The Stranger
not edited. you are free to comment the typos or misspelled words.
"ATE."
"Hmm?"
"Ayos ka lang?"
Umayos ng upo si Mariz at diretsong tiningnan ang kapatid na si Odilon. Nakaupo silang magkapatid sa lanai, malapit sa pool. Ito ay mukhang kalalabas lamang ng gym at siya naman ay katatapos lang mag-breakfast.
"I'm good. 'Just tired, I guess," aniya.
"Eh, di magpahinga ka."
"Ang dali ng solusyon mo, eh, 'no? Opo, tatay kong mahal. Nagpapahinga nga ako, di ba? Ano ang tingin mo?"
It was her day-off. At ang bubwit niyang kapatid, ang aga-aga ginugulo ang katahimikan niya.
"Ahm, humihigop ng hangin?"
Iningusan niya ito. "Sira ka talaga."
"E, totoo naman. Kanina ka pa nakatulala."
"May iniisip lang ako."
"Trabaho?"
"Parang gano'n."
Napapalatak ito. "Ate, kapag day-off, ibig sabihin araw ng pahinga. Rest day. At ang anumang bagay na may kinalaman sa work dapat iniiwan sa lugar ng trabaho."
"Wow," napa-slow clap si Mariz sa sinabi ng kapatid. "Sa wakas, may sense na rin ang mga lumalabas d'yan sa bibig mo."
"Did you just insult my keen intellect?"
"Ano? Ano nga ulit ang sinabi mo? Keen intellect?"
Napasimangot ito sa pang-aasar niya.
Natatawang nilapitan niya ito at niyakap mula sa likuran.
"Nagtampo naman agad ang aking baby."
"Alam ko naman na bobo ako," nakalabing sabi nito. "Pero..."
"Tumigil ka nga. Hindi ka bobo, okay? Walang taong bobo."
"... pero, wala ng mas bobo sa direksyon kaysa sa'yo."
Mabilis na naningkit ang kanyang mga mata at hinila ang buhok nito. "Bobo pala, ha? Kakalbuhin kita!"
"Aray, araaay! Ate, ang buhok ko. It's my crowning glory, maraming chicka babes ang nababaliw sa akin dahil d'yan."
"Kung gano'n ay uubusin ko. Bubunutin ko lahat gamit ang tweezer para umayos ang tabas ng dila mo."
"Dila ko pala ang may problema bakit mo pinagdidiskitahan ang buhok ko? Araaay...!"
"Dahil napupunta na sa buhok mo ang lahat ng sustansyang pumapasok sa katawan mo. Wala ng natitira para sa'yong utak. Naaapektuhan pati ang mga lumalabas sa bibig mo."
"Aray, stop, stop."
"Mag-sorry ka muna."
"Ayoko nga."
Muli niyang hinigit ang buhok nito. "Aray, aray, Ate. Oo na, ikaw na ang pinakamaganda at pinakamagaling kong Ate. Walang puwedeng tumapat. Patawad po, mahal na diyosa."
"That doesn't sound like a sorry at all," she grabbed a handful of his hair.
"Aw, aw, aw. Sorry na po, Sorry, sorry, sorry, sorry, naega, naega, naega meonjeo, nege, nege--aw!"
"Siraulo ka talaga," mariin niyang pinisil ang magkabila nitong pisngi.
Kahit gustong-gusto niya itong batukan ay hindi niya magawa dahil baka lalong maalog ang utak, mag-relocate sa talampakan.
Itinaas nito ang dalawang kamay at nag-finger heart sign.
"Wuvyu," sabi nito habang pisil-pisil niya ang magkabilang pisngi.
Dahil na rin sa awa ay binitiwan na niya ang pagkakapisil sa magkabilang pisngi nito. Nakasimangot na minasahe nito ng magkabilang palad ang pisngi. Pulang-pula na iyon.
"Isusumbong kita sa Bantay-Pogi at sa presidente ng fan club ko."
"Talaga? At sino naman ang presidenteng 'yan, aber?"
"Huwag kang maingay," bahagya itong lumapit sa kanya. "Si Mama, kaya lang hindi niya pa alam."
Ang halakhak na nakahanda ng kumawala sa mga labi ni Mariz ay hindi niya napawalan. Nasilip niya ang lungkot sa mga mata ng kapatid sa kabila ng ngiting nakaguhit sa mga labi nito. May naramdaman siyang awa rito. She understands his yearning for their mother's love and approval. Something that seemed to be next to impossible.
"It will happen, someday. Just be patient with her."
"Yeah, I know."
Ginulo niya ang tuktok ng buhok nito.
"Ate," saway nito sa ginagawa niya.
Tumawa lang siya saka inayos ang tuwid na hibla ng buhok nito at sinuklay iyon ng mga daliri.
"Go and take a shower."
Inamoy-amoy nito ang magkabilang kili-kili.
"Mabango pa naman ako, ah."
"O, di okay. Ikaw ang bahala. Ganyan na rin ba ang bihis mo?" she eyed his shoes, sweatpants and gym sando.
"Wait. Lalabas ba tayo?" biglang nangislap ang mga mata nito.
"Since it's my day off, I figured maybe I should take my brother on a sibling date."
In an instant, biglang na-eject sa kinauupuan nito si Odilon at tumakbo patungo sa hagdan para umakyat sa ikalawang palapag ng bahay. Napangiti na lang siya. Tatayo na rin sana siya para mag-ayos ng sarili sa kanyang kuwarto nang biglang bumalik ang kapatid at yakapin siya sabay halik sa kanyang pisngi.
"Thank you, Ate. You're the best!"
"Bolero. Lalabas lang naman tayo para mahanginan ka."
Nag-echo lang ang tawa nito sa buong bahay. Alam kasi nito na kapag niyaya niya itong lumabas ay kasama na roon ang kaunting shopping. At pagdating dito, hindi siya nagtitipid kung anuman ang gusto nitong bilhin basta kaya ng kanyang budget. May sariling credit card at allowance ang kanyang kapatid mula sa kanilang ama. Ngunit kontrolado ng Mama nila ang lahat ng expenses nito. Kapag may nakita itong irregularities sa credit card bill ni Odilon ay kaagad nitong hinihingian ng paliwanag ang binata. At kapag sa palagay nito hindi tama ang expenditures ni Odilon, kinukumpiska nito ang credit card ng anak.
Nag-aalala siya sa labis na paghihigpit ng ina sa kapatid niya. Alam niyang mabait si Odilon. At nakikita naman niya ang pagsisikap ng kapatid na ma-please ang kanilang ina sa abot ng makakaya nito. Pero alam niyang may hangganan ang bawat tao. Kaya lahat ng pagbabalanse ay ginagawa niya para mapigilang umabot sa pagrerebelde ang ginagawa rito ng Mama nila. Her father is a good provider. But he's a military man. At mas madalas, busy rin ito sa mga responsibilidad nito sa sandatahan kaya kulang na kulang ang panahong nailalaan nito sa pamilya. Although he promised them that when he retires from the service he'll devote all his time to his family. And that will be few years from now.
Pumasok na rin siya ng bahay para umakyat sa kanyang silid.
"You're going out?" tanong ng inang si Sally Andrade.
Nakasalubong niya ito sa gitna ng hagdan paakyat sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.
"Uhm, yes, Mama. Mag-iikot lang kami sa mall. Do you want to come?"
"No, thanks. Susunduin ako ng Tita Criselda mo ngayon, we're going out with some friends."
"Oh, okay."
"And besides, I know you prefer your brother's company than mine."
"Mama." Hindi makapaniwala si Mariz na maririnig iyon mula sa mga labi ng kanyang ina. Nagseselos ba ito sa kapatid niya?
She finds it ridiculous, totally absurd.
"We can go out next time, Mama," aniya.
"Sure, let's do that," her mother's cold reply as she went down the stairs.
Napahinga siya nang malalim sabay hagod sa kanyang buhok. Sa bawat araw na dumaraan ay tila pahirap nang pahirap pakitunguhan ang kanyang ina. She wants to delude herself that it was just part of a midlife crisis that usually happens to women. Pero sino ba ang niloloko niya? Her mother changed that night, fifteen years ago. Her father explained his side, and she believed him. But not her mother, no. They became estranged after that night. At sa tingin niya nagsasama na lamang ang mga ito for appearances' sake. Alam niyang ayaw ng kanyang ina na matawag na separada. She will stick to her illusion of perfection up to the bitter end.
Sa nagdaang mga taon ay nakita naman niya ang pagsisikap ng kanyang ama na muling maibalik sa dati ang pagsasama ng kanyang mga magulang. Ngunit sadyang pinatigas na ng panahon ang puso ng kanyang ina. Parehong mahalaga ang mga ito sa kanya. Ngunit kung isang araw magpasya man ang mga itong maghiwalay ay tatanggapin niya. Para sa kanya ay ano pa ang silbi ng pagsasama ng isang pareha kung hindi na kayo masaya sa isa't isa?
"I'm ready," tinig ni Odilon mula sa labas ng kanyang silid.
"Coming." She grabbed her sling bag and car keys.
Mabilis siyang nakapaligo at nakapagbihis ng casual clothes sa kabila ng mga isipin tungkol sa kanyang pamilya. She wore a pair of leather sandals. Bihira siyang magsuot ng may heels dahil matangkad siya. Above five feet and eight inches, with a vital stats of 33-24-36.
"Bakit ganyan ang suot mo?" salubong ang kilay na tanong ni Odilon paglabas niya ng kuwarto.
Niyuko niya ang sarili. Ang suot niya ay mini-skirt at off-shoulder blouse.
"O, ano naman ang masama sa suot ko?"
"Kaunting yuko mo lang makikita na ang kuyukot mo. Magpalit ka."
"Ayoko. Mainit."
"Mag-pa-lit-ka," halos pandilatan siya nito ng mga mata habang mariing binigyang-pagitan ang dalawang kataga.
Nakasimangot na tinalikuran niya ito at padabog na bumalik sa loob ng kuwarto. Binuksan niya ang kanyang walk-in closet at pumili ng isang long-sleeve top at skinny jeans. Mall naman ang pupuntahan nila at malamig doon, puwede na iyon.
Nakasimangot pa rin siya nang lumabas ng kuwarto. Nakataas ang isang kilay.
"Ayos na po ba, tatay kong mahal?"
Pinaraanan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay ngumisi sabay akbay sa kanya. "Tara na."
"Nakakainis ka."
"Pino-protektahan lang kita sa bastos na mga mata."
She rolled her eyes heavenward.
"Can I drive?" excited na tanong nito nang tumigil sila sa tapat ng kanyang sasakyan.
"No," she grinned before she slid in into the driver seat.
Nakalabi itong lumulan sa passenger seat. Ngingiti-ngiti lang siya.
"Don't forget your seat belt, baby," pang-aasar pa niya.
"Ha-ha," sagot nito. "Teka, alam mo ba kung saan tayo pupunta? Don't forget to use the GPS, or better yet magtanong ka na lang sa akin."
Piningot niya ang tenga nito.
"Aray, grabe ka talaga. Lagot ka sa acting president ng fan club ko."
"At sino naman 'yon?"
"Si Manang Ems," tukoy nito sa mayordoma nilang lampas singkuwenta anyos.
Napahalakhak siya. Hindi na rin siya magtataka kung totoo man iyon dahil talaga namang giliw na giliw si Manang Emma o Manang Ems sa bunso niyang kapatid. Kahit nga ang bodyguard ng Papa nila na si Kuya Cris ay tuwang-tuwa rito. Magiliw kasi ito sa mga kasambahay nila. Tila ang paglalambing na hindi nito magawa sa kanilang ina ay sa mga kasambahay na lamang nito ginagawa.
In less than forty minutes they reached their destination. Maluwag ang daloy ng trapiko kaya mabilis silang nakarating.
"Where to first?" aniya sa kapatid.
"Shoes."
"Hmm, okay."
Pumasok sila sa isang department store. Hinayaan niyang tumingin-tingin ang kapatid. He's a big fan of Adidas footwear and Nike shoes. Habang namimili ang kapatid ay nakitingin-tingin na rin siya. Mukhang kailangan na rin niya ng bagong gym shoes. Then she felt a tingling sensation at the back of her head, as if someone is watching her. Slowly, she turned her head.
Her heart missed a beat. Bahagya pa nga yatang napaawang ang kanyang mga labi nang masalubong niya ang mga matang iyon. Hindi siya puwedeng magkamali, ito ang bastos na lalaking tumabi sa kanya sa bus at nanutok sa kanya ng baril!
No, he didn't. Hindi ka niya tinutukan ng baril, pagkontra ng isip niya. At tama naman. Hindi nga siya nito tinutukan ng baril pero hinipuan naman siya!
Pero ano ang ginagawa nito sa lugar na iyon? Sinusundan ba siya nito?
At naalala niya ang sinabi nito bago ito bumaba ng bus.
"'Til next time, Dra. Mariz Andrade."
He knows her name! Mabilis niyang nilingon ang kinaroroonan ng kapatid. Busy pa rin ito sa pagtingin ng sapatos. Muli niyang nilingon ang estrangherong nakatabi sa bus. Wala na ito. Nagpalinga-linga siya. Nasaan na ito?
Grabe ang kabog ng dibdib niya. Was he really stalking her or it was just a mere coincidence?
"Ano ang nangyari sa'yo?" tanong sa kanya ni Odilon nang lapitan niya ito.
"What?"
"Mukha kang bothered. Constipated ka ba?"
Hindi niya pinatulan ang pang-aasar nito. "May napili ka na ba?"
"Yep. Ito, o. Limited edition."
"Kumuha ka na ng size para sa'yo?"
"Hindi pa."
"Then what are you waiting for? Kumuha ka na."
"Sure?"
"Opo," pinandilatan niya ito.
"Ang ganda mo talaga, Ate."
"Tama na ang pambobola at baka bawiin ko pa."
Tatawa-tawang lumapit na nga ito sa sales lady para magpa-assist. Siya naman ay palinga-linga pa rin. Hindi mawala ang kaba sa kanyang dibdib. At sa totoo lang, ito ang laman ng isip niya sa mga nakaraang araw kaya madalas ay parang wala siya sa sarili.
Oh, God. Am I in danger?
"THIS is creepy, Z," naiiling na saad ni Ominous kay Zenith.
Sinusundan nila si Dra. Mariz Andrade kasama ang kapatid nito habang namimili. Paano niyang nalaman na kapatid nito ang lalaki? Of course, he had her background checked.
"Gusto ko lang mag-sorry," sagot niya.
"Magso-sorry ka lang pala, bakit hindi mo pa ginawa kanina?" ani Vengeance.
"She looks like a scared rabbit. Hindi pa man bumubuka ang bibig ko ay parang gusto ng kumaripas ng takbo."
"That's not so surprising," bland na sabi ni Ominous.
"What do you mean?"
"You were looking--or rather, you were staring at her as if you want to devour her whole."
"The heck," tumingin siya kay Vengeance. Inaasahan niya na pasisinungalingan nito ang sinabi ni Ominous.
But he just gave him a blank stare.
"Ano nga ulit ang kailangan niyo sa akin?" tanong niya sa mga ito. Pasimple niyang sinulyapan ang kinaroroonan ni Dra. Mariz at ng kapatid nito. They entered a lingerie shop.
"I need your report on Kriegor," sagot ni Ominous.
"I'll hand it on your desk first thing tomorrow. And you?" baling niya kay Vengeance.
"I want to see you grovel."
"Fuck off."
"I have an idea," sabi nito.
Walang tiwalang nilingon niya ito. "Ano?"
"Why don't you just kidnap her?"
-
©photo credit to the owner.
napaka-supportive na kaibigan ni Vengeance 😅😅😅
sino gustong sumamang magpa-kidnap kay V-baby?
always the awesome and naughty😘
frozen_delights
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro