Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Secrets

Chapter Twenty-Seven

"WHAT happened to your hands?" tanong ni Meredith kay Vengeance nang mapansing parang may gasgas ang magkabilang knuckles nito.

"Um, boxing."

"Boxing?"

"Yes. Nakipag-sparring ako kay Tor."

"Who is that?"

"One of my friends whom we considered as an older brother."

She just nods and didn't probe further. Bumalik ito katulad ng sabi nito kay Lola Miling. Medyo gabing-gabi na nga lang at patulog na siya. May dala itong pares na nabili raw nito sa isang bagong bukas na puwesto malapit sa kanila. Hindi naman siya gutom. Pero ito ay mukhang hindi pa kumakain kaya sinabayan na rin niya.

She noticed that he's very quiet. Well, tahimik naman talaga ito madalas. Pero kakaiba sa mga oras na iyon. Ramdam niya na parang masyadong malalim ang iniisip nito.

"Would you like to share it?"

"This?" itinuro nito ang kinakain. "Sure."

Natawa siya. 

"Hindi 'yan ang sinasabi ko," natatawa pang sagot niya.

Napatitig ito sa kanya nang may ilang sandali. When she noticed him staring at her face she blushed. His lips turned up in one corner with a mischievous smirk. Inirapan niya ito. 

As usual, he just did a resounding tsk bago ipinagpatuloy ang pagkain.

"Ano nga? Wala kang balak na i-share kung ano man ang dinadala mo?"

"The last time you decided to share my problem you end up losing something so precious."

Napaiwas siya rito ng tingin. Pakiramdam niya ay dumagsa ang lahat ng init sa kanyang mukha.

"Anyway, don't worry about it," sa huli ay parang balewalang sagot nito habang nakatuon lang ang atensyon sa kinakain. "Everything is under control."

"What more do I have to lose?" aniya na parang hindi nagsalita ang kausap.

"How about your heart?"

Napipilan siya. Pero mabilis ding bumawi nang maisip ang sa palagay niya ay nais ipakahulugan nito sa tanong.

"You think I'll fall for you?" pauyam na tanong niya.

"We'll never know."

"Dream on."

Sa isang saglit ay inakala niyang nasaktan ito sa tila painsulto niyang tugon. Pero kaagad ding nabura ang kaisipang iyon nang tumaas ang isang sulok ng mga labi nito sa isang ngisi. Then his eyes suddenly become blank. Parang pinahid ang anumang palatandaan ng emosyon sa mga mata nito. 

"Aalis na ako," anito nang tumayo. "You should rest now. Kung may kailangan ko, tawagan o i-text mo lang si Rocky. I'm sure you already have his number."

"Eh, ikaw?"

"What about me?"

"H-hindi mo ba kukunin ang number ko? Or ibibigay ang number mo?"

"Gusto mo ba?"

"A-ano ba namang tanong 'yon?"

"Yes or no, M."

"Of course, yes," sagot niya sa tonong tila nauubusan na ng pasensya.

He tsked habang dinudukot ang cellphone sa bulsa.

"And besides, we're friends. Right...?"

"Friends?" tila sarcastic na tanong ni Vengeance.

"O, bakit? Ayaw mo ba akong maging kaibigan?" pagalit kunwa na tanong niya. 

Pero ang totoo ay pinagtatakpan niya lamang ang tila paghahabulan ng pintig ng kanyang puso. Naiilang kasi siya kapag tinititigan siya nito nang matiim. Parang nasisilip na nito ang kasuluk-sulukan ng utak niya.

"Friends with benefits?"

"Hoy, excuse me? It will only happen once. It's not like we're doing it on regular basis. And last night... I--I didn't have a choice."

"Didn't you? You could have run and ask for help."

"It was so dark. How do you expect me to find help? And... a-and we were inside a friggin' memorial park for crying out loud! Takot ako sa multo!" pigil ang pag-aalsa-boses na katwiran pa niya. Ramdam niya rin na parang nangangapal ang magkabilang pisngi sa inis.

"Next time mas matakot ka sa tao kaysa multo," seryosong wika nito.

"Ang multo tumatagos sa dingding, ang tao hindi. Ang multo hindi mo mapapatay kasi patay na nga, di ba? Eh, ang tao kung may baril ka ay puwede mong i-immobilize to prevent them from causing you harm."

"At ano naman ang puwedeng gawin ng multo sa'yo--if such a thing even exists? Dahil katulad nga nang sinabi mo, tumatagos sila sa dingding. How can an entity that passes through the wall can harm a human being?"

"Ever heard of poltergeist?"

"The movie?"

"'Yong mga multong nagpapagalaw ng mga gamit at nananakit. Anyway, that's beside the point. I'm afraid of ghost, plain and simple."

"Then you should have called ghostbusters."

"Very funny," napasimangot na sagot niya.

Hindi niya inaasahan ang sumunod nitong ginawa. He leaned down and kissed her pout. Hindi na niya nagawang mailayo ang sarili dahil sa bilis ng mga pangyayari.

"Good night, M. I already saved your number. I'll ring you up when I got home."

"Good... n-night."

Hanggang sa makalabas na ng silid niya si Vengeance ay para pa rin siyang natutubigan. Pagkatapos ay wala sa loob na nahipo niya ang mga labi.

Why did he kiss me?

Hindi naging madali ang mga sumunod na araw ng pagpapagaling para kay Meredith. Mabuti na lamang at kahit matanda na si Lola Miling ay magilas pa rin itong kumilos at parating nakaalalay sa kanya. Palibhasa ay batak sa mga araw-araw na mabigat na gawain. Hindi tulad ng mga grandparents niya sa magkabilang partido ng kanyang mga magulang. Pare-pareho ng hirap kumilos at minsan ay kailangan pa ng alalay. Gayong kung tutuusin ay hindi naman halos nagkakalayo ng edad ang mga ito. 

Pagdating ng gabi ay bumibisita si Vengeance para tingnan ang lagay niya. Madalas din ay may dala itong pagkain at mga prutas. Biro nga ni Lola Miling puwede na silang maglagay ng fruit stand sa dami ng bitbit nito. Na tinatawanan lang naman nila ni Rocky.

Bagama't may kaunting discomfort pa rin ay pinilit ng pumasok ni Meredith pagdating ng Lunes. Kasabay na rin niya si Vengeance. Hindi na yata ito busy. Inihatid pa siya nito sa hanggang sa room ng unang subject niya.

"Text me kapag break niyo na," sabi nito bago umalis.

Tumango lang siya.

She sensed something different as soon as she entered the room. Naramdaman na rin niya iyon pagpasok pa lang nila ng campus. Parang may nangyayari sa paligid niya na hindi siya aware.

"Totoo ba talaga 'yon?"

"Oo nga. Halos ang buong varsity team daw ang dinampot ng mga pulis."

Parang humaba ang tenga ni Meredith sa pakikinig sa usapan sa may unahan niya. Sino ba ang pinag-uusapan ng mga ito?

"Grabe, 'no? Di ba may drug test sila paanong nakalusot?"

"'Ang alam ko may ginagawa sila para hindi ma-detect ang droga sa system nila days before the drug test."

"If ever na mapatunayang involved sila lahat sa kumalat na sex scandal noong nakaraan pare-pareho silang makukulong."

"Sex scandal? Totoo ba talaga 'yon?"

"Oo. 'Yong freshman na nag-tryout sa cheerleading squad last year. Hindi ko napanood pero sabi noong boyfriend ko pinilahan daw 'yong girl. Pinainom yata ng juice na hinaluan ng drugs."

Ang tahimik na nakikinig na si Meredith ay biglang binalot ng matinding kilabot. Iyon ba ang planong gawin sa kanya nina Nick kung hindi dumating si Vengeance?

"Take note. Dawit pati ang cheerleading squad."

"Di ba kapatid ni Nick 'yong si Deena?"

Tumahimik saglit ang pag-uusap ng mga ito. Nang maramdamang parang may nakatingin sa kanya ay nag-angat ng tingin si Meredith. Huling-huli niya na nakatingin nang makahulugan sa kanya ang tatlong nag-uusap--dalawang babae at isang beki. Kahit kaklase niya ang mga ito ay hindi niya alam ang mga pangalan.

"Yes?" pormal na tanong niya.

"Nanliligaw sa'yo si Nick, di ba?"

Umiling siya. "Nope."

"Si Shawn yata," pakli noong beki.

"Neither," iling niya.

"Ah, okay."

"Narinig mo na ba ang nangyari sa kanila?" usisa noong unang nagtanong sa kanya.

Iling lang ulit ang sagot niya.

"Ni-raid daw 'yong bar nila kagabi dahil sa isang anonymous tip na may nangyayaring drug transaction sa loob. Tapos heto pa ang tsika, sa bar din pala nila nangyari 'yong nabalitang sex scandal noong isang estudyante rito. Modus na raw 'yon at hindi lang isa ang nabiktima nila. Parang iniation emerut, ganern. Paiinumin nila ng may sex drug at kapag tumalab na 'yong gamot, siyempre wala ng kalaban-laban ang biktima. At habang nagkakaroon ng ganap, kinukunan nila ng video at inilalagay sa mga porn sites."

Parang nanlaki ang ulo ni Meredith sa pangingilabot.

"Pero alam niyo kung ano ang nakagagalit doon if ever man nga na dawit 'yong lahat ng nabanggit?"

"Ano?"

"Paanong nasikmura ng isang kapwa natin babae na gawin ang ganoon sa kabaro nila?"

"Lahat naman. 'Yong mga lalaki, paano nila naisip na gawin 'yon sa mga inosente nilang biktima? Wala ba silang nanay, wala ba silang mga kapatid na babae?"

Habang pinakikinggan ang usapan ng mga kaklase niya ay parang lutang ang diwa ni Meredith. Sa mga sandaling iyon ay ipinagpapasalamat niyang dumating si Vengeance. Nakuha man nito ang iniingatan niyang pagkababae, at least kusa niya iyong ibinigay rito. Paano kung nainom niya ang alak na iyon at hindi ito dumating? She would have been helpless to fight back.

Nang magkita sila ni Vengeance sa canteen ay kaagad niya itong tinanong hindi pa man siya nakakaupo.

"Did you know what happened at the bar last night?"

Tumayo ito at ipinaghila siya ng mauupuan.

"Did you know?"

"Lower your voice," kaswal na saad nito kalakip ang matipid na ngiti.

Pahapyaw niyang inilibot ang tingin sa paligid. Mukhang wala namang nakikinig sa usapan nila. Sa katunayan ay parang iyon din ang pinag-uusapan ng ilang estudyante roon.

"Did you have something to do with it?" kung hindi siya nagkakamali ay may sinabi ito sa kausap na tiyaking makukulong.

"Yes. Let's eat, I'm hungry," ganoon lang kasimple.

"How? I mean, paano mo nalaman ang nangyayari sa bar na iyon? Madalas ka bang pumupunta roon? And who were you talking to that night? Were you talking to a cop? Informant ka ba nila?"

"You asked so many questions. And I'm afraid I can't answer that now."

"Why?"

"This is not the right time and place."

Naisip niyang siguro nga ay tama ito. Lalo pa nga at sensitibong topic ang anumang may kinalaman sa droga. Bigla niyang naalala ang kanyang ama. Ayon sa kanyang ina ay connected ang Daddy niya sa isang drug syndicate. At bilang pagapatibay sa koneksyong iyon kaya siya ipinagkasundo ng ama na ipakasal sa anak ng kasosyo nito. Pero sino ang taong 'yon? Isang mayamang negosyante? O isa ring pulitiko na may mataas na posisyon sa gobyerno?

"You should start training how to fire a gun."

"Yes, maybe I should."

-

frozen_delights










Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro