Buried Past
Chapter Seven
NASUNDAN na lang ng tingin ni Meredith ang papalayong likuran ni Vengeance. Ang sumunod na namalayan niya ay ang pagharurot ng kotse nito palabas ng driveway. May kung anong tila pinipiga sa loob niya. Sa muling pagbaling niya para pumanhik ng silid ay nahagip ng kanyang tingin si Almira. Merong tila pigil na ngiti sa isang sulok ng mga labi nito nang magkasalubong ang kanilang mga mata.
"Is there something funny, Almira?" hindi niya napigilan ang sariling komprontahin ito.
Ganoon naman siya. Prangka at hindi mapalabok na tao. Kung sa tingin niya ay ginagago na ng kaharap ay hindi siya tatayo na lang basta at makikipagplastikan dito. At kanina pa siya naalibadbaran sa babae.
"May naalala lang po ako, Attorney," kaswal na sagot ng babae. Nakababa ang magkabuhol na mga daliri sa harapan na akala mo'y kung sinong matimtimang birhen.
"We both know that's a fucking blatant lie. Sanay na akong humarap sa mga sinungaling na tao kaya huwag mong bilugin ang ulo ko."
Napayuko si Almira sa sinabi niya. And she could tell it wasn't an act of defeat or submission. She's keeping her anger in check. Well and good. Susubukan niya kung hanggang saan ang itatagal ng kaplastikan nito. Sa lahat ng ayaw niya ay iyong mga santa-santita.
"Babalik na po ako sa kusina, Attorney," pagdaka'y sabi ni Almira.
Tiningnan lang niya ito nang dumaan sa tabi niya.
Napabuga siya ng hangin nang ipukol ang tingin sa labas. Ang berdeng tanawin sa harapan niya ay hindi nagawang pakalmahin ang kaguluhan sa loob niya. Mayamaya pa ay napansin niya ang pagdidilim ng langit. Mukhang babagsak ang malakas na ulan.
Dinukot niya ang cellphone mula sa bulsa ng suot na pants at tinawagan si Vengeance. Nag-aalala siyang baka abutan ito ng malakas na ulan sa daan at kung mapaano pa ito.
"Come on, pick up," angil niya.
Pero hindi pa rin ito sumasagot. She sighed in frustration. Ngunit baka nag-aalala lang naman siya sa wala. Pumanhik na siya ng silid. Dumiretso siya ng banyo at doon nagsepilyo. Habang nakatitig sa sariling repleksyon ay may naalala siya. Tinapos niya ang pagsesepilyo at may kinuhang maliit at transparent na sisidlan sa kanyang hand purse. Meron iyong maliliit na pildoras sa loob. Ibinuhos niya iyong lahat sa inidoro atsaka diniinan ang flush. Pinanood niyang tangayin ng tubig ang pills.
Sa kabila ng mga pag-aalinlangan niya ay naisip niyang panahon na nga rin siguro. And if God wills it, mangyayari ang kagustuhan ni Vengeance. Paglabas niya ng banyo ay eksakto namang bumuhos ang malakas na ulan. Kitang-kita niya iyon mula sa nakabukas na French doors. May panaka-naka pang pagkidlat sa papawirin kaya nakaramdam siya ng takot.
Muli niyang sinubukang tawagan si Vengeance. His phone was ringing but he's not picking up. Saan ba kasi ito pupunta?
Nang hindi pa rin ito sumasagot ay nag-message na lang siya.
Where are you? Ang lakas-lakas ng ulan. Umuwi ka na.
Naghintay siya ng ilang sandali kung magre-reply ito o hindi. After ten minutes at wala pa rin ay muli siyang nagpadala ng mensahe.
I'm worried. Napakalakas ng ulan. Come home.
Nang hindi pa makuntento roon ay muli siyang nag-message.
Let's talk about this.
After she hits send, inihagis niya ang cellphone sa kama. Naihagod niya ang mga daliri sa buhok.
Paano nga ba silang nagsimula...?
FOURTEEN years ago.
SA karimlan ng gabi ay tinahak ng maglalabingwalong taong gulang na si Meredith ang napakadilim na kalsada. Natatakot siya, takot na takot. Ang dibdib niya ay parang mawawasak na sa lakas ng pintig ng kanyang puso. Pero kailangan niyang tibayan ang loob niya.
Run. Go as far away as you can and hide. Don't let your father find you. Dahil sa sandaling matagpuan ka niya ay magiging impiyerno ang buhay mo.
Iyon ang umiiyak na sabi sa kanya ng inang si Clementina. Nalaman nitong balak siyang ipakasal ng ama sa kasosyo nito sa illegal na droga. Pagkatapos ng dalawang sunod na pagkabigo nito na muling makabalik sa pagka-alkalde sa bayan ng Sta. Catalina ay inaambisyon naman nito ang pagka-gobernador.
He had to recover his loss from his previous campaign. At the same time to secure more funds for his next candidacy. Ayon sa ina ay gagamitin siya ng Daddy niya para makuha ang dalawang bagay na iyon. And her father will stop at nothing to achieve his goal. Katulad ng pagpapakasal nito sa kanyang ina, gagawin din nito ang parehong pamamaraan matupad lang ang ambisyon nito. Kasehodang gamitin nito ang sariling anak para sa bagay na iyon.
Her father is full of greed. Ayon pa sa kanyang ina ang talagang puntirya nito ay ang maupo bilang presidente. That was his father's lifelong dream. Bata pa lamang ito ay nakatatak na sa isip ni Sonny Villegas--ang kanyang ama--na kailangan nitong matupad ang pangarap na iyon ng sumakabilang-buhay nitong tatay. At hindi ito titigil hanggang sa makamit nito ang layunin sa buhay.
Nagmamadali ang mga hakbang ni Meredith. Sa likuran niya ay tila may sumusunod sa kanya. Sa pagitan ng mabibilis na paghakbang ay kinapa niya ang Taser sa bulsa ng kanyang bag. Meron din siyang pepper spray sa bulsa ng kanyang pantalon. Lakad-takbo na ang kanyang ginawa.
"Shit, shit, shit," naiiyak na siya sa takot.
Her footsteps were halted when someone grabbed her shoulder.
"Huli!"
Napatili si Meredith. Ngunit ang tili niya ay mabilis na tinutop ng isang magaspang na kamay.
"Ako ang mauuna," tinig ng isang lalaki.
"Jackpot tayo sa isang ito. Ang gandang bata," hayok na bungisngis ng isa pang lalaki.
Kahit nanginginig sa takot ay mahigpit na hinawakan ni Meredith ang Taser. Ang isang kamay na nakasuksok sa bulsa ay hinugot at inilabas ang pepper spray. Nang iharap siya ng lalaking may hawak sa kanya ay mabilis niya iyong idinikit sa leeg nito. Agad niyang isinunod ang pag-spray sa kasama nitong isa pa. Bumagsak ang lalaking nadaitan ng Taser habang iyong huli ay napahiyaw sa sakit.
Nang makawala sa mga ito ay hindi na siya nag-isip at walang lingon-lingon na kaagad siyang tumakbo. Mabigat ang dala niyang bag at medyo may kapayatan din ang kanyang pangangatawan. Pero hindi na halos niya maramdaman ang bigat ng bag. Ang tanging importante sa kanya ay makalayo. Kung puwede niya lang hilingin na magkaroon ng pakpak ang kanyang mga paa ay ginawa na niya.
"Putang ina, bumalik ka rito!"
Nagpatuloy lang siya sa pagtakbo. Pakiramdam niya pa nga ay hindi na sumasayad ang mga paa niya sa lupa. Hingal na hingal na siya. She really must think of building up her stamina. Sa sandaling makaligtas siya ay pagtutuunan na niya ng pansin ang pagpapalakas sa kanyang katawan.
"Bumalik ka ritooo!"
"Mahuhuli ka rin namin."
Pilit niyang nilunok ang takot. Mukhang may iba pang mga kasamahan ang dalawang lalaki na nagtangka sa kanya. At ang kaalamang iyon ay halos ikapanghina na ng loob niya.
Just run, Meredith, run, she cheered herself. "Ah!"
Natisod siya sa nakausling bato. Her body fell on the ground. Kamuntik pang sumubasob ang mukha niya kung hindi maagap na naiangat.
Narinig niya ang nagbubunying halakhak ng mga humahabol sa kanya. She crawled to get back on her feet again. Her body starts to shake in fear. Ngunit pinilit niyang pangibabawin ang katatagan. Hindi siya makapapayag na matapos na lang nang ganoon ang buhay niya. She will finish her pre-law course and entered Law School without a hitch. Magtatapos siya ng abogasya katulad ng pangarap niya. And one day, when she's strong enough she will expose her father's bad deeds and haul his ass in court.
"Akin ka muna, sweetie pie."
Mahigpit na hinawakan ni Meredith ang pepper spray, ganoon din ang Taser. It was an X3 and she can still use it to immobilized her attackers. Pero mukhang alam na ng mga ito na may armas siya. They pinned her arms on the grounds. Tumili siya at pinagsisipa ang mga ito. There were three of them. At lahat ng mga ito ay mukhang lango sa ipinagbabawal na gamot.
I can't die like this, lumuluhang naisip niya habang tutop ng isa sa tatlo ang bibig niya.
"Pigilan niyo ang magkabilang kamay at paa. Ako ang mauuna," hayok na hayok na sabi ng isa.
"Tangina, kahit kailan talaga laging umiiral ang pagka-magulang mo."
"Bilis-bilisan mo at kami naman ang susunod."
Is this the end of the line for me? parang puputok ang dibdib na tanong ni Meredith sa sarili. Her mind refused to give up but she's too helpless to fight back.
Nang bumaba ang kamay ng lalaki sa harapan ng kanyang pantalon ay napapikit na lang nang mariin si Meredith. She prepared herself for the worse. Seconds passed. Biglang nawala ang kamay na pumipigil sa magkabilang palapulsuhan niya. Ganoon din sa magkabila niyang paa. Then she heard some grunting. Nang magmulat siya ng mga mata ay nakita niya ang dalawang lalaki na mahusay na nakikipaglaban sa tatlong lalaki na umatake sa kanya.
Kahit nanginginig pa sa takot ay mabilis na bumangon si Meredith. Nang subukan niyang tumayo para lisanin na sana ang pook na iyon ay muli siyang napaupo. Nangangatog ang mga binti niya at tila hindi kayang suportahan ang bigat ng kanyang katawan na wala pang kuwarenta kilo.
Ang kinaroroonan nila ay malapit sa isang bakanteng lote sa gilid ng isang makipot na daan. May poste sa malapit kaya kitang-kita niya ang pakikipagsuntukan ng dalawang lalaki. Mukhang bata pa ang isa habang ang isa naman ay may kakatwang hairstyle o iyong tinatawag na dreadlocks. Malaki ang pangangatawan niyon na parang bouncer sa club. Dito napokus ang tingin niya dahil bigla siyang nakaramdam ng takot dito. Halos kasinlaki nito ang mga lalaking umatake sa kanya at tadtad ng tattoo ang magkabilang braso na nakalabas sa suot nitong muscle tee. Lalong nadepina ng damit ang laki ng mga braso na bato-bato yata sa tingin niya.
The man fought like a wrestler. Inihaharibas nito ang naglalakihang mga braso at ibinabalibag sa lupa ang kalaban. Samantalang iyong isa ay smooth at suwabe ang galaw. Mukhang maalam sa martial arts.
Nang makita niyang nakabagsak na sa lupa ang tatlong lalaki ay sinubukan niyang muling tumayo. Oo nga at nakaligtas siya sa tatlong manyakis na iyon, pero ano ang garantiya niya na mabuting tao ang dalawang lalaki na bumugbog sa mga ito?
Tarantang hinagilap ni Meredith ang kanyang Taser at pepper spray. Naglakad na ang dalawang lalaki at walang anuman na iniwan ang mga walang malay na kalalakihan sa kinabagsakan ng mga iyon. Imboluntaryong napaurong ang mga paa niya. Ngunit para lang siyang hanging nilampasan ng lalaking nauuna. He looks younger than Mr. Muscle. And he's quite... handsome?
"Bilisan mo, Rocky."
"Papariyan na, YM."
Pero kahit sinabi iyon sa kasama ay tumigil sa tabi ni Meredith si Mr. Muscle. Na Rocky pala ang pangalan.
"Miss, delikado ang maglakad ng ganitong dis-oras ng gabi. Saan ba ang punta mo? Ihahatid ka na namin."
Alanganin ang naging pag-iling ni Meredith. Parang gusto niya na parang ayaw niya na sumabay sa mga ito. Kahit pa nga guwapo iyong lalaki na tinukoy nitong YM, hindi siya sigurado kung mabubuting tao ba ang mga ito.
"Bato!"
"Coming, YM."
Nakuyom ni Meredith ang dalawang kamay. Kung masasamang tao ang mga ito, sa laki ni Rocky ay duda siya kung mapapatumba niya ito basta ng Taser. At 'yong YM naman, sa bilis kumilos niyon ay baka ni hindi niya ito mahagip ng pepper spray.
"Sige, Miss. Mauuna na kami. Babayu."
Naiwan siyang parang naestatwa sa kinatatayuan. Malayo-layo na ang nalalakad ni Rocky nang tawagin niya ito.
"R-Rocky, sandali."
Tumigil naman agad ang lalaki na parang inaasahan na ang pagtawag niya.
"M-may kilala ka bang Mildred Lingasan?"
"Mildred Lingasan?"
"Um, kilala siya bilang Nanay Miling o Aling Miling."
"A, si Ka Miling ba? 'Yong may maliit na talipapa rito sa Purok 6."
"O-oo, siya nga."
"Malapit lang 'yon dito. Pero malamang sarado na ang tindahan no'n."
"Diretso lang ba?"
"Oo. Doon din ang daan namin, puwede ka ng sumabay."
Nag-alanganin na naman siya. Tila nabasa iyon ni Rocky sa mukha niya.
"Kung natatakot ka dahil sa nangyari sa'yo kanina, huwag kang mag-alala. Puwede kaming mauna sa'yong maglakad. Sumunod ka na lang."
At ganoon na nga ang kanyang ginawa.
"Siyanga pala ano ang pangalan mo?" tanong ni Rocky na bahagyang lumingon sa kanya. Nilakipan pa nito iyon ng ngiti na biglang ikinagaan ng loob niya sa lalaki.
He looks harmless when he smiles. While his companion looks snob. Tahimik at hindi nagsasalita.
"Meredith."
"Maganda. Bagay na bagay sa'yo, maganda ka at mestisa."
"Salamat."
"Ayos lang ba kung tatanungin kita kung ano ang ginagawa mo rito?"
"D-dumadalaw lang."
"Kamag-anakan mo si Ka Miling?"
"P-parang gano'n."
"Aah. Napakaalanganing oras naman ng pagbisita mo. Nakita mo nga 'yong muntikan ng mangyari sa'yo kanina. Buti na lang--"
"'Yan ang bahay ni Aling Miling," ani YM.
"Salamat sa tulong niyo," ani Meredith.
Ngunit parang walang narinig si YM na nagtuloy-tuloy na sa paglalakad. Si Rocky naman ay bahagya pang yumukod atsaka ngumiti. Iminuwestra pa nito ang kamay na nasa tapat nila.
"Tumawag ka na. Bukas pa ang ilaw sa loob kaya siguradong may gising pa."
"Salamat."
"Babayu, Ms. Maganda."
Sa kabila ng muntikan ng mangyari sa kanya ng gabing iyon ay nagawa pa ring makangiti ni Meredith.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro