Stalker and Friends
"KIDNAP her? Are you out of your effin' mind?" muntik ng mabulyawan ni Zenith si Vengeance.
Vengeance pulled an imaginary zipper over his lips. Meaning, he's not saying anything anymore.
"Chill. There's no need to get your knickers in a twist," ani Ominous na natatawa.
"Just say sorry, plain and simple," sabi Callous.
Nagulat si Zenith nang sumulpot na lang ito basta sa tabi nila ni Ominous.
"You're here, too?" nalukot ang mukha niya.
Callous shrugged his shoulders nonchalantly.
"Have you been following us all this time?"
"Omi texted me you'll be in the area so I decided to drop by."
Tiningnan niya nang masama si Ominous. Tila naman hindi apektadong ngumisi lang ang lalaki.
"I figured you might need some moral support. And the more, the merrier, di ba?"
"Gad," bulalas niya. Hindi na siya magugulat kung susulpot na lang doon si Scythe.
"'Sup!"
Speaking of the devil and the devil shall appear.
"Let me guess, Omi texted you, too."
"Nope. I heard you're stalking someone."
"Ugh, that's it," bugnot na naitaas niya ang dalawang kamay. "Sa ibang araw ko na lang siya kakausapin."
"Wait, is that her?"
Awtomatikong napatingin siya sa direksyong itinuro ni Scythe. Lumabas na mula sa lingerie shop sina Mariz at ang kapatid nito.
"Ooh, she's a goddess," dagdag na komento pa ng ungas.
Isang masamang tingin ang ipinukol niya rito bago awtomatikong gumalaw ang mga paa pasunod sa direksyong pinatutunguhan ng magkapatid.
"What? I am just stating a fact. Mas gusto mo bang sabihin ko na pangit siya kahit hindi naman?" makulit pang dagdag ni Scythe na sumunod sa kanya.
"You're drooling, that's why," matabang na sagot dito ni Callous.
"Eks-kyu-semi?" puno ng indignasyong reaksyon ni Scythe. "Oh, lookie. She's on a date?"
Nakita nilang inakbayan ng kapatid nito ang doktora at kinuha mula sa dalaga ang shopping bags na bitbit.
"You're stalking her while on a date? You're creepy."
"That's her little brother. And for the fucking record, I am not stalking her."
"Eh, ano pala ang ginagawa natin ngayon? On a stakeout?"
"Ako, humahanap ng tiyempo para makalapit at makausap siya at makahingi ng dispensa. Kayo--" itinuro niya ang apat na ungas. "--mukha kayong stalker kaya puwede na kayong lumayas. Hindi ko kailangan ng moral support."
Nakita niyang pumasok sa isang Italian restaurant sina Mariz. Napatingin siya sa katapat niyong fast food restaurant.
"Tara, kain tayo. Nagugutom na ako," biglang yaya ng ungas na si Scythe.
"Libre mo?" ani Callous.
"Oo. Libre ko kayo ng unlimited rice."
"The fuck."
Walang balak na sumama si Zenith sa mga ito. Ngunit wala siyang nagawa nang pag-tig-isahan nina Ominous at Vengeance ang magkabilang braso niya para igiyang papasok sa--napa-double take siya nang makita kung ano ang pinasukan nilang kainan--Mang Juan's Inasal?
Pagpasok nila ay nilandi-landi pa ni Scythe ang isang female crew. It was no longer surprising. Second nature na yata nito ang pagiging malandi. At wala itong pinipili. Pinagtatawanan nga nila ito na baka maski poste kapag dinamitan nila ng bestida ay lalandiin nito.
Pumuwesto siya sa mesang matatanaw ang katapat na restaurant. Escalator ang nasa pagitan ng magkatapat na restaurant. But he still has a good view of the incoming and outgoing customers.
"Dapat kasi nagdala ka ng binoculars," ani Ominous.
Hindi niya ito pinansin. Nang-aasar pa ang isang 'to.
"Ano ang order niyo? Self-service dito," sabi ni Scythe.
"Chicken?"
"Tanong ba 'yon, Cal?"
"Bahala ka na. Tutal, ikaw naman ang magbabayad," yamot na sagot dito ni Callous.
"Unlimited rice lang ang sagot ko."
"May sisig sila, right?" ani Ominous.
"Uhm, yata. Miss, pakibigyan nga ng menu itong mga timawa kong kaibigan para hindi sila tanong nang tanong."
Matawa-tawa namang sumunod ang female crew na kausap nito. At dahil nagugutom na rin, naki-order na rin si Zenith sa kanyang mga kaibigan. Libre raw, eh.
Nang maka-order na silang lahat ay inilahad ni Scythe ang kamay nito sa kanilang harapan.
"Para saan 'yan?" maang na tanong niya.
"Bayad niyo."
"Di ba libre mo?"
"Mahina ang booking ko ngayon kaya KKB muna tayo."
"KKB?" clueless na tanong ni Vengeance.
"Kanya-kanyang bayad, duh."
Napailing siya.
"Baka naman panay libre ang booking mo kaya wala kang kinikita," natatawang wika ni Ominous nang isalpak sa kamay nito ang buong limandaan.
"Siyempre. Kapag estudyante at senior citizen may discount."
Nagkatawanan sila. Maliban kay Vengeance na tila hindi nasusundan ang pinag-uusapan.
"What exactly is he booking himself for?"
Naglapag din siya ng limandaan sa nakalahad na kamay ni Sycthe.
"Lalaking pokpok 'yan, hindi mo ba alam?" ani Callous, nag-abot din ito ng pera.
"Ah," reaksyon ni Vengeance bago inabutan ng one hundred-fifty si Scythe. "Don't forget my change."
"Change?" tiningnan ni Scythe ang one hundred at fifty peso bill sa kamay nito at pagkatapos ay ang kausap. "Are you kidding me? Alam mo ba kung magkano ang inorder mo?"
"One hundred forty-seven."
"Tapos nag-i-expect ka pa ng sukli? Ang tindi mo, dude."
"Mahirap kumita ng pera," sagot nito.
Tahimik lang siyang natawa at napailing. Likas talagang kuripot at mahigpit sa pananalapi si Vengeance. Ito ang tipong bawat sentimo pinahahalagahan.
Iiling-iling na tumalikod na si Scythe at nagtungo sa counter para bayaran ang kanilang order.
"May balita ba kayo kay Tor?" tanong ni Callous habang hinihintay nila ang kanilang pagkain.
"Last I heard, he flew to New York to visit Rox," tugon ni Ominous.
Nilingon ni Zenith ang katapat na Italian restaurant. Nagulat pa siya nang tila may biglang sumikad sa loob ng dibdib niya pagkakitang ang puwestong ino-okupa ni Mariz at ng kapatid nito ay tanaw na tanaw sa kinaroroonan nila. May panic na biglang umahon sa dibdib niya--which is so unlike him. He doesn't panic, he always keep his cool and presence of mind to get him out of any sticky situation. Pero bakit bigla siyang naalarma sa isiping puwede siyang mamataan doon ng dalaga?
Shit.
"Are you alright, Z?" concern na tanong sa kanya ng kaibigang si Callous.
"Y-yeah. Gutom lang."
"Inuna mo pa kasi ang pang-i-stalk, bago ang kain," side comment ni Vengeance.
"I said--"
"Yeah, yeah. You're not stalking her, you're just following her around like a love sick puppy," malamyang komento pa ni V.
"Love sick? Who?" tanong ni Scythe na papalapit sa kanilang mesa dala ang order.
Sabay-sabay na tumuro ang daliri ng tatlo sa kanya.
"I am so not," mariing tanggi niya.
"Yep, we get that," ani Ominous. "You are going nuts."
They all snickered while picking their own food from the serving tray. Sarap pag-uuntugin ng ulo ng mga ungas!
MARIZ felt restless. She could still feel it. That weird feeling that she's being watched.
"Ayaw mo ba ng pagkain? Akala ko gutom ka na," puna ni Odilon dahil hindi pa niya halos napapangalahati ang inorder niyang baked cannelloni.
"Bigla akong nawalan ng gana, eh," katwiran niya.
"Try a slice of this, then," ipinaglagay siya nito ng chicken gourmet pizza. "Masarap."
Pinagbigyan niya ito. Ayaw naman niyang i-spoil ang oras na iyon na magkasama silang magkapatid. Bihira na nga lang silang makalabas, masisira pa ang oras nilang magkasama.
"Hmm, this is good," aniya.
"I told you."
Naubos niya ang isang slice ng pizza at pinaghatian nila ang baked cannelloni niya para maubos.
Nang makakain ay naglaro sila sandali sa arcade. Pagkatapos ay tumingin sila kung ano ang magandang palabas sa sine.
"Which one do you like?" tanong ni Mariz sa kapatid.
"I know you're not a fan of Marvel superheroes. Ikaw na ang bahalang pumili."
"It's my treat. Kung ano ang mapipili mo 'yon ang panoorin natin."
"I'm not a big fan of Spider Man," sabi nito habang nakakunot-noong nakatingin sa malaking poster.
Alam niya 'yon dahil mas gusto nito si Iron Man. Kahawig daw kasi ng Papa nila ang portrayer niyon na si Robert Downey Jr.. Bukod pa sa ang ama nila ang real-life superhero nito.
"Okay, let's try something new."
Pinili niya ang The Divine Fury, action-thriller. Umoo naman ang kapatid niya looking forward to the mixed martial arts fighting scene in the movie. She bought their tickets habang ang kapatid ang inutusan niyang bumili ng popcorn at drinks nila sa loob ng cinema.
The movie was just about to start when they entered. Napansin niyang wala masyadong nanonood. Siguro ay dahil weekdays. The story was interesting enough. At kung kasama lamang nila sa panonood sa pelikulang iyon ang kaibigang si Graciela ay siguradong magugustuhan nito iyon. May pagka-horror kasi. And knowing her friend who's very fond of watching Asian horror flicks, she will definitely loves it.
Marahil ay may fifteen minutes na silang nanonood nang makarinig siya ng bulungan mula sa kanilang likuran. Bahagya niyang nilingon ang mga iyon.
They were one row of seats apart from where they were seated. Ngunit sapat ang lakas ng bulungan ng mga ito para maka-istorbo sa panonood nila.
"This is boring. We should have watched Spider Man."
"Sino ba kasi ang nagsabi sa'yong sumama ka?"
"Boring manood mag-isa. Ayaw naman akong samahan ni Omi."
"Napanood ko na kasi 'yon."
"Psh. Tapos kamukha pa ni V ang bida, nakakawalang ganang panoorin."
"The fuck, basta singkit kamukha ko?"
"God damn it. Be quiet."
"Pahingi na nga lang ng pop corn."
Mga walang modo, saloob-loob ni Mariz. Hindi naman pala type ang palabas ano pa ang ginagawa ng mga ito roon?
-
slow update. pasensya na po at ini-edit ko sina Zeke at Red.
frozen_delights
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro