Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Thief

1k votes and 1k comments for another update. topak update😘 😘 😘


Chapter Ten

"PABILI."

Naging regular ng eksena sa pagitan nina Meredith at YM ang ganoong tagpo. At madalas kapag bumibili ito ay tiyempong wala si Suzy para gumawa ng unwanted scene.

At dahil saulado na ni Meredith kung ano ang bibilhin nito ay agad na kinuha ng dalaga ang garapon na kinalalagyan ng sigarilyo at binigyan ito ng isang stick. Ilag pa rin siya rito at hindi komportableng makipag-usap kahit pa nga sa loob ng isang linggong matuling lumipas ay halos araw-araw niya itong nabubungaran pagbukas ng tindahan. At kapag naroroon na si Suzy ay mataktika na lang itong nawawala. Hindi man gustong mag-assume pero palagay niya ay ginagawa nito iyon para hindi sila magtalo ni Suzy.

Nang maiabot niya ang sigarilyo ay iniabot niya na rin ang lighter. Tinalian na niya iyon ng garter para hindi siya nahihirapang maghagilap kapag may naghahanap ng pangsindi. 

Paupo na si Meredith sa kanyang puwesto para ituloy ang pagpapakete ng paminta nang mapansin niyang panay ang click nito sa pinaka-switch ng lighter para sumindi ngunit tila hindi na iyon gumagana.

"A-ayaw ba?" aniya na kaagad naghagilap ng posporo.

"Ayaw. Mailap."

Mailap? Naudlot ang akmang pag-aabot ni Meredith dito ng posporo. Ang lighter ba ang tinutukoy nito o siya?

Nang magkasalubong ang kanilang tingin ay tila kinumpirma nito ang iniisip niya. He was talking about her. Inabutan niya ito ng posporo atsaka parang napapaso na nagbawi ng tingin.

"Magandang umaga, Ms. Maganda ng buhay ni Young Ma--er, napakaganda ng umaga lalo na kung isang magandang tindera ang iyong makikita," masiglang bungad ni Rocky na nagpangiti kay Meredith.

Ito naman ang tila ice breaker sa tensyon niya. Kahit pa nga madalas ay hindi niya maintindihan ang iba sa mga sinasabi nito.

"How are you this morning, Ms. Beautiful?" tanong ni Rocky.

"I'm fine, thanks," tugon naman niya. 

Naaaliw siya sa hitsura nito na parang bakasyunista na nakasuot ng hawaiian shirt. Fan pa yata ito noong isang kilalang pulitiko na parating ganoon ang outfit.

"Kumakain ka ba ng tapsi?"

"Tapsi?"

"Tapa at sinangag--in short, tapsi. O di kaya ay longsilog--longganisa, sinangag at itlog. Masarap 'yong almusal."

Napaisip siya. Sa totoo lang ay kumakalam na rin ang tiyan niya dahil nang bumangon siya ay wala pang nakahaing agahan. Maagang umalis para mamalengke si Lola Miling. Madilim-dilim pa nang magpaalam iyon sa kanya. At anito ay magtinapay at gatas na lang muna siya at pagdating na nito ito magluluto ng agahan. Ngayong nabanggit ni Rocky ang masarap na menu sa almusal ay nakaramdam siya ng gutom.

"Gusto ko sana, Rocky, kaya lang wala pa si Suzy. Malayo ba 'yong bilihan ng tapsi na sinasabi mo?"

"Hindi. D'yan lang 'yon sa may labasan."

"Puwede bang magpabili na lang ako sa'yo? Ilibre na lang kita."

"Huwaw, gusto ko 'yan. Ikaw, YM? Ano'ng gusto mo?"

"Adobo Diablo."

Napalingon nang di-oras si Meredith kay YM. The corner of his lips formed a smirk as though he was waiting for her reaction. Napabawi siya ng tingin atsaka dumukot ng pera sa kanyang pitaka para maikubli ang nadaramang pagkailang. Kelan kaya siya masasanay sa mga tingin nito? Iyong kahit magkasalubong ang kanilang mga mata ay hindi siya titiklop na parang dahon ng makahiya.

"H-heto ang pera," aniya kay Rocky. Inabutan niya ito ng isandaan. "Kasya na ba 'yan para sa dalawang order?"

"Oo naman, Ms. Maganda. Basta't para sa'yo kahit brasuhin ko ang may-ari ng tapsihan gagawin ko."

"Mari na lang ang itawag mo sa akin, ano ka ba? Nakakahiya sa mga nakakarinig."

"Ano naman ang dapat ikahiya ro'n, eh, totoo namang maganda ka. Kaya nga 'yong kakilala ko wala pa yatang mumog at hilamos dito na kaagad ang tak--araykup!" napangiwi si Rocky na kamuntikan ng mapaluhod.

"Ano ang nangyari sa'yo?" sinipa ba ito ni YM? Natingnan niya nang pailalim ang lalaking naninigarilyo nang tahimik at tila walang bahid ng kasalanan.

"Pinulikat ako."

"Oh."

"Ano nga pala ang gusto mo?" biglang shift ni Rocky habang pahapyaw na hinihimas-himas pa ang isang binti. "Tapsilog, longsilog, hotsilog, chixsilog, bangsilog, shangsilog, porksilog, cornsilog, o Adobo Diablo na rin?"

"Ano bang klaseng pagkain 'yon?" out of curiosity ay naitanong niya.

"Spicy hot pork adobo topped on equally sizzling fried rice with egg."

"Wow," napa-react siya nang ganoon hindi lang dahil sa nai-imagine na anghang ng pagkaing nabanggit kundi napapabilib siya sa pagsasalita ni Rocky. Nakakapag-English ito nang tuwid at hindi iyong tinatawag na carabao English o Barok. Gayong ang unang impresyon niya nang gabing iligtas siya ng mga ito ay tipikal na tambay lang ito sa kanto na walang pinag-aralan. But as it turned out, tila nakapag-aral din ito. "I'm okay with anything simple. Basta masarap."

"Ano ang maisa-suggest mo, YM?" baling ni Rocky sa binatang tahimik lang na naninigarilyo.

Saisip-isip ni Meredith, kung ang iba ay kape o tsokolate ang inilalaman sa sikmura paggising sa umaga, ito naman ay sigarilyo. Pambihira.

"Masarap ang chixsilog."

"O, chixsilog ang suggestion ni Bossing."

"Chicken ba 'yon?" hula niya.

"Tama."

Tumango siya. Ilang araw na rin silang pulos gulay at isda, nami-miss niya na ring kumain ng karne. Hindi naman siya makapagreklamo kay Lola Miling dahil alam niyang iyon ang nakasanayan nito. Isa pa ay siya ang kailangang mag-adjust sa kinalalagyang sitwasyon. Iyon din ang bilin ng kanyang ina. Sa lugar na pupuntahan niya ay hindi na siya ang senyorita na bawat kibot ay may nakaalalay na maid.

"Sige, 'yon na lang," aniya kay Rocky. "Dagdagan mo na ng dalawang order para kina Lola at Suzy."

Muli sana siyang dudukot ng pera sa pitaka nang pigilan siya ni Rocky.

"Huwag na, Ms. Magan--ah, Mari pala. Huwag na, sagot ko na 'yong dalawa pang order."

"Naku, nakakahiya naman sa'yo. Lagi mo na nga akong nililibre ng fish ball, eh," tanggi niya.

"Si YM 'yon."

Nahihiyang padaplis na tinapunan ng tingin ni Meredith si YM. Hindi ito nakatingin at sa halip ay inisang hitit na nito ang sigarilyo atsaka iyon ibinagsak sa may paanan at niligis ng pamaa ang may sindi pang upos.

"Tara na. Mahaba ng tiyak ang pila ro'n," ani YM kay Rocky.

"Oo nga pala. Nakalimutan kong sabihin sa'yo, Mari, na blockbuster lagi ro'n kapag ganitong umaga. Alis na muna kami."

Tango at ngiti na lang ang naisagot ni Meredith. Parang na-magnet naman ang kanyang mga mata na sumunod sa likuran ni YM. He's wearing a tattered jeans and a simple white tee paired with black sneakers. Sa paningin ng karamihan ay mukha lamang itong simpleng dayo sa lugar na iyon with his boyishly handsome looks. Pero sa obserbasyon niya rito sa mga nakalipas na araw ay hindi ito simpleng mamamayan lamang. Ngunit kahit napupuno ng kuryosidad ang isipan niya tungkol dito ay wala siyang balak na alamin. Some things are better left alone. And that includes YM--whatever his initials stand for.

"Akala ko ba wala kang gusto sa kanya? Eh, bakit ganyan kang makatingin kay YM?"

Napairap si Meredith sa boses ng bagong dating. "Good morning to you, too, Suzy."

"Hmp!"

Hindi niya na lang pinansin ang babae at ipinagpatuloy na ang mga dapat gagawin sa loob ng tindahan. Ito naman ay pumasok na rin sa loob at nag-ayos na ng pagsasalansan ng mga panindang gulay. Ubos na ang stock nila ng karne at isda kaya maagang nagtungo ng palengke si Lola Miling para roon. Wala siyang idea kung gaano kalayo ang pamilihan doon dahil mukhang tinanghali na ang dating yaya sa pamimili.

"'Andito na ako," mula sa traysikel na tumigil sa harapan ng tindahan ay umibis si Lola Miling.

Agad na lumabas ng tindahan si Meredith para tumulong dito. Inaasahan niya na susunod kaagad si Suzy para tumulong sa pagpapasok ng mga pinamili sa tindahan lalo pa at napakaraming pinamili ni Lola Miling. Naisip na lang niya na siguro ay inaayos pa nito ang mga tray na pinaglalagyan ng karne at isda.

Buhat ang mabigat na bayong ay hindi halos magkandadala si Meredith papasok ng bahay.

"Teka-teka, Mari. Tulungan na kita," boses ni Rocky mula sa kanyang likuran. 

Bago pa niya ito nalingon ay nakuha na nito sa kanya ang mabigat na basket.

"Salamat."

"Walang anu--"

"Ay!"

Nakalingon kay Meredith si Rocky habang papasok habang si Suzy naman ay nagmamadaling palabas. Nagkabanggaan ang katawan ng mga ito. At dahil mas malaking di-hamak si Rocky, nag-bounce lang ang katawan ni Suzy rito. Sa lakas ng impact ay may kung anong nalaglag sa bulsa ng huli. Sabay pang napatingin doon sina Meredith at Rocky.

"Bakit nasa'yo ang wallet ko?" tanong niya na may pagtataka.

"N-nakuha ko sa loob. I-itatanong ko nga s-sana sa'yo kung kanino."

Duda siya roon. At maging si Rocky man ay parang may panghuhusga rin ang tingin kay Suzy. Katabi ng kaha ng pera sa tindahan ang wallet niya at nasa medyo kubling lugar iyon bakit kailangan nitong kuhanin sa pinag-iwanan niya para lang tanungin kung kanino iyon? Hindi ba ito puwedeng makapaghintay kung ganoon nga na magtatanong lang ito?

"B-bakit ganyan ang tingin niyo sa akin? Hindi ako magnanakaw!"

"Wala naman kaming sinasabing gano'n," ani Rocky.

Si Meredith ay walang kibong dinampot ang kanyang pitaka. It was an LV wallet, limited edition and was a gift from her mother on her sixteenth birthday. Mauunawaan niya kung iyon ang pinag-interesan ni Suzy dahil sa malaking halaga iyon kung ipagbibili.

"O, bakit mga nangariyan kayo sa pinto?" nagtatakang tanong ni Lola Miling.

Bago pa makasagot ang sino man sa kanila ni Rocky ay nagmamadaling lumabas si Suzy. Nabangga pa nito si Lola Miling at ni hindi man lang humingi ng dispensa.

"Ano ang nangyari ro'n?" tanong ni Lola Miling.

"Masama yata ang pakiramdam, Lola," sabi na lang ni Meredith para hindi na humaba pa ang usapan.

"Ganoon ba?"

Nang magkatinginan sina Meredith at Rocky ay tila nagkaunawaan na sila at hindi na rin ito nagsalita. Tahimik na lang itong tumulong sa pagbubuhat. Nagulat pa si Meredith nang makitang pati si YM ay katu-katulong na rin sa pagpapasok ng mga pinamili ni Lola Miling.

"Heto na nga pala 'yong ipinabibili mo," sabi ni Rocky. Hawak nito ang plastic bag na naglalaman ng tatlong disposable styro lunch box.

"Akala ko ba mahaba ang pila sa tapsihan? Ang bilis niyo yatang nakabili."

"Connections," sagot nito na may kasunod na kindat.

"Ikaw na ang may connections," aniya.

Natawa si Rocky.

Nang sabihin ni Meredith kay Lola Miling na nagpabili na siya ng agahan nila kay Rocky ay natuwa ang matanda at inaya na ring sumabay na sa kanilang kumain ang dalawang binata. Ito pa ang nagtimpla ng kape para sa dalawa. Pakonsuwelo na raw nito sa pagtulong sa kanilang magbitbit ng mga pinamili.

Wala namang pagtutol doon si Meredith. Naisip niya kung gaano kabait ang dating tagapag-alaga na kahit yata sino ay bukas-palad nitong tinatanggap.

"Ano kaya ang nangyari sa batang 'yon?" habang kumakain sila ay naitanong ni Lola Miling.

Makahulugang nagkatinginan sina Rocky at Meredith.

"Hayaan na ho muna natin siyang magpahinga, Lola," wika ng dalaga para pawiin ang pag-aalala ng matanda.

"Tama ka. Dinig ko ay nagkasagutan ang mag-ina kagabi. Pinipilit na naman yata ni Delia na ipasok sa kabaret ang anak niya. Ni hindi man lang naisip ang kahihinatnan no'ng bata sa pagpasok sa lugar na iyon. Lalo pa sa panahon ngayon na talamak ang nakukuhang sakit sa pagbebenta ng aliw."

Kapwa tahimik lamang ang dalawang lalaki na kasalo nila. Si Lola Miling ay patayo-tayo minsan kapag may bumibili.

Nang matapos ay kaagad na ring nagpaalam sina Rocky at YM. May trabaho pa raw ang mga ito. Hindi siya sigurado kung anong klase ng trabaho iyon. Pero bago umalis ang dalawa ay may tawag na natanggap sa cellphone si YM. Bahagya na siyang natanguan ng binata nang lumabas iyon kabuntot si Rocky.

Kinabukasan ay nalaman na lang nila na natuloy ng pumasok sa sinasabing kabaret ni Lola Miling si Suzy. Ang balita pang nakarating sa tindahan ni Lola Miling ay halos kaladkarin daw ng ina si Suzy. Halatang nalungkot ang matanda sa balitang 'yon. Sa kabila ng masamang trato sa kanya ni Suzy ay naawa rin dito si Meredith. Pero ano nga ba ang magagawa nila sa ganoong sitwasyon. Usaping-pampamilya iyon na hindi nila puwedeng panghimasukan.









Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro