Take a chance
dedicated to @Asha Dashwood
"WE'RE about forty children--or less, at the camp. Every summer vacation, instead of spending our time with family like ordinary kids would we were sent there to be trained. From guns, to mixed martial arts and other sort of survival skills. But on that day, the camp was attacked. They killed our parents in the most horrifying way. My stepmother was raped and killed. And I found my father whose head was barely hanging on top of his shoulders."
Matamang pinakikinggan lang ni Mariz ang pagkukuwento ni Zenith. He tries to sound detached while retelling the story. Ngunit nakikita niya sa mukha nito ang pinaghalong pait at sakit.
"The day they died was the same day I lost my baby brother."
"Oh, God. He was killed, too?"
"No. Thankfully before my father passed he called his friend at ibinigay niya rito si Seiji."
"Thank God. So, where is he now? Nagkita na ba kayo?" excited na tanong ni Mariz.
"Yes."
"Nakilala ka ba niya kaagad?"
"Nah. Baby pa siya nang magkahiwalay kami."
"Oh, right."
"Kilala mo siya."
"Talaga?"
"Kilalang-kilala. Dahil ikaw halos ang nagpalaki sa kanya."
Natigilan si Mariz bago unti-unting namilog ang mga mata.
"A-are you referring to my... brother?"
"Yes."
Napasinghap si Mariz sa pagkabigla.
"Si Odi?" paniniguro pa niya.
"Uh-hm."
Saglit na prinoseso ng isipan niya ang natuklasan. At bagaman nakakagulat, masaya rin siya sa nalaman. Matagal ng gustong malaman ni Odi kung sino ang tunay nitong mga magulang, ang tunay nitong pinagmulan. Iyon nga lang nakakalungkot isipin kung malalaman nito ang mapait na kamatayang sinapit ng mga magulang. Dahil kung hindi siya nagkakamali, ang madrastang tinukoy ni Zenith sa kuwento nito ang siyang tunay na ina ni Odi.
"Wait. Are you saying my father and your Dad were friends?"
"Yes."
"B-but you said..."
"I know. It sounds... absurd? They were on the opposite side of the law, but it's true. They're good friends."
"I'm shock."
He chuckled.
"My father is a man of few words," ani Mariz. "I'm not sure if it's because of the nature of his work o dahil iyon na talaga ang personality ng tatay ko. Pero madalas parang ang dami-dami niyang sikreto na hindi sinasabi sa amin. That day, nang umuwi siyang dala si Odi ang sinabi niya lang sa amin ni Mama ay anak ito ng kanyang kaibigan. No other details. Nagduda ang nanay ko which led to the unrepairable damage between them."
Ginagap ni Zenith ang mga kamay ni Mariz. "I'm sorry."
"It wasn't your fault, or Odi's," at ayaw na rin naman niyang balikan pa ang pangyayaring iyon. Dahil kahit tanggap na niya ay mabigat pa rin sa dibdib. "So, tell me. Nagkausap na ba kayo? How was your first meeting?"
"Considering what happened between us in the past, our first meeting wasn't very pleasant. He was so mad at me for hurting you."
"Serves you right."
He tssed and then he pulled her close for a hug. He kissed the top of her head before he continue.
"I met him, talked to him and spent several times with him. I even meet the formidable general."
Parang naestatwa si Mariz mula sa pagkakakulong sa mga bisig ni Zenith.
"Y-you have met my father?"
"Yes."
"Oh. H-how did it go?"
"He doesn't approve of me for a future son-in-law."
Inilayo ni Mariz ang sarili kay Zenith at bahagyang tiningala ito. Weekend nang araw na iyon, nasa couple's swing chair sila sa patio ng bahay nito at seryosong pinag-uusapan ang mga bagay-bagay na hindi nito naipagtapat noon sa kanya.
"You told him that you're my boyfriend?"
"Before I could get the word out to tell him myself, my brother for a rascal beats me to it."
Nahampas ito ni Mariz sa braso. "Hey, that's my baby brother."
Natawa lang ito saka masuyong hinaplos ang kanyang pisngi. "Thank you for raising him well."
"Oh, you're most welcome," she replied with a wide grin on her face.
Muli siya nitong kinabig palapit sa dibdib.
"Tell me about your first meeting with Papa," ani Mariz na kuntentong inilapat ang pisngi sa dibdib ni Zenith.
"I was a bundle of nerves."
"You were nervous?" pinigilan ni Mariz sa paglawak ang naaaliw na ngiti.
"Who wouldn't?" gilalas na sagot nito. "He's a freakin' general--your father. I do want to meet him one day but under different circumstances. Like you and me going to your father's house and you introducing me to your father as your boyfriend rather than being introduced as a blackguard. Bad shot tuloy kaagad ako kay General."
"It only means you need to make an effort to win his favor. That is, of course if you're serious about us."
"Of course, I am. Just you wait and see, sweetheart."
"For how long?" matamlay niyang tanong. Nalulungkot siya sa isiping mukhang magpapakasal na ulit ang kaibigan niyang si Graciela pero ang relasyon nilang dalawa ni Zenith ay wala pa ring katiyakan.
"Soon."
Sa halip na matuwa ay mas lalo yata siyang nadismaya. Sa history ng relasyon nilang dalawa ay hindi na siya magtataka kung mawawala na naman ito isang araw.
"Tell me the truth, Zee. What's keeping you so busy for the past years? Please don't give me the excuse that it's work-related. I'm not buying it this time."
"I have a mission. Or rather, we. To atone for our parents' past misdeeds, naisip naming alisin ang ilang salot sa lipunan na hindi kayang abutin ng batas."
Higit pa iyon sa inaasahan ni Mariz na marinig.
"Y-you became a vigilante?"
"I guess you could say that."
Napipilan siya at hindi kaagad nakasagot.
"Mariz," marahan siyang inilayo ni Zenith at masuyong ginagap sa isang palad ang isa niyang pisngi. "I love you, okay? But if all of this is too much for you, I'm willing to let you go even if it kills me."
Napamaang siya sa sinabi nito.
"When your father told me that I'm not the right man for you, gusto kong kontrahin ang sinabi niya. Gusto kong sabihin sa kanya ng mga oras na iyon na mahal na mahal kita. Na nakahanda akong patunayan sa kanya kung gaano kita kamahal puwera lang ang bitiwan ka. Because to me you were a million dreams and a million wishes that came true. At hindi ko kayang basta na lang isuko 'yon. But it's your call. Will you take a chance to be with someone like me?"
Her heart clenched in pain. She reached up and cupped the side of his face.
"I love you, no question about that, Zenith. But I want you to know that Papa's approval matters to me, too."
Isinaklob ni Zenith ang palad sa kamay niyang nakahawak sa mukha nito. Ngumiti ito at ikiniling ang ulo para mahagkan ang palad niya.
"I understand. Like I said, if you will have me I will lay my life on the line for you. And that means facing the formidable General Andrade."
"You made it sound like my father is some sort of a horrifying monster. Ang bait kaya ng tatay ko."
"Oo naman. Sa sobrang bait nga pinaghukay niya ako ng gagawing pool para raw sa'yo."
Namilog ang mga mata ni Mariz. "I-ikaw ang gumawa no'ng pool sa rest house?"
"Hindi ako ang gumawa per se. Pero kaming dalawa ni Odi ang magkatulong na naghawan at naghukay ng buong area."
"Hmp. Mabait pa rin si Papa. At isa pa, katulong mo si Odi."
"Sabi ko nga, di ba. Sobrang bait ni Papa. Kasi ang totoo, nang araw na makita ko 'yong piko at pala sa back garden ng bahay niyo, akala ko paghuhukayin niya na ako ng libingan ko."
Natatawang natampal ito ni Mariz sa braso. "You're crazy. Hindi naman ganoon kasama ang tatay ko. Mahigpit lang siya at medyo strict but I don't think he's capable of doing something like that."
"I could do worse if I were in his shoes."
"Meaning to say, you'll be an overprotective father to your daughter?"
"Yep."
"Tss."
"Buntisin na lang kaya kita para kapag hiningi ko ang kamay mo kay General ay isang bagsakan na lang ang magiging galit niya."
Napamaang si Mariz. Hindi siya sigurado kung alin ang mas ikinawindang ng utak niya. Ang kaalamang balak siyang pakasalan ni Zenith o ang buntisan part?
Pakudlit nitong hinagkan ang nakaawang niyang mga labi. "What do you think, hm?"
"I... I'm on implant birth control."
"Ah."
Disappointment ba ang nabasa niya sa mga mata nito?
"Ligawan mo muna si Papa. Malay natin, mapasagot mo kaagad siya."
"Gagawin ko naman talaga 'yon. Just you wait and see, your loveliness."
PAKIRAMDAM ni Zenith ay nag-uunahan ang pintig ng kanyang puso. His hands also felt cold and clammy when he got out of his car. Sa kanyang harapan ay ang sinaunang tahanan ng mga Andrade.
Napahugot siya nang malalim na paghinga. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na niyang ginawa iyon.
"Sir, mabuti at napadalaw kayo," nakangiting bati sa kanya ni Cris, ang bodyguard ni General Andrade. "Matagal-tagal na rin mula nang huli kayong bumisita."
"Naging busy lang."
"Tuloy ka, Sir," pinapasok siya nito sa loob ng bahay at pinaghintay sandali sa sala. "Gusto niyo ba ng maiinom?"
"Huwag na, I'm good."
"Sige, saglit at tatawagin ko lang si General."
"Ah, si Odi? Nasa school pa ba?"
Hindi niya napansin ang kotse ng kapatid sa garahe kaya naisip niyang siguro ay hindi pa ito dumarating mula sa shool.
"Nasa escuela pa. Pero mayamaya lamang nang kaunti ay darating na ring tiyak 'yon."
Napatango siya. Muling nagpasintabi si Cris para ipagbigay-alam sa heneral na may bisita ito. Si Zenith ay ang kapatid ang naiisip. May ipinadala siya ritong regalo noong kaarawan nito. Sana lang ay nagustuhan ng kapatid. Hindi rin siya sigurado kung ano na naman ang magiging reaksyon nito sa muli nilang pagkikita. Dahil katulad nga nang sinabi ni Cris, matagal-tagal din siyang hindi nakadalaw roon. Hindi naman siya pinagbawalan ng heneral na dalawin o kausapin ang kapatid. Talagang naging busy lang siya sa huling bahagi ng mga plano nila kay Don Umberto kaya natagalan nang husto bago siya muling nakabalik.
"Kuya."
Parang may bumara sa lalamunan ni Zenith nang lingunin ang boses mula sa pinto. There, he saw his younger brother. Hindi maitatago ang pangungulila sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. But after a while he schooled his features at inayos ang pagkakasukbit ng bag sa balikat.
"Bakit... um, b-bakit ngayon ka lang ulit pumunta rito?" sabi nito na tila pilit lamang pinakakaswal ang boses.
"Pasensya ka na. Madalas kasi akong nasa ibang bansa."
"Work?"
"Something like that, yes." Napatingin siya sa suot nitong relo. May tuwang humaplos sa puso niya na makitang suot nito iyon. It was his gift.
"Salamat nga pala rito."
"Maliit na bagay."
"Tsk," nasa mukha nito ang hindi paniniwala. He's wearing a customized watch. At natitiyak niyang aware ito na hindi basta-basta ang presyo ng mga ganoong relo.
"Zenith."
Naputol ang pag-uusap ng magkapatid nang lumabas mula sa library si Gen. Andrade. Tila gusto pang makipagkuwentuhan ni Odi ngunit naputol na ang iba pa nitong sasabihin.
Agad na tumayo si Zenith bilang pagbibigay-galang. "Good afternoon, Sir."
Si Odi ay mabilis namang lumapit sa ama at nagmano.
"Kaawaan ka ng Dios. Magbihis ka na at mayamaya lamang ay magpapahain na ako ng hapunan kay Manang."
"Yes, 'Pa," bahagyang tumango kay Zenith si Odi bago nagpaalam na magpapahinga muna ito sa sariling silid.
Pagkaalis ni Odi ay iminuwestra ng heneral ang upuan kay Zenith. Samantalang ito naman ay naupo sa pang-isahang upuan sa tapat ng kinauupuan ng binata. Disimulado na ring umalis si Cristobal upang bigyan sila ng privacy.
"How have you been, Zenith?"
"I'm good, Sir."
"That's good to know. Naparito ka ba para bumisita o may iba ka pang kailangan?" dumako ang tingin nito sa brown envelope na dala niya.
Kinuha iyon ni Zenith. "I came here to tell you that I can't give up your daughter, Sir. I love her."
"Hm," tumango-tango ang heneral at direktang tumutok ang mga mata sa kanya. Matiim na parang binabasa ang kasuluk-sulukan ng pagkatao niya. "Are you willing to take a bullet for my daughter, Fujimori?"
He didn't blink, or flinch. "If that's what it take to earn your approval, Sir, I'd gladly take a bullet any time of day."
"I'm not impress."
Fuck.
"How are you gonna prove your love for my daughter if you're dead?"
"If your aim is to get rid of me for good, that's your prerogative, Sir. A parent is a parent. At nauunawaan kong ang isang magulang ay nakahandang gawin ang lahat para sa kapakanan ng kanyang anak. However, my love for your daughter will remain even after this lifetime."
Gen. Andrade made a snorting sound. "Napakialaman mo na ba ang anak ko?"
Hindi napigilan ni Zenith ang mapalunok. "Yes, Sir."
"You fucking son of a gun."
Pilit na ikinubli ni Zenith ang nadamang nerbiyos. Halos mag-apoy ang naniningkit na mga mata ni Gen. Andrade habang mariing nakakuyom ang mga kamao sa ibabaw ng armrest ng kinauupuan nito. His mere presence alone ay nakakapangurong na ng bayag. Pero ganoong kulang na lang ay maglabas ng apoy ang mga mata nito ay parang uminit-lumamig ang kanyang pakiramdam.
"I'm willing to marry her, Sir. If on--"
"And you think I will make it easy for you, huh?"
"O-of course not. Sir."
"Kung ganyang gusto mong pakasalan ang anak ko, gusto kong itigil mo na ang mga lihim na aktibidades ng inyong grupo."
Sa halip na sumagot ay iniabot ni Zenith ang dalang brown envelope sa heneral. Nagtataka man ay binuksan iyon ni Gen. Andrade at isa-isang tiningnan ang mga larawan at dokumentong naroroon.
"As you can see, Sir, ang mga taong 'yan ay hindi basta-bastang makakanti ng awtoridad. Dahil ang mga taong nasa posisyon at siyang dapat na nagpapatupad ng batas ay protektor ng mga sindikatong 'yan. Maaaring wala kaming karapatang ilagay ang batas sa aming mga kamay dahil hindi kami alagad ng batas na katulad ninyo. But we are not answerable to anyone, and we are definitely not doing this for our own gain. This is our own crusade. Hindi ito hiningi ng sinuman sa amin, pero sa ganitong paraan ay gusto naming mahugasan ang minana naming kasalanan sa aming mga magulang."
Napahilot sa sentido ang isang kamay ni Gen. Andrade. "Alam ba ni Mariz ang tungkol dito?"
"Yes, Sir."
"And what did she say?"
"She's a Papa's girl. And your approval is all that matters to her, Sir."
"That's unfortunate, Fujimori, because I am not gonna serve it to you on a silver platter."
Parang binagsakan ng langit ang pakiramdam ni Zenith. Puwede niya kayang buntisin si Mariz kahit meron itong implant?
-
kawawang Zenith.
tumawag ka na ng reinforcement! 😂 😂 😂
always the naughtiest😘 😘
frozen_delights
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro