Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Nothing Compares To You

SUNOD-SUNOD ang ginawang pagkalabit ni Zenith sa gatilyo. Mag-isa lang siya sa shooting range. Pagkatapos niyang ihatid si Mariz ay sa shooting range na siya dumiretso. He needed an outlet to vent out his frustrations. Ang bigat sa pakiramdam na naghiwalay silang malamig ang pakikitungo ng nobya sa kanya. Inubos niya ang ten rounds. Lahat ng iyon ay sa sentro ng target naglagos. He pushed the button of the cardboard backing. Pinalitan niya ng bago ang target. Ini-adjust niya iyon sa mas malayo. Muli siyang naglagay ng magazine sa kanyang glock, another ten rounds. He aimed for the target using his left hand. 

Bagama't hilom na ang sugat sa kanang balikat ni Zenith ay ramdam niya na nagkaroon ng hindi magandang epekto ang pagkakabaril sa kanya roon. He can still shoot his target pero 'yong bilis niya ay hindi na gaya ng dati. He aimed at his target. Twice he missed the intended point. Inilipat niya sa kanan ang baril at muling inasinta ang target, sunod-sunod na kinalabit ang trigger hanggang sa makaramdam siya ng kirot.

"Fuck," he muttered in annoyance. Mukhang kailangan na niyang sanayin ang sarili kung paano gagamitin ang kaliwang kamay.

"Yo, 'want some company?"

Nalingunan ni Zenith ang mga kaibigan papasok ng shooting range. Nauuna sa mga ito si Trace kasunod sina Callous, Vengeance, Thorn, at Venom. Hindi sila kumpletong bumalik ng bansa. Qaid, Omi and Scythe had to stay behind to help Tor. While they were all growing up and honing their skills to take down Don Umberto, the latter built his empire and expanded his territory. Thus, having more connections at his beck and call. Kaya ang pagpapabagsak dito ay hindi magiging ganoon kadali. It might even take a few more years. They had to tread carefully and plan every move to achieve their goal. Dahil isang munting pagkakamali ay puwede nilang ikapahamak na lahat, damay ang mga importanteng tao sa kanilang buhay.

"Wah. What happened to your face?" gulat na reaksyon ni Trace.

"Ang lupit pala talaga ng kamao ni Doc mo, 'no?" saad ni Venom, ang ekspresyon sa mukha ay alanganing natatawa na napapangiwi.

"Ano, tatagay na ba tayo?" tanong ni Thorn.

Hind pinansin ni Zenith ang pang-aasar ng mga ito. He reloads his gun at muling naghanda sa pakikipagtuos sa target. Nagkanya-kanyang puwesto na rin sa shooting bay ang mga kaibigan niya maliban kay Vengeance. But he wore his earmuffs before sitting on the back bench. Pinagkrus nito ang mga binti atsaka pinaglaanan ng atensyon ang hawak na cellphone. For a couple of hours ay walang maririnig sa loob ng shooting range kundi ang paligsahan doon ng malalakas na putok ng baril. May paminsan-minsang kantiyawan at asaran at madalas payabangan. Isang bagay na hindi nawawala kapag sila'y magkakasama. Ngunit wala sa mood si Zenith na makipagbiruan sa mga ito.

Napamura siya at kamuntik ng mabitiwan ang hawak nang bigla'y mamanhid ang kanan niyang kamay.

"Side effect pa rin ba 'yan ng cariño brutal ni Doc mo?" ani Venom na sumilip mula sa fiber glass partition na naghihiwalay sa kanilang mga puwesto.

"Fuck off."

"Chill," natatawang itinaas ni Venom ang dalawang kamay.

"You're still on post-injury recovery, don't rush it," dagdag na sabi naman ni Callous.

"Ang mabuti pa, puntahan natin si Menace. Utang-uta na akong humawak ng baril," biglang suggestion ni Thorn. "Mabigat din ang problema no'n at nangangailangan ng karamay."

"Why? What happened to Menace?" tanong ni Vengeance.

"Brokenhearted din, I think," sagot ni Trace na mukhang hindi pa sigurado.

"Pa-misteryo pa kasi si gago," saad naman ni Venom, naiiling. "Hayun, 'yong prutas na pinahihinog niya mukhang iba na ang makapipitas."

"Puntahan na natin bago pa 'yon magbigti sa puno ng kamatis," pabirong sabi ni Thorn ngunit mahihimigan ang concern.

"I'm in," agad na sang-ayon ni Trace.

Sumang-ayon na rin ang iba pa. Pagkatapos ay natutok ang tingin kay Zenith na nagliligpit na ng sariling gamit. Hinihintay ang magiging desisyon niya.

"Aren't you gonna join us?" hindi nakatiis na tanong ni Callous.

Isang mahinang pagbuga ng hangin ang pinawalan ni Zenith bago sumagot. "'Kay."

"Alright! Let's go!" hiyaw ni Trace na akala mo ay batang mamamasyal kung saan.

Nag-convoy na lang silang lahat mula sa shooting range papunta sa farm. Habang nasa biyahe ay tinawagan ni Zenith si Mariz. Her phone started ringing on the other line. Hinintay niya itong sumagot. Hindi na bale kung magiging malamig man ang sagot nito, ang importante'y sagutin nito ang tawag niya. Isa pa ay baka may gusto itong ipabili o gustong gawin sa araw na iyon, mabuti ng alam niya. Ngayong marami siyang libreng oras para makasama ito ay ipinangako niya sa sarili na babawi siya.

After several rings ay wala pa ring sumasagot. He checks the time on his watch. It was already past two o'clock in the afternoon.

She must be busy, saloob-loob niya. Hindi na niya dinagdagan ang alalahanin na baka gusto lamang siya nitong tikisin.

Nag-iwan na lang siya sa ng voicemail message.

"Hello, sweetheart. I'll be off to a friend's house but if you need me for anything, just give me a call. I love you."

Hindi siya magsasawang paulit-ulit na sabihin dito na mahal niya ito.

Hanggang sa makarating sila sa farm ni Menace ay walang ibang laman ang isip ni Zenith kundi ang kasintahan. He was only half-hearted going to the farm. Pero kaysa magmukmok sa isang tabi habang pinalilipas niyang lumamig ang ulo ng nobya ay mas mabuti pa nga sigurong sumama na lang siya sa mga kaibigan. Kapag napraning siya ay sasamahan na niyang magbigti sa puno ng kamatis si Menace.

Great, just fucking great, he thought.

Magkakasunurang humimpil ang sasakyan ng magkakaibigan sa paikot na driveway sa harapan ng farmhouse ni Menace. Malayo sa hitsura ng brokenhearted at suicidal ang hitsura ng Menace na dinatnan nila. Busy ito at tila napakaraming pinagkaka-abalahan sa farm nang sila'y dumating.

"Ano ang ginagawa niyo rito?" 

"Binibisita ka," tugon ni Trace. 

Pumalatak lang ito at iniwan na sa isang tauhan ang pagkukumpuni ng bakod.

"Tara sa loob," yaya ni Menace sa mga kaibigan.

Nang makasalubong ang isang kasambahay ay kaagad itong nagpahanda ng makakain para sa mga hindi inaasahang panauhin.

"Nakaistorbo ba kami?" tanong ni Venom.

"Naririto na kayo, alangan namang palayasin ko kayo, di ba?" sarcastic na sagot ni Menace. "Nakakahiya naman sa inyo."

"Balita kasi sa amin ni Thorn magbibigti ka na raw sa puno ng kamatis."

"The hell," he snorted. Pagkuwa'y umarko ang isa nitong kilay nang mapatingin sa mukha ni Zenith. "Sino ang bumugbog sa'yo?"

"None of your fucking business," ang inis na tugon ni Zenith saka muling ibinaba sa mga mata ang dark sunglasses. Kaya nga ba ayaw niya sanang sumama dahil tiyak na magiging tampulan siya ng pangangantiyaw ng tropa.

Inabot ni Menace ang hinubad na kamiseta sa likod ng isang upuan. Tila amused na umiling-iling bago isinuot ang kamiseta.. Nakahubad-baro ito nang dumating ang mga kaibigan. Nang makapagsuot ng pang-itaas na damit ay pinangunahan nito ang paglabas patungo sa outdoor pavilion. Halatang bagong gawa lamang ang lugar na iyon bagaman kumpleto na sa mga gamit--may mga upuan, mesa, outdoor kitchen, at barbecue pit.

"Mukhang kayayari lang nito, ah," komento ni Thorn, inililigid ang tingin sa kabuuan ng lugar. "Wala pa ito no'ng huli naming punta rito, di ba?"

"Nahiya naman kasi ako sa inyong mga tukmol kayo. Kapag pumupunta kayo hinahanapan niyo ako ng barbecue pit na puwedeng pag-ihawan ng isang buong baboy."

"Sino ba 'yon? Wala akong alam d'yan," defensive na sabi ni Venom.

"Same here," ani Trace.

Umismid lang si Menace. 

Nagkanya-kanya na silang hanap ng kanilang puwesto.

"Grab your own drink. Self-service dito," ani Menace, his hand motioning for the refrigerator.

Isa-isa namang kumuha ang mga ito ng naroroong inumin. Maliban kay Zenith na walang balak uminom ng alak dahil hinihintay niyang tumawag si Mariz. O kung hindi man ay siya ang muling tatawag sa kasintahan para muli itong yayaing lumabas.

"Did you ask her out?" tanong ni Vengeance. He pulled the tab of his canned drink and gulped it down.

"I did, but she said she's not in the mood."

"Hm."

"Any ideas?" tanong ni Zenith sa kausap.

Tumingin ito sa kanya na parang naniniguro kung ito ba talaga ang tinanong niya. At parang naniniguro pa, itinuro nito ang sarili.

"You're asking me? Me?"

"Hindi siguro, malamang 'yong hangin ang kausap ko," matabang na sagot ni Zenith.

Vengeance scoffed at his reply. 

"Hindi ka ba natatakot sa isa-suggest ni V?" ani Callous

Natigilan si Zenith. Nang lingunin niya si Vengeance ay isang kaduda-dudang ngiti ang nasa mga labi nito. Creepy.

"Right, never mind."

"Ano ang pinagbubulungan niyong tatlo riyan?" tanong ni Menace. "Ano 'to, tayo-tayo na nga lang kanya-kanya pa tayong grupo?"

"Ang drama mo naman," sikmat dito ni Thorn. "Ganyan ba talaga kapag brokenhearted?"

"Ano bang brokenhearted ang pinagsasabi mo riyan? Tumahimik ka nga."

"Hindi ka lang pala pagong na ubod ng kupad, ikaw rin ang hari ng mga denial," sabi pa ni Thorn. "Magtapat ka na kasi bago pa madagit ng iba ang pinupuntirya mong bunga."

"Hindi gano'n kadali ang sinasabi mo," katwiran ni Menace.

"Kapag gusto may paraan," Venom butts in. "Kapag ayaw marami talagang dahilan."

"You don't know a damn thing."

"Don't we?" 

Hindi na nakipagtalo si Menace. Alam naman nitong hahaba lang iyon. If it's any consolation, wala roon ang dalawang pinaka-buskador--sina Scythe at Omi.

"By the way, baka gusto niyong sumama sa gig namin," ani Trace.

"Gig?" natigilan si Callous na para bang noon lamang nito narinig ang salitang iyon.

"It's a live music entertainment," pahapyaw na paliwanag ni Vengeance.

"Man, I know what it means. I only thought I heard it wrong," sabi ni Callous.

"There is this café with a live band on weekends. Tumutugtog kami ro'n ni Thorn," paliwanag ni Trace. "You know, parang stress reliever na rin."

"Ikaw, kumakanta?" hindi makapaniwalang tanong ni Venom.

"Sinabi ko bang kumakanta ako? Ang sabi ko, tumutugtog kami ro'n ni Thorn."

"He plays the piano and I play the drums," ani Thorn.

"Yes. If you're interested, puwede kayong maki-jam sa amin."

"Nah," mabilis na umiling si Venom. "But it will be interesting to watch you, guys, play."

"Maganda ang boses ni Z, baka gusto mong sumali."

"Hindi for commercial use ang boses ko."

"We all know that's not true. We all watch the video that proves that."

Nag-init ang mukha ni Zenith nang maalala iyon. Hindi siya sanay mag-perform sa mga ganoon. Oo nga't kumakanta siya pero hanggang sa loob lang ng banyo at kuwarto. Kaya lang naman malakas ang loob niyang kumanta nang gabing iyon ay dahil malakas na ang amats niya.

"Magpa-praktis naman tayo kaya huwag kang kabahan," tila pagpapalakas ng loob na sabi sa kanya ni Thorn.

"No."

"Yayain mo si Doc. Malay mo mapalambot mo ulit ang loob at mawala ang pagtatampo sa'yo kapag kinantahan mo."

The thought was worth considering. Pero paano kung pumalpak siya at doon pa siya magkalat? Baka habambuhay na siyang hindi kausapin ni Mariz sa labis na kahihiyan.

"Ano bang theme song niyo ni Doc?" tanong ni Trace.

"Baduy. Uso pa ba 'yon?" ani Venom.

"Baduy your face. Kapag na-in love ka baka lahat ng kanta gawin mong theme song," pagsusuplado ni Menace.

"O, di ikaw na ang in love," may halong biro na turan ni Venom.

"'Lul!"

A week later, Zenith found himself in the compny of Trace and Thorn. Sa lumipas na mga araw rin na iyon ay hindi siya tumigil ng panunuyo kay Mariz. He brought her flowers and of course his usual routine, inihahatid-sundo niya ito sa trabaho. For the past week ay malamig pa rin ang pakikitungo nito sa kanya. Pero kasalanan niya naman kaya ayos lang. Kung may isang bagay na nagbibigay sa kanya ng seguridad sa kabila ng matagal na pagkaputol ng kanilang komunikasyon, iyon ay ang kaalamang hindi ito nagpaligaw o nag-entertain ng iba. And that's one thing he was thankful for. Kung ibang babae iyon ay hindi ito magdadalawang-isip na humanap kaagad ng kapalit niya. Lalo pa nga at katulad ng sinabi nito ay hindi na ito umaasa pa na magpapakita siya.

"Um, are you free tomorrow evening?" katulad ng ilang araw na nagdaan ay inihatid ni Zenith sa bahay ng mga ito si Mariz mula sa pinapasukang ospital.

Hindi kaagad ito sumagot sa tanong niya. He took it as a good sign because she could easily shake her head to say no. Ganoon kasi ang madalas mangyari.

"Seven o'clock, Café Shack."

Muli ay hindi ito sumagot at pagkuwa'y umibis na ng kanyang sasakyan. Mabilis siyang bumaba mula sa driver seat.

"I'll wait for you."

She didn't reply. At katulad ng ibang araw na nagdaan ay mabigat ang loob na umalis si Zenith.

"Did you invite her?" tanong ni Trace kay Zenith nang dumating ang araw ng gig nila.

"Yup," matamlay na tugon ng binata.

"So, is she coming?" mula naman kay Thorn. They were already setting up their instrument.

"I dunno."

Marami ng tao. The café looks nice with a carefree vibe. Na ang karamihan ng mga nagpupunta ay mga young professionals. At katulad ng mga naririnig niya sa ibang empleyado ng café, may mga regulars na roon ang bandang kinabibilangan nina Trace at Thorn. Sa katunayan nga raw ay dagsa ang tao kapag ang banda na ng mga ito ang magpi-perform. Pero dahil pasulpot-sulpot lamang ang vocalist ng mga ito, they decided na kumuha ng substitute. Siya.

"Don't worry, may ibang araw pa naman," ani Trace na tinapik ang balikat niya.

"Yah," nagpapatianod na sagot niya.

"Aside from that, let's think of this night as a practice run before the big event," pagpapagaan ng loob na sabi ni Trace.

He didn't say anything. He look at his phone for any text or message. Parang tumalon ang puso niya nang makitang may mensahe roon. Kaagad niyang binasa iyon. Para lang madismaya nang makitang galing iyon kay Vengeance.

Your Doctor is not home. 'Thought I'll do you a favor and fetch her.

Natigilan si Zenith. Is it possible na nagkasalisi lamang ito at si Vengeance? Ngunit nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niya ang kadarating lamang na si V ay nawasak ang pag-asa niya. Kung nagkasalisi lamang si V at Mariz, dapat ay naroroon na ang kasintahan. Kinawayan si Vengeance ng mga kaibigan nilang naroroon na--Menace, Venom, at Callous. Parang may dumakot sa puso niya nang iligid ang mga mata at iikot sa mga parukyano ng café.

She's not coming, malungkot na naisip niya.

Nang sensyasan siya ng mga kaibigan bilang hudyat ng kanilang pagsisimula ay pumuwesto na siya sa harapan ng mikropono. 'Yong kaba niya sa pag-perform sa harapan ng mga naroroong parukyano ay nakalimutan na niya dahil sa disappointment at lungkot. 

He put the in-ear monitor in his left ear nang magsimulang tumiklada si Trace sa piano. He will sing Mariz' favorite song, ang kantang pinakikinggan nito nang gabing magkakilala sila. He decided to change the lyrics a bit. Parang paglalabas na rin niya ng sama ng loob dahil missed na missed niya na talaga ito.

It's been seventeen hours and seven days
Since you took your love away

Sa into pa lamang ng kanta ay bigla ng tumahimik ang buong paligid. Zenith's voice was beautifully haunting. Ang tipong kapag napakinggan pa lang sa una ay parang humahatak na sa pandinig.

I go out every night and sleep all day
Since you took your love away

Maraming kababaihan ang parang napatulala habang nakatutok ang buong atensyon sa malungkot na pag-awit ng singer. Malungkot na nga ang lyrics ay damang-dama pa ng mga naroroon kung ganoo rin kalungkot ang boses ng kumakanta.

Since you've been gone, I can do whatever I want
I can see whomever I choose
I can eat my dinner in a fancy restaurant
But nothing I said nothing can take away these blues
'Cause nothing compares
Nothing compares to you

Sa eksaktong sandaling iyon ay tumutok ang mga mata ni Zenith sa babaing hangos na papasok ng  café. Muntik na niyang makalimutan ang lyrics ng kanta nang magtama ang kanilang mga mata.

Sorry I'm late, she said, mouthing the words.

He smiled a bit and continued singing

It's been so lonely without you here
Like a bird without a song (aah-aah-aah)
Nothing can stop these lonely tears from falling
Tell me baby, where did I go wrong?

I could put my arms around every girl I see
But they'd only remind me of you (aah-aah-aah)
I went to the doctor, guess what he told me
Guess what he told me?
He said, "Boy you better try to have fun, no matter what you do"
But he's a fool.
'Cause nothing compares, nothing compares to you.

Nang pumagitan ang piano instrumental ay hindi na napigilan ni Zenith ang sarili at binitiwan ang mikropono para lapitan ang nobya.

"I thought you're not coming," masayang-masaya na sabi niya saka ito niyakap nang buong higpit.

"Hey," kahit tila napapahiya sa mga matang nakatingin sa kanila ay tumugon na rin ng yakap si Mariz. "Sorry, naligaw ako, eh."

He chuckled.

"Go back na. I'm not going anywhere," banayad na pagtataboy ni Mariz. Medyo naiilang ang dalaga sa atensyong nakukuha nila.

"Just so you know, that song is for you," bago bumalik sa kanyang puwesto ay mabilis na dinampian ng halik ni Zenith ang mga labi ng nobya.

May pananaghili at kilig sa mga mata ng nakasaksi sa tagpong iyon. Karamihan ng mga babaing naroroon ay nakadama ng panghihinayang. Taken na pala ang guest vocalist ng banda. Sayang.

All the flowers that you planted
In the back yard
All died when you went away
I know that living with me, baby, was sometimes hard
But please give it another try...

Nothing compares, nothing compares to you
Nothing compares, nothing compares to you
Nothing compares, nothing compares to you...

Natapos ang performance ng grupo na parang nakalutang ang pakiramdam ni Zenith. Magkahawak-kamay na sabay na tinungo nina Mariz at Zenith ang sasakyan ng dalaga. Pagkatapos na pagkatapos ng performance nila ay hindi na nagtagal pa roon si Zenith at nagpaalam ng mauuna sa mga kaibigan. Pero bago umalis ay ipinakilala muna ni Zenith ang nobya. Behave naman ang mga kaibigan niya at hindi na sila pinigilan pa.

Sa loob ng sasakyan ay hindi napigilan ni Zenith na muling yakapin nang mahigpit ang nobya.

"I've missed you so much."

"Same here."

Bahagyang inilayo ni Zenith ang mukha ng kasintahan ay may ilang sandaling pinakatitigan iyon.

"I love you," he whispered solemnly.

"I do, too."

He leaned down and kissed her softly. Pagkuwa'y nagdikit ang kanilang noo, pinagkiskis niya ang tongki ng kanilang mga ilong. She giggled.

"Gad, I think I'm drunk," he said and closed his eyes to savor that moment.

"Uminom ka bago nag-perform?"

"Nope. Nalasing ako sa mga labi mo."

Banayad na tinampal ni Mariz ang dibdib niya. "Bolero."

"I'm not."

"Naku, tigilan mo nga ako."

"Paghalu-haluin man ang lahat ng alak sa mundo ay hindi ako malalasing, maliban sa mga labi mo."

Hindi kaagad nakakontra si Mariz sa sinabi niya. At para mapatunayan dito na nagsasabi siya ng totoo ay muli niyang pinaglapat ang kanilang mga labi sa isang banayad ngunit mainit na halik.

-

haaay, mga linyahan mo Baby Zee, nakaka-zinat😍😍😍

always the naughtiest😘😘

frozen_delights



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro