The Bad Guy
Chapter Forty-Two
KAPWA naging busy sina Vengeance at Meredith ng mga sumunod na araw. Bihira na halos silang magkita kahit araw ng weekend. She's handling a new case now. Ipinaayos na rin ni Vengeance ang mga kailangang ayusin at idagdag na furniture sa loob ng bahay nila para mas maging komportable ang kanyang asawa. Iyon nga lang sa sobrang kaabalahan nilang mag-asawa ay hindi pa naaasikaso ni Meredith ang paglilipat ng mga personal nitong gamit. Sa bahay pa rin kasi ng dating asawa ito nakatira kasama ang sekretaryang si Louise at ang apat na taong gulang na anak ng babae na si Lora. Sa pagkakaalam niya ay bunsong kapatid ni Ramil Zamora ang babae. At bagama't conjugal property ang bahay ay sinabi ni Meredith na balak nitong ilipat na lamang iyon sa pangalan ni Louise. May ibang propriedad naman daw kasi itong minana sa asawa. At isa na roon ay ang bahay-bakasyunan nito sa lalawigan ng Quezon.
Hindi na kinuwestyon ni Vengeance ang desisyon ni Meredith tungkol doon. Kung siya ang tatanungin ay mas gusto niyang wala na lamang itong tanggapin mula sa mga ari-ariang naiwan ng asawa. He can provide for her. Hell, he can even give her the world if she asks for it. Ganoon siya kabaliw rito. But unfortunately his wife is a little dense. Then and now ay mukhang wala man lang itong ideya sa damdamin niya para rito.
His cellphone rang. Nang makita niya ang pangalan ng caller ay marahan siyang napabuga ng hangin. He was already expecting it.
"Vengeance," matabang na bungad ng tinig ng lalaki sa dulong linya. Si Jethro--Meredith's half-brother.
"Having a change of heart?" he asked the caller in his monosyllabic tone.
"Bakit ako?" deretsahang tanong nito.
Napangiti siya, ngiting salat sa emosyon. "For one, I know your weakness."
He could almost see him gritting his teeth.
"Ikalawa, alam kong hindi ka magkakaroon ng personal na interes sa bagay na gusto kong ipakuha sa'yo sa loob."
"Paano kang nakasisiguro sa bagay na 'yan?"
"Dahil mahal mo ang iyong pamilya. Sa sandaling mapasakamay mo ang bagay na 'yon, hindi lang ang buhay mo ang puwedeng manganib kundi maging ang sampu ng mga taong nag-aruga sa'yo at itinuring kang parte ng pamilya."
"'Yan na ba talaga ang totoo mong kulay?" sarkastikong tanong ng kanyang kausap, ramdam niya ang timping galit nito.
"Kung iniisip mong pinagbabantaan kita, nagkakamali ka. The thing that I am asking you to retrieve is like a Pandora's Box. Maraming malalaking tao ang naghahangad na makuha 'yon. At ikatlo sa mga dahilan kung bakit ikaw ang napili ko para kunin 'yon ay dahil kilala mo ang taong humahawak ng bagay na kailangan ko."
"Sino?"
"Si Amang."
"Sinong Amang?"
"The old man you knew back in prison as Mang Tasyo or Pilosopo Tasyo to everyone."
Napapalatak ito. "Di ba ulyanin na 'yon?"
Alam niya kung ano ang ibig nitong sabihin dahil nakasama nila sa kulungan si Mang Tasyo. He never once talked or approached the old man. But he knew that something was off about him. Although most of the time he just observed him in silence. And for some reason he seemed to have taken an interest with Jethro Duque. Then it hit him, he had seen the old man before. As soon as he was released from prison he asked Qaid to dig all the information he could find about Protacio Apostol. It wasn't easy, of course. The man was like a phantom. But nothing could get past by Qaid.
"That was just a camouflage," aniya sa kausap.
"Ano?"
"A mask. That old man used to wield an indomitable power that may even surpassed the power of a king."
"Kung ganoon pala siya ka-importanteng tao, ano ang ginagawa niya sa loob ng bilibid?"
"That's the safest place for him."
And that's the truth. No one bothers him. Every one thought he was demented because most of the time he talks without sense. At least to every simpleton they were just pure nonsense. Ngunit kung pag-iisipan nang husto ang mga salitang sinasabi nito ay may nakapaloob doong malalim na mensahe.
"Alam kong nagdadalawang-isip kang gawin ang napagkasunduan natin. Pero katulad ng napag-usapan natin, ibibigay ko ang lahat ng proteksyong kailangan ni Chantal. Kasama na ang mastermind sa hit order sa ulo ni Ms. Karan--or should I say, Mrs. Duque?"
Narinig niya ang pagpapakawala nito nang malalim na paghinga. Nauunawaan niya ang damdamin nito. He was torn. Of course, he could offer him help for free considering his relation with Meredith. But he needed a leverage so he chose to be the bad guy in that situation. Mang Tasyo is one sly fox that sending just anyone to get closer to him will definitely ruin his plan. At least si Jethro bumalik man sa loob ay may dahilan dahil sa loob ng mga panahong nakakulong ito ay naging pambato ito ng kilalang negosyanteng si Mr. Altamirano sa underground fight na nagaganap sa loob. Hindi magiging kaduda-duda ang pagbabalik nito sa loob dahil ganoon naman ang kalakaran doon noong ibang lumaya na. Ang iba ay ginawa ng source of income iyon palibhasa malaki rin ang porsiyento ng fighter sa bawat laban na maipanalo.
"Apat na araw mula ngayon ay babalik ako ng Sta. Catalina," ani Jethro. Mahihimigan sa tono ng pagsasalita nito ang bigat ng kalooban sa gagawing desisyon.
"I'll send someone to look after your wife before you leave," sagot niya rito.
"Pero ito ang tatandaan mo, Vengeance. Sa oras na may mangyari sa asawa ko, wala akong pakialam kahit sino ka pa at kahit gaano pa ka-impluwensya ang mga taong nakapaligid sa'yo. Hahanapin kita kahit bumalik ka pa sa pinanggalingan mo."
He smirked. He really admired his guts.
"Duly noted. O, gusto mo bang ipa-notarize ko pa?" he asked sardonically.
Hindi ito sumagot at sa halip ay pinutol na ang tawag. He just tsked. Pagkuwa'y tinawagan niya sina Zenith at Callous. They were both on standby dahil may instruction ng nabanggit si Tor na kung may kakailanganin man siyang assistance sa grupo ay manatiling nakaantabay.
"I'll make some arrangements and fly there ASAP," sagot ni Callous.
"Thanks, man. I owe you one."
"All for one, remember?"
"I know. But this is sort of personal for me."
"Because of the Black Widow?"
He chuckled. "Akala ko pa naman hindi ka tsismoso."
"I'm not. I just happened to have a very sharp senses."
Kunsabagay, tulad niya ay observant lang ito. Bihirang magsalita at kung magsalita man ay may laman. Kaya sa lahat ng mga kaibigan ay ito ang kanyang nakakasundo.
"When are you gonna treat us to dinner?" bigla ay tanong nito na ikinakunot ng noo ni Vengeance.
"I... owe you dinner?"
He tsked. "You finally married the woman you've been obsessed with. Or was it really just an obsession?"
"What do you think?" he asked with a smirk.
"Tsk."
Napailing na lang siya nang tapusin nito ang tawag. Iilan pa lang sa mga kaibigan nila ang nakakaalam na nag-asawa na siya. At tulad ng sinabi ni Callous, he owed them dinner. Kung siya ang tatanungin ay gusto niyang makasal ulit sila ni Meredith sa simbahan. With his friends and family in complete attendance. Pero imposible silang makasal sa simbahan kung siya lang ang may gusto.
He sighed. Naputol lang ang pag-iisip niya nang malalim nang may kumatok mula sa labas ng opisina.
"Come in."
Pumasok ang personal secretary niyang si Abner. Mula sa palaboy at istokwang binatilyo ay nakapagtapos ito nang maayos sa kolehiyo at ngayon ay pumapasok na sa kanyang shipping company bilang sekretaryo. He knows that Bentley will have a hard time handling everything--from guarding his back and being the second-in-command in the company, so he told him to hire someone whom he can delegate some of his work load. That's where Abner came in handy.
"Have you sent the flowers?"
"Yes, Sir. The alstroemeria bouquet for Ms. Fernanda and white tulips for your wife."
"Good." They say white tulips meant for an apology. And he's apologizing in advance sa gagawin niyang paggamit kay Jethro para makamit ang kanilang goal.
"By the way, Sir, Ms. Fernanda called to ask if you're free this evening. She wants to have dinner with you and your wife."
"Do I have any prior engagement for this evening?"
"None, Sir."
"Okay. Ako na lamang ang tatawag kay Ms. Fernanda."
Ilang malalapit na tao lamang ang nakakaalam ng totoo niyang relasyon sa babaing ang pagkakaalam ng karamihan ay naging dati niyang propesora sa kolehiyo. At isa sa mga taong iyon ang kanyang Uncle Guillermo--ang alkaldeng nagkasal sa kanila ni Meredith na pinsang-buo ng kanyang ina.
Nang araw na magtungo siya sa tanggapan ng executor ng will ng Daddy niya ay ang araw rin na nakilala niya ang totoong ina. Parte iyon ng kasunduan ng mga magulang niya. Na makikilala niya ito pagsapit ng edad na bente-uno. Gusto niyang magdamdam noon, magalit, dahil itinago ng mga ito sa napakatagal na panahon ang totoo. Ngunit sa paliwanag na rin ng abogado at ng kanyang ina, ginawa iyon ng Daddy niya upang maproteksyunan silang pareho laban sa mga kaaway nito. Ayos lang dito na mawala si Gertrude ngunit hindi nito kakayanin kung may mangyayari sa sino man sa kanila ng totoo niyang ina.
Hindi na siya nagdalawang-isip na palayasin si Gertrude nang araw ring iyon. He was no longer surprise that the woman he thought was his mother didn't feel any ounce of motherly love for him. His father didn't leave her anything. If only she cared for him just a little, he would have been nicer to her. Ngunit hindi at sinubukan pa siyang saktan sa huling pagkakataon.
"Little dumpling?" ang malambing na tinig mula sa kabilang linya ang nagpabalik ng isip ni Vengeance.
Oh, God. Not again. Inawat niya ang sarili na mapangiwi sa pantukoy na bungad ng ina. The first time he heard it from her he thought she was asking him to buy her dumplings. Pero iyon pala ang pet name na ibinigay nito sa kanya dahil ipinaglihi raw siya nito sa dumpling. "Hello, Mom."
Only at a time like that he can call her 'Mom'. Hindi dahil ipinagbawal nito kundi dahil ayaw niyang malagay sa alanganin ang pangalan nito. Her parents own a prestigious school for girls. And she is the current chairwoman of that school. At sa pagkakaalam din ng lahat dalaga ito at hindi kailanman nagkaroon ng asawa o anak. She was engaged once but it didn't pull through because his mother declined at the minute. Nang tanungin niya ito kung wala na ba itong balak na mag-asawa dahil bata pa naman ito at talagang maganda, ayaw raw nito. Sapat na rito ang mga alaala ng kanyang ama na makasama nito habang ito'y nabubuhay.
"Do you have time for me this evening?" magiliw na tanong nito.
His mother's voice matched her personality. Malambing, maalalahanin, at napakabait. Hindi na siya magtataka kung iyon ang nagustuhan ng kanyang ama rito.
"For you, Mom, I will always find time."
"Thank you, little dumpling. How about dinner? Bring your wife with you."
"I'll call her. Although I can't promise anything since she's very busy with her new case."
"Hmm, try to persuade her anyway. Pero kung hindi talaga puwede, walang problema. I understand."
"Okay. I'll send Bentley to pick you up later."
"May driver naman ako. I can ma--"
"Let's not argue about this, Mom. It's not open for discussion."
"My little dumpling is using his authoritative tone on Mommy. I'm scared."
"Mom," napahagod sa batok si Vengeance.
Then he heard her giggle on the other line.
Napabuntonghininga na lang siya. At napangiti.
"I'll call my wife now. Is seven o'clock okay with you, Mom?"
"Sure, little dumpling."
"Could you please stop calling me little dumpling?" may himig-pakikiusap niyang sabi rito.
"Big dumpling?"
He sighed.
Muli ay narinig niya ang pagbungisngis ng ina sa kabilang linya.
"You are my little dumpling. Then and now, kahit magkaroon na ako ng mga apo sa tuhod ikaw pa rin ang little dumpling ko."
Kung maririnig ng mga kaibigan niya ang palayaw na ibinigay ng kanyang ina ay tiyak na maliligo siya sa kantiyaw ng mga kaibigan.
"Ano ang endearment sa'yo ng asawa mo? Does she call you by any pet name?"
"Pipino."
"What?"
"I mean, she's not the sweetest type of person, Mom. So I don't expect much."
"Hmp. Not even, honey, baby, darling, love... or sweetheart?"
Napakamot siya sa kilay. "Is it really important?"
"Don't tell me wala ka ring endearment sa kanya?"
"Giliw?"
"Tinatanong mo ako?"
"Mom."
Isang mabining bungisngis ang narinig niya mula rito.
"I'll let you off the hook for now. Call your wife and ask her if she could join us."
"Of course. I'll see you later, Mom. Bye."
"Bye, little dumpling."
Jeez. Naiiling na kinontak niya ang numero ng asawa.
"Hello?"
There goes his sweet wife. Wala man lang kalambing-lambing ang bungad.
"Are you free this evening?" he asked.
"Tonight?"
"Yes."
"Uh, I'm meeting my client. Why? What is this about?"
"Um, Mom wants to have dinner with us."
"Oh, bummer. We'll be having our first hearing next week and I'm just clarifying some details with my client."
"Maybe next time."
"Yes, of course."
Matamlay na inilapag ni Vengeance ang cellphone sa kanyang mesa matapos ang tawag. Mayamaya ay tinawag niya ang sekretaryong si Abner at inutusan itong magpa-reserve ng dinner for two sa isang five-star hotel.
Bago mag-ikapito ng gabi ay si Vengeance na mismo ang sumundo sa ina para sa kanilang dinner. Kasama niya si Bentley at isa pang bodyguard. Nang malaman ng ina na hindi nila makakasalo si Meredith ay tila na-disappoint ito. Pero dahil alam naman nito kung gaano kaabalang tao ang kanyang asawa ay hindi na rin ito masyadong nagkomento.
"Marami pa namang pagkakataon," anito kay Vengeance.
They were immediately ushered to their table when they came to the hotel. His mother is no longer new to the luxury around them. She moved and talked with in-born grace and poised. Katangiang wala sa kinalakhan niyang ina na si Gertrude. Every time Gertrude opens her mouth, her trashy background surfaced.
"You are such a picky-eater. Manang-mana ka sa Daddy mo," komento ng ina nang kumakain na sila.
"Mom, kumakain ako ng gulay. Huwag lang patatas. Hindi naman kawalan sa katawan ng tao ang hindi pagkain ng potato."
"Katwiran din 'yan ng tatay mo. He hates spinach."
"Marami naman kasing puwedeng maging substitute sa mga ganoong gulay containing the same vitamins. So why stress ourselves eating those food that will only cause us indigestion."
"That's rubbish."
Ngumiti lang siya.
"Ano ang endearment niyo kay Dad?" pag-iiba niya ng topic dahil kanina pa nakapokus ang tingin ng ina sa nakagilid niyang patatas.
"Cotton candy."
"Seriously? Cotton candy?"
"What's wrong with that? He's sweet and a softy."
"At ayos lang sa kanya na tawagin mo siyang cotton candy?"
"Of course. He loved it, actually."
"At ano ang tawag niya sa inyo?"
"Sweet dove."
"Nice. Sweet dove plus cotton candy equals little dumpling."
His mother giggled in amusement.
Gusto niya ring matawa sa pagkaaliw. Ngunit ang ngiting papasilay sa kanyang mga labi ay saglit na na-freeze nang makita niya ang kanyang asawa in the company of Gideon Hayes. Ang ganda ng ngiti nito sa lalaki habang may kung anong sinasabi rito ang lalaki.
I thought she's meeting a client. Kliyente niya na ba ngayon ang partner niya sa firm?
-
frozen_delights
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro