Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Regrets

"There is no more disastrous mania, no more dangerous whim than the speculation over roads not taken."--Juan Gabriel Vasquez

'

Chapter Thirty-Eight

"WHY Blythe?" tanong ni Meredith habang nakadapa sa massage table na may manipis na mattress. 

Kasalukuyan silang nasa spa at nagpapa-massage. Siya lamang sana pero nang yayain niya si Vengeance ay sinamahan na rin siya. Nananakit ang ilang parte ng kanyang katawan sa klase ng mga sex position na ipinakilala nito sa kanya for their bedroom repertoire. Naiwan pa sa balat niya ang bakas ng kanilang kapusukan at nang makita iyon ng masseuse ay nagpatay-malisya lamang ito. Si Vengeance man ay alam niyang mayroon din. Sa gigil niya habang nilalabasan siya ay nakagat niya ito sa balikat. But what the heck, it's pretty normal for newly married couple who can't get their hands off to each other. Iyong magtama lang ang mga mata ay alam na kaagad kung ano ang susunod na magiging kaganapan.

Katulad ng mga sandaling iyon. Magkaharap na nakapaling ang tingin nila sa isa't isa na may isang dipa lamang ang layo. Tila hindi nito napigilan ang sariling abutin ang kanyang kamay at pisilin habang may maliit na ngiti sa mga labi.

"Blythe means pleasant. And since it's a shipping company that started with commercial sea transportation, the company strive to give all our passengers not just a safe voyage but also a pleasant journey."

"Blythe," napangiti siya. It sounds nice.

"Actually it has another meaning. To me, at least."

"What?"

"Black night."

Unti-unting nabura ang ngiti sa kanyang mga labi nang makita niya ang pagdaan ng pinagsamang lungkot at pait sa mga mata nito. She felt the sudden urge to get up and caressed his face. To chase away the deep sadness she saw in his eyes. 

"I prefer the former," aniya.

"Aren't you gonna ask me why?"

There's a part of her that doesn't want to. Something was telling her that she doesn't wanna hear the reason behind it.

"W-why?"

"Rocky whom I already considered family betrayed me. And then you... you chose Zamora."

Her heart clenched hearing that. Damang-dama niya ang pait at sakit sa boses nito. But his eyes suddenly went blank. Katulad din noon, para itong pintuang biglang nagsasarado kapag ayaw nitong magpapasok.

"V."

Kaswal na tumaas ang isang sulok ng mga labi nito sa walang buhay na ngiti. He squeezed her hand at pagkatapos ay marahang binitiwan ang kanyang kamay. Para siyang biglang nilamig nang mawala ang init ng palad nito.

Hanggang sa matapos ang nagmamasahe sa kanila ay wala ng namagitang anumang pag-uusap sa kanilang mag-asawa. Iniwan na rin sila ng dalawang unipormadong masseuse. Vengeance sat on the side of the massage bed. Nakatakip sa kandungan nito ang kanina'y puting tuwalya na tanging tumatakip sa puwetan habang minamasahe. Bumangon na rin siya at mataktikang itinakip sa harapan ang tuwalyang nakatakip sa may puwetan bago inabot ang nasa may paanang robe at isinuot.

Napakaraming tumatakbo sa isipan niya ng mga sandaling iyon. Meron din siyang gustong ipagtapat kay Vengeance pero hindi niya alam kung paanong magsisimula.

"Would you like to visit their art gallery or tropical garden?" tanong ni Vengeance sa magaang na tono.

Nilingon niya ito habang ibinubuhol ang sash ng roba. The withdrawn look on his face earlier was gone. Nakasuot na rin ito ng robe. Inalalayan siya nitong bumaba mula sa massage table at muling pinagsalikop ang kanilang mga palad. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay nito.

"Let's visit both."

"Okay. Let's shower first."

"Uh-hm. Can we stay here for another night?"

"We can stay here for as long as you want."

"A night or two will do. I like the ambience here, para tayong nasa Bali--without the beach, of course."

"You've been there?"

"You didn't know? I find it surprising that something actually get past you."

"I told my men to watch your back 24/7. Not to spy on you."

"Magkaiba ba 'yon?"

"Of course," he was poker face.

Which made her smile. "Tss."

They showered together. It was a very intimate moment. They kissed and cuddled under the shower. But nothing beyond that happened.

Nang makapagbihis ay pinuntahan nila ang art gallery. Her mother was a big art enthusiast. Ang mga paintings na naiwan nito ay sapat para bumuhay sa kanya nang maalwan kahit hindi siya magtrabaho. Her mother made sure that her father couldn't get his hands on them.

"May nagustuhan ka ba?" tanong ni Vengeance na ikinalingon ni Meredith sa asawa.

"Seriously?"

Tumango ito na parang balewala lang ang sinabi. She's not much into arts but she knows they are also a good investment. But as much as she wants to take advantage of her husband's generosity, she shook her head.

"They are all beautiful but I don't think I have more space for another piece," aniya. 

"Some other time, then."

"Yes."

Pagkalabas nila ng art gallery ay pumasok sila sa isang café. She's craving for some pastries. Iyon na lang ang in-order nila at dalawang caffè Americano.

"Let's fly to Paris next," ani Meredith habang sumusubo ng pinirasong croissant.

"Tomorrow?"

Nagkatunog ang ngiti niya sa tanong nito. "Hm, maybe next year."

"Noted."

Pagkakain nila ay naglakad-lakad naman sila papunta sa tropical garden. Isa raw iyon sa mga bagong additional attraction ng Nuvou bukod sa talaga namang napakaganda ng buong structure ng hotel. Bukod pa sa maayos at pulido ang serbisyo ng mga staff ay top-notch din ang kanilang mga luxury amenities.

"Beautiful," komento ni Meredith habang naglalakad sila sa ilalim ng trellis na may mga nakapulupot na flowering vines. "I feel like walking inside one of Monet's famous painting."

"The Water Lily Pond?"

"Yes. It's one of my Mom's favorite artwork."

Tumigil sila sa tapat ng pond at saglit na pinagmasdan ang pamumulaklak ng mga halaman sa tubig.

"They are not water lily, though," ani Vengeance.

Iniyakap nito ang dalawang braso sa kanyang bewang habang nakadikit siyang paharap sa railing ng wooden garden bridge sa gitna ng may katamtamang laki ng pond.

"They are not?" pinagmasdan niyang mabuti ang mga bulaklak. Acually, hindi niya alam ang kaibahan ng water lily at lotus. Sa tingin niya kasi ay magkapareho lamang ang mga iyon.

"At first glance, you'll think they're the same. But on closer inspection, nope. Water lilies' leaves are thicker and waxy while lotus' leaves are thin and papery. Plus, water lilies' flowers has thicker, waxy, and pointed petals whereas lotus has rounded petals and barrel-shaped carpel. And another note to add, a lotus seed can withstand thousands of years without water, but can germinate even after two centuries later."

"Wow. How did you know about all those things?"

"We have a lotus pond in my grandparents ancestral home."

"Tss, kaya naman pala."

Narinig niya ang mahinang tunog ng tawa nito. Then his lips landed on her nape, sending goosebumps all over her body.

"I'm curious about something. Puwede mong sagutin at puwede rin namang hindi."

"Ask away."

"Bakit sa tuwing may problema ka ay nagpupunta ka sa lugar na 'yon?"

She knows what he was talking about. Ang lugar kung saan siya nakakaramdam ng kapanatagan sa kabila ng kakambal na lungkot na hatid niyon.

"When you feel like the world is caving in and you have no one else on your side, who do you run to? Sino ang una mong naiisip na lapitan?"

"My friends. Although most of the time bago ko pa man hingiin ang tulong nila ay dumarating na sila."

"Well, ako kasi ever since ay si Mommy lang ang una kong takbuhan. She was my very first best friend. At espesyal sa akin ang lugar na 'yon dahil doon kami madalas na patagong nagkikita. And when she passed away, I have no one else to turn to but the memories we spent together in that place."

"How about... um, your husband?"

"Ram was also a good friend I can rely on. We had a good relationship and I know that whatever happens, he will always have my back. Our marriage may not be conventional, but it had a good foundation."

"How about me? Where do I fit in the picture if your marriage had a good foundation like you claimed? Sa buong panahong nagsasama kayo ilang beses din tayong nagsiping. Was it really just a spur of the moment thing--or a chance passionate encounter?"

She bit her lower lip and slowly filled her lungs with fresh air.

"There's something I want to tell you," umikot siyang paharap dito.

"I'm all ears."

"I... um, I got pregnant."

Sa loob ng ilang segundo ay hindi ito nakagalaw sa kinatatayuan.

"Who's... uh," tumikhim ito upang mag-alis ng bara sa lalamunan.

"Yours."

"Where is the baby now? How old is he--or is it a he? Iyon ba ang dahilan kaya bigla kang nagpakasal kay Zamora?"

Nakagat ni Meredith ang ibabang labi at sunud-sunod na iling ang naging tugon sa magkakasunod ding tanong ni Vengeance.

"I had a miscarriage."

"You... lost it?" para itong nanghihina na biglang napabitaw ng yakap sa kanya. 

Mahigpit itong napakapit sa railing ng foot bridge. Nakita niya kung paanong halos mamuti ang knuckles nito sa mahigpit na pagkakahawak doon. 

"Did you intentionally kill it because it was mine?" buong kapaitan nitong tanong.

"How can you say that?" sumakit ang lalamunan niya sa bigat ng emosyong biglang pumuno sa kanyang dibdib. "It was my baby, too. Kung masakit sa'yo, paano pa kaya sa akin na siyang dapat na magdadala sa kanya sa loob ng siyam na buwan?"

Nakita niyang gumalaw ang panga nito.

"I wasn't even aware that I was pregnant," halos bulong lamang na sabi ni Meredith.

"How was that even possible? It's your own body. Paanong hindi mo alam?"

"I was busy with your case."

Napipilan ito sa sinabi niya. Tulala halos itong napalingon sa kanya. She didn't want to take his case when he asked for her. But she will be violating her code of professional responsibility. Nagkapatong-patong pa ang problema niya nang panahong iyon dahil ang kapatid na bago niya pa lamang nakilala ay kasalukuyan ding nahaharap sa isang mabigat na kaso. Hindi niya alam kung paanong hahatiin ang katawan noon para lamang maisalba ang dalawang taong alam niyang parehong may timbang sa kanya.

Mabuti na lamang at nakakuha sila ng matibay na ebidensya para mapawalang-bisa ang kasong parricide laban kay Vengeance. Gertrude was killed by her own lover. Dating pulis ang lalaki at nagawa nitong mahokus-pokus ang mga pangyayari upang si Vengeance ang madiin sa pagpatay sa sariling ina. Natagpuan nila ang murder weapon sa loob ng mismong sasakyan ng biktima. Bukod doon ay may CCTV footage din ito kung saan nakitang nagtatalo si Gertrude at ang suspect bago ang madugong insidente ng pagkamatay ng babae. Naipatalo na pala ng lalaki sa casino ang halos lahat ng salaping meron si Gertrude. Nang sabihin ng babae na tinatapos na nito ang relasyon sa suspect ay nagdilim ang paningin ng huli at inundayan ito ng sunud-sunod na saksak.

"How old was...?"

"Eight weeks."

He cussed inaudibly. Then he turned his back on her and rubbed his nape.

"Had I known..." mahinang sabi nito na parang ang sarili lamang ang kausap. "Damn it."

Mahigpit nitong nahawakan ang handrail ng foot bridge. Yumuko ito at ilang malalalim na paghinga ang pinakawalan.

Mariin niyang nakagat ang labi. Naisip din niya  na kung nalaman niya lamang nang maaga ang pagdadalantao, dapat sana ay mas naingatan niya ang sarili. Pero huli na ang lahat. And she had so many regrets in life to keep adding more.

"Let's go back to the hotel," matamlay na saad ni Vengeance.

They were so sweet just moments ago. Magkahawak ang mga kamay habang namamasyal. Pero dahil sa ipinagtapat niya rito ay tila nagkaroon ng pader sa pagitan nilang dalawa. Dapat ba ay patuloy na lamang niyang inilihim ang lahat? Tutal ay wala namang nagbago, hindi ba?

Tumigil ito saglit at hinintay siya. Still, he didn't take her hand. They were only two feet apart but it feels like an ocean suddenly welled up between them, keeping them apart.

-

frozen_delights













Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro