Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

No Pain, No Gain

Chapter Twenty

NANAKIT ang buong katawan ni Meredith kinabukasan. Para siyang natrangkaso at hirap na hirap kumilos. Nang dumating si Vengeance para sunduin siya sa napag-usapan nila nang umagang iyon ay napagalitan ito ni Lola Miling. Inusisa pa ito ng butihing yaya kung ano raw ba ang ginawa sa kanya ng binata at daig pa niya ang nabugbog at hindi halos makabangon ng hinihigaan. Pinilit niya lang bumaba ng kanyang silid para harapin ito. Ngunit sa bawat hakbang ay napapangiwi siya dahil parang namamaga ang mga kalamnan niya.

"I'm okay, Lola," awat niya sa yaya. "Nabigla lang yata ang katawan ko dahil hindi naman talaga ako sanay sa full body workouts."

"Workout lang ba talaga ang ginawa ninyo?" matiim na nagpalipat-lipat ang tingin ng dating yaya sa pagitan nina Meredith at Vengeance.

"Yes, Lola," mabilis na sagot ni Meredith. Ano pa ba naman ang puwede nilang gawin ni Vengeance maliban sa pag-e-exercise?

"Tiyakin niyo lang, ha? At ako ang malilintikan sa Mommy mo," may pag-aalalang saad ng yaya saka ito nagpaalam para hayaan silang makapag-usap nang sarilinan ni Vengeance.

"Opo, Lola."

Magkaharap silang nakaupo ni Vengeance sa maliit na sala slash komedor ng bahay. Wala kasing masyadong space doon dahil sa ilang nagkalat na boxes at mga paninda na hindi na magkasya sa loob ng tindahan.

"Um, pasensya ka na kay Lola," paghingi niya ng dispensa kay V.

"Ayos lang. Normal lang naman 'yon."

Ngumiti siya. "Gusto mo ba ng maiinom? You drink coffee, di ba? May kape kami rito, instant nga lang."

"Huwag ka ng mag-abala. Nahihirapan ka na ngang kumilos. Magpapabili na lang ako ng breakfast natin kay Rocky."

"Naku, huwag na. Nagluto naman si Lola kaya may breakfast na rito."

"Baka kulangin. Makikikain kami ni Rocky."

"Er, s-sige. Ikaw ang bahala," sa kawalan ng maisasagot ay iyon na lang ang nasabi niya.

Agad itong nagpasintabi sa kanya at tinawag si Rocky. Kahit nahihirapang kumilos ay tumayo si Meredith mula sa kinauupuan at nagtungo sa kusina para tingnan kung ano ang nilutong agahan ni Lola Miling. Naulinigan niya itong maagang bumangon. At nang katukin siya nito sa kuwarto para sabihing naroroon na si Vengeance ay sinabi nitong nakapaghanda na ito ng kanilang agahan. 

"Huwag ka na munang kumilos," ani Vengeance mula sa likuran niya. "What do you need? Nauuhaw ka ba?"

"T-tinitingnan ko lang kung ano ang inihandang breakfast ni Lola. I think may sinangag na rito at tinapang bangus. Maghihiwa na lang ako ng kamatis."

"Ako na ang gagawa. Sit down," hinila nito ang isang dining chair.

Hindi na siya nagreklamo dahil totoo namang hirap talaga siyang kumilos.

Itinuro niya kay Vengeance ang lagayan nila ng kamatis.

"Gaano karami?"

"Tatlo lang."

"Okay." 

"Piliin mo 'yong hindi masyadong hinog para malutong."

"I got it."

Kumuha ito ng lagayan at kutsilyo. 

Tingin niya ay hindi naman ito asiwang kumilos sa kusina. Naisip niyang siguro ay sanay itong asikasuhin ang sarili. Pinapanood niya lang ang ginagawa nito habang naghihiwa ng kamatis. Gustung-gusto niya ang juice ng kamatis na isinasabaw sa sinangag. She developed a weird taste and eating habit. Weird iyon para sa kanya dahil hindi iyon ang nakagisnan niya.

"What's your less favorite food?" tanong nito pagdaka sabay sulyap sa kanya.

"My less favorite food? Ampalaya. I can live without it for the rest of my life. Pero si Lola Miling at Mommy lagi akong pinipilit kumain ng ampalaya kahit isang slice lang. Ugh, talaga. Hindi ko maintindihan kung bakit gustung-gusto 'yon ng iba."

"Masarap naman ang ampalaya. Lalo na kapag inihahalo sa pinakbet. In fact, hindi kumpleto ang pinakbet nang walang ampalaya."

"I don't eat pinakbet. Pero kapag nagluluto noon si Lola ay pinipili ko lang ang kalabasa, sitaw, at talong. Hindi rin ako masyadong kumakain ng okra," ngumiwi pa siya.

Bahagya lang umangat ang isang sulok ng mga labi nito. Iyon na ang sa palagay niya ay ngiti para rito. She would love to see him laughed one day. Or smile, a smile with his eyes twinkling with genuine happiness. Madalas kasi ay poker face ito. Mahirap basahin kung galit, naiinis, o nagbibiro.

"Ikaw? Ano ang pinakaayaw mong pagkain? Or your less favorite food?"

"Potato."

Napamaang siya. "Talaga?"

Tumango ito. Tapos na itong maghiwa ng kamatis kaya hinugasan nito sa lababo ang ginamit na kutsilyo at chopping board.

"Eh, di hindi ka kumakain ng lumpiang shanghai? Or potato fries?"

"French fries, no. Spring roll is okay, bastat't mas marami ang pork at carrots."

"Gosh. I didn't know you're a picky-eater."

"Coming from someone  who hates ampalaya."

Natawa siya. 

"You're right. I also hate asparagus. Good thing Lola doesn't cook it here."

They went on chatting some more. She realized he's a very interesting guy. Lahat ng lumalabas sa bibig nito ay may sense. Bagay rito ang kasabihan ng matatanda na kapag tahimik, malalim. O di kaya iyong sinasabi nila na ang lata kapag walang laman, mas maingay. It made sense.

Naputol lamang ang pag-uusap nila nang dumating na si Rocky. May bitbit itong apat na pack food from Silog Haus. Ang paboritong kainan ng mga ito ng almusal. At bagaman minsan lang naman siyang nakakain doon ay nagustuhan din niya ang masarap na pagkakaluto. Presyong-pangmasa pa ayon kay Rocky.

"Tsibog, tsibog," masiglang inilapag nito ang bitbit na dalawang plastic bag sa mesa.

Tatayo na sana si Meredith para kumuha ng plato at mga kubyertos ngunit pinigilan siya ni Vengeance.

"Ako na."

"Tawagin ko lang si 'Nay Miling," prisinta naman ni Rocky.

Agad naman siyang ipinaglagay ni Vengeance ng plato at kubyertos. 

"Aba, ito ba'y agahan o piyesta?" ani Lola Miling nang kasama na ito ni Rocky na dumulog sa hapag.

"Ganyan po talaga si YM kapag inspired," ani Rocky.

"Ngayon ako naniniwala na may lahi ka ngang Intsik, YM," anang may-edad na babae kay Vengeance.

"Hindi pa ba obvious, 'Nay?" ani naman ni Rocky. "Sa mukha pa lang ni YM kita na ang pruweba."

"Hindi lahat ng singkit, Intsik," pilosopong sagot ng nakatatandang babae.

"Kunsabagay nga po, totoo 'yan. Eh, ano namang patunay ang sinasabi niyo na Chinese nga si YM?"

"Tumitilaok pa lamang ang mga manok ay umaakyat na ng ligaw."

Kahit hindi umiinom ay muntikan ng masamid si Meredith sa sinabi ng dating yaya. Sinabi na nga niya rito na hindi naman talaga nanliligaw sa kanya si Vengeance ngunit lagi pa rin siya nitong inili-link sa binata. No comment lang naman ang huli. Habang si Rocky ay parang kinikiliti habang pigil ang pagbungisngis.

Nang sumunod na mga araw ay naging ordinaryong routine na ang ganoong tagpo sa kanilang apat. Sa umaga ay magkasama sina Meredith at Vengeance para sa regular jog ng huli. On weekdays ay hindi na sila tumutuloy ng gym. Pagkatapos nilang ikutin ang regula route ni Vengeance ay inihahatid na siya nitong pauwi. At dahil pareho ang schedule ng klase nila, isinasabay na rin siya nito pagpasok at pag-uwi. And she doesn't mind, not anymore.

Slowly, her body was able to adapt to their regular workout routine. On weekends ay hindi lang triple ang pagod niya pagkatapos nilang mag-jogging. Kung noong una ay very considerate si V, kalaunan ay gusto na niya itong murahin dahil lumabas ang pagkaistrikto nito pagdating sa kanyang pagsasanay.

"When you're in front of an enemy, they will show you no mercy," ang sabi pa nito. "The more you show them how weak you are, the more they'll take advantage of you. And here's the thing, in a real fight there is no timeout or break. It's either you fight or you die."

Humugot nang malalim na paghinga si Meredith. Sweat dripping off her face. Her legs and thighs were burning from exertion. They did bicycle crunches, burpees. vertical leg lifts, Russian twist, tuck jumps, sit ups and push ups, sprints backward and forward, planks, and jumping lunges. Twenty-five reps each with only ten seconds break in between.

"You're doing great," ang tila nakakaloko pa nitong sabi sa pagitan ng paghahabol niya ng hininga.

Naningkit ang mga mata ni Meredith. Gusto na niya itong sunggaban at pulbusin ng sapak ang taglay nitong kapogian.

"We'll test your flexibility and do more. Two minutes plank, then jumping jacks, and burpees."

"Whaaat?!"

"Come on, chop-chop."

"Are you really training me or killing me slowly?"

"I don't think you're tired enough. Dagdagan na natin ng mountain climber. Twenty reps."

"I so friggin' hate you."

"What's that? Gusto mo pa ng ad--"

"Enough! I'll do it."

"That's my girl."

"Neknek mo!" nasusuyang singhal niya rito. Karaniwang ekspresyon iyon ng mga batang naglalaro sa harapan ng tindahan nila kapag hapon. Mukhang pati iyon ay na-adapt na rin niya.

Nagrerebelde ang kaloobang ginawa niya ang ipinagagawa nito. Ewan kung na-guilty ito na mag-isa lang siya na nagsa-suffer. Sinabayan siya nitong gawin ang mga ipinagagawa sa kanya. Ito na rin ang nagsilbing tagabilang.

Nang matapos sa mountain climber ay hapong ibinagsak niya ang sarili sa mat. Habol ang paghinga. Samantalang ang kasama niya ay tila bahagya lamang pinagpawisan at hiningal. Siya ay literal na yatang naliligo sa pawis.

Pagtayo ni Vengeance ay iniabot nito sa kanya ang isang kamay para tulungan siyang makatayo. Naiinis man ay tinanggap niya iyon.

"Let's put that anger into a good use," nakataas ang isang sulok ng mga labi na saad nito.

May isinuot itong parang makapal na gloves sa magkabilang kamay. 

"This is a boxing pads," tukoy nito sa bagay na isinuot sa magkabilang kamay. "I already taught you the basic punches. You're free to throw them at me."

"I prefer without those pads," tugon ni Meredith.

"Tsk. No can do, giliw. But one of these days I will give you the chance to hit me without these. For now, let's focus on your training."

She rolled her eyes in feigned annoyance. Binalewala niya rin ang ginamit nitong endearment dahil sa palagay niya ay pang-asar lamang nito iyon.

"Another thing, in a real fight we don't use wraps or gloves. There's a greater chance that you'll sprain your wrist or skin your knuckles. The fighting scenes they show in the movies using bare hands is bull crap. Because in an actual fight your fist has four to six hits before it went numb or injured to do more damage to your opponent. Why am I telling you this? Aside from your fists you have your knees, elbows, and feet. And always, always keep in mind these vulnerable spots. Temples, eyes, nose, chin," itinuro ni Vengeance ang bawat parteng binanggit nito. "The neck, solar plexus, ribs, and that place between the thighs--it works both with male and female--then, the knees, legs, and shins. Like I said, your fist has four to six shelf life so mobilized your feet and your knees to bring down your opponent."

"Why do I feel like you're about to deploy me into a war zone?" 

"You want to become a lawyer, remember?" bigla ay tila naging malamlam ang mga mata nito.

And for some unknown reason, her heart flipped when he looked her in the eye.

"I want you to learn how to protect yourself so that even when I'm not with you, you can defend yourself against anyone."

"You talk as if you're going away," at sa isiping iyon ay may kung ano siyang naramdamang pagtutol. "M-mag-a-abroad ka ba?"

"Tomorrow has not yet come but it won't hurt to be fully equipped for the future, don't you think?"

"Whatever," irap niya rito.

Pero kung siya ang tatanungin, gusto pa niya itong makasama nang matagal. Matagal na matagal.

-

don't worry M. wala raw iwanan.

promise 😉 😉 😉

frozen_delights



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro