Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Servitude

"MATAGAL mo na bang alam?" tanong ni Zenith kay Odi.

"I had a hunch since the night you asked me about my necklace. You looked desperate enough to wring my neck to get out every ounce of information about it."

"Because I was desperate to find you."

"And yet when you found me you didn't even bother to introduce yourself," may himig ng pagtatampong sabi nito.

"I was... um," napakamot si Zenith sa noo. Butil-butil ang pawis niya roon pati na sa magkabilang braso at likod.

Umaga pa lang ay nasa bahay na siya ni Gen. Andrade. Nagpuputol ng sanga ng matandang puno ng akasya na malapit sa gate ng bahay nito. The tree is more than fifty years old, according to Cristobal. Kaya tagaktak na ang pawis niya sa manu-manong pagpuputol. May paparating daw na bagyo ayon sa heneral kaya dapat bawasan ang mga sanga ng puno na puwedeng maging dahilan ng power interruption. Pero sa isip ni Zenith ay duda siyang iyon ang dahilan. Gusto lang talaga siya nitong pahirapan.

"I'm sorry. I just thought..."

"I know why you didn't tell me, pinigilan ka ni Papa na huwag sabihin sa akin ang totoo."

"He was just trying to protect you."

"Protect me how? We're talking about my birth parents here, my roots. Ikamamatay ko ba kung malalaman ko ang totoo tungkol sa kanila, o sa'yo? The truth will never make me love my adopted family less. Papa is the best father I could ever have. At wala rin akong mairereklamo kay Ate Mariz. So, take note of that, okay? Kahit kapatid kita, bias ako pagdating sa Ate ko."

"Noted. I would expect no less. She loves you so much and will always think of you as her baby brother."

He tsked. "Going back, I want to know everything. What were they like--our parents?"

"Ang totoo magkaiba tayo ng nanay."

"Huh?"

"My biological mother died during childbirth. And Dad remarried few years later with Daria, your mother."

"I see. So, what were they like. My Mom... and our Dad?"

"Dad was a perfectionist. Being good for him is not enough, you have to be the best."

"In short, he was tough."

"Yep. But if there's one thing you should know about him, he loves you. He loves you so much that he risked his life calling his best bud to make sure you'll be out of harm's way."

"Papa said they were good friends."

"Yes."

"How about my Mom? What was she like?"

"She named you Seiji. And she adored you, you were everything to her."

"Seiji, Seiji," ilang ulit nitong binigkas ang sariling pangalan as if familiarizing himself with it. "What's the meaning of it? They usually have meanings, right? Like the Koreans and Chinese."

"Lawful," napangiti si Zenith. "I'm not sure if Daria was taunting Dad when she named you Seiji because our father was anything but lawful."

"He was a Yakuza."

"Yes. He was a crime boss and he did a lot of bad stuff."

"Is that why they got killed? To my understanding they were together that day."

"It was in the camp where they held their annual meetings," ramdam ni Zenith nang tila magbara ang kanyang lalamunan. Remembering that day--the rape and the brutality Daria suffered under the hands of those men made his stomach churned. And as much as possible he wants to spare his brother the gruesome details of her death. "Being a member of a crime family, danger is very much part of our daily lives. Anyone can go after your throat because of an old grudge or simply because you are Eiichi Fujimori's son."

"Did you witness how they died?"

"Seiji..." hirap ang kaloobang nilingon ni Zenith ang kapatid. Kulang na lang ay pakiusapan niya ito na kung puwede'y huwag na itong humingi ng karagdagang ditalye. Dahil ayaw niyang simulan ang relasyon nilang magkapatid sa pagsisinungaling.

"Was it so horrifying?"

Isang marahang tango ang tanging naging tugon ni Zenith. "I will give you a picture of them. I want you to remember them that way. Can you do that for me?"

"That bad, huh?"

Tango lang ulit ang naging sagot ni Zenith.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinawalan ni Seiji. "Okay."

"Thanks."

"How about you? I'm sure it was hard for you."

Isang tipid na ngiti lang ang naging sagot ni Zenith sa kapatid. Hindi na niya kailangan pang sabihin dito kung paanong gabi-gabi halos siyang binabangungot matapos ang pangyayaring 'yon.

"After Dad died, what happened to his organization? Ikaw ba ang nagpatuloy?"

Mabilis na pag-iling ang isinagot niya. "No, the organization was dissolved. I'm part of a legit company. Ever heard of Alliance-Med Pharmaceuticals?"

"I think so. If I am not mistaken, madalas kong mabasa ang pangalang 'yan sa mga health care products. Are you an executive there?"

"Kinda."

"Tell me the truth."

"My grandfather was one of the co-founder of that company. To put it in a nutshell, I have several stakes in AMP."

Napasipol ito sa sagot niya. "Simply put, you're rich."

"My Mom was. Minana ko lang ang mga naiwan niya."

"How about my mother? Any relatives I should know about?"

"I have no idea. She came with Dad one day and that's that. Wala akong masyadong alam tungkol sa pamilya niya."

"Did you hate her?"

"Hate is a strong word. No, I didn't hate her. I was civil to her. To be fair, she was okay. She tried to break the wall I put between us pero ako ang umiwas. I guess, deep inside I was just trying to protect the memory of my own mother."

"If I were in your shoes ganoon din siguro ang gagawin ko."

Tinapunan ni Zenith ng tingin ang tambak ng mga sangang naputol niya. Tatanggalan pa niya ng maliliit na sanga iyon at dahon saka isasalansan malapit sa likurang pugon ng bahay.

"Kaya pa?" ang tila may pang-aasar na tanong ng kapatid sa kanya.

He tsked. "Kayang-kaya. Ako pa ba?"

Tumawa ito saka tumayo na mula sa kinauupuang malaking putol na sanga. Tinangka nitong tumulong kanina ngunit tinawag ito ng heneral. Kibit-balikat na nginitian niya na lang ito. Patutunayan niya sa heneral na nakahanda siyang gawin ang lahat ng ipapagawa nito kahit pa ang lumunok ng bala. He's not going to back down. Never. Napakarami na ng sama ng loob na naibigay niya kay Mariz. This time, he's not going to fail her. He will get her father's approval or die trying.

Matapos ubusin ang malamig na tubig na inihatid ni Odi ay muli ng umakyat sa puno si Zenith. Hindi pa siya tapos sa pagpuputol ng sanga. Lalo pa nga at ang gamit niya ay manu-mano. It would have been easier if he's using a handheld chainsaw. Pero dahil mabait ang kanyang future father-in-law, itak ang ipinagamit nito sa kanya. To be fair, matalas naman. Iyon nga lang kailangan niyang gumamit ng leather gloves dahil kung hindi'y tiyak na hindi pa man siya nakakatapos ay kasingkapal na ng goma sa kanyang gulong ang mga kamay niya.

It was a very hot day. At tila nakikisang-ayon ang panahon kay Gen. Andrade para lalo siyang pahirapan sa ipinapagawa nito. Nakakailang taga pa lang siya ay tagaktak na naman ang pawis niya. Minabuti niyang hubarin na ang suot na kamiseta para kahit paano ay guminhawa ang pakiramdam.

Mabuti na lamang at pumayag si Vengeance na ito muna ang bahala sa misyon nila. He also notified Tor in case na may maisip pang ipagawa sa kanya ang heneral at wala siya ay ito na ang bahalang mag-mobilized sa team to assist V. Kailangan niyang magpakitang-gilas, wika nga. Kahit pa nga ang totoo ay si Gen. Andrade na yata ang taong pinakamahirap ma-impress.

But for his lady love, kahit pa maging bakal ang puso ng heneral ay gagawa at gagawa pa rin siya ng paraan para mapalambot ito.

Getting Mariz pregnant is still the best option, though, he thought. Too bad, she's on implant.

Napailing siya sa ideyang naiisip niya. Sigurado kasi siya na pumayag man si Mariz ay half-hearted lamang ang magiging kasiyahan nito. Matamis ang magiging bunga ng lahat ng iyon kung mapapapayag niya ang heneral nang maluwag sa kalooban nito.

Wala raw matigas na pandesal sa mainit na kape, saloob-loob niya pa.

Napabuga siya nang nahahapong paghinga at tumigil sandali sa pagtaga sa sanga upang pahiran ng likuran ng braso ang namamalisbis na pawis sa noo. Pinahapyawan niya ng tingin ang mga markadong sanga na kailangan pa niyang putulin. Tantiya niya ay uubos siya ng mga dalawang linggo roon. Lalo pa nga at matandang puno iyon. Hindi magiging ganoon kadali ang trabaho niya, lalo pa at mag-isa niya lamang na gagawin iyon.

Ngalay na ngalay na ang mga braso ni Zenith. Mukhang ang isang araw niya roon ay katumbas na ng isang linggong workout routine niya sa gym.

"I can do this," wika niya sa sarili. Paulit-ulit niya iyong sinasabi sa sarili sa bawat bagsak ng itak sa sanga ng akasya. "I can do this."

Palubog na ang araw nang bumaba ng puno si Zenith. He was bone-tired he could barely make it down on the ground. Pabagsak niyang inilatag ang nahahapong katawan sa lupa na nakukumutan ng manipis na damo. Idinipa niya ang nangangalay na mga braso at saka humugot ng malalalim na paghinga.

May ilang saglit siyang nasa ganoong posisyon nang may tumabing na anino sa mukha niya. Sa pag-aakalang ang kapatid iyon ay sinipat niya ito sa bahagyang naniningkit na mga mata.

"Had enough yet?"

Shit! Napabangon si Zenith nang wala sa oras pagkarinig sa boses ng heneral. Bagay na gusto niyang pagsisihan dahil nag-angalan ang nananakit niyang mga kalamnan.

"You can quit now."

"Quitting is not in my vocabulary, Sir," kahit pagod na pagod ay nagawa niya pang magsalita nang matatag.

"We'll see, Fujimori. Nakikita mo ang dalawang punong 'yan?"

Napamaang siya. Ang dalawang puno na tinutukoy ng heneral ay ang puno ng sampalok at mangga. Na sa tantiya niya ay hindi nalalayo ang edad sa pinuputulan niyang puno.

You have got to be shitting me!

"Gusto ko ring bawasan mo ng sanga ang dalawang punong 'yan. Don't worry, I'll ask Cristobal to mark the branches that needed to be cut. Baka sabihin mo masyado akong malupit."

Hindi pa ba? muntik na niyang maisagot.

"Meanwhile, you can go home and rest," saad nito sabay tapik sa kanyang balikat bago tumalikod. 

Napangiwi siya nang muling indahin ang nananakit na mga kalamnan.

Nakailang hakbang na ito nang muling pumihit paharap sa kanya. "By the way, can you bring your friends over?"

"My friends?" sino ang tinutukoy nito?

"Si Vengeance and the other guy who's good in the kitchen. Callous, right?"

"Yes, Sir."

"Magaling siyang magluto. I admire men like that. And Vengeance, siya pa lang ang nakalaro ko sa chess na tinalo ako three times in a row. I want to play with him again."

"I'll bring them over, Sir," ang mabilis na sagot niya.

"Good. I'll be expecting you tomorrow."

"Affirmative, Sir."

Nang pumihit ng muli patalikod ang heneral ay napabuga na lamang ng hininga si Zenith. He was looking forward to spending time with his lady love. Pero sa paraan ng pagde-demand ng heneral sa kanya ay mukhang pati ang oras niya sa nobya ay magiging limitado na rin. Gusto pa naman sana niyang bumawi rito. Ngunit sa pagod niya ng mga oras na iyon kahit ang pagmamaneho pauwi ay magiging isang malaking parusa sa kanya.

Naghahanda na siya para umalis nang muling lumapit sa kanya ang kapatid.

"Ayos ka lang, Kuya?" ang tila may pag-aalalang tanong nito.

"Yup," sinikap niyang ngumiti para mapagtakpan ang nararamdamang discomfort.

"Gusto mong ihatid na lang kita?"

Mabilis siyang umiling. "Nah, I'm okay. I can manage."

"Are you sure?"

"Positive."

"Ooh-kay. Ikaw ang bahala."

"Kapag may libreng oras, isasama kita sa bahay para makita mo kung saan ako nakatira. So that any time you need me, you know where to find me."

Ngumiti ito, kaagad na umaliwalas ang ekspresyon. "I'll be looking forward to it."

He gave his brother a bear hug bago lumulan sa kanyang kotse. Inihatid siya nito nang tanaw hanggang sa makalabas ng bakuran. Sa kabila ng pagod ay may ngiti at magaan na pakiramdam sa kanyang dibdib.


"WHAT happened to you?" ang bungad na tanong ni Callous nang mapagbuksan ng pinto si Zenith sa labas ng bahay nito.

"I'm exhausted, Beastie," kulang na lang ay literal na magpatibuwal si Zenith nang makapasok sa loob ng bahay ng matalik na kaibigan.

"Uh-huh, I can see that. We couldn't get hold of you for two days now. What's keeping you so busy, huh?"

"Naninilbihan?"

"Nanini what?"

Hindi kaagad nagawang lingunin ni Zenith ang kaibigang si Callous nang tuloy-tuloy na pumasok sa bahay nito. His whole body ached na kahit ang simpleng paglingon ay halos magpahiyaw sa mga kalamnan niya.

"Shit," he muttered inaudibly.

"Are you working on another mission?"

"Hm," his vague reply. Pilit niyang ikinubli rito ang pagngiwi nang maupo sa recliner lounge chair na nasa sala nito.

Mula sa bahay ni Gen. Andrade ay dumaan muna siya sa bahay ng kanyang Beastie para makikain ng hapunan. Tinamad siyang dumaan ng restaurant for food take-out. At least dito sa bahay ng Beastie niya puwede siyang umidlip sandali habang hinihintay na maluto ang hapunan. Bukod doon ay mas maganda ng sa personal niya sabihin dito ang ipinapasabi ng kanyang magiging biyenan. Oo, siya na ang assuming. Pero by hook or by crook, mapapasagot din niya si Gen. Andrade.

"Aren't you gonna tell me what happened to you? You really look exhausted."

"Baka ginulpi de gulat ni Doc niya," ani Vengeance na lumabas mula sa kitchen. Nakapameywang ang isang kamay nito habang ang kabilang kamay naman ay may hawak na wooden spoon.

Nagsalubong ang dalawang kilay ni Zenith sa komento nito. Pero kaagad din namang naplantsa ang gusot sa kanyang noo nang mapansin ang ayos nito. He's wearing an apron.

"You're here, too?"

"Obviously."

"And you're cooking?"

"Apparently."

Napabuga ng hangin si Zenith. Mas lalo yata siyang napagod makipag-usap dito.

"'Yon ba ang ibig sabihin ng nanini--what's that word again?" tanong ni Callous.

He sighed. "Na-ni-nil-bi-han."

His reply was met with a puzzled look from his Beastie.

"It was something close to servitude," supply na paliwanag ni Vengeance sa naguguluhan nilang kaibigan.

"To whom?"

Napakamot si Zenith sa bridge ng kanyang ilong. Then he started explaining. "The truth is, I'm planning to propose. Kaya lang may kundisyon si Mariz, gusto niyang kunin ko muna ang approval ni General."

"Good luck," ani Vengeance.

Napasimangot siya sa sagot nito. Para kasing kabaliktaran niyon ang ibig nitong sabihin.

"I'll get you some meds," boluntaryong sabi ni Callous nang siguro ay maintindihan na nito ang ibig niyang sabihin.

"Thanks, Beastie."

Si Vengeance ay bumalik na ulit si kusina. Sa palagay ni Zenith ay sumilip lang ito sa sala para alamin kung sino ang kausap ni Callous.

"Here," inabutan siya ni Callous ng pain reliever tablet at isang distilled water.

Muli siyang nagpasalamat sa kaibigan bago ininom ang gamot.

Nang magkakaharap na silang tatlo sa hapag-kainan ay sinabi niya sa mga ito ang imbitasyon ng heneral. Akala niya ay tatanggihan siya ng mga ito. Pero sa pagkagulat niya ay mabilis na sumang-ayon ang dalawa.

"We always have each other's back, Z. Always remember that," ani Callous.

Bahagya lang kumiling ang ulo ni V na tila sinasang-ayunan ang sinabi ng kanyang Beastie. He smiled. Sa kabila ng mapait na trahedya sa kani-kanilang pamilya ay masaya siya na nakatagpo ng bagong pamilya sa kanyang mga kaibigan. At ngayon, buo na ang pakiramdam niya sa sarili dahil sa wakas ay natagpuan na niya ang nawawalang kapatid. And the fact na maganda na ang relasyon nila ay nagpapalobo nang husto sa puso niya. Isa na lang talaga ang kulang, ang makuha ang approval ni Gen. Andrade para mapakasalan na niya ang pinakaimportanteng babae sa kanyang buhay.

-

malapit na ba?

inip ka na sa ending? nagsisimula pa nga lang tayo🤣🤣🤣

your naughtiest author😘😘

frozen_delights





















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro