Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Suspicious

Chapter Forty-Six

MEREDITH was tapping her fingers impatiently on the table. Mag-a-alas dose na ngunit wala pa rin si Vengeance. Lately ay parating busy ito at palaging hatinggabi na kung umuwi. Hindi niya alam kung ano ang pinagkakaabalahan ng asawa dahil sa tuwing magtatanong siya ay laging paiwas ang mga sagot nito. And she's beginning to get suspicious of his late night activities. Is he hunting monsters with his friends like he said he does? Or he's busy with something else?

And that something else is what's keeping her awake at night. Oo nga't mahal siya nito katulad ng sabi nito sa kanya. Pero ano ang katiyakan niyang hindi ito maghahanap ng ibang putahe? She remembered that night when she followed him in that bar. Tatlong babae na halos hubo't hubad ang nagsisiksikan sa kandungan nito. And that sight still lingers inside her head up to that day. Bagay  na naghatid ng hindi mapangalanang pait sa kanyang dibdib.

Yes, it was her choice. Her mother made her promised na kahit ano ang mangyari ay hindi niya hahayaang matupad ang mga plano ng kanyang ama. Idagdag pa na litong-lito rin siya ng mga panahong iyon. Hindi siya sigurado kung takot, galit, o pagmamahal ang nararamdaman niya para kay Vengeance.  She knew back then that she felt something for him. Ngunit kung gaano kalalim at kung sapat ba iyon para matanggap niya pati na ang madilim na parte ng pagkatao nito ay hindi siya nakatitiyak. And back then, she was pressed for time to outwit her father. Wala siyang panahon na analisahin pa ang nararamdaman para kay Vengeance. Kaya naman pikit-mata ay siya na mismo ang nag-alok kay Ram na pakasalan siya nito.

She wanted to take charge of her life away from the shadow of her father--of Sonny Villegas. And she can only do that by taking a spouse, by taking another man's name. Which made her father furious and disowning her in the process. Pero kung sa palagay nito ay mababago niyon ang direksyong tinahak niya, nagkakamali ito. She's the master of her own fate. Hindi siya makapapayag na manipulahin ng kahit na sino ang buhay niya. Least of all, by her father. 

Sinubukan pa siya nitong kumbinsihing bumalik. But she was adamant. Sa huli ay ginamit nito ang Mommy niya para pilitin siya. But her mother refused to be used as pawn that she chose to end her life instead. Isa iyon sa pinakamasakit na kabanata sa kanyang buhay. Sumunod ay ang pagkalaglag ng sanggol na hindi niya akalaing dinadala niya sa sinapupunan. She would have welcomed her baby even if she was conceived out of wedlock. But that matter was taken out of her hands.

Nahagod niya nang wala sa loob ang impis na sinapupunan. Vengeance wants a child. After learning that she lost their supposedly first born, he seemed more persistent now to get her pregnant than before. At kapag nakikita niya ang dismaya sa mukha nito na wala pa silang nabubuo ay dobleng kabiguan ang kanyang nararamdaman. Hindi niya lang masabi rito na siya man ay nasasabik na rin na mabiyayaan sila ng anak. Pero mukhang mailap pa sa kanila ang pagkakataon.

Mabuti sana kung ang pagbubuntis ay para lamang nagpupunla ng palay. Ngunit hindi ganoon. At para namang tukso na kung kelan atat na silang pareho na siya'y magdalantao ay saka naman sila hindi makabuo.

Naisuklay niya ang mga daliri sa buhok kasunod ang pagpapawala ng malalim na buntonghininga. Pagtayo niya ay eksakto namang narinig niya ang pamilyar na ugong ng sasakyan ni Vengeance. Lumabas na siya mula sa pribadong opisina nito kung saan may sarili na rin siyang mesa. He even provided some built-in storage for her important documents. At dahil bihira naman halos na naroroon ang kanyang asawa ay halos siya na ang gumagamit ng opisina.

Pababa na ng hagdan si Meredith nang bumukas ang front door at pumasok doon si Vengeance. Akala niya ay nag-iisa lamang ito ngunit kasunod nitong pumasok si Almira bitbit ang brief case ng kanyang asawa.

Para siyang ipinako sa kinatatayuan. Bakit magkasama ang mga ito gayong dis-oras na ng gabi?

"Good evening, Attorney," malapad ang ngiting bati ng babae. Sinuklay pa niyon ng mga daliri ang medyo magulong buhok.

Imboluntaryong umangat ang isang dulo ng kilay ni Meredith. Mahangin ba sa labas?

"Bakit gising ka pa?" ang tila may pagtataka namang tanong ng kanyang asawa. Natawid nito ang pagitan nila nang hindi niya halos napapansin dahil nakatutok ang buong atensyon niya kay Almira.

"I couldn't sleep. I was waiting for you," her reply in a matter-of-fact way.

"Uh, sorry. Hindi ako nakatawag na late na akong makakauwi. Marami kasi akong inasikaso sa office."

"Sir V, sa office ko na  po ba ipapasok ang attache case niyo o sa kuwarto?"

"It's okay, Almira. I'll take it, thanks."

Agad namang iniabot ng babae ang brief case kay Vengeance. Hindi nakaligtas sa matalas na obserbasyon ni Meredith ang sadyang pagdaplis ng kamay ng babae sa kamay ng kanyang asawa. Lihim na naningkit ang kanyang mga mata. Hindi ba aware ang asawa niya na hantaran itong pinagnanasaan ng kasambahay nito?

It's not a crime to go crushing on your employer but to be very bold about it even in front of your employer's wife is plain shameless.

"The audacity."

"You were saying something, M?" baling sa kanya ng asawa.

She held her tongue and waited for Almira to be out of earshot. She wants to confront her husband but she won't do it in front of Almira. May palagay siyang lihim na magdiriwang ang babae kung masasaksihan nito ang pagkompronta niya sa asawa. 

"Kumain ka na ba?" she asked even though she's seething inside.

"Yes. I had an early dinner in the office. How about you? Kumain ka na ba?"

They started walking up the stairs. Nauuna siya at nasa likuran niya ito habang niluluwagan ang suot na neck tie, sa isang kamay ay bitbit nito ang brief case. She wants to take it from him to play the doting wife. Pero baka hindi niya mapigilan ang sarili at maihampas niya iyon sa pagmumukha nito sa halip. 

"It's late. Bakit kasama mo siya? Bakit magkasama kayo?"

Tumigil ito sa pag-akyat ng hagdan na parang natigilan sa tanong niya. Nasa itaas na siya ng hagdan nang lingunin ito.

"Are you... jealous?"

"Jealous? Jealous?! Hah! Dis-oras ng gabi umuwi ang asawa ko at kasama ang babaing kulang na lang ay laging kumandong sa kanya hindi ba ako magtatanong? O mas gusto mo bang umakto akong bulag at huwag na lang magtanong?"

He sighed. Pagkuwa'y hiniklas ang suot na kurbata at payak na ngumiti.

"Right, you're not jealous. Sorry, I misunderstood. You're simply asking like any ordinary housewife would when their husband came home late at night. Right, I got you. I won't repeat the same mistake again."

"There's no need to be snarky about it. 'Yong paliwanag mo ang gusto kong marinig."

"She needed a lift. At dahil pauwi na rin ako dinaanan ko na siya mula sa ospital at baka kung mapaano pa siya sa daan. Does that answer your question, giliw?"

Kahit medyo baduy at corny pakinggan, gusto niya ang endearment nito sa kanya. Maliban sa mga oras na iyon. It sounds sarcastic and mocking. Wala ang pamilyar na lambing na kaakibat ng nag-iisang kataga.

Umakyat na ito ng hagdan at tuluy-tuloy na pumasok sa kanilang silid.

"Bakit naman umuwi pa siya ganoong alam niyang late na?" Alam niyang nagiging unreasonable na siya sa puntong iyon. Pero normal na yata talaga sa isang babae ang maging nagger lalo pa at talagang iritable siya kay Almira. "Nasa isang private hospital si Manang at dahil isolated ang case niya meron namang nakalaang kuwarto para sa kanyang bantay, puwede na siyang matulog doon. Aside from that, ikaw na ba ang personal driver niya ngayon? Marami ka namang tauhan, di ba? Bakit hindi na lang sila ang inutusan mo na sumundo sa kanya?" 

"Sa una mong tanong, naisip ni Almira na dumito na lang muna sa bahay dahil nasabi ko na sa kanya na kakailanganin natin ng tulong sa mga gawaing-bahay. We can barely cook decent breakfast in the morning. At dahil may nurse namang personal na nag-aasikaso kay Manang Flor alam niyang mas makakatulong siya rito sa bahay. About the men you mentioned, I don't have an army. The most trusted men I have were already delegated to guard your back. Meron pa ba akong hindi nasagot sa mga tanong mo?" 

His icy demeanor made her froze. He dropped his tie on the couch, his office coat followed, and then his brief case. Naghubad ito ng pang-itaas bago nagsimulang maglakad papuntang banyo. Nang makapasok ito roon ay awtomatikong dinampot niya ang pinaghubaran ng asawa. She sniffed his clothes, looking for any unfamiliar scent, or a lipstick stain perhaps. Pero wala. Sininop na lang niya ang pinaghubaran nito at inilagay sa laundry basket.

Domesticity is still new to her. Pero natatagpuan niya ang sariling kusang ginagawa iyon kahit sa pamamagitan man lang ng pagsisinop sa mga hinubad at susuotin nito. 

Narinig niya ang pagbukas ng pinto sa adjoining door ng walk-in closet mula sa banyo. Mayamaya pa ay narinig niya itong lumabas mula roon. Nakasuot ito ng navy blue tee and sweat pants. Basa pa ang buhok nito ngunit mukhang naparaanan na ng suklay. Diretso nitong tinungo ang couch at dinampot ang brief case.

"May lalamayin lang akong paperworks. Mauna ka ng matulog."

Walang nagawa si Meredith kundi ang sundan na lang ito ng tingin palabas sa kanilang silid. She debated with herself kung susundan pa ito o matutulog na lamang katulad ng suhestyon nito. Hati ang damdaming humiga na nga siya at pinilit ang sariling makatulog. She closed her eyes and willed herself to sleep. Kailangan niyang matulog nang maaga para maging alerto siya at hindi mawala sa focus. Her current opponent is quite the sly fox.

That bitch.

Biling-baliktad siya sa pagkakahiga. Hindi mawala sa isip niya ang mukha ni Vengeance na walang nakabahid na emosyon.

"Fuck this," inis siyang bumangon at bumaba ng kama.

Hindi na siya nagpatumpik-tumpik at lumabas na ng kuwarto para sundan ang asawa sa pribadong opisina. Hindi naman siguro makababawas sa kanya kung aamin siyang nagseselos nga kay Almira. She silently cheered herself that she can do it.

She was about to knock when she noticed the door was ajar. Bahagya niyang itinulak iyon. She found her husband by the window, nakatitig ito sa kawalan na parang kaylalim ng iniisip. Nahagod nito ng isang kamay ang batok at manaka-nakang pinisil iyon. He looked beat. At sa halip na salubungin ito nang maayos kanina ay in-interrogate pa niya na akala mo'y may ginawang kung anong krimen. Na-guilty siya at marahang kinabig pasara ang pinto. Tahimik siyang bumalik ng kuwarto at nahiga.

Hindi siya sigurado kung anong oras na siya nakatulog. Pero sigurado siyang mag-uumaga na. At hanggang sa pumikit siya ay hindi pa rin pumapasok ng kuwarto si Vengeance. Kaya pagmulat na pagmulat ng mga mata ay kaagad niyang nilingon ang espasyo sa tabi niya. It was already vacant. Ganoon pa man ay nakita niyang may bakas doon na may natulog sa tabi. She grabbed the pillow and sniffed the pillow case. Confirmed, amoy nga ng asawa niya.

She smiled and got up from bed. Nag-toothbrush lang siya at naghilamos bago lumabas ng kuwarto. She wore her robe over her sleeping gown. Nakasuot siya ng pambahay na tsinelas at nakapusod sa kung papaano lang ang kanyang buhok. Ang balak niya ay gumawa ng kahit na anong simpleng agahan para sa kanilang mag-asawa. Kahit may pakiramdam siyang naunahan na siya roon ni Almira ay wala siyang pakialam. 

Ngunit bago pa siya nakapunta ng kusina ay isang bisita ang nakita niyang masinsinang kausap ng kanyang asawa. 

"Come on, V. Kahit two weeks lang."

"No way. Gagawin mo lang motel ang rest house ko."

"Grabe ka naman sa motel. Weren't you listening? Wala akong property outside the city kung saan convenient para kay Keith. And besides, your place looks ideal para kahit nagpapalamig siya ng sitwasyon ay makakapagsulat pa rin siya."

"Talaga? Does she even know the word cold? From what I heard, she's a hot tempered one."

"You're a judgy now? Hah, hindi ko akalaing tsismoso ka na rin tulad ni Scythe."

Meredith chose that moment to let her presence known.

"Good morning."

Mabilis na tumayo ang bisita. Si Omi or Ominous Burman. Maginoo itong ngumiti kay Meredith.

"Good morning, Attorney. Sorry to barged in here this early." Naka-track suit ito at mukhang napadaan lang mula sa pagdya-jogging.

"No worries. Please, have a seat. I overheard your conversation with V. Are you looking for a place for a staycation with your girlfriend?"

She heard her husband made a scoffing sound.

"Did I say something wrong?" takang lingon niya sa asawa.

"Ignore him, Attorney. Constipated yata 'yang asawa mo."

"Tss," tila asar na reaksyon ni Vengeance sa sinabi ng kaibigan.

Napangiti si Meredith. "If you're interested, I can offer you my place in Quezon. Kaso may kalayuan nga lang. But I'm sure you'll love it there, it's one of my favorite place in the world."

"That would be great, Attorney. I'm sure my, uh... girlfriend will be thrilled to get there."

"Girlfriend? Psh. My foot," Vengeance's snide remark.

"Drink lots of water, bud. It works, trust me," wika rito ni Omi bilang pang-asar.

Inawat ni Meredith ang sarili na mapailing. Makulit pala itong si Omi. O ito lang ba? She wondered how would it be like having all of his friends there with him? Katulad din kaya ito ng mga ordinaryo at tipikal na kalalakihan?

"When do you plan to go?" baling niya kay Omi.

"If it's okay with you, Attorney, the sooner, the better."

"Okay, I'll call my caretaker so they could make some preparations for your arrival."

"Thank you. I really appreciate it, Attorney."

"Don't mention it. If you'll excuse me, I'll just make some phone call."

Tinawagan niya ang mag-asawang caretaker na siyang nangangalaga sa kanyang bahay-bakasyunan sa Quezon. It was actually a gift Ram gave her nang makapasa siya sa Bar Exam. When Ramil Zamora passed, iyon lamang ang tanging ari-arian na tinanggap niya. Halos kalahati ng ari-ariang naiwan ni Ram ay ibinalik niya sa mga magulang nito maliban sa bahay na tinirhan nila na ibinigay niya naman kay Lou. 

Matapos ang tawag ay muli niyang binalikan ang magkaibigan sa sala. For some reason her husband looks disgruntled. Salubong kasi ang mga kilay nito habang masama ang tingin kay Omi.

"It's all set." Ibinigay niya rito ang direction kung paanong makararating doon. 

"Thanks again, Attorney."

"You're welcome."

Nang magpaalam na si Omi ay tumayo naman si Vengeance at nagsabing maliligo muna bago mag-agahan. She thought it was a good chance for her to prepare something for breakfast. Nag-iisip na siya kung ano ang puwedeng maluto nang mabilis nang sa pagpasok niya sa kitchen ay bumungad sa kanya ang humihimig na si Almira. She's humming a song habang inililipat sa bandehado ang bagong sangag na kanin. Or chao fan. It was topped with garlic and spring onions.

"Good morning, Attorney," magiliw na bati nito. Mayroong matamis na ngiti sa mga labi nito na puwede ng bukalan ng honey.

Dala ang bandehado ng bagong sangag na kanin ay pumakabila ito sa center island patungo sa breakfast room. Inilapag nito sa mesa ang sinangag kasama ang iba pang klase ng agahan na inihanda nito--bread, ham and bacon, sunny side up eggs and tapang bangus. Meron na ring orange juice at freshly-brewed coffee. She noticed there were three plates on the table. Hindi naman siya snob sa mga kasambahay. Pero kung siya ang masusunod ay ayaw niya itong makasalo sa hapag.

"Tatawagin ko na ho si Sir V."

"Don't bother. I'll do it."

"Sige po, Attorney," tugon nito na may matamis na namang ngiti sa labi.

Hindi niya alam kung ano ang labis na ikinasisiya nito sa umagang iyon. O may nangyari bang magandan nang gabing nagdaan at ganoon na lamang ang kaligayahang nakikita niya sa mukha nito na para itong naglalakad sa ulap?

She was about to turn around when she caught her caressing her flat tummy.

What the hell...?

-

frozen_delights

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro