Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Raindrops

Chapter Twelve

ISA-ISANG inilapag ni Rocky ang kanilang order sa mesa. Ang libro ni Meredith na dala-dala nito kanina ay inilapag nito sa katabing bakanteng upuan para may mapuwestuhan sa mesa ang dala nitong tray kung saan nakapatong ang tatlong bowl na may umuusok pang lugaw... o goto. Napakabango ng aroma niyon at parang lalong ginutom si Meredith.

Naka-topping sa ibabaw ang may limang strip ng lechon kawali at may nakabudbod na bawang at spring onion. Lihim na napabilib si Meredith na kahit ordinaryong kainan lamang iyon ay may presentation pa rin ang inihahaing pagkain sa mga kustomer. Inilapit ni YM ang isang bowl sa harapan ni Meredith na bahagyang ikinailang ng dalaga. Kinuha nito ang kutsara't tinidor na nababalutan ng tissue at iniabot sa kanya.

"T-thank you," nauutal na saad niya. Nang magdaiti ang kanilang mga daliri ay naroroon ang pamilyar na pagtawid ng tila kuryente sa kanilang mga balat.

Parang wala namang kabagay-bagay iyon kay YM dahil kaswal lang itong kumilos. Inilapit dito ni Rocky ang order nito na katulad ng sa kanya. Tila buong paggalang pa nitong inabutan ng kubyertos si YM. Ang bote ng malamig na distilled water ay sinuri pa nitong maigi bago inabot sa huli ganoon din ang sa kanya.

"Ano ang meron sa bote?" hindi napigilang usisa niya. 

"Ha?" tila napamaang si Rocky sa tanong niya. "Ah, ano. Baka may dumi."

"Sealed naman, kaya paanong papasukin ng dumi?"

"Mabuti ng nag-iingat," sagot pa ni Bato.

"Maupo ka na," sabi rito ni YM.

"Yes, Boss."

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Meredith sa dalawang lalaki. Pinag-iisip siya ng mga ito.

"Subukan mo 'to. Masarap." 

Marahang iniusod ni YM ang mas maliit na mangko na may mga naka-slice na fried tofu at pork. Kahalo na roon ang toyo at suka at slices ng cucumber, white onion rings, at sili.

"Hindi ako mahilig sa maanghang," aniya.

"Hindi naman maanghang 'yan. Decoration lang," 'ika nito.

"Sigurado ka?" may pagdududang tanong niya pa rito. 

Gusto niya kasi ang fried tofu. Nang matira siya kay Lola Miling ay natutunan niya ang pagkain niyon. Once a week ay adobong kangkong with tokwa ang ulam nila. Hanggang sa makasanayan na niya. Alternative raw iyon ng mahihirap para sa karneng baboy. Na kapag inadobo at nabalot na ng toyo ay hindi na mahahalatang tokwa lalo na kung kumpleto sa pampalasa.

"Oo."

Hindi na siya nakipagtalo. Nagsimula ng kumain ang mga kasalo niya. Si Rocky ay magkasunod na isinubo ang hard boiled eggs na kasama ng chicken adobo toppings sa lugaw na kinakain nito.

Na-amaze siya. Noon lamang kasi siya nakakita ng taong ganoon kung kumain ng itlog. Isang buo. Magkasunod nitong isinubo ang mga iyon at ngayon ay nakabukol na sa magkabila nitong pisngi.

"Dati 'yang nagtatrabaho sa perya," sabi ni YM nang marahil ay mapansing tutok na tutok ang tingin niya kay Rocky. "Kahit isang tray ng itlog kasya sa bibig niya."

"Seryoso ka?"

YM is poker face kaya kapag nagsalita ito ay hindi niya alam kung seseryosohin ito o tatanggapin lamang na biro ang lumalabas sa bibig.

Tumango ito at bahagyang umangat ang dulo ng maganda nitong mga labi sa anino ng isang ngiti. Napakurap-kurap siya na para bang noon lamang nakita sa buong buhay niya ang kausap. Ang kinis pala ng mukha nito sa malapitan. Matangos ang ilong--iyong tangos na tipikal sa mga Pinoy--maganda ang tsinitong mga mata, at para talagang sa querubin ang mga labi. Kung meron mang nakapingas ng kaunti sa kapogian nito, iyon sigurong ga-tuldok na white heads. But it was hardly noticeable kaya walang kaso.

"Ahem."

Mabilis siyang napabawi ng tingin nang marinig ang pagtikhim ni Rocky. Napabilis tuloy ang subo niya ng lugaw. Bagay na kanyang pinagsisihan dahil napaso ang kanyang dila. Agad na binuksan ni YM ang distilled water at iniabot sa kanya. Ininom niya iyon kaya naibsan ang sakit sa kanyang dila. Nang tapunan niya ng tingin si Rocky ay parang nangingiti ito habang nakayuko sa kinakain. Napasimangot si Meredith. Gusto niyang sipain ito sa inis. Nang bahagya niyang lingunin ang katabi ay balik na naman ang poker face nitong mukha. Busy na rin ito sa pagkain at parang walang pakialam sa paligid.

Mayamaya pa ay pawisan na siya habang kumakain. Ang sarap ng goto. Ang lutong ng pagkakaluto ng strip ng lechon na naka-topping doon. At tila mas lalong nakakagana kapag sinasabayan niya iyon ng subo ng tokwa na may manamis-namis at maasim na sawsawan. 

Ang sarap, saloob-loob niya.

Growing up in a well-off family, normal ng masagana ang mga pagkaing laging nakahain sa kanilang hapag. Pero aminado siyang balewala sa kanya ang lahat ng iyon. Ngunit nang mapadpad siya sa Purok 6 at bihirang makatikim ng nakalakhang pagkain, saka lamang niya na-appreciate ang lahat ng biyayang inihahain sa kanya. Katulad ng mga sandaling iyon.

Pinalis niya ng likod ng palad ang pawis na namuo sa gilid ng kanyang mukha.

"Ang sarap, 'no?" ani Rocky na may malapad na ngisi sa mga labi.

Tumango siya at ngumiti rin. "Oo. Ipagti-takeout ko si Lola. I'm sure magugustuhan niya rin ito."

"'Yong adobong manok na lang ang sa kanya at huwag na iyang lechon kawali," suhestyon pa ng madaldal na si Rocky. "Baka masira ang pustiso niya riyan sa lechon. Sa ating mga bata pa ayos lang at matibay pa ang ating mga ngipin."

"True." Akmang magpupunas ulit siya ng pawis nang abutan siya ni YM ng panyo.

Atubili man ay tinanggap niya na rin. Mukhang malinis at amoy-malinis. In fact, parang hindi pa gamit.

"Salamat. Pero lalabhan ko muna bago ibalik. Nakakahiya naman sa'yo."

"Ayos lang 'yon kay YM," ani Rocky na may kabuntot pang bungisngis.

Isang tingin mula kay YM ang biglang nagpatahimik dito. Lihim na napailing si Meredith. Sa laking iyon ni Rocky ay kataka-takang tila ito parating tiklop kay YM. Ganoon pa man ay hindi kung anong klaseng takot ang nakikita niya kay Rocky sa pakikitungo nito sa huli. Sa halip ay parang mataas na respeto. Kaya naman hindi niya mapigilang lalong lumalim ang kuryosidad kay YM. Sino ba talaga ito?

Mayamaya pa ay nagpaalam si Rocky na magbabanyo. Naiwan silang dalawa ni YM na kumakain. Patapos na ito pero siya ay nangangalahati pa lang. Uminom atsaka tumayo at nagpasintabi sa kanya. Tumango lang naman siya. Nasundan niya ito ng tingin. She may not admit it to herself but she had to give it to him, there's something about how he carries himself. Hindi mayabang ang dating ngunit naroon 'yong air of confidence and authority. And the fact that he's so boyishly handsome catches female attention.

Nang bahagya itong lumingon sa gawi niya ay mabilis siyang nagbaba ng tingin sa kinakain. Hindi niya ito gusto bilang isang lalaki ngunit ipinagkakanulo naman yata siya ng kanyang mga mata. Lagi na lang siya nitong nahuhuling nakatingin.

"Tingin lang naman," aniya sa sarili. 

May ganoon siyang habit, ang makipag-usap sa sarili kapag tensyonado. Madalas ay pinagtatawanan siya ng kaibigang si Ramil dahil konting-konti na lang daw at mapagkakamalan na siyang si Sisa.

Napapitlag siya nang biglang kumulog. Kanina pa maalinsangan ang panahon at tila nga nagbabadya ng pag-ulan. Minadali na niya ang pagkain. Mahirap ng abutin pa siya roon ng ulan, wala pa naman siyang dalang payong.

"Dahan-dahan lang, baka hindi ka matunawan," sabi ni YM nang bumalik at muling maupo sa binakanteng puwesto kanina.

"Baka umulan," aniya.

"Hindi ka naman asin."

"Ano?" hindi niya gaanong naintindihan ang sinabi nito dahil sumabay roon ang malakas ng kulog.

"Sabi ko," inilapit nito ang bibig sa kanyang tenga. "Hindi ka naman asin."

Para siyang nailig nang pumaypay sa kanyang punong-tenga ang mainit nitong hininga. Hindi kaagad siya nakakilos sa kinauupuan.

"A-ayoko pa ring mabasa ng ulan s-siyempre. Mag-aalala si Lola," sagot niya na pilit pinagtatakpan ang pagkailang.

"Kung gusto mo ibabalot kita sa plastic para hindi ka mabasa. Tapos bubuhatin na lang kita pauwi sa inyo."

"Ano ang palagay mo sa akin, panindang gulay?" ingos niya rito.

"Natatakot ka kasing mabasa. Normal lang naman na kapag umulan ay mabasa kapag lumabas ka ng bahay."

"Wala kasi akong dalang payong. Mukha pa namang malakas ang ulan."

"Hindi 'yan."

"Paano ka namang nakasiguro?"

"Hm, just a wild guess. The weather is just like women, unpredictable."

Napatitig siya rito. Did he just talk to her in fluent English?

He stared back at her as if reading her thoughts. Siya ang hindi nakatagal at mabilis na nag-iwas ng tingin. She told herself na hindi na niya dapat ipagtaka iyon dahil si Rocky nga ay mukhang fluent din magsalita ng English, ito pa kaya na nag-aaral?

"Nasaan na kaya si Rocky?" bigla niyang naalala ang lalaki. Ang tagal naman yata niyong magbanyo.

Tapos na siyang kumain.

"Umuwi na si Bato."

"Ha?"

"Nangingilala ang tumbong niya."

Napangiwi siya. Walanghiyang 'yon, iniwan siya.

"Kung gano'n ay umuwi na tayo bago pa bumagsak ang ulan."

"Hintayin na natin 'yong takeout para kay Nanay Miling."

"Take--oh, ako na ang magbabayad."

"Bayad na."

Tatanggi pa sana siya pero baka naman ma-offend ito.

"Salamat. Lagi mo na lang akong inililibre."

"Hindi naman ako nagbibilang."

"Nagtatrabaho ka na ba?" out of curiosity lang kaya siya nagtanong.

"Yes."

"Working student ka?"

Tumango ito.

Susundan pa sana niya ang tanong pero minabuti niyang huwag na lang. Isipin pa nito ay masyado siyang interesado sa personal nitong buhay. 

Tumayo siya para kunin sana ang mga libro na naiwan ni Rocky sa upuan. Ngunit inunahan na siya roon ni YM.

"Ako na ang magdadala." Isinama na nito iyon sa sariling libro.

Hindi na siya komontra. Hindi naman nagtagal at may lumapit sa kanilang middle aged na lalaki. Nakangiti iyong iniabot ang isang plastic bag na naglalaman ng ipinabalot ni YM na lugaw.

"Salamat."

"Wala ploblema basta ikaw, Young Master."

"Ahm, meron ba kayong payong?" tanong ni YM matapos abutin ang plastic bag.

"Ah, melon, melon. Ako kuha lang, ha? Mabilis lang ako, wait kayo sandali. Mukha nga uulan."

"Kilala mo ang may-ari nitong lugawan?" tanong ni Meredith sa binata habang papalayo ang lalaki.

"Medyo."

"Medyo? Eh, tinawag ka niyang Young Master? Ano ka, Chinese royal blood o anak ng isang mayamang tao?"

"None of the above. Nagkamali ka lang ng rinig."

"Ako pa ang bingi? Eh, ang lapit-lapit lang no'ng kausap natin."

Ngumiti ito. Napakurap siya. Totoo ba iyon o namalikmata lang siya?

"Ang daldal mo pala."

Naitikom niyang paloob ang mga labi. Matabil nga siya. Likas kasi siyang matanong. Pero ginagawa niya lamang iyon kapag komportable na siya sa taong kausap niya. Ibig bang sabihin ay komportable na siya kay YM?

"Heto na po ang payong, Kuya YM," anang isang binatilyo na lumabas sa pintong natatabingan ng isang kulay berdeng kurtina.

"Ibalik ko na lang mamaya."

"Sige po."

"O, payong," iniabot sa kanya ni YM ang kulay itim na payong.

Wala sa loob na tinanggap naman niya iyon. Lumabas na sila ng lugawan. Eksakto namang pumatak ang ulan.

"Oh, shocks," agad na binuksan ni Meredith ang payong.

Narinig pa niya ang mahinang palatak mula sa kanyang likuran.

"Ang laki talaga ng takot mo sa ulan," komento ng kasama niya. "Siguro ikaw ang diyosa ng asin no'ng previous life mo."

Hindi niya napigilang matawa sa sinabi nito. "Meron bang diyosa ang asin?"

"We'll never know. But I'm sure if there was one she looked exactly just like you."

Napaawang ang bibig ni Meredith at hindi kaagad nakapagsalita. The way he said it and the way he stared at her face while talking made her heart aced triple than it's normal.

Nang kunin ni YM ang payong mula sa kamay niya ay wala ni isang salitang lumabas sa kanyang bibig. Siya na ang pinagbitbit nito ng plastic bag ng lugaw. Habang ito naman ay hawak ang payong at pinapayungan ang bulto nilang dalawa sa ilalim ng lumalakas ng ulan.

-

frozen_delights











Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro