Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

The Black Widow

Chapter Two

Present day...

"BOSS, I think you need to see this."

Mula sa binabasang report ay nag-angat ng tingin si Vengeance sa bagay na nais ipakita ng kanang-kamay na si Bentley. It was a news article. At dahil nakalagay na iyon sa mismong nilalaman ng article mabilis lamang niya iyong pinasadahan ng tingin.

Baby Rose Ilacad found dead inside their home.

Saglit pa niyang inisip kung sino ang babae at kung ano ang koneksyon niyon sa kanya. Hanggang sa biglang mag-pop sa utak niya ang isang pangalan. Atty. Meredith Zamora. Kliyente ito ng mahusay na abogada. At kung hindi siya nagkakamali ay controversial ang kasong 'yon dahil bigating mga tao at may sinasabi sa lipunan ang sangkot. Hindi rin lingid sa kanya na ilang death threats ang natanggap ng kilalang abogada upang bitiwan ang kaso. But knowing how stubborn she was, walang sinuman ang bastang makapagbabago ng isip nito. Dahil ito ang tipo ng taong mientras pinipigilan ay lalong sumisige.

Three months ago ay naging headline ang pagkamatay ng kilalang model turned actor na si Carlos Bryant Arevalo. Anak ito ng isang dating batikang aktres samantalang ang ama naman nito ay nagmula sa angkan ng mga kilalang pulitiko. 

When Meredith took the case of Baby Rose Ilacad--ang suspect sa pagkamatay ng aktor--marami ang nagsabing sa kauna-unahang pagkakataon ay makakatikim ng pagkatalo ang hinahangaang abogada. But that didn't faze her. Then and now, she's still the fearless teen he met several years ago. People gave her the title Black Widow not because she is a young widow but she proves to be a venomous opponent inside the courtroom.

Meanwhile, Baby Rose Ilacad was just an ordinary clerk working in a department store. She is ordinary in every sense of the word. Isang buwan bago namatay ang aktor ay sinampahan nito ng kasong rape ang lalaki kabilang na ang dalawa pa niyong kaibigan. But no one believed her. Instead she was bombarded with accusations. Na isa itong desperadang babae na naghahanap lamang ng atensyon mula sa isang guwapo at mayamang lalaki na kailanman ay hindi ito tatapunan ng tingin. She was bullied. At hindi lang ito kundi damay ang buong pamilya ng babae. Kahit ang mga nakababatang kapatid nito ay hindi na nakapag-aral nang maayos dahil maging sila ay nakatikim din ng malupit na pang-aalipusta.

Iyon ang masamang kalakaran ng mapanghusgang mundo. Dahil ordinaryong babae lamang at walang sinasabi sa lipunan ang nang-aakusa hinusgahan kaagad ito base sa panlabas na hitsura. Habang ang mga netizens ay binibira ng masasamang komento si Baby Rose Ilacad, kung anu-anong papuri naman ang lumalabas tungkol kay Carlos Bryant Arevalo. Na diumano ang isang guwapo, mayaman, at may pinag-aralang lalaki na katulad nito ay imposibleng magawa ang ibinibintang dito. He's too handsome to be a rapist, ang isa sa mga nag-trending na komento ng mga netizens sa social media. Kung hahanap din lang daw ito ng rereypin, marami raw ang willing na tumihaya para rito. Marahil daw ay humitit ng katol si Baby Rose Ilacad kaya kung anu-anong ilusyon ang pumapasok sa kukote nito. Dapat daw ay isama na sa mga natotokhang ang babae at baka sa susunod ay kung sino namang celebrity ang matipuhan nito at akusahan ng rape.

Those and the verbal abuse Baby Rose Ilacad received from the people who barely knew her ay sapat para maputol ang pagtitimpi ng kahit na sino. Hustisya lang naman sana ang isinisigaw nito. Hustisyang hindi na nga nito nakuha ay nadiin pa ito sa isang krimen. Kasalukuyan ng dinidinig ang kaso nito. Nasa Italy si Vengeance nang masimula ang hearing. Nasubaybayan niya lamang ang takbo ng kaso base sa report ng mga matang itinalaga niyang magbantay kay Meredith. According to some baleful rumors circulating the very controversial case, 30-70 ang chance na manalo ang kaso. Thirty being the slim chance for Baby Rose Ilacad to win the case. Most people were convinced that she will get the maximum penalty for murder.

Iyon ang tinitingnan na mabigat na dahilan sa pagpapatiwakal ng babae. Plus the fact that her family was being ostracized from their small community. Buong pamilya nito ang nag-suffer. Ito at ang ama nito na magkatulong na nagtataguyod sa pangangailangan ng pamilya ay kapwa nawalan ng trabaho. Kahit ang ilang kamag-anakan ng mga ito ay nilayuan sila sa takot na madawit sa isyu ng pamilya. Walang iniwang suicide note ang babae. But considering her situation, iyon na ang naging konklusyon ng lahat nang matagpuan itong laslas ang pulso at wala ng buhay sa loob ng kuwarto.

"Where is she?" tanong ni Vengeance kay Bentley. 

"She's at the morgue as we speak, Boss."

Mabilis na kinuha ni Vengeance ang coat na nakasampay sa likuran ng kanyang swivel chair. Isinusuot niya iyon habang naglalakad palabas ng kanyang opisina. Alerto namang kumilos si Bentley na kaagad pinagbuksan ng pinto ang binatang amo. At habang lulan ng pribadong elevator pababa ng basement parking ay tinawagan ang naka-standby na tauhan upang maihanda ang kotse. Paglapag ng elevator sa basement ay nakaabang na ang sasakyan. At nang matanaw ng driver ang paparating na amo ay kaagad nitong binuksan ang pinto sa backseat. Si Bentley naman ay inokupa ang passenger seat.

Bago pa man umandar ang kanilang sinasakyan ay nag-vibrate ang cellphone ni Bentley. May maikling mensahe roon mula sa tauhang nakatalagang magbantay kay Meredith Zamora.

"Boss, maraming reporter sa labas ng morgue."

"Who's guarding her?" kaswal lang na tanong ni Vengeance habang nakatingin sa labas ng sasakyan.

"'Yong driver bodyguard niyang si Gado."

"Tell Alfred to keep a close watch on her."

"Yes, Boss."

May trenta minutos din ang itinagal ng kanilang biyahe. At katulad ng sinabi ni Bentley, marami ngang reporter ang tila mga buwitreng nakaabang sa labas ng morgue. Tumigil ang sinasakyan nila sa di-kalayuan. Hindi nagtagal at nakita nila ang paglabas ng abogada na kaagad pinalibutan ng mga reporter. She's wearing an aviator and she looks freakishly hot in her ankle-length boots, blue flannel shirt--tucked in the front and rolled up sleeves--and a pair of tattered jeans that hugged her curvaceous behind.

Sandaling pinagsawa ni Vengeance ang mga mata sa magandang abogada. Mukhang isa man sa mga tanong na ibinabato rito ay hindi nito sinagot. Diretso lang itong lumakad patungo sa kinahihimpilan ng sasakyan nito habang hinaharang nina Gado at Alfred ang mga nagtatangkang dumikit dito. Nang makalulan na iyon ay kaagad na pinatakbo ng driver ang sasakyan paalis ng morgue.

May pagtataka naman wari na sumulyap si Bentley sa headview mirror. Naghihintay ng utos mula sa amo. Ang buong akala nito kaya sila nagpunta roon ay dahil kakausapin ng amo ang abogada. 

Naghintay pa sila ng ilang sandali. Nang isa-isa ng mawala ang mga reporter ay iniutos ni Vengeance na iikot ng driver ang sasakyan sa backdoor entrance ng morgue. Naunang umibis ng kotse si Bentley at pinagbuksan ng pinto ang binata. Ito rin ang nagtulak ng pinto sa backdoor ng morgue. At nang sitahin sila ng guard na nagbabantay roon ay mataktikang inabutan iyon ng dalawang libo. Wala ng mahabang usapan pa. Ganoon din ang ginawa nito sa diener. 

"Gusto kong makita ang bangkay ni Baby Rose Ilacad," wala ng ligoy pang sabi ni Vengeance sa attendant.

Dinala sila niyon sa tapat ng refrigerated mortuary cabinet. Imboluntaryong nagtakip ng ilong si Bentley pagkakita sa bangkay. Habang si Vengeance naman ay masusing pinagmasdan iyon. Na pagdaka'y humingi ng vinyl gloves na kadalasang ginagamit ng mga medical examiner.

"Pero, Sir, hindi ho pu--" bago pa matapos ng attendant ang sinasabi nito ay tinapalan na ito ng pera ni Bentley. Kaagad iyong kumuha ng hinihingi ni Vengeance.

Vengeance wore the vinyl gloves and checked the body. Rigor mortis had already set in. Her body was found around 8AM. More or less she's been dead for twelve hours. Was it really suicide? When he checked her wrist he noticed something that made his suspicion grew. Tiningnan niya ang pagitan ng mga daliri nito--magkabilang paa't kamay. Napatiim ang kanyang mga labi bago tahimik na tumalikod.

"Get me the crime scene report," ani Vengeance kay Bentley habang papalabas ng morgue.

"On it, Boss."

"Where is she now?" tanong ni Vengeance nang makalulan na ng sasakyan. "Nakauwi na ba siya?"

"Uh, mukhang natakasan na naman niya ang mga nagbabantay sa kanya, Boss."

Napahilot sa sentido si Vengeance. "She's a five foot seven and 110 lbs, how could they missed her?"

Inilabas niya ang kanyang cellphone and switched on the tracker. 

She's there again.

Napabuga siya ng hangin atsaka kinalas ang neck tie. He removed his coat, vest and tie saka binuksan ang ilang butones ng suot na dress shirt. Bihira siyang magbihis nang pormal kapag pumapasok sa opisina. 

"Pull over here," aniya sa driver.

Iniwan niya sa upuan ang mga pinaghubaran bago umibis ng kotse.

"Boss," nag-aalala waring tawag ni Bentley.

"Tatawag ako kapag kailangan," wika niya rito.

Bago pa ito nakapagsalita uli ay kinawayan ni Vengeance ang paparating na taxi. Lumulan siya roon at nagpahatid sa isang park. He doesn't know what's so special about that place. And for the life of him, he may never know. May ideya na siya. Pero nakadudurog isipin na espesyal dito ang lugar na iyon dahil sa namatay nitong asawa. Doon ba unang nag-date ang mga ito?

Napagtiim niya ang mga labi at naikuyom ang mga kamao.

"Sa tabi lang," aniya sa driver. Wala pang isandaan ang itinakbo nila kaya nang abutan niya ito ng isandaan ay naghintay siya ng sukli.

Taka ang driver nang hindi kaagad bumaba ang pasahero nito. Nang ikiling ni Vengeance ang ulo sa metro ay naiiling na kumuha ng trese pesos ang taxi driver at iniabot sa kanya.

"Kuripot."

"Mahirap kumita ng pera."

Paarangkadang pinatakbo ng driver ang taxi nang makababa si Vengeance. Dahilan upang makayod ang alikabok sa gilid ng kalsada at bumuga ng maitim na usok ang tambutso ng sasakyan. Napaubo ang binata sabay takip sa bibig. Sa naniningkit na mga mata ay nasundan niya ng nagbabagang tingin ang humarurot na taxi at tinandaan ang plaka niyon.

"I will fucking hunt you down." Inis na pinagpag niya ang alikabok na dumikit sa kanyang katawan. "Damn it."

Nang matanggal na ang alikabok sa kanyang damit at magkabilang braso ay nagsimula na siyang maglakad patungo sa isang partikular na lugar. Ilang beses na ba siyang nagawi sa lugar na iyon? Sa tuwing may pinagdadaanan si Meredith ay nagtutungo ito roon. At katulad ng inaasahan niya ay nakaupo na naman ito sa paborito nitong bench na kahoy. 

Kung siya ang tatanungin ay walang espesyal sa lugar na iyon maliban sa preskong ambiance dahil sa nagtataasan at malalabay na puno. May walking paths doon na ideal sa mga joggers at bikers. 

Nakita niyang lumaylay ang mga balikat ni Meredith na para bang pasan na nito ang mundo. Pagkuwa'y tila nahahapong inihagod nito ang mga daliri sa mahabang buhok. Humugot iyon ng malalim na paghinga saka naitutop ang isang kamay sa bibig kasunod ang pagyugyog ng mga balikat.

Parang may kung anong pumisil sa puso ni Vengeance. Bago pa niya naawat ang sarili ay tila may sariling isip na kumilos ang kanyang mga paa. Naglakad iyon patungo sa kinauupuan ni Meredith. She was sobbing silently. Na awtomatikong huminto nang mapansin ang pares ng sapatos sa harapan nito. Kasunod niyon ay ang paglahad ng isang kamay na may hawak na panyo.

A tear-soaked lashes greeted Vengeance. For a split second he was immobile. Her eyes, they always have that effect on him. Hindi niya alam kung anong klaseng mahika ang taglay ng mga iyon na tila siya parating malulunod. They were coppery, one of the rarest eye color found in human. Amber.

"Vengeance."

"I'm sure you forgot your hanky again. Take it and dry your tears."

Parang napipilitan lang itong tinanggap ang ino-offer niyang panyo.

"Stalking again, Mr. Liu?" she said while wiping her tears.

"Sue me. Or better yet, ikulong mo na lang ako. I prefer in your arms, though."

"Oh, fuck you."

"'Would love to. Ngayon na ba?"

"Shut the fuck up. I have so many things on my plate right now. I have no time to deal with a horn dog like you."

"That hurts."

"Does it?" lumingon ito sa kanya at diretsong tumingin sa kanyang mga mata na para bang nais basahin ang lahat ng sikretong nakakubli roon. 

He didn't blink, he just let her take her fill. He promised himself that this time, there will be no holding back. He lets her slip away before. Not this time. Pero sa huli ay ito ang nagbawi ng tingin. Tila napapaso. Pagkuwa'y bumaba ang tingin sa suot nitong wedding ring. Isang mapaklang ngiti ang kumurba sa kanyang mga labi saka siya tumawa nang walang tunog.

"I heard about your case," he decided to divert his thoughts and direct it to other matter.

Isang malalim na buntonghininga ang pinawalan nito.

"I told her to endure it for a little fucking bit more. Pero nakakaputang-ina lang, sumuko siya. Fuck. Bakit ba napakaraming mahihinang tao sa mundo?"

Tumaas ang isang sulok ng bibig ni Vengeance sa pigil na ngiti. Yep, outside she looked like a freakin' beauty queen but her sexy mouth cursed like a sailor. Napakalayo sa dating Meredith na nakilala niya noon.

"And she's your first pro-bono."

"'Yon na nga ang isa pang nakakaputang-ina ro'n. I used my personal fucking fund to build her case tapos lalayasan niya lang ako nang walang balikan?" her voice cracked from anger and frustration. "Why is it so easy for other people to just throw the towel in and call it quits?"

"Are we still talking about Ms. Ilacad?" nilingon niya ito at matamang tinitigan sa mata. Hindi lingid sa kanyang kaalaman na nagpakamatay ang Mommy nito. At isa iyon sa pinakamapait na sandali sa buhay nito. "What if she didn't kill herself?"

Tila ito nabato sa tanong niya. 

So he went on. "Matagal-tagal din siyang nagtiis sa lahat ng harassment at panggigipt ng mga tao sa kanya. Bakit kung kelan papalapit na siya sa finish line ay saka pa siya sumuko? Have you thought about that?"

"Quit beating around the bush and say what's on your mind."

"I have eyes and ears when it comes to you, Meredith. At kahit wala ako sa bansa sa mga nakalipas na buwan ay aware ako sa estado ng kasong hinahawakan mo. What if during the trial you unknowingly reveal something far more incriminating than proving Ms. Ilacad's innocence?"

"Incriminating who? The Arevalos?"

"The Villamors and the Valdez's." Ang dalawang angkan na nabanggit niya ay parehong kadikit ng mga Arevalo. At ang anak ng dalawang pamilyang 'yon ay dawit sa akusasyong rape na isinampa ni Baby Rose Ilacad sa namatay na si Carlos Bryant Arevalo.

Nang tila mag-sink in sa utak ni Meredith ang lahat ng mga sinabi niya ay mahina itong napamura.

"Can you prove it?" 

Mula sa diretsong pagkakaupo ay nilingon ni Vengeance si Meredith. Ang isang braso ay ipinatong niya sa sandalan ng bench at inabot ang buhok nito. Inikot niya sa daliri ang malambot na hibla ng buhok bago nagsalita.

"Yes I can. But nothing comes for free, Attorney."

-

pumapag-ebeg na si V.

happy new year po😘😘😘

frozen_delights







Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro