Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 12

HALOS malula si Louisse sa dami ng formal dress na nakahilera para sukatin niya. Tuloy palaisipan sa kan'ya kung may boutique na rin sa Britannica Springs.

"Pinasundo ko si Liezel gamit ang private chopper. Ayokong tayo pa ang pumunta ng Manila para lang paggawan kita ng maisusuot. Ayokong umalis sa islang 'to, Lena." Tila pagbasa nito sa malalim niyang pag-iisip.

Bahagya siyang napatango at hindi na lang sumagot. Aware siya na mayro'n pa ring trust issue si Zairus. Takot itong muling mawala si Lena sa tabi. Kahit na ang totoo ay namayapa na ang kaibigan.

"Pasensiya na po, Mr. Montell. Sa sobrang daming nagpagawa this past few days, ready made na lang po ang naihanda namin kay Miss Ortigaz," ani ng designer. Ito ang kinuha ni Zairus para mag-prepare ng susuutin niya kinabukasan.

"That's fine. Just choose a dress that perfectly fits for my wife." Mababa man ang boses nito, maririnig pa rin ang awtoridad.

Nang makita niyang nataranta ang babae ay binigyan niya ito ng matamis na ngiti nang bumaling ito sa kan'ya. Mukha namang naging effective iyon para gumaan ang pakiramdam nito.

Nang iabot sa kan'ya ni Liezel ang isang bodycon dress, saglit pa siyang sumulyap sa gawi ni Zairus na prenteng umupo sa mahabang sofa, saka na siya pumasok sa loob ng fitting room.

Sa kan'yang hinuha ay hindi alam ni Liezel ang kalagayan ng lalaki. Kaya muling suot ni Zairus ang shades nito para pagtakpan iyon. Kailangan niyang mag-ingat. Ayaw niyang maging dahilan para malaman ng ibang tao ang totoong kalagayan nito. Hindi niya man maintindihan ang sarili, pero nando'n ang pakiramdam na kailangan niya itong protektahan.

She just shrugged that thought and started to put the dress on. It was fitted to her body. She almost winched when her chest seemed to be also molded for that dress. Ramdam niya pang tila tumatagos ang lamig ng aircon sa suot na dress. Naiilang pa siya dahil hindi siya sanay sa gano'ng outfit. Pero nang marinig ang boses ni Liezel sa labas ng fitting room ay napahugot na lang siya ng malalim na hininga.

"Maam, okay na po ba kayo?" tanong nito mula sa labas.

"Yes," tipid niyang sagot.

Saktong pagharap niya ay ang pagbukas ng malaking kurtina. Kaagad na bumungad sa kan'ya si Zairus na may hawak na magazine. Nakagat niya ang ibabang labi at naibaling ang tingin kay Liezel na siyang ngumiti sa kan'ya. Muli niyang ibinaling ang ulo sa gawi ni Zairus at naibaba niya ang tingin sa hawak nitong baliktad na magazine. Panalangin niya na sana ay hindi iyon napansin ng designer.

"Can you please tell me what my wife was wearing? I want to hear it properly from the designer itself," anito.

The way Zairus said that, no one would think that it was just a way for the designer not to know his real condition.

Mula sa peripheral vision niya ay nakita niyang tumango ang babae. May kumpiyansa na itong napangiti at inilahad ang kamay saka nagsimulang magsalita. "Miss Ortigaz was wearing one of the F&M collection. This bodycon dress that is above the knee, tight and hug the every curve of her body showcase how sexy and fabulous she is," she explained.

Hindi nakaligtas sa paningin ni Louisse ang pagtaas ng kilay ni Zairus. "I don't like it!"

Mukhang nabigla naman ang babae. "But Mr. Montell, this dress is famous even with the celebrities. This is one of our most in-demand outfit this past few weeks."

"No worries, Miss Cajucom. I'm not saying that the dress is not perfect. Trust me, it's perfectly fine. But I just don't like my wife wearing that. Because I'm too possessive when it comes to her. So, get her changed."

Iyon lang ang sinabi nito at muling inayos ang pagkakaupo. Nagawa pa nitong isandal ang isang braso sa ibabaw ng sofa na inuupuan. Habang si Louisse ay hindi mapigilan ang pamumula ng kan'yang pisngi. Lalo na nang bumulong si Liezel sa kan'ya. "Ma'am, ang sweet po pala ni Mr. Montell. Mukhang head over heels po talaga siya sa'yo."

Dahil sa naging komento ni Zairus, kaya ang sunod na ipinasukat sa kan'ya ni Liezel ay isang long gown. Mababa ang neckline no'n. Idagdag pa na fit iyon sa kan'yang beywang. Dahil nahihirapan siyang i-zipper ang likurang bahagi no'n. Kaya hindi na siya nakatiis at dumikit nang bahagya sa nakasarang kurtina.

"Liezel," tawag niya sa designer, sa mababang boses. "Can you help me zip the dress? Hindi ko kasi maabot."

Nang marinig ang yabag at ang bahagyang pagbukas ng kurtina ay muli siyang tumalikod, paharap sa salamin na naroon. Ngunit naiuwang niya ang bibig dahil imbes na si Liezel ang makita sa salamin ay si Zairus ang bumungad sa kan'ya.

Bago pa siya makapagsalita ay nakita na niya ang pag-angat ng kamay nito. Pigil niya ang hininga nang dumapo ang mainit nitong kamay sa expose niyang likod. Unti-unting binaba nito ang haplos hanggang sa napunta sa mismong zipper. Hindi magawang maipagsawalang bahala ni Louisse ang init na nanggagaling sa palad nito. Tila sinasadya pa ng lalaki ang pagtama ng daliri nito sa kan'yang balat.

"It's done," bulong nito. Bakas sa boses na tila nahihirapan.

Humugot muna siya ng malalim na hininga bago pumihit paharap kay Zairus. "Sigurado ka bang gusto mo itong ituloy?"

Natauhan siya nang makita ang pagdilim ng hitsura nito at ang pag-igting ng panga. Na-misunderstood nito ang kan'ya sinabi. Kaya mabilis niyang dinugtungan iyon. "Ang ibig kong sabihin ay itong pagpili natin ng isusuot ko. Kahit hindi mo sabihin sa akin ay alam kong hindi alam ni Liezel ang tungkol sa kundisyon mo. P'wede namang ako na lang ang mamili, Zai." Tuloy-tuloy niyang paliwanag.

Ngunit tila binalewala lamang ni Zairus ang paliwanag niya. Mas lalo lang itong lumapit sa kan'ya, saka niya naramdaman ang pag-ikot ng braso nito sa kan'yang beywang. Hinila siya nito na naging dahilan ng pagdidikit ng kanilang katawan. Awtomatikong umangat ang kan'yang ulo para lang makitang mas lalong nag-igting ang panga nito.

"Z-zai," nauutal niyang pagtawag sa pangalan nito.

Bago niya pa mailayo ang sarili, dumukwang na si Zairus at tuluyang naglapat ang kanilang labi. Nanlaki ang kan'yang mga mata nang dahil sa pagkagulat. Habang ang dalawa niyang kamay ay mahigpit na napakapit sa balikat nito. Nang kagatin ni Zairus ang ibaba niyang labi ay kusa niyang naibuka ang bibig. Ginawa nito iyong opurtunidad para ipasok ang dila at makipag-espadahan sa kan'yang dila. Ipinikit na lamang niya ang mga mata at dinama ang halik na kanilang pinagsasaluhan.

Alam ni Louisse sa sarili na kahit cuddle at foreplay pa lang ang nagagawa nilang dalawa, mali pa rin ang hayaan niya ang sariling matangay ng init na dulot ni Zairus. Ngunit paano nga naman niya mapapatino ang sariling isip? Kung sa haplos pa lang nito ay nadadarang na siya?

Tuluyan na siyang nagpatupok sa apoy nang ipulupot niya ang dalawang braso sa leeg ni Zairus. Nang umatras siya ay mabilis nitong nahabol ang labi niya. Unti-unti pa silang umatras hanggang sa maramdaman na niya ang salamin sa kan'yang likod.

Ginaya niya lamang ang bawat kibot ng labi ni Zairus. Hanggang sa marinig niya itong umungol at napunta ang kamay nito sa kan'yang p'wetan. Sa pamamagitan no'n ay mas lalo nitong pinaglapit ang katawan nilang dalawa. Noon ay naramdaman niya ang matigas na bagay sa gitnang bahagi ng suot na slacks nito. Ngunit nang maalala niyang muli ang kan'yang nakaraan ay tila siya nagising sa katotohanan.

Hindi niya matukoy kung ipagpapasalamat na may narinig na papalapit na yabag. Itinigil ni Zairus ang paghalik sa kan'yang labi at bahagya nitong inilayo ang sarili. Ramdam ni Louisse ang malakas na tibok ng kan'yang puso. Balak na sana niyang itulak palayo si Zairus nang muli nitong pinaglapat ang labi nilang dalawa.

"Ma'am, are you still there?"

Mas lalong nadagdagan ang kabang nararamdaman niya nang marinig ang boses ni Liezel. Hindi niya yata lubos maisip kung sakaling buksan nito ang kurtina at maabutan sila sa ganoong sitwasyon. Mabuti na lang at tuluyan nang inilayo ni Zairus ang labi nito sa kan'ya, pareho nilang habol ang hininga. Naisandal na lang niya ang sarili sa dibdib nito dahil pakiramdam niya ay nawalan siya ng lakas.

Inalalayan siya ni Zairus hanggang sa makatayo na siya ng maayos. Nagawa pa niyang punasan ang labi nito na may stain ng kan'yang lipstick. Saglit din niyang inayos ang sarili dahil nang tumingin siya sa salamin, kahit sinong tao ay matutukoy kaagad ang nangyari sa loob ng fitting room na iyon.

Nang matapos siya ay pareho na silang naglakad na dalawa palabas ng fitting room. Narinig pa niya ang malakas na pagsinghap ni Liezel. Kaya kahit hindi niya ito sulyapan ay tukoy niyang dulot iyon ng pagkabigla. Hanggang sa narinig niyang nagsalita si Zairus.

"This gown is perfectly fits for my wife. I'll take this."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro