One Rainy Afternoon
Chapter Sixteen
"OF course we'll be stuck here," supla ni Meredith sa pahayag ni Vengeance. Pero aaminin niya parang nawala sa tamang puwesto ang puso niya sa katatapos lamang nitong sabihin. "Pareho tayong walang payong. Unless manghihiram ka na naman ng payong sa may-ari nitong lugawan."
"Wala na silang payong."
"Bakit? Hindi mo ba ibinalik 'yong hiniram mo dati?"
"Nasira."
"Nasira mo?"
"Nasira. Hindi ko sinabing ako ang nakasira."
"Sino ang nakasira?"
"Si Uncle Mao."
Nang hindi na nito dugtungan pa ang sinabi ay umangat ang isang kilay ni Meredith.
"Siya 'yong nagpahiram sa atin ng payong."
"Ah. Ano ang ginagawa mo kanina sa teritoryo ng mga Engineering students?" pag-iiba niya ng topic.
"May kinuha akong prerequisite subject sa kanila kasi late na akong nakapag-enroll. Hindi ako makaka-graduate nang wala 'yon."
"Graduating ka na?" nagulat siya sa sinabi nito.
"Yes."
"You're taking up BS Accounting, right?"
"Yep."
"Wow. You must be good in numbers."
"That's the general idea but in reality, accounting also takes a strong analytical abilities and a solid interpersonal skills."
"But I bet your mathematical skill is a killer."
"Did you just compliment me?"
"Um, I did?" she scratched the back of her ear. She feels the heat creeping up on her cheeks. "What are your plans after college? Are you gonna start working?"
She decided to evade the subject. Hindi niya rin alam kung bakit kusang lumabas ang papuri sa bibig. Naisip niya kasi iyon habang nakikinig sa pag-uusap nito at noong dalawang babaing humarang sa kanila para magpaturo rito. He was really concise and clear while explaining. Na marahil kung isa ito sa mga Math professors niya ay walang duda na mabilis siyang matututo.
"I'm considering Law," sagot ni Vengeance na nagpabaling ng tingin niya rito.
She didn't expect that. Although as far as she knows, Accountancy is a good pre-law course.
"I'm actually planning to do the same after I finished Psch," aniya naman.
"I was under the impression that you're planning to go to Med School."
"No," umiling siya. "Although at some point it did cross my mind for the sake of my mother. She has a depression and anxiety problem. Heck, having a husband like hers will definitely put anyone under depression."
"Seems to me you don't like your father much."
"Was it so obvious?" mapakla niyang tanong.
"Kinda. Malupit ba siya?"
"Define malupit."
"Someone who torments his family member for no apparent reason--mentally, emotionally, and physically."
"You're right. He's all that. And more."
Nang hindi na niya dugtungan ang sinabi ay tila may pagtatanong sa ekspresyon nito nang lingunin siya.
"If I tell you I'm gonna have to kill you," pa-misteryosang tugon niya rito na kalakip na tipid na ngiti.
"I prefer a kiss."
Inirapan niya ito. "Bakit ba lagi mo na lang ikinukundisyon ang paghingi ng halik?"
"I want to know how it feels to be kissed."
Natigilan siya. "V-virgin ka pa?"
"Define virgin."
Namilog ang kanyang mga mata sa sinabi nito.
"S-siyempre someone who has no experience yet when it comes to s-sex," mahinang sagot niya rito habang nag-iinit ang magkabilang pisngi.
Lumingon pa siya sa paligid nila sa pag-aalala na baka may makarinig sa kanilang pinag-uusapan. Pero dahil malakas nga ang ulan, mukhang hindi nito masyadong narinig ang kabuuan ng sinabi niya.
"Kindly repeat it again. Hindi ko masyadong naintindihan."
"But you're not dumb so I'm sure you know what it means," sikmat niya.
"Pure and untouched?"
"There," ingos pa niya.
Bahagya lang nitong ikiniling ang ulo. A hint of smile pulled at the corners of his lips like he's amused or something.
"So which Law School are you planning to go?"
"UP, maybe? Ikaw?"
"Wherever fate decides to take me."
"You believe in those stuff?" ang natatawang tanong niya.
"Some things are predestined, Em," he said it while looking straight into her eyes.
At sa kung anong dahilan ay muli na namang tumibok ang puso niya sa abnormal na bilis. Idagdag pa ang tila may lambing nitong pagbigkas sa initial ng kanyang pangalan. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin.
"Oh, look. Mahina na ang ulan."
"Pero mababasa ka pa rin ng ulan na 'yan kapag pinilit nating umalis nang walang payong."
"Okay lang, hindi naman ako matutunaw."
"Hintayin na lang natin si Rocky. Babalikan tayo no'n."
"Ano'ng oras pa? Baka nag-aalala na sa akin si Lola dahil papagabi na."
"You're such a worry wart."
"I'm not. Matanda na si Lola so you can't blame me kung lagi akong nagmamadaling umuwi kasi hirap na rin siyang kumilos."
"Don't worry, babalikan tayo ni Rocky."
Tapos na silang kumain at nagpapatila na lang talaga ng ulan. May ilang tao ng nakisulong sa lugawan kaya halos mabarahan na ang entrance ng kainan.
"Ano ang nagpabago ng isip mo?"
"Ha?"
"Ano ang nagpabago ng isip mo to take up Law instead na tumuloy ng Medicine?"
"I have this special friend," hindi niya napigilang mapangiti pagkaalala kay Ramil.
"Lalaki?"
Napangiti siya nang malawak. "Paano mo naisip na lalaki?"
"Your eyes were dreamy."
Umingos siya. Pero sa huli ay natutop niya ang magkabilang pisngi nang maramdamang nag-iinit ang mga iyon.
"Is he your... boyfriend?"
"Hindi, ah," mahina niyang tinampal-tampal ang magkabilang pisngi. "Pero crush ko siya."
"Tss."
"Ano'ng reaksyon 'yan? Crush lang naman, eh."
"So you chose your crush over your mother?" malamig na tanong nito.
Hinataw niya ito sa balikat.
Isang malamig na tingin ang ipinukol nito sa kanya. Nagulat siya at muntikan pang mapaurong.
"What's with you? Ganoon ba kababaw ang tingin mo sa akin?" sa kabila ng pagkagulat ay nangibabaw sa kanya ang inis.
Ano ang karapatan nitong husgahan ang naging desisyon niya? Kahit gusto niyang magpaliwanag ay hindi niya na lang ginawa. Hindi naman nagtagal at dumating na si Rocky. Walang kibuan silang lumabas ng lugawan at lumulan ng sasakyan. Sa inis ay ni hindi na ito nagawang pasalamatan nang ipagbukas siya ng pinto sa backseat ng kotseng sinakyan nila kanina.
"Ano ang nangyari?" ang tila naguguluhang tanong ni Rocky nang magpalipat-lipat ang tingin sa kanila ni Vengeance pagkaupo niyon sa driver seat.
Sa halip na sumagot ay paingos na nagbawi ng tingin si Meredith sa katabi. Tahimik lang din si Vengeance habang nakapaling ang tingin sa labas ng bintana. Tulad niya ay mukhang inis din ito sa hindi niya malamang dahilan.
"Drive," padaskol na utos nito kay Rocky.
"Yes, Boss."
At dahil malapit lang naman doon ang uuwian ni Meredith, wala ng anumang namagitang usapan sa kanilang tatlo. Nang humimpil ang kotse sa tapat ng tinitirhan ay mabilis siyang pinagbuksan ng pinto ni Rocky at pinayungan.
"Salamat," aniya sa huli.
Tila may gusto pa itong sabihin ngunit hindi na niya binigyan ng pagkakataon at mabilis na siyang pumasok sa loob ng bahay.
"Hello po, Lola," bati niya sa butihing yaya na agad lumabas mula sa tindahan nang makitang dumating na siya.
"Inabot ka na naman ng ulan," tila may pag-aalalang sabi nito. "Wala ka na naman yatang bitbit na payong."
"Hindi naman ako nabasa, 'La. Isinabay na ako nina Rocky."
"Ganoon ba. Siya, magbihis ka na at pinalalambot ko na lang 'yong hamonadong matandang manok. Sa uling ko nga muna isinalang para hindi magastos sa gas."
Sasabihin niya sanang busog pa siya dahil kakakain lang ng goto ngunit minabuting tumango na lang at dumiretso na paakyat sa kanyang silid.
"Bipolar ba ang lalaking 'yon?" pagkausap ni Meredith sa sarili.
Agad siyang naghubad ng damit at nagpalit ng pambahay.
"Bipolar nga siguro siya. Sa sobrang talino nagkaroon na ng topak," napaismid pa siya. "Hmp, akala mo naman kung sinong guwapo."
Puwes, hindi naman talaga guwapo si Vengeance. Tama sigurong sabihing ito ay pogi. Cute. Ang ganda kasi ng lips. Para talagang 'yong labi ng mga munting anghel. Mabuti na lang at mukhang hindi pa ito talamak manigarilyo, hindi pa naaapektuhan ng nikotina ang mapupulang mga labi.
Naalala niya bigla ang napag-usapan nila kanina. He said he wants to know how it feels to be kissed. Ano kaya ang lasa ng lips nito kapag hinalikan?
"Eww, you're so gross, Meredith. Erase that thought, jeez-whiz!"
Crush niya ang kaibigang si Ramil pero ni minsan man ay hindi nagdaan sa kanyang isipan na mag-wonder kung ano ang lasa ng mga labi nito.
"Ugh. Gross, gross, gross."
Nang sumunod na araw ay muling nakita ni Meredith si Vengeance sa campus. Ewan kung sadyang ayaw siya nitong pansinin o hindi lang talaga siya nito nakita dahil hindi man lang ito nag-abalang lapitan siya. Kunsabagay, galit nga pala ito sa kanya. Sa kaisipang iyon ay napairap siya. Ito pa talaga ang may ganang magalit? Siya na nga itong na-offend sa walang ingat na pagbibitiw nito ng salita ito pa ang tila masama ang loob?
"Hah! The nerve."
Masama ang loob niya. At kitang-kita iyon sa mukha niya kaya naman kahit maganda ay tila pinangingilagan siyang basta i-approach ng mga kaklase. Ni wala pa siyang maituturing na ka-buddy sa mga ka-blockmate niya. Sa kabilang banda ay hindi naman talaga siya palakaibigan o 'yong tipo ng estudyante na hindi makapag-aral nang walang kakopyahan. Sanay siyang mag-isa. Madalas pa nga ay naiinis siya kapag may mga grouping projects dahil 'yong iba ay petiks lang at kung sino ang magaling sa grupo ay halos doon na iniaasa ang lahat ng trabaho.
Nang sabihin ng prof ang mga katagang class dismissed para sa huling klase ng araw na iyon ay awtomatikong dinampot ni Meredith ang kanyang mga gamit. Maraming homeworks. Mabuti na lamang at may mga gamit siya. Hindi na niya kailangang magbabad sa computer shop. Most of her notes were written down on her iPad. May color coding siya at symbols na inilalagay sa kanyang mga notes na tanging siya lang yata ang makakaintindi. Ganoon na siya simula't sapul. At sa ganoong strategy ay mabilis niyang naiintindihan ang lessons.
Lumabas na siya ng klase.
"Mari, right?"
Awtomatikong umangat ang isang dulo ng kilay ni Meredith sa isang lalaking sumabay sa kanya. Medyo presko ang dating nito kaya walang kangiti-ngiti siyang tumango. He looks like a jock. Matangkad, nicely built, at umaapaw ang tiwala sa sarili.
"Nagmamadali ako. May kailangan ka?"
"Uh, I'm Nick Salvacion," sabi nito sabay lahad ng isang kamay.
"I know."
"You do?" tila nadagdagan ang bilib nito sa sarili. Na para bang sa pagsasabi niyang kilala niya ito ay interesado siya rito.
"We're blockmates. Is that all?" walang kangiti-ngiting tanong niya.
"Um," kumamot ito sa batok at ngumiti na parang nahihiya. O iyong pa-cute ang dating.
Pero dahil una pa man ay wala na itong appeal sa kanya, wala iyong epekto.
"Can I invite you for a snack?"
"No," iyon lang at nilampasan na niya ito.
He's an eye sore. Isa sa big turn off sa kanya ay iyong mga lalaki na komo medyo angat sa iba ang porma at hitsura ay parang ang lakas na ng bilib sa sarili. Not like someone she knows who's very subtle and suave. Na kahit ihalo sa karamihan ay nag-i-standout pa rin.
Para namang nananadya ang pagkakataon, nagkasalubong ang tingin nila ng lalaking iniisip niya. As usual, he has company. Two female students who were vying for his undivided attention. Tila kalalabas lang din nito ng klase at madadaanan niya ito sa hallway. But she decided to ignore him.
"Mari, wait."
Hindi siya lumingon o tumigil sa paglalakad sa kabila ng pagtawag ni Nick sa kanyang likuran. Napansin niya ang bahagyang pagkunot ng noo ni Vengeance nang lumampas ang tingin nito sa kanya. Nilampasan niya na lang din ito na parang hindi kakilala.
"Mari, wait, wait," mabilis na nakaagapay sa kanya si Nick. "Can I at least have your number."
Ayaw niya ng makulit. Kaya para matigil na lang ang lalaki ay tumigil siya sa paglalakad at hinarap ito.
"Give me your phone."
Ang luwang ng pagkakangiti nito at kaagad na ibinigay sa kanya ang cellphone. Mabilis niyang itinipa roon ang isang random number. Bahala ito kung sino mang random stranger ang makakasagot ng tawag nito. Tinanggihan na niya ay hindi pa rin makaintindi.
"Thank you," ang saya ng pagkakangiti nito.
"Sure," matabang niyang sagot at nagpatuloy na sa paglalakad.
At dahil hapon na rin naman, naisip niyang lakarin na lang ang daan palabas patungo sa sakayan ng jeep pauwi ng Sta. Catalina.
"Why did you give him your number?"
"What the...?" gulat niyang nilingon ang nagsalita sa may likuran niya. "Vengeance!"
"Who else?"
"Puwede ba tigilan mo ako sa pagka-bipolar mo."
"Tsk. Bakit mo ibinigay ang number mo sa kanya?"
"I did not."
"I saw you."
"Ano ba ang malay mo kung number ko nga 'yon o number pala ng police hotline?"
Hindi ito agad nakasagot.
Umirap naman siya at binilisan ang paglalakad para hindi ito makasabay. Sisirain na naman yata nito ang araw niya.
"You didn't give him your number?"
"Hindi nga, ang kulit!"
"Good."
"Psh."
"Stop," bigla nitong hinawakan ang kanyang braso.
"Bakit ba?"
"Huwag ka ng maglakad, pinagpapawisan ka na," pinalis nito ang butil ng pawis sa gilid ng kanyang mukha.
Tila literal na lumukso ang puso niya sa naging gesture nito. Kasunod niyon ay nag-init ang kanyang mukha.
Pagkuwa'y sumipol ito gamit ang hintuturo at hinlalaki. Noon niya lang napansin ang kotseng nakabuntot sa kanila. Sa driver seat ay nakita niya ang bahagyang nakasungaw na ulo ni Rocky na may malawak na ngiti. Kumaway pa ito sa kanya.
"I'm sorry about yesterday," ani Vengeance.
"Y-you're forgiven."
-
marupok din pala si Madam kay Boss😁 😁
frozen_delights
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro