Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Second Storm

THREE days na bedridden si Zenith. Ang buong akala niya ay na-infect lang ang sugat niya kaya pabalik-balik ang kanyang lagnat. Ngunit nang masamahan na iyon ng iba pang sintomas katulad ng pagsusuka ay naisip niyang may iba ng nangyayari sa katawan niya. Hapung-hapo ang pakiramdam niya at hindi halos siya makabangon para magpunta sa banyo. Sa ikaapat na araw na nakaratay siya ay nagsimulang maglitawan sa kanyang balat ang mga pulang rashes. Vengeance said it could be a sign of dengue.

Sa kagustuhang makasigurado ay dinala na siya ng mga kaibigan sa isang pribadong ospital. At hindi nga nagkamali ang sinabi ni Vengeance. Meron siyang dengue. Hindi siya makapaniwala na kung kelan siya tumanda ay saka pa siya dinapuan ng ganoong klase ng sakit. 

Sa buong sandaling inaapoy siya ng lagnat ay gustong-gusto na niyang tawagan si Mariz at maglambing sa kasintahan. Ang problema ay paano niya maitatago rito ang sugat niya sa punong-braso? Alangan namang ikatwiran niya ritong na-ambush na naman siya. Kahit hindi na halos bumababa ang lagnat niya ay gusto na niyang itaktak ang ulo sa pag-iisip ng maidadahilan kung bakit madalang sila nitong makapag-usap sa mga nakalipas na araw. Dahil paano niya ba sasabihin dito na busy siya sa pagtugis ng mga kanser sa lipunan?

"Stop wracking your brains out and focus on getting better," ang naiiling na sabi sa kanya ng kaibigang si Callous.

Nakatingin ito sa cellphone nito at busy sa pagtipa roon ngunit kataka-takang napansin pa rin nito ang nangyayari sa kanya.

"Oo nga, siguradong maiintindihan ka rin ni Doc mo," ani Thorn. Kumuha ito ng isang kumpol ng ubas atsaka prenteng naupo sa sofa kung saan nagkakatipon ang mga ito.

Good thing he was staying in a VIP ward. Kahit magkakasabay ang mga ito sa pagbisita sa kanya ay walang maglilimita.

"Kapag hindi siya nakumbinsi sa mga paliwanag mo, sundin mo ang payo nitong si V," ani Scythe na ikinuwit ang hinlalaki sa direksyon ng nananahimik na si Vengeance.

"Which is...?" tanong ni Venom. Kumuha ito ng mansanas at ikiniskis sa gilid ng pantalon bago iyon kinagatan. Narinig pa nila ang malutong na ingay na nagmula sa pagkagat nito sa prutas.

"Kidnap her."

"Tsk, so V. Simpleng barbaric," komento ni Menace. "Pero baka nakakalimutan niyo, heneral ang tatay no'n."

"Not to mention, she punched like a pro," dugtong ni Trace.

"Tama," mabilis na sang-ayon ni Scythe sa sinabi ng huli. Pagkuwa'y lumapit ito sa tray ng prutas at kinuha roon ang isang piling ng lakatan. Pagkatapos ay naupo ito sa pang-isahang upuan at ipinatong ang pinag-ekis na mga binti sa center table sabay patong ng piling ng saging sa kandungan. Presto, para lamang itong nasa sariling bahay nang pumilas ng isa at magsimula iyong talupan at kainin.

Lahat ng magkakaibigan ay napatanga na lang sa ginawa nito.

"May peras at orange pa, o. Don't be shy, people, have some," tila isang napaka-hospitable host na sabi ni Scythe nang ituro nito ang tray ng prutas habang ngumunguya ng saging. 

"Sa pagkakaalam ko para 'yan sa pasyente," maasim ang mukhang komento ni Menace.

"Hindi naman 'to kakainin ni Z kasi wala pa siyang gana. Maiiwan niya lang ang mga 'to rito kapag lumabas siya. Sayang. Atsaka bad ang mag-aksaya ng pagkain, marami ang nagugutom sa mundo."

"Bakit, kapag nabusog ka ba mabubusog mo rin ang buong mundo?"

"Alam mo, ang init ng hininga mo sa akin. Dahil ba kinausap ko si Selena, kaya ka nagkakaganyan, ha? Huwag gano'n, p're. Kapag walang label, walang selosan."

"Fuck you."

"No thanks. Kahit magpalit ka pa ng gender hindi pa rin kita papatusin."

"Gagu!"

"Tapalan niyo nga ng peras ang bibig nito. Bumubuga ng apoy."

"Nasaan nga pala si Ferocious?" pag-iiba ni Thorn ng topic at para na rin matapos na ang pagtatalo nina Menace at Scythe.

"He's with his Sleeping Beauty," sagot ni Zenith.

"Wala pa rin bang pagbabago sa kundisyon niya?" tanong ni Venom.

"Sad to say, ganoon pa rin," ani Menace.

"How about the...?" hindi na kinumpleto ni Trace ang tanong dahil alam naman nilang lahat kung ano ang tinutukoy ng binata.

"Miraculously, it is healthy," tugon ni Callous.

"Naaawa ako sa sitwasyon nila. Napaka-tragic ng nangyari sa kanilang dalawa," ang tila may panghihinayang na sabi ni Thorn.

"Not really. They only prove that true love does exist," sagot ni Vengeance na ikinapipi nilang lahat.

At sa loob ng ilang sandali ay ang pinong tunog lamang na nagmumula sa aircon ang maririnig sa buong silid.

"Akalain mo 'yon. Muntik na akong atakehin sa puso," ani Scythe, sandaling nabitin ang pagsubo nito ng kinakaing saging. "Saan nanggaling 'yon?"

Vengeance just gave them a blank stare like they're a bunch of idiots.

Gad, natutop ni Zenith ang ulo at mariing ipinikit ang mga mata. He missed his doctor. He terribly missed her. Pero mukhang matagal-tagal pa siyang hindi makakapagpakita rito. At least hanggang sa maghilom na ang sugat niya.

Isang linggo pagkaraan ay lumabas na rin siya ng ospital. The day after that, they flew to Italy. Anim na buwan ang nakalipas bago siya muling nakabalik sa bansa. At bagaman inaasahan na ni Zenith ang magiging reaksyon ng nobya sa muli nilang pagkikita ay nasaktan pa rin siya nang basta na lang siya nito lampasan na parang walang nakita nang lumabas ito ng pagamutan.


"MARIZ."

Pumitlag ang puso ni Mariz sa tawag na iyon mula sa likuran niya. Ngunit sa halip na pansinin iyon ay tuloy-tuloy lang siyang naglakad at tinungo ang kinahihimpilan ng sasakyan niya.

"Sweetheart."

Her steps almost halted when she heard that familiar endearment. Ngunit pinilit niyang patigasin ang kanyang puso at diretso lang na lumulan sa kanyang kotse. Nanggigigil siya rito at gusto itong sapakin dahil para siyang tanga na naghihintay ng tawag nito araw at gabi. Iniyakan niya pa nga ito dahil hindi siya makapaniwalang basta na lamang itong hindi magpaparamdam sa kanya. Ang tanga naman niyang puso, halos magtumalon sa galak pagkakitang-pagkakita pa lamang dito. But no way, no way will she ever give in so easily.

Nagmaneho siya. She's going out with her friends--her usual company, ang beking si Juno, sina Ate Ana, Dr. Fernan at Dra. Lailani. Dapat ay kasama rin nila sa paglabas ng gabing iyon si Graciela ngunit hindi ito nakasama dahil may family dinner ang mga ito. At alam niyang isang sagradong bagay ang ganoon sa pamilya nito. Napasulyap siya sa headview mirror. Ganoon na lamang ang pagtahip ng dibdib niya, nakabuntot sa likuran niya ang kotse ni Zenith.

Mabilis siyang nagbawi ng tingin at nagkonsentra lang sa pagmamaneho. They'll be meeting in Club Red, nauna na roon ang mga kasama niya at napagkasunduan na lamang nila na susunod siya dahil siya ang pinakahuling matatapos ang shift. Nang marating ang pakay na club ay kaagad siyang naghanap ng mapagpaparkehan ng kanyang kotse. Good thing it was a weeknight. Kapag weekend kasi ay wala na halos bakanteng lugar sa parking space ng club na malapit dito. Ayaw na ayaw pa naman niyang maglalakad pa nang malayo.

She went out of her car at nginitian ang parking attendant na nag-assist sa kanya para makapag-parke sa kumbinyenteng space bago pumasok ng club. Sa likuran niya ay ramdam niya ang presensya ng mga matang nakasubaybay sa mga kilos niya. Buo na sa isip niyang huwag itong bigyang-pansin sa buong gabing iyon. For more than six months he seemed to have forgotten that he has a girlfriend. Puwes, she will give him a dose of his own medicine. Tingnan niya lang kung hanggang saan ang kaya nito.

"Bad mood ka yata, Doc?" pansin ni Juno nang marating niya ang ipina-reserve na mesa ng mga ito.

Ang set-up ng mga VIP seats doon ay parang maliit na ayos ng sala. May paikot na cushioned seats with throw pillows at mababang mesa sa gitna kung saan nakapatong ang kanilang drinks at finger foods. Nasa may likuran nila ang pahabang bar at ilang dipa sa harapan nila ang dance floor kung saan may malakas at maharot na tugtog para roon sa mga gustong sumayaw.

"Pagod lang," sagot niya sa tanong ng beki.

Magkaharap sila nito ng upuan. Katabi niya si Dr. Fernan at kaharap naman ng huli ang nakatatanda sa kanilang lahat na si Ate Ana at Dra. Lailani.

"Do you regret it?" tanong ni Dr. Fernan.

"Ano 'yon, Doc?" dahil sa malakas na tugtog ay hindi kaagad naintindihan ni Mariz ang tanong.

"I said, do you regret it?" inilapit ni Dr. Fernan ang bibig nito sa kanyang tenga para mas magkarinigan sila. "You know, pursuing residency for further training instead of moonlighting?"

"Ah, I'm fine with it. No regrets."

"But I bet there are times you just want to throw the towel in," sabi nito na muling inilapit ang bibig para marinig niya ang sinasabi nito.

She laughed. "Tell me about it."

"Ay, may fafa," impit na tili ni Juno. Nakapako ang tingin nito sa bar.

Sa kung anong dahilan ay parang nagtayuan ang mga balahibo ni Mariz sa batok. Tama ba ang hinala niya na si Zenith ang tinutukoy nito?

"Papi nga. Pero parang nakita ko na siya," ani Ate Ana na nakisilip na rin sa sinasabi ni Juno. "Di ba siya 'yong nakikita kong naghahatid-sundo kay Doc Mariz dati?"

Si Zenith nga."Baka kamukha lang," sagot niya. Kumuha na siya ng inumin na naroroon. Hindi na niya pinansin kung anong alak ang nadampot niya. Kaagad niyang ininom iyon na parang uhaw na uhaw.

"Take it easy, baka malasing ka kaagad," paalala ng kaharap niyang si Dra. Lailani. Sadya nitong nilakasan ang boses para maintindihan niya.

"I know my limit," sagot niya. Bagama't wala siyang pasok kinabukasan ay hindi pa rin siya puwedeng magpakalasing kahit iyon ang gusto niyang gawin dahil magmamaneho pa siya pauwi.

"Seryoso ka, Doc. Hindi ito 'yong jowabels mo?" tanong ni Juno na hindi halos humihiwalay ang tingin sa taong tinutukoy nito sa bar.

"Nope, six months na akong walang jowa," kulang na lang ay ipagsigawan iyon ni Mariz para makarating sa taong gusto niyang paringgan.

"Eh, di kung gano'n libre siyang landiin?"

"By all means, go ahead," kibit-balikat na sagot ni Mariz. 

Nang tumayo si Juno ay hindi na ito sinundan ng tingin ng dalaga. Muling tinungga ni Mariz ang iniinom hanggang sa mapangalahati iyon. Light beer lang naman kaya naisip niyang hindi siya kaagad malalasing.

"Let's dance," pagkuwa'y yaya niya sa mga kasama.

Agad na tumayo si Dr. Fernan. 

"How about you, ladies?" anito sa kanilang mga kasama.

"Mauna na kayo, susunod ako," ani Ate Anna. Busy ito sa cellphone at tila may ka-text.

"Ikaw, Doc Lai?" baling ni Mariz sa doktora.

"Um, sabay na lang kaming susunod ni Nurse Ana."

"Okay, sumunod kayo, ha?" ani pa ni Mariz.

"Yup," tugon ng doktora na tila mapait na ngumiti bago dinampot ang sariling inumin.

Pagdating sa dance floor ay kaagad na sumabay si Mariz sa maharot na tugtog. Hindi siya mahusay na singer pero may ibubuga siya pagdating sa sayaw. Habang umiindak sa saliw ng maharot na musika ay pilit na isinantabi ng dalaga ang pamimigat ng dibdib. Gusto niyang magsaya, ang ipakita kay Zenith na hindi siya ang tipong magmumukmok sa isang tabi kapag iniwan nito.

Sumabay sa pagsayaw niya si Dr. Fernan. Tawa siya nang tawa dahil para itong timang na tatangu-tango lang at pilit na isinasabay ang matigas na katawan sa maharot na tugtog.

"To tell you frankly, I don't know how to dance," malakas na sabi nito na dumikit sa kanya para sila magkarinigan.

"Obvious na obvious nga, Doc," tumatawang sagot ni Mariz. "By the way, kumusta ang panliligaw mo kay Doc Lai?"

"Malabo na yata," sagot nito na halos nakadikit na ang mukha sa kanya.

"Bakit naman?"

"Plano niyang sumunod sa mga magulang niya sa America. She doesn't think an LDR  will work for us if ever na maging kami."

"Oh."

Sa paglingon niya sa kinaroroonan ng kanilang mga kasama ay ganoon na lamang ang gulat ni Mariz nang makita si Zenith na papalapit sa kanila ng kanyang kasayaw. Sa pagitan ng malikot na ilaw sa paligid ay hindi maikukubli ang tila pagdidilim ng mukha nito. Akmang tatalikuran niya ito nang bigla nitong hagipin ang kanyang braso

"Hey," ang balak na pagpigil ni Dr. Fernan ay naudlot nang sumalubong dito ang tila nagbabagang mga mata ni Zenith. Imboluntaryong napaatras ang mga paa ng doktor at walang nagawa nang tangayin ng kabaro nito ang kapareha.

Tikom naman ang mga labi ni Mariz sa lahat ng iyon. Kahit naiinis siya at gustong hablutin ang braso mula sa pagkakahawak ni Zenith ay hindi niya ginawa, ayaw niyang gumawa ng eksena roon. Bagaman magaan lang naman ang pagkakahawak nito ay hindi naman siya basta-bastang makakawala. 

"Let's talk," ani Zenith nang makarating sila sa labas.

"Then, talk." malamig niyang sagot.

"Give me a kiss."

"What?"

"I mean, give me your keys."

Inirapan niya ito nang pagkatalim-talim.

"Ouch, I'm wounded."

"Start talking, naghihintay ang mga kaibigan ko," pa-sikmat na sabi niya rito.

"We're not going to talk here. Let's go," muli nitong hinigit ang braso niya patungo sa kinahihimpilan ng kotse nito.

Yamot na nagbuntong-hininga si Mariz at hantarang sumimangot nang igiya ni Zenith sa passenger seat ng sasakyan nito. Ito pa ang nagkabit ng seatbelt niya na para bang hindi niya iyon kayang gawin. Ang lapit-lapit nito na kulang na lang ay magdikit na ang mga labi nila. At ang hudyo, napakabango. Mariin niyang napaglapat ang mga labi. Inaakit pa yata siya ng walanghiya!

"I've missed you."

Umismid siya. "I find it hard to believe."

He sighed. Tumaas ang isang kamay nito na parang gusto siyang haplusin sa pisngi ngunit sa huli ay hindi nito itinuloy. Pagkuwa'y lumayo na ito sa kanya at maingat na isinara ang pinto bago inokupa ang driver seat.

"Huwag na tayong lumayo," aniya nang nasa kalsada na ang sasakyan. "Ayaw kong mag-alala ang mga kaibigan ko."

"They won't. My friends took good care of them already." 

"What do you mean?"

"They happened to have a very persuasive personality. Sila na rin ang bahala sa kotse mo. You left your purse there, right?"

Napamaang siya. "You're..."

"Amazing? I know, right?"

"I hate you," totoong inis na sabi niya.

"I know. And I will try my best para maalis ang galit mo."

"We will just talk at ihahatid mo akong pauwi pagkatapos."

"Of course, sweetheart. Mag-uusap lang tayo at doon ka sa bahay ko uuwi."

"Says who?"

"I just did."

"No. Iuuwi mo ako pagkatapos nating mag-usap and that's the end of it."

"Hmm."

"Zenith!"

"I love you."

Iyon lang at tila saglit na niyang nakalimutang huminga. Nang abutin nito ang kamay niya at hagkan iyon ay walang namutawing salita sa bibig niya. Itinapon na lang niya ang tingin sa labas at hindi na nagsalita pa.

-

ang rowpowk ni Doc😅😅

ano kayang pangungumbinsi ang gagawin ni Zenith para mapatawad ni Doc niya?

maka-zinat kaya?😂😂😂😂

always the naughtiest😘😘

frozen_delights










Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro