The Mother of the Bride
NAKATAYO sa pagitan nina Gen. Andrade at Odi si Mariz habang tinatanaw ang isa-isang pagpasok ng magagarang sasakyan sa loob ng kanilang bakuran. Isang van at maliit na truck ang pinakahuli sa pitong sasakyan. Mula roon ay umibis ang ilang kalalakihan at binuhat ang kung anu-anong dala ng mga ito.
"Lechon baka ba 'yan?" tanong ni Odi na ang tinutukoy ay ang pasan-pasan ng apat na kalalakihan.
"That's a bit... too much, don't you think?" komento ni Mariz.
Wala naman kasi silang bisita para sa pamanhikang iyon. Maging ang kanyang ina na nasabihan na niya nang makailang beses upang ipaalala ang tungkol doon ay hindi pa dumarating. Nauna pa ang fiance niya at ang mga kaibigan nito.
"Nagpapasiklab lang si Kuya kay Papa, hayaan mo na," natatawang sagot ng bunsong kapatid.
Their father just chuckled. Tahimik nilang pinanood ang pagbaba ng matitikas na mga kalalakihan sa sasakyan. Nauuna sa mga ito si Zenith kasabay ang isang lalaking halos kasintaas lamang nito ngunit mukhang mas nakatatanda rito ng ilang taon. Nakasunod sa mga ito ang iba pang mga kaibigan habang pasan-pasan ang isang lechon baboy. Bukod sa lechon baka ay marami pang bitbit ang mga ito. Ilang basket ng mga fresh harvest na prutas at gulay, crates of imported wine and other basket of goodies.
Napangiti si Mariz nang maisip na nagpapa-impress nga yata talaga nang husto ang nobyo sa magiging biyenan nito. Their guests were all directed to the living room. Ang mga pagkaing dala ng mga ito ay idiniretso sa komedor.
Tinanggap ni Mariz ang bungkos ng pulang tulips mula sa kasintahan. Compare to roses ay mas gusto niya iyon, hindi siya nasusuka sa amoy.
"Sir, this is my friend Torment Izquierdo. Siya rin ang tumatayong panganay sa aming lahat and now he stands before you on behalf of my parents."
"Good evening, Sir," agad na naglahad ng kamay si Torment sa heneral.
Tinanggap naman iyon ng heneral at mahigpit na nakipagkamay sa matikas na binata.
"Ikaw ba ang panganay na anak ni Dorian Izquierdo?"
"You know my father, Sir?"
"We entered PMA on the same year."
"PMA?" bumakas ang pagkagulat sa mukha ni Torment.
"I'm sure he didn't tell you. But that's another story to tell," wika ng heneral.
"I'll look forward to hearing it from you, Sir."
"I've got plenty of time now, you can drop by anytime."
"I will, Sir. You can count on it."
Isa-isang ipinakilala ni Zenith ang mga kaibigan. Kumpleto ang mga ito. Ang iba sa mga ito ay kilala na niya ngunit ang iba ay bago pa lamang niya nakaharap nang personal.
"I think this is an important affair that needs a woman's opinion, don't you think?" tinig ng isang babae na kadarating lamang.
"Mama," masayang sinalubong ni Mariz ang ina. Kasunod nito ang isang medyo bata pang babae, her personal assistant.
Nakangiting ibinalik ni Sally ang mainit na pagsalubong ng anak.
"I'm glad you're here, Mama."
"Of course, I wouldn't miss it for the world."
Si Odi ay kaagad na tumayo mula sa kinauupuan sa tabi ni Gen. Andrade upang magbigay-daan sa kinagisnang ina. Tila isang reyna na tinungo ni Sally ang nabakanteng upuan sa tabi ng asawa nito at naupo roon.
"Hello, husband. Looks like retirement suits you well."
"I'm sure you didn't come here to check on me, Sally, let's focus on the matter at hand, shall we?"
"Ah, always the imposing Gen. Andrade, aren't we, darling?"
Gen. Andrade's face remained stoic.
"Very well, let's get back to the issue at hand," ani Sally. "Now, may I know who's the lucky man who earned my husband's approval to marry our daughter?"
"That would be me, Ma'am," walang pagdadalawang-isip na tumayo si Zenith upang ipakilala ang sarili. "My name is Zenith Fujimori."
"Oh," saglit na bumakas ang pagkamaang sa mukha ni Sally nang pagmasdan ang kabuuan ng mukha ni Zenith bago iyon lumipat sa direksyon ni Odi.
"They're siblings," ani Gen. Andrade na waring sumagot sa pagtataka ng asawa.
"I lost my brother in a tragic incident which also took our parents lives, Ma'am," paliwanag ni Zenith. "And I found him just recently."
"Like I told you, anak sila ng kaibigan ko," anang heneral. "But it doesn't matter now whether you believed it or not."
"Nicholas."
Bahagyang itinaas ng heneral ang isang kamay bilang hudyat sa asawa na hindi na nila pag-uusapan pa ang bagay na iyon.
Magkatabing nakaupo sina Zenith at Mariz. Ang upuang dapat ay para kay Callous ay binakante ng huli upang magbigay-daan sa nobya ng matalik na kaibigan. Agad naman itong binigyan ng upuan ni Cris. Anupa't ang maluwag na sala grande sa tahanan ng mga Andrade ay nagmistulang masikip sa presensya ng labindalawang barakong panauhin. Panay matatangkad ang mga ito at karamihan ay solido ang pangangatawan. Sa isang pahapyaw na paghagod ng tingin ni Sally sa mga ito ay naisip ng ginang na marahil ay mga sundalo rin ang mga ito. Lalo na kung ang pagbabasehan ang mga bikas at tindig.
"Are you also a soldier?" hindi nakatiis na tanong ni Sally kay Zenith upang kumpirmahin ang hinala nito.
"No, Ma'am. I am just a regular executive who works in Alliance-Med Pharmaceuticals."
"A regular executive? How long have you been dating my daughter?"
Nilingon muna ni Zenith ang nobya. "Six years, Ma'am."
"Six years?" tila hindi makapaniwalang pag-uulit ni Sally sa sagot ng binata.
"It was an on and off relationship, Mama, since we were both busy with our personal, um... goals," ang tila may pagtatanggol na sabi ni Mariz wala pa man ang akusasyon ng ina.
At dahil nga sa sinabi ng anak ay hindi napigilang tumaas ang isang kilay ng ginang na parang handa ng magsalita nang maanghang kung hindi lamang sa pagsasalita ni Gen. Andrade.
"Sa puntong ito, sa palagay ko ay mas maganda kung pag-usapan na lamang natin ang mga ditalye ng kasal. After all, nasa edad na ang anak natin at buo na ang loob niyang magpakasal sa lalaking napili niyang makasama sa habambuhay."
"And needless to say, you already approved the man she had chosen."
"We may have a say on it ngunit ang damdamin pa rin ng anak natin ang mahalaga. Silang dalawa ang magsasama sa ilalim ng isang bubong. Our approval is just of secondary importance."
"I doubt it," may sarkasmong tugon ni Sally. Bahagya pa ngang tumaas ang isang sulok ng bibig na tila nakaismid. Pagkuwa'y humugot ito nang malalim na paghinga. "Anyway, I guess it's too late for me to be motherly at this point and grilled the man who is soon to be my son-in-law, right?"
Ipinatong ni Mariz ang isang kamay sa kamay ng nobyo at pinaglaso ang kanilang mga daliri. Nilingon ito ni Zenith at marahang pinisil ang magkalasong mga daliri nila ng kasintahan bago ang sabay na pagguhit ng ngiti sa kanilang mga labi.
"I want a grand wedding for my daughter," ani Sally pagdaka.
"Of course, Ma'am. Iyon din ho ang gusto ko."
"No," umiling si Mariz. "I want a simple nature themed wedding. With only family and close friends in attendance."
"Aren't you going to invite your colleagues?"
"Most of them are now working overseas, Mama. I don't think they'll leave their jobs on such a short notice just to attend my wedding."
"Why not? I would for a friend."
"I'd rather not impose, Mama. Isa pa ay mas gusto kong simple at intimate ang okasyon ng kasal ko. Because honestly, what's the use of having so many guests when we barely know them. It's our wedding day. And as much as possible gusto ko ang magiging saksi sa espesyal na okasyong iyon ay ang mga taong importante lang sa amin ng mapapangasawa ko." Tumingin si Mariz sa kasintahan. "You want that, too? Right, baby?"
"Uh," may pag-aalangang tumingin si Zenith kay Sally Andrade. "Um, sweetheart. Ayos lang naman sa akin ang en grande. I'm sure your parents would want to invite their friends to celebrate with us."
"I want our wedding day to be simple and just a small gathering of friends and family. And I want it ASAP, too. Hindi ba puwede 'yon?"
"Why the rush?" ani Sally. "Are you expecting?"
"Mama," pinanlakihan ni Mariz ng mga mata ang ina.
"Sa akin ay walang kaso kung buntis ka nga," pagpapatuloy pa ng ginang sa kabila ng pagbabawal sa mukha ng anak na magsalita pa ito ng kung anu-ano. "Ewan ko lang dito sa Papa mo."
"Puwede bang pag-usapan na lamang natin ang tungkol sa kasal?" anang heneral. "Kung gusto ni Mariz na simple lang, so be it. After all, it's not anyone's wedding but hers. It's not even a fundraising event that needed the attendance of prominent figures."
Napangiti si Mariz sa pagsang-ayon ng ama.
"Fine. Ano pa nga ba ang aasahan ko? You always take each other's side."
Napailing na lang si Mariz. Ganoon parati ang sentimyento ng ina kapag hindi napapaboran sa gusto nitong mangyari.
"Buweno, dahil gusto mo ng isang simpleng kasal lamang siguro'y ayaw mo ring magsuot ng isang extravagant wedding gown?" halata ang dismaya sa anyo ng ginang sa tanong.
"Not really, Mama. In fact, I will let you decide."
"You will?" hindi makapaniwala ang reaksyon sa mukha ni Sally Andrade.
"Yes."
"How about Chantal Karan? Or Monique Lhuillier?"
"Chantal is on hiatus, I think," ani Mariz sa ina. "I'm okay with a Monique Lhuillier wedding dress, though."
"Perfect."
Mula roon ay naging tuloy-tuloy na ang usapan sa nalalapit na kasal nina Mariz at Zenith. Nagsasalita lamang ang binata kapag hinihingi ang opinyon niya. Ang mga kaibigan niya na karamihang maloloko ay pare-parehong tahimik at nakikinig lamang sa pag-uusap. Nang sabihin ni Gen. Andrade na kumain na muna sila ng hapunan bago muling ipagpatuloy ang usapan tungkol sa kasal ay halos pare-parehong lihim na nagpawala ng malalim na buntonghininga ang mga ito.
Noon nasubukan ni Zenith kung gaano katatag ang mga kaibigan niya sa sinumpaan nilang pangako sa isa't isa. Na all for one, and one for all. At mukhang sa kauna-unahan ding pagkakaaon ay mapapanisan ng laway si Scythe.
"ODI."
Kagagaling lamang ni Zenith sa banyo at paliko na sana para balikan ang pagtitipon sa likurang solar ng ancestral house nang makita niya si Sally Andrade na nilapitan ang bunso niyang kapatid. Nagdalawang-isip siya kung magpapatuloy na parang walang nakita o manatili na lamang sa pinagkukublihan.
"M-Ma, um... may kailangan po ba kayo?"
Mula sa kinatatayuan ay nakikita ni Zenith ang tila hindi komportableng kilos ng kapatid sa harapan ng kinalakhang ina. Sa mga pag-uusap nila ay bihira nitong mabanggit ang ginang. Ganoon pa man ay hindi niya ito naringgan ng anumang salita na puwedeng makasira ng imahe ni Sally Andrade sa kanyang paningin.
"I'm sorry."
Tulad ni Odi ay nagulat si Zenith sa dalawang kataga na lumabas sa bibig ni Sally.
"This might be two decades late pero gusto ko pa ring humingi ng tawad sa lahat ng kasalanang nagawa ko sa'yo."
"Kalimutan na ho natin 'yon. Isa pa, sa palagay ko ay ako ang dapat na humingi sa inyo ng sorry. Dahil sa pagdating ko sa inyo ay nasira ang pagsasama niyo ni Papa."
"No, don't say that. It's all on me. Kung hindi ako naging marupok at mapagduda, kung naging sapat lang sana ang tiwala ko sa Papa niyo, sana'y buo pa rin tayo hanggang ngayon."
"Hindi pa naman po siguro huli ang lahat."
Mapaklang napangiti si Sally atsaka umiling.
"Sa tingin ko po, mahal pa rin kayo ni Papa. I'm sure kung magkakaroon kayo ng pagkakataong mag-usap nang masinsinan ay maaayos niyo pa rin ang lahat."
"The truth is, he's willing to forgive me and forget everything. Pero ang problema ay nasa akin. Hindi ko kayang patawarin ang sarili ko."
"Lahat naman po tayo ay nagkakamali," banayad na wika ni Odi.
Isang malambot na emosyon ang sumilip sa mga mata ni Sally bago nito hinaplos ang mukha ni Odi. "True. But I'm going to live the rest of my life reflecting on that mistake."
"Puwede niyo naman pong gawin 'yon nang hindi nakikipaghiwalay kay Papa."
"And here I thought you're a grown-up man now," ang tila naaaliw na saad ni Sally. "May mga isyu tayo sa buhay na magagawa lamang nating resolbahin sa pamamagitan ng ating mga sarili. And it's a long process."
"Mama."
"Don't worry about me, I am going to be just fine. Your Mama is a tough one."
Isang malungkot na emosyon ang nabakas ni Zenith sa mukha ng kapatid.
"Pero hindi masama kung tatawagan mo ako at bibisitahin paminsan-minsan."
"Yes, 'Ma. I'll do that."
"By the way," mula sa loob ng bitbit nitong luxury bag ay may kinuha itong maliit na kahon. "Congratulations for graduating with Latin honor."
Tila speechless si Odi nang tanggapin ang regalo na nasa maliit na sisidlan.
"Thank you, Mama."
"That is just a small token sa dami ng kasalanan at pagkukulang ko sa'yo. I've been a very bad mother."
"No, 'Ma. Hindi po totoo 'yan."
"I'm sorry about your birth mother."
"I have no memory of her. I may have several pictures of my birth parents but in my heart you and Papa are my real parents."
Regrets and sadness crossed on Sally's face. Nang magpaalam na ito kay Odi dahil malalim na rin ang gabi, ay nakita ni Zenith ang palihim na pagpunas nito ng luha. Nang makaalis na si Sally ay saka lamang nilapitan ni Zenith ang bunsong kapatid.
"Hey, 'you okay?"
"Y-yeah. Oo naman."
Hindi nakaligtas sa matalas niyang paningin ang palihim nitong pagpapahid sa mata at pasimpleng pagsinghot.
"Nausukan lang ako, Kuya. Sariwa pa yata ang ipinanggagatong nina Kuya Tor doon sa iniinit nilang lechon kaya medyo nahilam ang mata ko," pagkuwa'y muli itong suminghot. "Hayan tuloy, mukhang sisipunin na rin ako."
Ipinaikot ni Zenith ang isang braso sa leeg ng kapatid atsaka ito mahigpit na kinabig.
"Ayos lang 'yon. It won't make you less of a man if you cry."
-
wedding hindi, wedding oo😊😊😊
pero teka lang, kaninong kasal ang nauna--kay Graciela o kay Mariz?🤔🤔🤔
stay glued 'coz we're getting close to the finish line.
always the naughtiest😘😘
frozen_delights
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro