Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Zee's Day

note: sa mga nasa field of meds. baka po may mga maling terms o specifics akong nabanggit, you are welcome to correct me😅😅  


MABAGAL na lumipas ang mga araw para kay Mariz. Sa lumipas na halos isang buwan ay dalawang beses pa lamang niyang nakausap sa telepono ang inang si Sally. At iyon ay para sabihin sa kanyang hindi pa ito handang umuwi, that she still needs more time. She said, she's planning to go on a retreat. Sumang-ayon na lang siya. Kung sa palagay nito ay iyon ang makabubuti rito ay susuportahan niya na lamang ang ina.

She focuses her attention in her residency. Kapag may kaharap siyang mga pasyente ay pansamantala niyang nakakaligtaan ang problema sa kanyang pamilya. At nagkataon namang sunod-sunod ang dagsa ng emergency cases sa Sacred Heart Hospital kaya halos walang pahinga ang isip at katawan niya. She needed to be alert and attentive at the same time in order to become an effective health care provider in her chosen field.

Naghahanda na siya para umuwi nang mapansin niya ang reminder na naka-set sa kanyang calendar.

My Baby Zee's Special Day.

Napangiti si Mariz. Kaarawan iyon ni Zenith. Hindi niya ito natanong kung ano ang plano nito sa sariling birthday. Pero nakausap na niya si Mang Damian, ang katiwala ni Zenith. Susunduin siya nito sa ospital at ihahatid sa bahay ng binata para ipaghanda ito ng special dinner. Of course, she already ordered ahead of time. Dadaanan na lang nila pagsundo sa kanya ni Mang Damian ang mga in-order niyang pagkain.

Nang magkausap sila ni Zenith over lunch ay medyo toxic daw sa area nito kaya baka late na itong makauwi. Ang sagot naman niya ay ayos lang dahil busy rin siya at dala niya ang sariling sasakyan. Sa tono ng pananalita ng nobyo habang nag-uusap sila kanina ay mukhang limot na nito ang espesyal na okasyon sa araw na iyon. But it doesn't matter. Nakatitiyak naman siyang uuwi ito kaya ayos lang. Magugulat itong tiyak kapag nadatnan siya dahil nag-effort talaga siya para ipaghanda ito at gawing espesyal ang okasyong iyon.

Kung kilala niya nga lamang sana ang lahat ng kaibigan nito ay baka kinutsaba niya rin ang mga iyon para bigyan ng mas bonggang selebrasyon ang kasintahan. Kaya lamang ay si Qaid pa lang ang nakikilala niya nang personal. Iyong iba ay hindi pa. Bagaman sa mga pag-uusap nila ni Zenith ay madalas nitong mabanggit ang pangalan ng mga iyon. Hindi niya pa nga lang kilala sa mukha.

Muling pinahapyawan ng tingin ni Mariz ang romantikong pagkakaayos ng dining table bago satisfied na ngumiti. Ready na ang lahat. Ang celebrant na lang ang kailangan niyang hintayin.

"May kailangan pa ho ba kayo, Ma'am?" tanong ni Mang Damian nang makitang ayos na ang lahat sa hapag.

"Wala na ho, Mang Damian."

"Sige ho, Ma'am. Mauuna na ako sa inyo."

"Huwag niyo pong kalilimutan 'yong binalot ko para sa inyo."

"Napakarami nga ho, Ma'am, mag-isa lang naman ako. Salamat."

Nginitian lamang ni Mariz ang katiwala. "Mag-iingat po kayo."

Nang makaalis ang katiwala ay muling tsinek ni Mariz kung may kailangan pang ayusin. 

"Perfect. Everything's perfect." Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang kasintahan.

The number you are calling cannot be reached at the moment, please try again later.

Napakunot-noo si Mariz. Nagtataka kung may kausap lamang sa kabilang linya ang nobyo o out of coverage area ito.

She decided to send him a text instead.

Are you still busy? 

It was already past eight o'clock in the evening. Posible kayang nasa meeting ito? Wala man lang ba itong special day off since it's his birthday? O baka naman tulad ng mga katrabaho nito ay limot din nito kung ano ang petsa sa araw na iyon?

Baby Zee, do you know what day are we on? If not, I just wanna let you know that I'm waiting for you to come home. Drive safe.😘

Hindi siya sigurado kung anong oras nito matatanggap ang mensahe niya pero sana naman ay hindi siya mapanis doon sa paghihintay. Iyon ang isa sa problema kapag naghahanda ka ng sorpresa para sa isang espesyal na tao sa kaarawan nito. Hindi mo sigurado kung sa halip na ang celebrant ang masu-surprise o ang taong naghanda mismo.

Habang naghihintay sa kasintahan ay nilibang na lang ni Mariz ang sarili sa pagbisita ng kanyang social media. Nang makitang naka-on line ang kapatid ay nag-chat siya rito. Kinumusta ang kanilang ama at kinumusta rin ito.

8:29 PM

Odi: I'm okay. At sa palagay ko okay pa sa olrayt si Papa 😏

What's with the emoji?

Seen, 8:31 PM

???

Odi: I'm not sure if I should tell you this.

Go on.

Odi: Um, Tita Criselda came and visit.

Imboluntaryong umangat ang isang kilay ni Mariz. 

So?

Odi: Seven days in a row.

Natigilan siya. Hindi niya gusto ang ideyang ipinapasok ng kapatid sa utak niya pero hindi niya maiwasang mag-isip. 

Matandang dalaga ang kanyang tiyahin. Ang alam niya lang kaya hindi na ito nag-asawa pa ay dahil na-indespair diumano ito sa unang lalaking minahal. Kung hindi rin siya nagkakamali ay nasa early forties pa lamang ito. Bata pa at well, katulad nga ng mga naririnig niya sa matatanda, may asim pa.

Odi: Get this, she spent the night here. Last night.

In Papa's room? 😨😨

Odi: Yep.

Odi: I saw her came out early this morning.

Odi: Pero kunwari wala akong nakita.🤫

Seen, 8:37 PM

Parang biglang na-drain ang energy ni Mariz sa nalaman. She didn't see this coming. Not her Tita Criselda. Sa emotional state ng Papa niya ay mauunawaan niya ito kung kahit sino mang babae na magpapakita ng motibo rito ay mapagbalingan nito. But her Tita Criselda...? She just couldn't wrap her head around it. Hindi ba nito naisip na lalo lamang itong makagugulo sa sitwasyon ng kanilang pamilya? 

Nagpaalam na siya kay Odilon.

Tila umiikot pa rin ang ulo niya sa ibinalita ng kapatid. Nahagod niya ang buhok sa nadaramang frustration. Hindi pa man natatapos ang problema ay may panibago na naman. Mula sa dining room ay pumunta muna siya sa sala upang doon na hintayin ang pagdating ni Zenith.

She's really exhausted. Inabot niya ang isang throw pillow at inilagay iyon sa kanyang tabi saka dahan-dahang pumadausdos ng higa. She could use some shut-eye. It was her Baby Zee's birthday. She will not ruin it by welcoming him with a sour mood. Maybe a shut-eye will improve her frame of mind.

Hindi na namalayan ni Mariz na mapapahimbing ang tulog niya. 


ARE you still busy?

Baby Zee, do you know what day are we on? If not, I just wanna let you know that I'm waiting for you to come home. Drive safe.😘

"Oh, shit," napamura nang malakas si Zenith nang mabasa ang text ni Mariz. "Shit, shit, shit!"

It was already two in the morning. Lampas alas otso pa lamang nang mag-text ang kanyang nobya. May anim na oras na!

"Fuck!" inihagis niya kay Venom ang ginamit na sniper rifle.

"Damn it, Z!" kamuntik ng hindi masalo ni Venom ang may kabigatang armas.

"I gotta go. Emergency," sumampa na siya sa likuran ng kanyang superbike na tahimik na humarurot sa highway.

Baby Zee, do you know what day are we on?

Parang naririnig na niya ang malambing na boses ng nobya. Siyempre ay alam niya kung ano ang petsa sa araw na iyon. Technically, it was yesterday. His birthday. His friends remembered. Nag-video call pa nga si Cal at siyempre sumingit sa eksena ang epal na si Scythe. Baka raw gusto niyang magpainom. Na para bang ganoon lamang kabilis na matatawid ng mga ito ang Pilipinas at Italy. They all greeted him a happy birthday. Pero alam daw ng mga ito na happiest ang birthday niya dahil meron na siyang espesyal na doktora.

He tapped the button on the side of his helmet connected to an earpiece.

"Locate, Doc."

"Locating, Doc. Home, living room."

Nakahinga nang maluwag si Zenith. Good thing he put a locator on her girlfriend's phone. Nasa bahay niya pa rin ang nobya. Wala naman silang napag-usapan sa kanyang kaarawan. Pero ang natatandaan niya ay sinabi niya rito noong minsan nila iyong mapag-usapan na sana ay magkasama sila sa pagdiriwang niya ng kanyang birthday. Pero baliktad ang nangyari, siya na celebrant ang MIA.

Ipinaghanda kaya siya nito? Nang tawagan niya ito bago ang call time nila ng grupo para sa operasyong iyon ay wala naman itong ipinahiwatig na anuman. Tulad niya ay busy rin ito nang nagdaang araw kaya akala niya ay nakalimutan na nito. Wala nga kasi itong binanggit na anuman. Ang balak niya ay kinabukasan na lamang nila ipagdiriwang ang birthday niya, sa araw na iyon. Kahit late na ang celebration ay ayos na rin. Yayayain niya itong mag-dinner sa isang high-end restaurant. Panira kasi ang mga tinamaan ng magaling na arm dealer na 'yon. Sumabay pa sa kaarawan niya.

Mabuti na lamang pala at ang superbike ang sinakyan niya. Ang kanina'y dalawang oras niyang biyahe patungo sa pinanggalingang pantalan ay naitakbo niya nang mahigit isang oras lang. Hindi nagtagal at papasok na siya sa garahe ng kanyang bahay. Pagbaba niya ng kanyang superbike ay inamoy pa niya ang sarili. Medyo langhap niya ang pulbura. Dumiretso na siya sa shower. Naglinis siyang mabuti nang buong katawan partikular ng magkabilang kamay. Nakatapi lamang siya ng tuwalya nang lumulan sa elevator at tunguhin ang kanyang silid. Mabilis siyang nagbihis bago muling tinungo ang elevator upang babain sa living room ang nobya.

Agad niyang nakita ang nahihimbing na pigura ni Mariz sa sofa. She was lying in a fetal position. Maingat na nilapitan ni Zenith ang nobya. Pa-squat siyang naupo sa tabi nito at may ilang sandali itong pinagmasdan. Napangiti siya. She sleeps like a baby. Tumaas ang isa niyang kamay at banayad na hinaplos ang pisngi nito. Bahagya itong gumalaw. He caressed her lips with his thumb. She just hmmed. Looks like Sleeping Beauty wants a kiss from Prince Charming. Yumuko siya at marahang inilapat ang mga labi sa bibig ng nahihimbing na dalaga.

"Hmm," gumalaw ang talukap ng mga mata ni Mariz.

Zenith pried her lips with the tip of his tongue. Then he nips her upper lip, licks it and pulled it gently between his lips. He did the same process on her lower lip until he heard her moaning.

Namumungay pa ang mga mata ni Mariz nang muli itong tunghayan ni Zenith.

"I'm home," he said.

Ngumiti ito at inabot ang kanyang mukha. 

"Happy birthday," wika nito sa malat na tinig.

May kung anong mainit na emosyong biglang bumalot sa kanyang puso. At pakiramdam niya biglang nagbara ang kanyang lalamunan sa hindi maipaliwanag na emosyong bahagyang nagpasikip sa kanyang paghinga. Masaya rin naman siyang ipagdiwang ang kanyang kaarawan kasama ng kanyang mga kaibigan. Ngunit kakaibang saya ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon.

"Thank you," aniya na pinilit kontroling hindi mahirinan sa sariling emosyon. Gad, I'm getting all maudlin.

Which had him wondering if it came with age.

Hinigit ni Zenith ang nobya at marahang niyakap. Isiniksik niya ang ilong sa leeg nito na naging paborito na niyang gawin sa tuwing maglalambing.

"Malamig ng tiyak ang mga pagkaing inihanda ko para sa'yo," anito sa tonong tila nanghihinayang.

"I'm sorry. I got tied up with something. Hindi ko naman kasi alam na may sorpresa ka palang ihahanda para sa akin."

"Surprise nga, di ba?" nakasimangot na sagot nito.

Napakamot sa pisngi si Zenith sa nahimigang sarcasm sa boses ng nobya.

"Akala ko nga nakalimutan mo. And since I got tied up with some... uh, important matters I thought I'll just treat you to a special dinner later."

"Sayang 'yong effort ko."

"Of course not," iginiyang patayo ni Zenith si Mariz. Nakaramdam siya ng guilt nang makitang nakasuot ito ng magandang dress. Mukhang kakailanganin niya talagang bumawi nang husto rito. "Come, I'm sure hindi ka na nakapag-dinner sa paghihintay mo sa akin."

"Mabuti't alam mo," supladang tugon nito.

Lihim na napangiwi na lang si Zenith. Magkasalikop ang mga palad na tinungo nila ang dining. Maginoong ipinaghila ng upuan ni Zenith ang kasintahan. Sinindihan niya ang mga kandilang nasa candelabra sa gitna ng hapag bago binuksan ang mga natatakpang pagkain doon. Inatake na naman siya ng guilt. Maraming pagkain ang nakahain doon at halos lahat paborito niya.

"Thank you," taos ang pasasalamat na sabi niya sa nobya.

"You are very much welcome," tugon nito na may ngiti sa mga labi. "Oh, wait. 'Yong cake, kukunin ko muna sa ref."

Bago pa siya nakapagsalita ay tumayo na ito at nagtungo ng kitchen. Mayamaya pa ay...

"Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday. Happy birthday to you."

Muli ay nagsikip ang dibdib ni Zenith sa sobra-sobrang kaligayahan habang pinagmamasdan ang babaing may dalang cake at kumakanta ng Happy Birthday Song.

"Make a wish," she said while smiling sweetly.

"It already came true, your loveliness. You're here," then he blew the candle. Pagkatapos ay kinuha niya iyon mula rito atsaka ito marahang hinapit at hinagkan sa mga labi.

The kiss was gentle and sweet, no rush. Just a light and soft brush of lips. Pagkuwa'y muling niyakap ni Zenith ang nobya at hinagkan sa ibabaw ng ulo.

"Let's eat," muling iginiya ni Zenith paupo ang nobya.

At bilang pambawi sa pagka-late, naging aligaga si Zenith sa pag-aasikaso sa nobya.

"This is good," tukoy niya sa kinakaing steak. Kahit malamig na iyon ay juicy pa rin at malinamnam. "Is this from Freddy's Grill?"

"Uh-hm."

Twice na silang kumain sa restaurant na iyon. Recommended by one of his friends. At tulad niya ay nagustuhan din ni Mariz ang mga pagkain doon.

Kinuha ni Zenith ang bote ng wine na nakahanda sa mesa at sinalinan ang kanilang wine glass.

"A toast to our happiness," aniya.

Nakangiting itinaas ni Mariz ang goblet nito.

"A toast to our happiness. And may you have everything your heart's desire."

"My heart's desire, huh?"

Ngumiti ito, labas ang dimples. Ngumiti na rin siya at pinagpingki ang kanilang mga goblet.

My heart's desire. 

Biglang may naalala si Zenith. Agad siyang nag-excuse sa nobya at umakyat sa kanyang silid. Pumasok siya sa walk-in closet at hinila ang isang drawer. Kinuha niya ang isang pakuwadradong pelus box. Naalala niya ang minsang sinabi sa kanya ng mga kaibigan tungkol sa pagsi-share niya ng DCA kay Berenice. He learned his lesson. Dala ang pelus box ay binalikan niya si Mariz.

"Here."

May pagtatakang tiningnan nito ang bagay na hawak niya.

"It's for you, open it."

"A-a gift?"

"Uh-huh."

"Hindi ba parang baliktad? Ako ang dapat na magbibigay sa'yo ng gift."

"You are more than enough."

Bahagyang napaawang ang mga labi ni Mariz. Nangingiting yumuko siya at hinagkan ang mga labi nito. Then he opened the box and took out the necklace with a key pendant.

"Zee."

Umikot siya sa likuran nito at isinuot dito ang kuwintas.

"Always wear this, okay?"

"Why?"

"To remind you that wherever you are, you always hold the key to my life..."

-

aw, confession na ba eon, Z?😍😍

rainy Thursday. mukhang may sexcited sa pa-birthday na ayuda ni mayora😁😁

your awesome and naughty author 😘

frozen_delights





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro