusbong na damdamin ay hindi niya maitatanggi sa sariling may espasyo na sa buhay niya ang lalaki.
She just ignored that thought and sat up in bed as he settled himself beside her. She couldn't help but hug him and gently pat his back. They were still in the hotel room, where they spent the night after the wedding. They both startled when they heard a faint knock on the door.
"Baka ang room service na 'yan," ani Zairus at tuluyang kumalas sa kan'yang pagkakayakap.
Tumayo na ito at tinungo ang pinto. Habang siya ay kinuha ang puting roba at isinuot iyon. Muling bumalik si Zairus na may dala-dala ng tray. Sa hinuha ni Louisse ay ang agahan nila iyon. Inaya siya ng lalaki sa veranda ng hotel room para roon sila kumain, naupo sa isa mga looking expensive sofa, habang tanaw ang mga guest sa ibaba.
Mismong si Zairus ang naglagay ng tray sa round table at isa-isang inilagay ang mga plato ng bacon, pancake at hot chocolate sa mesa. Habang abala si Zairus sa ginagawa ay natuon naman ang pansin ng dalaga sa bawat galaw nito. Hindi pa rin siya makapaniwala kung paano nagawa ni Zairus na tumayo sa sariling mga paa. Isipin niya pa lamang ang mga araw na ginugol nito para lang mamuhay ng normal, sa kabila ng nangyari sa buhay nito ay tila kumikirot nanaman ang kan'yang puso.
Paano nito nagawang humakbang at maglakad na ni walang tungkod o kahit tulong man lang mula sa assistant nito? O kahit man lang ni Manang Pasing?
"How long will you stare at me?" he asked as he put the tray aside.
Sa sobrang lalim ng iniisip ay hindi na napansin ni Louisse na tapos na pala itong ayusin ang mga pagkain sa mesa at noon ay nakaupo na ito sa single sofa. Napatikhim siya at iniwas ang tingin. Nang nanuot ang amoy ng pagkain sa kan'yang ilong ay nakaramdam siya ng gutom.
"Anong oras ka nagising?" tanong niya na lamang, iniiwasang sagutin ito.
"Not too long," tipid nitong sagot pabalik. "Let's have our breakfast. Then, we will go downstair. Gusto ulit tayong makita ng bagong kasal."
NAKANGITI ang mag-asawang Montero nang makitang magkaagapay silang naglalakad ni Zairus papunta sa gawi ng mga ito. Paglapit nila ay nabigla pa siya nang nakipag-beso-beso sa kan'ya si Sachza. Maganda ito sa tv. Pero hindi niya akalaing mas maganda ang babae sa personal.
Kaagad siyang pinaghila ni Zairus ng mauupuan. Mahinang nagpasalamat siya rito nang tuluyang makaupo roon. Pang-apatan lamang ang mesang iyon. Kaya kaharap niya si Sachza habang ang dalawang magkaibigan naman ang magkaharap.
"Nabanggit sa akin ni Khiel na ikaw ang long-time girlfriend ni Zai. Matagal ka na naming gustong makilala and we're glad that we have finally meet you," pahayag ni Sachza.
Hilaw lamang siyang napangiti. Hindi niya mahanap ang sariling boses para makapagsalita. Lalo na't hindi niya alam kung paano aakto kung totoong si Lena nga ba ang kaharap ng mga ito. Lalo na't alam na niya kung ano ang ginawa ng namayapang kaibigan kay Zairus. She make him feel unwanted. And just thinking about it, makes the boil of anger arises from her chest.
Maya-maya lang ay naramdaman niya ang paghawak ni Zairus sa kan'yang kamay, sa ilalim ng mesa. Bahagya nitong pinisil ang kan'yang palad na nakapagpakalma sa kan'ya.
"It just happened that things turns our relationship complicated. But we both making change and working for this relationship. We'll stepping for the next level," ani Zairus.
Nakita niya naman ang pagningning ng mga mata ni Sachza. "So, we'll hearing a wedding bells?"
Bahagyang napatango si Zairus na nakapagpatili sa babae. Sinaway pa ito ng asawa pero parang batang binalewala lamang ito ni Sachza.
Ngayong kaharap niya ang isang Sachza Olivia ay masasabi niyang ibang-iba ito sa harap ng camera. Kilalang sophisticated at elegante ang babae. Ngunit habang pinagmamasdan ni Louisse ang walang koloretong mukha at ang galak na nakarehistro sa mga mata nito ay masasabi niyang isa si Sachza sa mga simpleng babae.
Nabalik si reyalidad si Louisse nang muling lumingon sa kan'yang gawi si Sachza. "So, how did he proposed to you, Lena?"
Mas lalo lamang niyang natikom ang bibig. Sasabihin niya ba rito na basta na lamang isinuot ni Zairus ang singsing sa kan'yang daliri? Ultimo si Zairus ay na-tense sa naging tanong ni Sachza. Akmang ibubuka na ng lalaki ang bibig para magsalita nang bigla siyang tumikhim.
"Dalawang linggo rin akong hindi nagpakita kay Zairus," panimula niya. Mataimtim namang nakinig sa kan'ya si Sachza, gano'n din si Ezekhiel na kahit umiinom ng wine ay tutok ang mata sa kan'ya. "Aaminin ko noong una ay hindi ko kayang mapangatawanan ang pagiging nobya ni Zairus. He's still a dream come true to me."
Sa sandaling iyon ay siya naman ang pumisil sa kamay ni Zairus. Alam niyang kasinungalingan lang lahat ng lalabas sa bibig niya, pero kung iyon ang tanging daan para makalimutan ni Zairus ang mga bagay na ginawa ni Lena rito - ay siyang gagawin niya.
"Sikat sa Zairus sa business industry. Habang ako naman ay galing sa isang orphanage. Walang kinagisnang magulang at tanging mga kapwa ko orphan ang naging pamilya ko. Natakot ako kung sakaling malaman ng mundo ang tungkol sa akin. I love him but I'm hesitant. I don't know if I deserve his love. There's a time that I throw painful words to him that I knew, still engrave in his memories."
"But you knew Zairus is also from an orphanage, right?" Bigla ay tanong ni Ezekhiel. Tumagal pa ang pagkakatingin nito sa kan'ya bago nagpatuloy. "Well, since Tito Robert informed me that they had adopted Zairus, I was totally happy. So basically, we're cousins even we're not blood related."
Hindi matukoy ni Louisse kung trap ba iyon para sa kan'ya. Hindi niya kasi mabasa sa mukha ni Ezekhiel kung ano ang tumatakbo sa isipan nito. Inaamin ng dalaga sa sarili na nagulat siya sa binitiwang salita ng lalaki, hindi niya nga lamang iyon ipinahalata. Ngunit ang kamao naman niya ay mariin na nakakakuyom at nakapatong lang sa kan'yang kandungan. Habang mas lalong humigpit ang pagkakahawak ng isa niyang kamay kay Zairus.
Hilaw siyang napangiti saka tumango. She made sure that her actions is just natural. Ayaw niyang ang pinsan pa pala ni Zairus ang makakaalam sa pagpapanggap na ginagawa niya.
"And I admire your closeness. Bihira lamang kasi sa mga magpipinsan ang nagiging magkaibigan. Sinabi nga rin sa akin ni Zai na you two are close since he was fifteen." Bahagya siyang tumigil, humugot ng malalim na hininga saka nagpatuloy at sa sandaling iyon ay kay Sachza na siya tumingin. "And I know, I'm not a good girlfriend for him. But as I step my foot in this island, I'm making my best just to prove to him how lucky I am to have him in my life. Kaya kahit walang maayos na proposal, kahit biglaan lamang niyang isinuot sa daliri ko ang singsing, ayos na sa akin iyon. I'm still willing to be his wife. I'm willing to be his Mrs. Montell."
Nakita niya pa mula sa kan'yang peripheral vision na bumuka ang bibig ni Ezekhiel. Pero kaagad din nito iyong naitikom nang lumapit sa table nila si Misis Ocampo. "Sir Ezekhiel, you have a call from Mr. Kenji Hasegawa," imporma nito.
Tumango lang ang lalaki saka na nito ni-excuse ang sarili. Nang makaalis ito ay noon pa lamang nakahinga nang maluwag si Louisse, bagay na mukhang napansin ni Zairus.
Hindi na nagulat ang dalaga nang ipihit ni Zairus ang ulo nito at bahagyang lumapit ang mukha sa kan'yang tainga. "What's wrong?" Bulong nito saka pinisil ang kan'yang kamay.
Sa sobrang lapit nilang dalawa, pati ang suot nitong shades ay tumatama na sa kan'yang pisngi. Mas pinili niyang siya na ang kusang lumayo para magkaroon ng espasyo sa pagitan nilang dalawa. "Nothing. I'm fine, Zai. You don't have to worry about me."
Rumehistro ang pagkakakunot ng noo nito. Bakas sa mukha nitong inaanalisa kung nagsasabi ba siya ng totoo. "You was relieved. Why? I don't know if it's because he got a phone call?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro