The Master
Chapter One
TEN years later...
"HOW dare you!" ang balak na pagsampal ni Gertrude kay Vengeance ay hindi nito nagawa nang mabilis na humarang dito si Bentley at pigilan sa palapulsuhan ang babae. "Let go of me, you lowlife."
Tumingin muna si Bentley kay Vengeance. Sa marahang pagtango ng amo ay pinawalan nga ni Bentley ang pagkakahawak sa babae. Ang sampal na hindi dumapo sa pisngi ni Vengeance ay gigil na pinawalan ng babae sa mukha ng pinakaloyal na tauhan ng anak.
"Don't you ever touch me with your filthy hand again, you hear?"
Tahimik lang na nagtiim ang mga labi ni Bentley at hindi sumagot kahit na ga-putok.
"I will deal with you later," puno ng pagbabantang sabi ni Gertrude.
"You will not deal with any of my men, Madame. Because as of this moment, you are no longer in control of this household," ang walang emosyong saad ni Vengeance.
"You've got some nerve. You can't do this to me!"
"I already did. I expect you to haul your ass and your lover out of my property this instant or I will have my men drag you both."
"You son of a bitch," nanginginig sa galit ang mga kamay ni Gertrude. Ang bilugang mga mata nito ay halos mag-apoy sa matalim na pagkakatingin kay Vengeance. At ang matangos na ilong na ilang beses ng niretoke ay halos mag-umusok sa matinding ngitngit.
"Yes, Madame. I am a bitch's son. And that's pretty much quite obvious, don't you think?" sarkastikong tugon dito ng binata.
"I should have killed you before you were born."
"But you didn't, you couldn't. Because the truth of the matter is, I am your ticket to an easy, privileged, and luxurious life. A life you could only dream about while entertaining men after men in your bed."
"Tama ka," umismid si Gertrude. "Isa lamang akong bayarang babae. At may palagay akong umiikot na ngayon sa libingan niya ang iyong ama kung malalaman niyang hindi ka naman talaga niya totoong anak."
Isang pekeng ngiti ang kumurba sa mga labi ni Vengeance.
"Be very grateful, Madame, that I am indeed his son. Dahil kung nagkataong hindi ako lehitimong binhi ni Harry Liu, pareho tayong pupulutin sa basurahan."
Namilog ang dati ng bilugang mga mata ni Gertrude sa narinig.
"Pareho nating alam kung gaano ka-segurista ang aking ama. Your doctor did a prenatal paternity test on you under father's order."
"No."
"You don't know anything about it, of course. It was a match. At para mas makasiguro pa, he asked for another DNA paternity test after I was born. Which has the same result. I am his son and his sole heir."
"I am absolutely sure that you are not his son!" histerikal nitong sabi.
"You tried getting yourself pregnant by sleeping with other men so you could trap father into marriage. And fortunately my father's seed got you pregnant the night you lure him into your bed."
Mariing kumuyom ang mga kamay ni Gertrude. Totoo ang mga sinabi ni Vengeance. Sa kabila ng mapanganib at kinatatakutang reputasyon ni Harry Liu ay ginusto pa rin niyong mabihag ang lalaki kapalit ng karangyaang makukuha rito. At nagtagumpay naman siya. Ngunit kapalit niyon ay nawalan siya ng kalayaan. Lahat sa buhay niya ay kinontrol ng lalaki. Ang buong akala niya noong una ay dahil obsessed ito sa kanya at mahal na mahal siya. But as soon as she gave birth to Vengeance, nawalan na ito ng interes sa kanya. He provided her with everything she needs, showered her with expensive gifts and jewelries. Pero maliban doon ay ipinaramdam nito sa kanya na wala siyang halaga rito. Na ang tanging silbi niya ay iluwal ang tagapagmana nito. At nang magawa iyon ay naitsa-puwera na siya.
Mas mabuti pa nga siguro kung matapos niyang iluwal ang anak ay hiniwalayan na lamang siya nito. Ngunit hindi nito iyon ginawa. Kailangan nito ng ina para sa kanyang anak. At hangga't nabubuhay ito ay mananatili siyang nakakulong sa gintong hawla na pinagkulungan ni Harry sa kanya. Pinagtiisan niya iyon. At ang tanging naging outlet niya sa matinding frustration ay ang saktan si Vengeance sa tuwing nasa biyahe si Harry. Ngunit nang minsang matuklasan nito ang ginagawa niya sa anak ay nakatikim siya ng matinding parusa. Binugbog siya nito at ikinulong sa basement ng isang linggo at once a day lang kung pahatiran ng pagkain.
Gusto ng takasan ni Gertrude ang kinasadlakan niyang buhay. Ngunit takot siyang iwanan ang nakasanayang karangyaan. Ayaw na niyang balikan ang buhay na pinanggalingan niya. When Harry died she thought she finally had a chance to gain control over her life. Pero hindi pala. Lahat ng ari-arian nito ay napunta kay Vengeance. Ang tanging natira sa kanya ay ang kaunting halaga sa bangko na mula lamang sa allowance na ibinibigay nito. Maging ang bahay na tinitirhan nila ay nakapangalan kay Vengeance. But if it's any consolation, malilipat lamang kay Vengeance ang control sa lahat ng mga minana nito sa sandaling sapitin nito ang edad na bente-uno. Naisip ni Gertrude na samantalahin ang pagkakataong iyon para kamkamin ang lahat ng puwede niyang makuha. Ngunit isa iyong malaking pagkakamali, naka-freeze ang mga assets ni Harry hanggang sa sapitin ni Vengeance ang tamang edad. Ang tanging regular niyang matatanggap ay allowance at suweldo ng ilang kasambahay na direktang pumapasok sa bank account ng mga ito. At ang masaklap, ang sa kanya ay may nakakabit pang kundisyon. Mapuputol iyon sa sandaling magkaroon siya ng relasyong sekswal sa kahit na sinong lalaki.
Isang mapaklang tawa ang kumawala sa mga labi ni Gertrude. Ang parating composed at bihirang magpakita ng emosyong babae ay tila isang baliw na tumawa nang mataginting.
"You can't get rid of me so easily, Vengeance, I am your mother. Sa akin ka nanggaling at tinitiyak ko sayong babalik ka sa akin nang nakaluhod."
"Not in this lifetime, mother dearest. Do yourself a favor and just leave. Huwag mong kalilimutang bitbitin ang iyong basura."
Hindi na nagsalita pa si Gertrude at nakataas-noong tinalikuran si Vengeance.
"By the way, starting today you won't be receiving any allowance."
Tumuwid ang gulugod ni Gertrude at kumuyom ang dalawang kamay. Nakita ni Vengeance ang lahat ng iyon ngunit wala na siyang narinig na kahit na ano mula rito. Kinalas niya ang suot na neck tie at naglakad patungo sa pribadong opisina ng kanyang ama habang binubuksan ang ilang butones ng suot na white undershirt. He took off his business suit and throw it on the La-Z-Boy recliner. Marahang kumunot ang kanyang noo at may ilang sandaling pinakatitigan ang upuan. Hindi iyon ang natatandaan niyang upuan doon ng kanyang ama. Pahapyaw na umikot ang tingin niya sa paligid at napansin ang ilang bagay pa na nagbago roon. Nang matutok ang tingin niya sa naka-frame na larawan sa ibabaw ng mesa ay bahagyang naningkit ang kanyang mga mata.
Saglit pa at maririnig sa buong kabahayan ang pagkabasag ng salamin mula sa pribadong opisina. At mula sa French window ng silid ay pabalyang lumabas mula roon ang La-Z-Boy recliner kasunod ang paglipad ng ilang picture frame palabas.
Walang sino man ang nakapiyok o nakakilos kaagad sa kinatatayuan. The real master of the house is back. Ngunit malayo sa takot ang nararamdaman ng lahat ng mga tauhang naroroon. Bagkus ay tuwa dahil ang totoong panginoon sa tahanang iyon ay nagbalik na.
Matapos ang tagpong iyon ay makikita naman ang pagbaba ni Gertrude mula sa grand staircase ng mansion. Kasunod nito ang lalaking matanda lamang ng ilang taon kay Vengeance--si Anacleto Navarro, Gertrude's young lover. Hila-hila nito ang dalawang luggage bag ni Gertrude. Habang sa hulihan pa ng mga ito ay may nakasunod na dalawang kasambahay at bitbit ang ilan sa mamahaling bags at sapatos ng babae.
Nagngingitngit man ang kalooban ni Gertrude sa lahat ng iyon ay hindi niya magawang pawalan ang lahat ng galit. Ngunit ipinangako niya sa sarili na hindi iyon ang magiging huli. Gagawa siya ng paraan upang makabalik sa pamamahay na iyon. She already considered that property as hers. At gagawin niya ang lahat para mabawi iyon. Even if it means cutting all her ties with her beloved son.
A menacing smile slowly curved in the corner of her lips.
"Parang may binabalak kang maganda, aking reyna?" ani Anacleto.
Gustong kilabutan ni Gertrude sa endearment ng kanyang uto-utong boylet. Sa totoo lang ay ginagamit lang naman niya ito. Mahusay kasi sa kama. At dahil matagal na panahon din siyang natigang sa dami ng mga matang nagbabantay sa kanya, pinagtiyagaan na rin niya ito. Kahit pa nga sa palagay niya ay nalipat lahat sa pagitan ng mga hita nito ang kakarampot na meron ito sa pang-itaas na ulo.
"You just wait and see. Babawiin ko ang lahat."
"Hindi ba parang mas mahirap lalo at nasa hustong edad na ngayon ang anak mo kaysa noong wala pa sa kanyang kontrol ang lahat?"
"Don't you trust me?"
Ngumiti si Anacleto. "Siyempre may tiwala ako sa'yo, aking reyna. At nakahanda akong suportahan ka."
"Good, that's all I wanted to hear."
Animo'y reynang pinagbuksan ng pinto ng sasakyan ni Anacleto si Gertrude. Bago naman lumulan sa sasakyan ay isang huling sulyap ang ibinigay ni Gertrude sa kabuuan ng mansion. Kung iisipin nga ay magiging mahirap ang lahat dahil na kay Vengeance na ang full control sa inheritance nito. Subalit para kay Gertrude ay mas maganda iyon. Sa paglabas ni Vengeance ay naroon din ang kaakibat na panganib mula sa mga dating kaaway ni Harry. Baka nga ni hindi na niya kailangan pang gumawa ng kahit na anong hakbang at ang mga ito na mismo ang mag-aalis ng tinik sa landas niya. With that thought, they drove off.
"They're gone now, Young Master--er, Boss," pagbabalita ni Bentley nang pumasok sa opisina. Nakita nito na parang dinaanan ng buhawi ang buong silid sa mga nagkalat at basag na gamit.
"Where is Dad's vintage La-Z-Boy?"
"Itatanong ko sa mayordoma, Boss."
"Ipalinis mo na rin ang buong opisina. Gusto kong pagbalik ko ay nasa ayos na ang lahat katulad ng dati."
"Masusunod, Boss."
He went up to his room. Mabuti na lamang at mukhang wala namang nagalaw roon. Kung anong ayos niya iniwan ang kanyang mga paboritong libro at Star Wars' collectible figures ay ganoon pa rin ang pagkaka-ayos ng lahat. Mukhang alagang-alaga rin iyon sa linis dahil ni wala siyang nahipong alikabok sa mga muwebles. Napatingin siya sa kanyang kama. May kung anong emosyong umahon sa dibdib niya. Iyon ang bagong kama na ipinabili ng kanyang ama. He's going to be an adult soon ang natatandaan niyang sinabi nito noon kung kaya't pinapalitan nito iyon ng mas malaki at mas solidong bed frame.
Huminga siya nang malalim at naupo sa gilid ng kama. Nasapo niya ng dalawang kamay ang magkabilang sentido saka inihagod ang mga daliri sa buhok at pinagsalikop ang dalawang kamay sa batok. He blows a loud breath atsaka nagpatibuwal pahiga sa kama. Ipinatong niya ang isang braso sa noo at ipinikit ang mga mata.
Nasa ganoong ayos si Vengeance nang tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya iyon mula sa bulsa ng pantalon at sinagot nang hindi tinitingnan kung sino ang caller.
"V, we need back-up," ang may bahagyang hingal na sabi ng caller sa kabilang linya na tila iyon galing sa malayong pagtakbo.
Napabalikwas siya ng bangon. Sa dulong linya ay maririnig ang ilang palitan ng putok na sinasalitan ng mura mula sa mga boses na kilalang-kilala niya.
"On it. Send me your exact location."
"Copy that."
Nang mawala ang kausap sa kabilang linya ay hindi na siya nag-aksaya ng oras at kaagad na hinagip ang susi ng kanyang BMW S 1000.
"Bentley," tawag niya sa kanang kamay.
Mabilis na lumitaw sa may puno ng hagdan ang kanyang ever-reliable na tauhan. "You need something, Boss?"
"Prepare my guns."
"Right away, Young Master--er, I mean, Boss."
Naiiling na nagsuot ng gloves si Vengeance. Tumanda na siya at lahat ay mukhang ang batang si Vengeance pa rin ang nakikita ni Bentley sa kanya. When he reached the ground floor ay nakaabang na si Bentley at ibinigay sa kanya ang isang black drag bag na naglalaman ng kanyang sniper rifle. Isinukbit niya iyon sa kanyang likuran bago tinungo ang naghihintay na sport bike.
"Take care, Boss."
Bahagya na iyong naunawaan ni Vengeance nang isuot ang kanyang helmet at pagdaka'y mabilis na patakbuhin palabas ng bakuran ang matuling sport bike. In less than thirty minutes ay narating niya ang sadyang lugar. Maingat niyang niligiran ang paligid bago umibis. It looks like an abandoned old warehouse. Wala siyang alam na bagong misyon ng grupo kaya nagtataka siya kung ano ang ginagawa ng mga ito roon. Napakatahimik ng paligid. Kabaliktaran iyon ng inaasahan niya. Napaisip tuloy siya kung tama ba ang lugar na napuntahan niya. Ngunit base sa kanyang tracker ay tama naman.
Kinuha niya ang kanyang hand gun at maingat na pumasok sa loob. Alerto ang kanyang mga mata for possible hostiles. Nang di-kawasa'y may marinig siyang tunog mula sa kanyang likuran. For a trained ear he knows that sound so well. Tunog iyon ng nakakasang baril na natitiyak niyang nakatutok sa likuran ng kanyang ulo.
"Hand's up."
"Fuck," mura niya nang makilala ang boses.
Sumunod doon ay sumabog ang confetti at napuno ang paligid ng ingay ng mga turutot. At mula sa kung saan ay isa-isang nagsulputan ang mga kalalakihang pamilyar na pamilyar sa kanya. His friends, his new family.
"Happy birthday to you, happy birthday to you," pasimuno ni Qaid na dala-dala ang isang pabilog na cake. May dalawang kandila na nakasindi roon na may numerong 21.
"Happy beerday, happy beerday," makalokohang kanta ni Scythe.
Na sinundan ng lahat. "Happy beerday to you...!"
He tsked. Mga siraulo talaga itong kaibigan niya.
"Blow, man. Mamaya ikaw naman ang ipapa-blow namin," ani Menace.
He blow the candle on his cake. Halos inaasahan na niya ang kasunod niyong eksena kaya naman naging maagap siya at napigilan ang pagsubsob ng mukha sa cake. Sa halip ay dumakot siya niyon at isa-isang pinagbabato ang mga siraulo niyang kaibigan. Napuno ng tawanan nila ang buong lugar.
"Retards!"
"Hey, V."
Paglingon niya kay Trace ay hinagisan siya nito ng paintball gun. Mabilis niyang nasalo iyon. Saka lamang niya napansin na may kanya-kanya ng hawak na paintball gun ang mga ito.
"Ang grupong matatalo ay siyang magpapainom mamaya," anunsyo ni Tor.
"Game on, chief," tugon ni Ferocious.
Hinati ang grupo nilang labindalawa sa tig-anim na miyembro. Ang mga ito ay pawang naka-shorts at sando lamang habang siya ay naka-pants pa at puting undershirt. Kagagaling niya lang kasi sa bahay ng executor ng will ng Daddy niya. Walang-wala naman sa isip niya na may gagawing kalokohan ang mga ito sa kaarawan niya.
Nag-umpisa ang kanilang laro. Mistulang mga bata na umaalingawngaw ang mga halakhak at hiyawan nila sa paligid. Palibhasa hindi halos na-enjoy ang pagiging bata tila naging pagkakataon na nila iyon para makabawi. And they all had a blast.
"Head shot! I got you Z," sigaw ni Scythe.
"What the fuck?! We're on the same team, asshole!"
"Oh, shit. My bad--ah! Who shot me?"
"I did," sagot ni Callous.
"I thought we're on the same team?" reklamo ni Scythe sabay hagod sa likuran ng ulo.
"Apparently, you are a mole. I shoot you to avenge Z."
"The hell, ano 'to? Hollywood movie?"
Nagpatuloy ang magulo nilang laro. Hanggang sa isa-isa ng malagas ang magkakakampi. Nang mapagod ay plakdang humiga sila sa gitna ng lumang warehouse, habol ang mga hininga at parang mga graffiti wall ang katawan sa pinturang nakakulapol doon.
"Whose place is this?" sa pagitan ng paghahabol ng hininga ay tanong ni Vengeance sa mga kasama.
"Qaid's," sagot ni Thorn.
"I'm planning to convert this into a loft."
"Hm, tama. Para meron tayong inuman," mabilis na sang-ayon ni Scythe.
"This is going to be our conference area, hindi bar. Tsk."
"Sabi ko nga, conference area. Hindi bar."
They all chuckled.
-
good morning!
the naughtiest is now signing in for a new roller-coaster ride.
stay with me, darlings😘😘
frozen_delights
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro