CHAPTER 13
AKALA ni Louisse ay prepared na siyang um-attend kasama si Zairus sa nasabing kasal. Ilang beses pa siyang humarap kaninang umaga sa harap ng body size mirror para pakalmahin ang sarili. Pero kahit anong gawin niya ay ramdam niya pa rin ang pagiging tense ng katawan. Pati na rin ang malamig na pawis na nanggagaling sa kan'yang kamay.
Hindi inakala ni Louisse na ang kaibigang binabanggit ni Zairus ay si Ezekhiel Montero. Isang businessman at the same time, part-time model. Nakilala niya ito nang minsang mapanuod sa tv dahil iniidolo ito ni Eya. Sinabi pa ng kaibigan na ito ang tipo ng lalaki na ideal type nito. Hindi naman niya akalaing ikakasal na pala ang lalaki sa isang model-actress na si Sachza Olivia.
"Who's this beautiful woman with you, buddy?" Tanong ni Ezekhiel nang makalapit sila rito.
Inaayos pa ang gaganaping kasal. Pero naroroon na ang mga imbitadong mga guest. Magarbo ang kasalan at nakaka-refresh ang dulot ng hangin at lamig na nagmumula sa hampas ng alon.
"She's Manuella Ortigaz, buddy. My soon-to-be-wife."
Hindi nakatakas sa kan'yang paningin ang pagbakas ng gulat sa mukha nito. Bahagya pa nitong naiuwang ang bibig. Ngunit kaagad din naman iyong napalitan ng ngiti, saka nito inilahad ang kamay sa kan'yang harapan. "Oh. It's nice to finally meet you, Miss Ortigaz."
Balak na sana niyang kunin ang kamay nito. Ngunit naunahan siya ni Zairus. Tinabig nito ang kamay ng kaibigan na ikinatawa lang ng lalaki.
"I see. You still possessive, Zai."
Pinamulahan siya ng mukha dahil sa naging komento nito.
"But I'm getting married, buddy. Sa akin ka pa ba magseselos?" pagbibiro pa nito.
Ngunit imbes na magkomento pa sa sinabi ng kaibigan ay naramdaman na lang ni Louisse na pumaikot ang braso ni Zairus sa beywang niya. Possessive nitong hinila ang kan'yang katawan padikit sa katawan nito. Hindi niya naiwasang sulyapan ang mukha ni Zairus. He's expressionless. Mariin ding nakatikom ang bibig ng lalaki at tiim ang bagang.
Lumipas ang ilang minuto at nawala na rin si Ezekhiel sa harap nila. Napunta na ito sa tamang p'westo, sa gilid ng pari.
"I have a bestman duties to fulfill. Will you be okay here?" Zairus asked her.
Bahagya siyang napatango. Hinaplos pa niya ang braso nito para maiparamdam na ayos lamang siya. Nabigla pa siya nang yumuko ito at dinampian siya ng halik sa kan'yang noo. Nang dahil do'n ay sandali siyang pinamulahan ng pisngi. Muli na itong tumayo ng matuwid saka na naglakad at tinungo ang p'westo ng kaibigan. Habang siya ay tinanaw lamang ito.
Pilit pinakalma ni Louisse ang sarili. Umayos siya ng pagkakaupo, pinagkrus ang dalawang hita saka taas ang noong diretso ang kan'yang tingin sa harapan. Ayaw niyang ipahalata sa mga taong naroroon na kabado siya at hindi siya sanay sa maraming tao. Ayaw niyang mapahiya si Zairus. Lalo na at iyon ang unang beses na naipakilala siya nito. Hindi bilang si Louisse pero bilang si Lena.
Kanina ay hindi lamang kay Ezekhiel siya naipakilala ni Zairus. Pagdaong pa lang ng bangka ay sinalubong na kaagad sila ng mga businessman at pati na rin ng ibang politician. Walang pag-aalinlangan na ipinakilala siya ni Zairus sa mga ito. Kaya hindi lang ang gulat na mukha ng kaibigan nito ang kan'yang nasaksihan, pati na rin ng mga ito.
Napakurap siya nang i-anunsyo ng emcee ang pagdating ng bride. Hindi nakatakas sa kan'yang mga mata ang pag-tense ng katawan ng groom. Pumihit ang ulo niya at doon nasaksihan ang nakangiting si Sachza Olivia, suot ang magarbong wedding dress nito. Kitang-kita niya ang halo-halong emosyon na mababakas sa mukha ng bride.
Tuloy ay may tila lumamutak sa kan'yang puso. Ni hindi niya nagawa noon na mairampa ang suot na gown. Tanging ang bridal car lamang ang naging saksi sa kung gaano kaganda iyon habang suot niya. Tuluyan niyang iniwas ang tingin sa bride saka muling diretsong tumingin sa harapan. Ayaw niyang maging emosyonal sa araw na iyon. Hindi tamang maalala niya ang masakit na nangyari sa kan'ya.
Masaya man si Louisse nang matapos halikan ng groom ang kan'yang bride ay inanunsyo ng pari na ganap ng kasal ang dalawa. Hindi niya pa rin napigilang may makapang lungkot sa kan'yang puso.
Smooth na sana ang daloy ng araw na iyon sa pagitan nila ni Zairus. Papunta na sana sila sa isa sa mga silid ng hotel. Nang bigla ay may isang lalaki ang humarang sa kanilang daraanan. Kaagad rumehistro ang pagkakakunot ng noo ni Zairus nang bigla siyang huminto sa paglalakad. Nakapaikot ang kamay nito sa kan'yang beywang. Kaya dahil sa kan'yang paghinto ay napahinto rin ito.
"May problema ba?" untag nito.
Sasagot pa lamang sana si Louisse nang marinig ang aroganteng boses. "Hi! I'm Reese Montero. Kapatid ko ang groom."
Kaya pala ay hawig nito si Ezekhiel. Ngunit may kung ano sa mukha nito ang nagsasabi kay Louisse na iba ito kumpara sa kapatid.
"What do you want?" malamig ang boses ni Zairus nang magsalita ito.
"Maganda naman pala ang girlfriend mo kaya hindi ka naboboryo rito sa isla. But can you still perform your boyfriend duties now that you're blind?"
Hindi niya nagustuhan ang tabas ng dila ng lalaki. Kung hindi lamang hawak ni Zairus ang beywang niya ay baka humakbang na siya nang isang beses at sinampal ang pisngi nito. Hanggang sa ang tingin nito ay nabaling naman sa kan'ya. Nakita niya pa kung paano hagurin ng mata nito ang kan'yang kabuuan. Tumagal ang mata nito sa dibdib niya na nagpainit sa ulo ni Louisse.
"Are you still satisfied with him?"
Kumawala na ang pagpipigil niya sa inis na nararamdaman. Hindi siya bayolenteng tao pero namalayan na lang niya ang sariling kumawala mula sa pagkakahawak ni Zairus. Inisang hakbang niya lamang ang pagitan nila ng lalaki. Nakita pa niya itong ngumisi bago niya ito binigyan ng isang suntok sa pisngi. Ramdam niya ang pagguhit ng sakit sa kan'yang kamao dulot ng kan'yang ginawa.
"Anong nangyayari rito?" Dumalo sa kanila si Ezekhiel at nakita niyang dumaan ang galit sa mukha nito nang makita ang kapatid na nakahandusay sa sahig. Hawak ang ilong nitong natamaan niya. "Bakit ka nandito, Reese? I didn't invite you."
Mabilis itong tumayo at pinukol siya ng masamang tingin. "Iyan talaga ang ibubungad mo sa akin, bro? Didn't you see how violent that woman is?" may gigil ang boses nito.
Naramdaman na lang niyang muling pumaikot ang kamay ni Zairus sa kan'yang beywang at marahang hinaplos ang braso niya.
"Alam kong gulo lang ang dala mo, Reese. But don't ruin this day." Bumaling sa kan'ya si Ezekhiel at gumuhit ang paghingi ng dispensa sa mga mata nito. "Pasensiya na sa nangyari, Lena. Dalhin mo na si Zairus sa hotel room niyo."
Tumango lamang siya. Bago pa sila tuluyang makahakbang ay narinig niya pa ang isinigaw ni Reese. "Hindi ko ito mapapalampas!"
Ipinagkibit-balikat lang iyon ni Louisse at tuluyang naglakad, kaagapay si Zairus. Tahimik lamang silang dalawa na pumasok sa loob ng elevator. Ramdam niya pa rin ang pagtaas-baba ng dibdib dahil sa nararamdamang inis sa lalaki.
"Sana ay hindi mo na lang ginawa ang bagay na iyon, Lena."
Gulat siyang napalingon kay Zairus, hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Marahas pa siyang napahugot ng hininga. "Binastos ka niya sa harapan ko, Zai. Binastos niya rin ako. How do you expect me to react with that?"
Kahit papaano ay kumalma na siya nang muling naramdaman ang paghaplos nito sa kan'yang braso. Kinuha nito ang kamay niyang ginamit niya para suntukin ang lalaki kanina, saka pati iyon ay marahan nitong hinaplos.
"Ayoko lang na nasasaktan ang Lena ko."
Mabilis na tumibok ang kan'yang puso at naiwas niya ang tingin kay Zairus. Muli niya ring naibaling ang tingin sa lalaki nang muli itong magsalita. "Kung hindi lang ako bulag ay ako sana ang sumuntok kay Reese."
Binawi naman niya ang kamay mula rito at gamit ang dalawa niyang kamay ay sinapo niya ang magkabilang pisngi nito. "Don't say that, Zai. Hindi lang ikaw ang kayang protektahan ako. I can also protect myself and you. Kaya huwag lang ako ang isipin mo, okay?"
Tumango naman ito. Natawa pa siya nang sumimangot ang lalaki. "Still, nasaktan pa rin ang Lena ko."
Umiling naman siya. "I'm fine, Zai. Kung hindi nga lang nakakahiya sa bisita ay sisiguraduhin kong hindi lang iyon ang gagawin ko sa kan'ya. Baog sana abot niya."
Dahil sa sinabi niya ay pareho silang natawa.
"My woman is so fierce. Sana naman ay hindi mo gawin 'yan sa akin. Gusto ko pang magkaanak tayo."
Itinaas naman niya ang kilay at may babala ang tinig na sinabing, "Kaya you need to behave, okay? Kung hindi-" Sinadya niyang bitinin ang sinasabi. Lumapit siya rito at idinikit ang labi sa tainga nito at bumulong. "Hindi ka makakaisa sa akin."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro