Operation: Protect General Andrade
may mga legal terms po rito na hindi ako sure. although this is just a work of fiction, you can correct me if you know it more than I do.
WALANG kilatis na nakasampa ng fishing vessel sina Thorn, Menace, at Venom. Isa iyon sa inaasahan nilang pinakamalaking shipment ng armas na may ilang buwan na nilang imino-monitor
"In position," ani Venom sa gamit nitong earpiece.
"We are on standby for the big fish," tugon ni Zenith. May hawak siyang binoculars at sinisipat ang daan kung saan posibleng dumating anumang oras ang kausap ng nakadaong na fishing vessel sa private sea port na kinaroroonan nila ng mga sandaling iyon.
"Hayop na mga 'to. Buwis ng taong bayan ang ipinambayad tapos nanakawin lang nila at ibebenta sa mga bandido," gigil na sabi ni Scythe.
"And the irony, 'yong mga de-klaseng armas na dapat ay gamit ng ating hukbong sandatahan sa pagtugis sa kanila ang siyang pumapatay sa ating mga sundalo," dugtong naman ni Omi.
"Dapat sa mga 'to i-firing squad, eh," ani Thorn.
Tahimik na sinang-ayunan ni Zenith ang sentimyento ng mga kaibigan.
"Kung tutuusin, mataas ang sahod ng mga 'to, di ba? May mga ranggo pa," sabi ni Venom.
"Paano kasi, maraming side dish," saad naman ni Menace. "May number 1, number 2, number 3 and so on. Hindi naman kayang tustusan ng sahod nila kaya gumagawa ng illegal. Katulad na lang nitong si Commodore Pelaez, 'yong tsuwariwap number 2 niya mahilig sa mga luxury bags. Tangina, magkano ang isang Hermès Birkin? Kahit ako hindi bibili ng gano'ng bag sa mga naging syota ko, di ba, V?"
They all heard a snorting sound coming from Vengeance.
"Si V, nagregalo ng Hermès? Kelan pa?" ang namamanghang reaksyon ni Scythe.
Kung meron mang balak sumagot sa tanong na iyon ni Scythe ay wala ng nakapagsalita pa nang makita nila ang paparating na tatlong sasakyan. Ang isa'y itim na kotse at siyang nauuna sa tatlo, pumapangalawa ang isang van at gray na kotse sa hulihan.
"Naririto na ang malalaking isda," ani Zenith.
"What's the rule of engagement? Are we gonna eliminate them all?" tanong ni Trace.
"Z?" si Ferocious, ipinapaubaya nito kay Zenith ang desisyon tungkol sa bagay na iyon.
"Let's confirm the package first," tugon ni Zenith. "Once the package has been confirmed let's eliminate every one who's involved."
"Even if it involves General Andrade?" tanong ni Vengeance.
Parang may bumara sa paghinga ni Zenith. "Yes, even if it involves the General."
"Did you hear that, guys?"
"Roger that."
SAMANTALA, bakas ang kasiyahan sa mukha nina Commodore Pelaez at Col. Batungbacal. Umibis ang dalawa sa kotseng nauuna. Sumalubong sa mga ito ang ilang lalaki na nasa pantalan. Nagkamay ang mga iyon at ilang saglit na nag-usap bago tinungo ang kinaroroonan ng van.
Bumukas ang van at ipinakita ang nasa loob niyon na ilang crate ng mga de-klaseng baril. Nasisiyahang tumango-tango ang tatlong lalaki na ka-deal ng Commodore at Colonel. Pagkuwa'y naglakad ang mga ito sa kotseng nasa hulihan ng van. Bumukas ang driver seat at lumabas mula roon ang driver. Pagkatapos ay lumapit iyon sa backseat door at pinagbuksan ang taong nakalulan doon. Na walang iba kundi si General Andrade.
Malapad ang ngiti at tila nasisiyahang bahagyang yumukod ang pinuno ng ka-deal ng mga ito na naglahad ng kamay. Ngunit sa halip na abutin iyon ay isang baril ang inilabas ng heneral at itinutok sa kausap. Bumakas ang pagkagulat sa mukha ng lalaki. Ganoon din kina Commodore Pelaez at Colonel Batungbacal.
"What is the meaning of this, General?" maang na tanong ng Commodore.
"I am arresting you both for arms trafficking, stealing from the military arsenal and solicitation."
Mula sa passenger seat ng kotse ng heneral ay lumabas ang isa pang lalaki. Naglabas din ito ng baril at itinutok sa mga kausap ni General Andrade.
"At sa palagay mo ba ganoon n'yo na lang kami kadaling maaaresto, General?" confident na sabi ni Colonel Batungbacal.
As if on cue, lumabas sa van ang apat pang armadong lalaki at kaagad ding tumutok ang baril ng mga iyon sa dalawang tiwaling opisyal.
"Ah, this is very heartbreaking, General," ani Commodore Pelaez na madamdamin pang tinutop ang dibdib. "I thought we are already friends."
"Hindi ako nakikipagkaibigan sa mga bugok na katulad n'yo. Ang dapat sa mga gaya ninyo ay sine-sentensyahan na kaagad ng bitay para hindi na pamarisan pa ng iba."
"So, you only go with the flow to entrap us," pag-conclude ni Colonel Batungbacal sa mga nagaganap.
"I can never be like you."
"That's what I hate most about you, General--that holier-than-thou attitude of yours. It ticks me off. That's why I already anticipated your move," nilingon ng koronel ang apat na armadong lalaki na pare-pareho ring sundalo. Kasunod ng pagkiling ng ulo ni Colonel Batungbacal ay lumipat ng direksyon ang kanina'y tinututukan ng mga ito.
Hindi makapaniwala si General Andrade. Diyata at ang inaakala niyang mga sundalo na susunod sa yapak niya bilang isang tapat na opisyal ng sandatahan ay nahawa na sa kabulukan ng dalawang buhong.
"Sorry, General. Pero hindi namin kayang isakripisyo ang kapakanan ng aming pamilya para sa bayan," ani Lt. Vargaz.
"I expected so much from you," ang may panlulumong saad ni General Andrade sa inaakalang matapat na sundalo.
"Money makes the world go round, General," nakangising wika ni Col. Batungbacal. "Dapat alam mo 'yan dahil ipinanganak kang masalapi at nakukuha ang lahat sa isang pitik lamang ng iyong daliri."
"Nagkakamali ka, Colonel. Hindi lahat ng bagay ay nabibili ng salapi. At hindi lahat ng kaligayahan ay nakasentro sa mga materyal na bagay."
"Nasasabi mo lang 'yan, General, dahil hindi naranasan ng mga anak mo ang hindi kumain ng tatlong beses isang araw. O matuliro kung saan maghahagilap ng pera para may maipangbayad ng tuition sa kanilang pag-aaral."
"Huwag mong idahilan ang mga kakulangan sa buhay mo para lang gumawa ng illegal! Kung tuwid na daan ang gusto mo ay makakagawa ka ng paraan para maitaguyod ang mga anak mo nang hindi gumagawa ng anumang labag sa batas."
"Aah, tama na ang satsat!" ani Commodore Pelaez. "Iligpit na ang mga 'yan at gawin niyong pulido."
"You are a disgrace for a senior naval rank officer, Commodore," nakaismid na wika ng heneral at pagkuwa'y tiningnang isa-isa ang mga sundalong naroroon. "Kung masisikmura niyong magpakain ng inyong pamilya mula sa masama, then by all means. Shoot me."
"PROTECT the general," ang utos na kaagad na nanggaling kay Zenith.
Judging from the scene a few meters away from them, the situation is heading south. At hindi maganda ang posisyon ng heneral dahil mukhang bumaliktad ang mga sundalong inaasahan nitong kakampi. Tanging ang dalawang tauhan na lamang nito na kasama sa sasakyan ang kakampi nito.
"You heard the man, gentle dogs. Protect Zee's future father in-law," ani Scythe.
"Copy that."
Mabilis na bumagsak ang mga armadong kalalakihan na nakatutok ang baril kina General Andrade. Nagulantang naman ang dalawang bulok na opisyal. Nabulabog ang grupo at nagkanya-kanyang tago ang mga ito upang hindi mahagip ng bala. Kasabay ng umuulang bala ay maririnig ang palitang pagtutungayaw ng dalawang bugok na opisyal. Hindi alam ng mga ito kung saan nanggagaling ang putok.
Sa halip namang umatras na at iwan ang mainit na kaganapang iyon ay matapang na nakipagpalitan na rin ng putok ang heneral. Na ikinabilib naman dito ng mga kaibigan ni Zenith.
"'Yan ang magiging biyenan ni Zee, atapang atao, hindi atakbo," nakuha pang isingit ni Scythe ang pagbibiro sa kabila ng hindi na halos sila magkarinigan sa tila maliit na warzone sa pantalan.
Bullets were shooting in every direction, blazing like fireworks on the fourth of July. Nakita ni Zenith na tagilid ang kinalalagyan ni General Andrade. Samantalang ang mga bandidong kaalyado nina Col. Batungbacal ay tumulong na rin sa pagpapaulan ng bala sa direksyon ng heneral. Nahagip ang kasama ni General Andrade at kaagad iyong bumulagta sa kinatatayuan nito. Nang tamaan sa balikat ang heneral ay hindi na nag-isip si Zenith at kaagad siyang kumilos.
"Haay, pag-ibig nga naman," komento ni Scythe nang makita nitong umalis sa puwesto si Zenith para madaluhan ang sugatang heneral.
"This is why doctors don't operate on their loved ones," ani Trace.
"Ano naman ang kinalaman no'n dito?" tanong ni Menace.
"They tend to get emotional. They were prone to make mistakes and what have you, the life of their loved ones were at risk."
"Point taken."
"Cal, watch his back," utos ni Ferocious.
"Already on it."
"Si Callous lang ang sakalam," side comment na naman ng dakilang pasaway--pero dakila naman daw.
"Si Callous lang ang sakalam," segunda ni Thorn.
"Hold your position, Thorn, Venom, and Menace," alertong wika ni Ferocious. "Hostiles incoming, may dalawang bangkang paparating."
"Copy that, chief superintendent," tugon ng tatlo.
"Tumawag na yata ng back-up ang mga kurimaw," ani Venom.
"Mga nabahag ang buntot, hindi kinaya ang powers ni Cal," sabi ni Menace.
Napahilot sa sentido si Ferocious, nakakatuyo ng dugo ang mga kasama niya.
Meanwhile, nakalapit na si Zenith sa kinaroroonan ng heneral. Nakasuot ng face mask si Zenith at mata niya lamang ang kita kaya kampante ang binata na maitatago niya pa rin ang kanyang identity.
"Who are you?" ang tila dudang tanong ng heneral nang alalayan ito ni Zenith.
"I'm on your side, Sir. Rest assured that I want you to get out of here safe and sound."
"Are you one of us?"
"Let's say I'm in between good and evil."
"That doesn't answer my question."
"I don't think this is the right time for an interview, Sir," pakli ni Zenith sa anupamang katanungan na nais isunod ng heneral. "Your family needs you. At natitiyak kong malulungkot sila kapag may nangyaring masama sa inyo."
Matiim na tiningnan ng heneral ang lalaking kaharap na para bang pilit na kinikilala kung sino ito. May kinuhang scarf si Zenith mula sa bag at inilapat sa nagdurugong balikat ng heneral.
"Put some pressure on it to minimize the bleeding, Sir."
Hindi na muling hinintay pa ni Zenith na magsalita ang heneral at nilapitan ng binata ang lalaking kasama ni General Andrade.
"Umalis na kayo. Kami na ang bahala rito," ani Zenith sa lalaki.
Nilingon muna ng huli ang kanyang amo. Sa marahang pagtango niyon ay kaagad nitong pinagbuksan ng pinto ang amo atsaka ito naupo sa driver seat. Nang unti-unti ng umusad ang sasakyan ay isang marahang paghinga ang pinawalan ni Zenith. Hindi na niya iyon inihatid ng tanaw, alam niyang nakasuporta ang kanyang mga kaibigan para matiyak ang kaligtasan ng heneral paalis sa lugar na iyon. Sa kabila ng kinakaharap pang panganib ay tila may kung anong malaking tinik na nawala sa kanyang dibdib. General Andrade is not one of the rotten eggs, after all. At ang katiyakang iyon ay nagdala ng kapanatagan sa isip niya.
"The General is safe," balita ni Ferocious.
"Copy."
They went all out at wala silang balak na itira sa mga ito. Siyam lamang sila sa misyong iyon. Qaid and Omi joined Tor in Italy. They will be close monitoring Don Umberto's moves. As much as they needed Qaid, mas malaki ang papel na kailangan nitong gampanan sa misyon ni Tor. They will have to make do with everything they've got.
"Commodore Pelaez is getting away," Trace warned them. "He's out of my range, fuck!"
"V, Cal?" there was urgency in Ferocious voice. Hindi puwedeng makawala ang malaking isda.
"Mine," tugon ni V.
Nakita nila ang pagharurot ng isang speed boat. Mukhang may contingency plan na ang Commodore sa sandaling magkaroon ng aberya. Kung kelan tila nasa safe range na ito ay nakita nila nang biglang sumabog ang speed boat na kinalululanan nito!
"Wah, kaya ang laki ng takot ko rito kay V," ani Thorn.
"Akala mo makakalusot ka sa matanglawin. Si V lang ang sakalam," dagdag ng loko-lokong si Scythe.
"Akala ko ba si Cal?" sarcastic na side comment ni Menace.
"Hindi ba puwedeng magbago ng isip?"
"Siraulo."
"Uy, buong-buo pa etits ko, kahit ipakita ko pa sa'yo."
"We need cleaners," ani Ferocious na maririnig ang tila iritadong pagbuga ng hininga.
"Khali is on standby," tugon ni Zenith.
"Buti pumayag 'yon na hindi kabuntot ni Q," komento ni Venom.
"His Majesty's order cannot be denied."
Pinahapyawan niya ng tingin ang lugar na tila naging battlefield. Gusto niyang manghinayang sa potensyal na meron ang ilang sundalong naroroon. Ngunit tulad ng mindset ni Colonel Batungbacal, pera na lang ang dini-Diyos ng mga ito. Hindi man niya naranasang maghirap ay natitiyak niya sa sariling hindi niya ibebenta ang kanyang ideolohiya para sa pera.
What a waste, he thought with a heavy heart.
Sa kabilang banda kung mas tumaas pa ang ranggo ng mga ito baka mas mahigitan pa ng mga iyon ang kayang gawin nina Pelaez at Batungbacal.
"I'll call the cleaners."
Zenith was about to take out his phone nang kumilos ang inaakala niyang patay ng leader ng bandidong ka-negotiate nina Pelaez. He aimed his gun and shoot.
Dalawang putok ang magkasabay na umalingawngaw sa paligid.
-
owemgee😱😱😱😱
until next update.
always your naughtiest author😘😘
frozen_delights
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro