Used
Chapter Twenty-Three
PAGREREBELDE, sakit ng kalooban, at sama ng loob. Sa paghahalu-halo ng lahat ng iyon ay hindi na nag-isip si Meredith at nag-text kay Shawn na sasamahan niya ito sa dadaluhang birthday party. Wala naman siyang intensyong magtagal doon. Pakiramdam niya lang ay kailangan niyang lumabas saglit ng bahay.
She wore a simple mini-dress na pang-semi formal and she paired it with her three-inch ankle booties. Her booties are the only luxury brand she has on when she ran away. It was Dolce&Gabbana, worth almost one hundred thousand grand. Hopefully walang makapansin dahil gabi naman. And not everyone is familiar with luxury brands.
Nang mag-vibrate ang katabing cellphone ay mabilis siyang nag-check ng message. It was Shawn. Binigyan niya ito ng direction kung paano makararating sa address nila. Pagkababa ng cellphone ay sinipat niyang muli ang kanyang ayos. Her hair reaches the middle of her back and it is naturally black and lustrous. Natural ding may pagka-wavy ang mga hibla na madalas ay natatanong siya kung nilalagyan niya ng curlers. Hinayaan niya lamang na nakalugay iyon at ilang ulit na pinaraanan ng hairbrush hanggang sa mas kuminang pa ang malusog na mga hibla.
Mayamay lamang ay muling nag-vibrate ang kanyang phone. Nasa malapit na raw si Shawn. She picked up her purse and head out her room.
"Lola, aalis na po ako."
Nakita niya ang pag-aalala at tila pagtutol sa anyo ng dating yaya.
"Mag-iingat ka."
"Huwag po kayong mag-alala. I can take good care of myself," aniya rito.
May baon siyang pepper spray. Na sa unang tingin ay aakalaing cologne lamang dahil may logo pa ng YSL ang maliit na botelya.
"May contact number ka ba ni YM sakali at magkaroon ng emergency?" muling tanong ni Lola Miling nang sabayan na siya nito pababa ng hagdan.
"Wala po, Lola. Pero ayos lang po ako, hindi naman ako masyadong magtatagal," assurance pa niya.
"Hindi mo maiaalis sa akin ang mag-alala. Lalo at gabi na. Mabuti sana kung--"
Noon niya narinig ang paghimpil ng isang sasakyan sa tapat ng kanilang tinitirhan.
"Naririto na po ang sundo ko."
"Maghihintay ako sa pag-uwi mo," sabi nito bago siya tuluyang makalabas ng pinto.
Para sa ikapapanatag nito ay tumango na lang siya at ngumiti.
Paglabas niya ay nakita niya ang palinga-lingang si Shawn. Tiningnan pa nito ang pangalan ng tindahan sa itaas. Waring naniniguro na tama ang lugar na napuntahan.
"Can I help you?" pagbibiro niya rito.
"Oh, thank goodness. Akala ko nagkamali ako ng liko sa itinuro sa akin no'ng napagtanungan ko kanina."
Napailing siya at tuluyan ng lumapit dito.
Nang ganap siya nitong mabistahan ay bahagya itong napasipol.
"Wow. You look great. Kaya naman pala dead na dead sa'yo si Nick."
Umasim ang ekspresyon ng mukha niya sa sinabi nito.
"We should go. Bago magbago pa ang isip ng Lola ko at hindi ako payagang umalis," may himig-pananakot niyang sabi rito.
"We better leave," agad na sagot nito at agad siyang ipinagbukas ng pinto sa passenger seat.
Nang patakbuhin na nito ang sasakyan ay saka pa lamang siya nagtanong kung saan ang venue ng pupuntahan nilang party.
"It's in a club."
"Club?"
"Yep. Deena's family owns a bar. At doon gaganapin ang celebration ng birthday noong ka-team mate namin."
"Papasukin kaya ako roon?"
"Of course," mabilis nitong tugon. "By the way, are you still underage?"
"I'm only seventeen. Going eigteen."
"Oh. But you don't look seventeen. And besides, we have the celebrant to back us up."
"Sino ba 'yong celebrant?"
"You'll meet him when we get there."
Ipinagkibit-balikat niya na lang iyon.
"Hindi tayo puwedeng magtagal, okay?" naalala niyang sabihin dito. "Or if you want, puwede naman akong mag-taxi pauwi para hindi ko ma-spoil ang time mo roon."
"Don't worry about it."
Akala niya ay makikipagtalo pa ito sa kanya tungkol doon. Mabuti naman at madali lang pala itong kausap.
She's not familiar with bars or dance clubs because she had never been to one. Bukod sa bata pa siya para pumasok sa mga ganoong establishments, malabo siyang payagan ng Mommy niya na pumunta sa mga ganoong lugar. At tulad ng ina parati siyang may kabuntot na bodyguard, bawat lakad niya ay monitored ng ama kaya hindi siya basta makapagliliwaliw anumang oras na gusto niya.
Mula sa Sta. Catalina ay napansin ni Meredith na paluwas ang direksyon nila. Thirty to forty-five minutes ang layo ng mga may sinasabing establishments doon. Pasulyap-sulyap lang siya sa daan. Pamilyar sa kanya ang mga landmarks na nadadaanan nila. Parang na-refresh lang sa utak niya iyong gabing bumiyahe siya patungong Sta. Catalina. Napakadelikado nang ginawa niyang pagbiyahe nang gabing iyon. Ngunit pilit niyang nilakasan ang loob dahil kailangan. Her mother suggested na sa hotel na siya magpalipas ng gabi at sa umaga na lamang bumiyahe patungong Sta. Catalina dahil nag-aalala itong baka maligaw siya. But she was more worried to leave a trail that may lead her father in locating her whereabouts kaya hindi na siya nag-check in sa isang hotel.
"Are you hungry?" tanong di-kawasa ni Shawn.
"No, ayos lang. Katatapos lang naming mag-dinner ni Lola nang dumating ka."
"Do you drink?"
"I'll die if I don't."
Natawa ito. "I meant alcoholic beverages, of course."
"Do I still need to remind you that I'm only seventeen?"
"Hindi lahat ng menor de edad ay sumusunod sa batas o sa mga rules na ipinagbabawal ng kanilang mga parents."
"I bet ganoon ka."
"I'm not gonna deny it," natatawang sagot nito.
Napailing siya.
"So, you are Miss Little Goody Two-Shoes, ha?"
"Not really. My horns and claws are quite well-hidden. They only come out when needed."
"I'll keep a note of that."
Before nine o'clock ay narating nila ang pupuntahang bar. It looks like a high-end club. Blue Nomads ang pangalan ng establishment. Sa labas ay makikita ang ilang mga de-klaseng sasakyan. Pumitik ang kaba sa dibdib niya. What if someone recognizes her?
"What's the matter?" may pagtatakang tanong ni Shawn nang pagbuksan siya ng pinto.
"Nothing," umiling siya at bumaba na ng sasakyan.
She used to think na ang karamihan ng mga nag-aaral sa state university ay iyong mga estudyanteng maituturing na nasa laylayan ng lipunan. Ngunit hindi naman pala. Isang patunay roon ang mga katulad nina Nick, Deena, at Shawn.
Kinuha ni Shawn ang kanyang kamay at ikinawit sa braso nito bago sila naglakad patungo sa entrance ng bar.
"Is this necessary?" tanong niya.
"You're my date, remember?"
"Your date, yes. Pero kailangan ba talaga nating magpanggap na sweet?"
"I want to convince Deena that I am already moving on. And you, my dear, will be the icing on the cake."
Tumaas ang isa niyang kilay. "How so?"
"You'll know later," makahulugang ngiti nito.
"Why do I have a bad feeling about that?"
"Chill."
Bakit parang gusto na niyang pagsisihan na sumama pa siya rito?
Nang papasok na sila ay may iniabot na maliit na tarheta si Shawn sa malaking lalaki na nakabantay sa entrance. Pahapyaw lang siyang sinulyapan niyon atsaka tumango sa kanyang kasama. Tumuloy na sila.
Inilibot ni Meredith ang tingin sa kanilang paligid. Ang unang sumalubong sa kanila pagpasok ay ang malakas na tugtog na nagmumula sa stage kung saan may isang disc jockey na nagpapatugtog ng mga nakakaindak na tugtog. Marami ng nagsasayaw sa dance floor. At kapansin-pansin na halos pawang kabataan ang mga iyon.
"Dito tayo," yaya ni Shawn sabay hawak sa kanyang kamay.
Sa dami ng tao sa kanilang paligid ay hindi na siya nagreklamo. May palagay siyang kung magkakahiwalay sila ni Shawn ay baka kung saan siya mapasuot.
"Shawn!" isa sa mga ka-team mates ni Shawn ang nakakita rito.
"Uy, Ken!" nakipagsiksikan sila sa mga tao at nilapitan ang lalaki. "Kanina pa kayo?"
"Kadarating ko lang din," sagot ng kausap sabay sulyap sa kanya. "Wow, bilib na talaga ako sa'yo, pare."
"Ako pa ba? And'yan na ang celebrant?"
"Oo, p're. Panay nga ang tanong kung darating ka raw," kumindat pa ito kay Shawn nang makahulugan. "Ipakilala mo naman ako sa date mo."
"Parang hindi mo pa kilala, ha?" nagkatawanan ang mga ito. "Mari, si Ken. Ken, si Mari."
Naglahad ng kamay ang lalaki at nakipag-handshake sa kanya.
"Pleasure to meet you, Ms. Mari."
Tipid na ngiti lang ang isinagot ni Meredith.
Nagpatiuna na sa kanila si Ken at sumunod naman sila rito. Umakyat sila sa ikalawang palapag. Doon ay merong tila ilang set ng living room na may magkakahiwalay na espasyo, may wet bar sa isang side na accessible sa lahat at may mga roving waiter na nagse-serve. Bagama't dinig pa rin ang maharot na music mula sa ground floor ay hindi naman iyon kasing-loud sa ibaba na hindi na halos magkarinigan ang magkakausap.
"Guys, look who finally showed up."
Pamilyar kay Meredith ang mga mukhang naroroon. Madalas niyang makita ang mga ito sa uni at karamihan sa kanila ay parating kadikit ni Shawn. Nang mapadako ang tingin niya sa lalaking nakasuot ng party hat and a shirt that says I'M THE CELEBRANT ay bahagya siyang nagulat. Si Nick Salvacion ang celebrant? Katabi nito si Deena na alanganing nakaismid o nakangisi. May nakaakbay ritong lalaki na nahulaan niyang ang team captain na rumored new boyfriend nito.
Masayang bumati at sumalubong kay Shawn ang mga kasama nito sa team habang sa kanya naman ay makahulugan ang mga tinging ipinupukol.
"Guys, meet Mari, my date."
"Oooh," umugong ang kantiyawan.
Napansin ni Meredith ang tila galit na tinging ipinupukol ni Nick sa pagitan nila ni Shawn.
"Happy birthday, bro," ani Shawn sa ka-blockmate niya.
"Fuck you," malutong na sagot dito ni Nick sa halip. Padaskol itong tumayo atsaka pabarumbadong binalya ang balikat ni Shawn nang dumaan sa tabi nito.
Magkakaiba ang reaksyon ng mga naroroon. 'Yong iba ay balewala lang, samantalang ang iba ay tila may inis at paninisi sa tinging ibinibigay kay Meredith. Lalo na ang mga kababaihang naroroon na karamihan yata ay miyembro ng cheering squad ng basketball team.
"That's a very cheap trick, Shawn," nakaismid na sabi ni Deena. "Hurting my brother to get even with me."
Brother? napakunot ang noo ni Meredith at may pagtatanong ang tinging ipinukol kay Shawn.
Pero sa halip namang salubungin ang tingin niya ay nginisihan ni Shawn si Deena.
"Don't be so full of yourself, Deena. The world doesn't revolve around you. If our presence here makes the celebrant feel uncomfortable, we will take our leave," Shawn took her hand at akmang hihilahin na siyang paalis doon nang magsalita ang lalaking katabi ni Deena--the team captain.
"Ano ba naman kayo? Para kayong mga bata," sabi nito. "Shawn is cool with it, Dee. He's a good sport, right, bro?"
Kaswal na tumango si Shawn. Ngunit may palagay si Meredith na hindi iyon bukal sa loob nito.
"Nick should be a good sport, too. All is fair in love and war. Tama?" nilingon ng team captain ang mga naroroon.
"Right, Cap."
"Yes."
Matalim na umirap si Deena at naghalukipkip.
Nagbigay-daan naman ang iba para sila makaupo.
Sa mga sandaling iyon ay gusto ng umalis ni Meredith dahil hindi na siya komportable. It finally dawned on her what Shawn means when he said she'll be the icing on his cake. Dahil katulad ng sinabi ni Deena ay ginamit siya nito para makaganti sa babae. She wanted to get mad at Shawn for using her. On second thought, she consented. She knew all along what she's getting herself into. Ang mali lang ni Shawn ay may inilihim ito sa kanyang ditalye--o sadyang inilihim. At iyon ang nagpapagalit sa kanya.
"Excuse me. I need to use the restroom," pasintabi niya.
Hindi na niya hinintay ang sagot ng sinuman sa mga ito at tumayo na lang. Susundan sana siya ni Shawn ngunit pinigilan ito ng ka-team mate nito. Hindi na ito nilingon ni Meredith. Nang may makasalubong na waiter ay nagtanong siya kung nasaan ang restroom. Itinuro siya niyon sa may bandang dulo.
"Salamat." May isang parte sa kanya ang nagbubulong na umalis na roon. Iwanan na si Shawn dahil kaya naman niyang umuwing mag-isa. May dala siyang pera kaya may maipapamasahe siyang pauwi.
Napahinga siya nang malalim. Pumasok siya ng cubicle dahil kanina pa namimigat ang kanyang pantog. Nang matapos ay lumabas na siya roon. Nagulat pa siya nang paglabas niya ay makitang tila nag-aabang si Deena. Nakahalukipkip ito habang nakasandal sa gilid ng countertop.
"I'll make you regret that you ever crossed me."
"As far as I know, wala akong anumang atraso sa'yo."
"I don't forget, nor forgive easily. Remember this night. Dahil sisiguraduhin ko sa'yong hinding-hindi mo makakalimutan ang gabing ito sa buong buhay mo," isang ngiti ang iniwan nito sa kanya na nagdulot sa kanya ng kakaibang kilabot.
She tried to ignore it. Naisip niyang si Deena ang perpektong example ng isang narcissist. At kapag sa palagay nito ay naaagawan ito ng limelight she will resort to aggression. She decided to leave that party. Buo na sa isip niya na iyon ang gagawin. Ngunit paglabas niya ay nakita niyang tila naghihintay si Nick.
Lalampasan na sana niya ito na parang wala siyang nakita. Ngunit iniharang nito ang isang braso sa kanyang daraanan.
"Are you leaving?" he asked.
"Yes."
"It's my birthday. Hindi ka man lang ba makikipag-toast sa akin?"
"I think it was a mistake coming here. Everyone felt... awkward, even you. So I guess mas mabuti kung aalis na lang ako."
"I'm the celebrant. Could you at least wish me a happy birthday?"
"Happy birthday. 'Sorry, wala akong dalang gift."
"Ikaw ang regalong gusto ko. I mean, your presence here is more than enough. Kahit pa nga nagpunta ka rito na ang kasama ay si Shawn."
Hindi niya ito gusto for a lot of reasons. Pero hindi naman niya ito gustong bastusin lalo pa nga at kaarawan nito.
"Toast with me, please? Everyone's waiting. Dumating na ang cake. And I want you to be there to wish me a happy birthday."
Pinagbigyan na lang niya ito para wala ng mahabang usapan.
Bumalik sila sa mesang kinaroroonan ng mga kaibigan at kapatid nitong si Deena. Si Shawn ay tila pilit na hinuhuli ang tingin niya ngunit iniwasan niyang mapadako ang tingin dito. She hates him. At baka hindi siya makapagpigil maibulalas niya nang wala sa oras ang inis niya rito sa mga sandaling iyon.
They sang happy birthday to the birthday celebrant. At katulad ng hiling nito ay gusto nitong sumali rin si Meredith sa mga magto-toast ng inuming inihanda para rito.
"She's not yet allowed to drink any alcoholic beverages," ani Shawn nang abutan si Meredith ng flute glass na may champagne.
"I'll drink it for her."
Napalingon ang lahat sa pinagmulan ng nagsalita.
Nagulat si Meredith at kumabog ang dibdib nang makita si Vengeance. Ano ang ginagawa nito roon? At paano siya nitong nasundan?
Bago pa nakakilos ang sino man sa mga naroroon ay kinuha nito ang flute glass na nasa kamay ni Meredith.
"Happy birthday, Salvacion," matapos sabihin iyon ay walang anumang inisang-lagok nito ang champagne. Waring ninamnam pa nito ang inumin sa bibig bago nilunok at pagkuwa'y isinalpak sa kamay ni Nick ang flute glass at bahagyang inilapit dito ang sarili. "Not a chance, nincompoop."
Walang sino man ang nakapiyok nang basta na lamang hagipin ni Vengeance ang kamay ni Meredith.
"I'm taking her back," ani Vengeance kay Shawn na walang kakilos-kilos sa isang tabi. "Stay the fuck away, Qerro."
Hanggang sa makalabas sila ng lugar na iyon ay wala ni isang katagang lumabas sa bibig ni Meredith.
"Get inside the car now before I toss you in."
-
lagot, nagalit na si Mr. Liu.
talagang papunta na tayo sa exciting part 😁 😁 😁
may sexcited. ayon, o--->
ang lakas ng palakpak niya🤣 🤣 🤣 🤣
frozen_delights
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro