Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Missing You

"STA. CATALINA?"

Nag-angat ng tingin si Zenith mula sa kanina pa binabasang files. Lumilipad ang isip niya habang nagpupulong sila sa Loft. Natawag lang ang pansin niya nang mag-react ang katabi niyang si Thorn.

"Misyon agad?" ang tila may pagrereklamong tanong ni Menace. "Hindi ba puwedeng pahinga muna?"

Tulad ni Menace ay nag-angalan na rin ang iba pa. Ang iba sa kanila ay may sariwa pang tama ng bala mula sa katatapos lamang nilang engkuwentro sa mga tauhan ni Don Umberto Adduci. Kabilang doon si Qaid na malubha ang tama. Thankfully, he's well now and recuperating. At bantay-sarado ito kay Khali para tiyaking makapagpapahinga ito nang husto.

"Count me in," boluntaryo ni Zenith.

Tahimik ding nagtaas ng kamay si Vengeance.

Sinimulang ipaliwanag ni Tor kung ano ang magiging misyon nila sa bayang iyon. O sa mas partikular na lugar, sa Purok 6 kung saan laganap na ang bentahan ng droga. Even the mayor in that town is powerless to do anything about it. Their mission, get rid of the drug syndicate that's been controlling that place. In order to do that, they must know who the main player is. At para magawa iyon, magpapanggap si Zenith na isa ring drug dealer. Together with Vengeance, magkukunwari silang mga bagong supplier ng droga. 

With their computer wizard currently out of the picture, doing some digital tracking on their subject is awfully hard. They will have to do it the traditional way. Mabuti na lamang at kahit matagal ng nabuwag ang organisasyong hawak ng kani-kanilang mga magulang ay may mga koneksyon pa rin silang puwedeng magamit.

Playing the villain though was kinda tough. Lalo pa nga at ang layunin talaga nila ay iligpit ang mga taong involve sa pagkakalat ng ipinagbabawal na gamot. Ngunit hayun at kailangan niyang makipagkamayan at makipagngitian sa mga dimonyong nagtutulak ng droga .

"Buti na lang talaga at naibulong sa amin nitong si Domeng na may nakilala siyang bagong supplier," nakangising wika ng lalaking tadtad ng tattoo ang magkabilang braso.

Ang pangalan nito ay Mikhael. Maitim na lalaki, medyo usli ang tiyan, ngunit ang mukha ay butuhan na mistulang bungo na nagkaroon ng balat. Nanlalalim ang paligid ng mga mata, panay ang pagsinghot at manaka-nakang pagkakamot sa ilang parte ng katawan. Sa malamlam na ilaw ng isang five watts na bumbilya ay kapansin-pansin ang bloodshot nitong mga mata.

Inilahad nito ang butuhang kamay sa harapan ni Zenith. Bahagyang nanginginig iyon na tila pasmado. At kahit mukhang bagong paligo ito ay gustong bumaliktad ng sikmura ng binata sa hindi kanais-nais na amoy na nagmumula sa lalaking kaharap. Pero dahil nagpapanggap siya sa ibang katauhan, tinanggap niya ang pakikipagkamay ng lalaking mukhang nasunog na zombie. Makikipag-bro hug pa sana ito katulad ng ginagawa ng ibang frat boys ngunit agad na niyang binitiwan ang kamay ng lalaki at matipid na ngumiti.

So far ay isa ito sa pinakakilalang tulak sa lugar na iyon. User turned pusher. Karamihan ng mga parukyano nito ay mga driver at mga batilyo sa pier. His regulars were at least thirty-five heads. Kilala rin diumano itong siga sa lugar na nasasakupan nito. Kaya kahit kilalang tulak ay kampante ito na walang maghuhudas dito.

We'll see about that, he thought.

Meron siyang dalawang henchman, sina Isko at Domeng. Ang mga ito rin ang tagapagdala ng "kliyente" sa kanya. Ngunit wala siyang tiwala sa hilatsa ng pagmumukha ng mga ito kaya naman si Louis ay pansamantalang ipinahiram sa kanya ni Callous to guard his back. Vengeance, however, stays in the shadow. Aware sina Isko at Domeng na may "kasosyo" siya. Ngunit ang kasosyong iyon ay hindi basta-bastang nakikipagkita sa mga wika nga'y mga small time.

Their operation is simple. Palawakin ang kanilang market hanggang sa makalampag ang dapat makalampag. It was a waiting game. And while waiting for the big fish to take the bait, he met an interesting character. Jethro Duque. He's a little rough around the edges, but he seemed like a good man.

Pasakay na si Zenith sa kanyang kotse nang tawagin siya ni Louis.

"Yes?"

"If you're going to where I think you're going, I suggest you use the other car," ikiniling nito ang ulo sa likurang garahe ng kanilang safehouse. 

"Do you think it's bugged?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang kotseng sasakyan niya sana.

"Just a precautionary measure."

"Okay. Thanks, Lou," ibinigay niya rito ang kanyang key fob.

Tinanggap naman iyon ng nakatatandang lalaki kapalit ang susing hawak nito. Wala man siyang sinasabi rito ngunit may palagay siyang may idea na ito kung saan siya nagpupunta kapag bigla na lang siyang nawawala sa safehouse. Yep, he visits Mariz. Panay pagtanaw nga lang mula sa malayo ang nagagawa niya dahil sa tuwing gusto niyang lapitan ito at kausapin ay parang multong bumabalik sa isip niya ang mga salitang binitiwan ni Gen. Andrade. Mahal niya ito. Ngunit karapat-dapat nga ba ang isang lalaking katulad niya para sa dalaga?

His life is in constant danger. At kung hindi siya magiging maingat, ito man ay puwede ring malagay sa panganib. Ngunit mientras namang sinasabi ng utak niya na tigilan na ito at hayaan na lamang na matapos sa ganoon ang lahat ay tila lalo namang nangungulit ang puso niya na patuloy itong makita. Sa totoo lang ay malapit na yata siyang magkaroon ng double personality sa ginagawa niya.

Damn if I do, damn if I don't, iyon ang madalas niyang sabihin sa sarili.

He was so immersed with his own thoughts that he almost missed the imminent danger right in front of him. 

Un-fucking-believable!

Isang lalaki ang sumungaw ang ulo sa sasakyang nasa unahan niya at pinaulanan siya ng bala!

Fucking hell! he maneuvered his car para makaiwas sa matinding damage. That's when he noticed his windshield, it's bulletproofed. "I love you, Lou!"

Napahalakhak siya sa kabila ng panganib sa kanyang buhay. While keeping his one hand on the steering wheel, he opened the glove compartment. He found two Glocks in there, fully loaded.

He didn't waste time and fired back at his assailants. Ang naipagpapasalamat niya, kahit papaano ay malayo sa mga kabahayan ang pinangyayarihan ng engkuwentrong iyon. Malinaw na isa iyong ambush. Sa mga nakalipas na araw ay may paisa-isa ng death threats siyang natatanggap. Binabalaan siya na kung hindi titigilan ang pag-o-operate sa Purok 6 ay may kalalagyan siya. O sila ng kanyang kasosyo. At mukhang gustong patunayan ng mga ito na hindi isang simpleng banta lamang ang kayang gawin ng mga ito kung hindi siya makikinig.

Well, hinihintay niya naman talagang lumabas sa lungga ang taong ito. Iyon nga lang sa mga sandaling iyon ay tuta pa lang ang ipinapadala sa kanya. Akala yata ay uurong ang bayag niya sa simpleng mga tahol.

"You can think again, fucktard." Inilabas niya ang isang kamay sa bintana ng kanyang sasakyan at inasinta ang taong bumabaril sa kanya. Tinamaan niya. Pero dahil hindi iyon nag-iisa, binuweltahan siya ng isa pa.

Kinabig niya ang manibela at nagpaekis-ekis ang takbo niya. Nang makakuha ng buwelo ay bigla niyang tinulinan ang takbo at pinantayan ang sasakyan sa unahan niya. Ni hindi nagawang kumurap ng lalaki nang itutok niya rito ang Glock at pasabugin ang bungo nito. The bullet passed through his skull and hit the driver next to him. Nawalan iyon ng giya sa manibela. In the last attempt to save himself from crashing, kinabig ng lalaki ang manibela. Bumangga iyon sa sirang barrier at sa lakas ng pagkabig ay bumigay ang harang at bumulusok doon ang sasakyan. Crashing into the river five meters below.

Hindi na nag-abala pa si Zenith na ihinto ang sinasakyan niya para silipin kung buhay pa ba ang mga nakalaban niya o patay na.

"I need a dose of my lady love to keep me sane," he told himself.

He checks his watch. Nakahinga siya nang maluwag dahil may oras pa siya para masilayan ang doktora ng buhay niya. Alam niyang isang malaking karuwagan ang ginagawa niya sa mga sandaling iyon. Umaasta na naman siyang stalker.

"But what choice do I have?" tanong pa niya sa sarili. "Isinusuka nga ako ng tatay niya."

Pero hanggang kailan? Hanggang kailan siya makukuntentong tanawin mula sa malayo si Mariz? Kaya niya bang paglabanan ang itinitibok ng puso niya dahil lang sa opinyon ng tatay nito ay hindi sila bagay sa isa't isa?

"... hangga't nasa serbisyo ako ay mananatili akong tapat sa aking tungkulin."

Ang huling mga pangungusap na iyon ng heneral ay tila may kalakip na pagbabanta. Hindi man niya gustong pakaisipin iyon pero paano kung madamay ang mga kaibigan niya?

Napangiwi siya nang makaramdam ng kirot sa braso. Nang sipatin niya iyon ay saka lamang niya napansin ang punit sa suot niyang jacket. At nang kapain niya ang parteng iyon ay nakumpirma niyang tinamaan siya sa engkuwentro kanina. Hindi pa niya masabi kung gaano kalala ang tama niya. But he guess, bearable naman. Sisilay lang siya at pagkatapos ay babalik na siya sa kanilang safehouse. Kay Louis niya na lang ipagagamot ang tama niya. Daplis lang naman tiyak iyon.

That was the plan.

Nang ihimpil niya ang sinasakyan sa tapat ng isang pribadong klinika ay nakahinga siya nang maluwag nang makitang naroroon pa ang kotse ni Mariz. Saulado na niya ang schedule nito. Kapag ganoong araw ay maghapon lang ito sa klinika. At kadalasan na kapag ganoon ay inaabot ito roon hanggang alas-singko ng hapon. Mahigit trenta minutos pa ang ipaghihintay niya. Puwede siguro siyang umidlip habang naghihintay na lumabas ito. Napagod din siya sa engkuwentro kanina. At medyo nagugutom na rin. Pero sa halip na lamnan ang kumakalam na sikmura ay mas gusto niyang matulog.


HINDI sigurado si Mariz kung kelan iyon nag-umpisa. Ngunit iyong pakiramdam na tila laging may nakasubaybay sa kanya ay damang-dama niya. Is someone stalking her? The funny thing though, she's not creeped out. No, not at all. If anything, she felt safe. Anong oras man siya umalis ng klinika, gabihin man siya sa daan ay secured ang pakiramdam niya. Or is it because it felt familiar?

Nagligpit na siya ng kanyang mga gamit para humanda ng umuwi. Nauna ng umalis ang sekretarya niyang si Lea. At sigurado siyang nakaalis na rin ang kaibigan niyang si Graciela. Mabuti pa ito, sa kabila ng hindi pagkakatuloy ng una nitong kasal ay muli itong nakatagpo ng bagong pag-ibig sa katauhan ng bago nitong nobyo na si Sean Machts.

Napaisip siya kung hanggang kailan siya mananatiling nakapako sa bahagi ng nakaraan kung saan tila nakabitin ang lahat. She was stuck in the middle and trapped. She couldn't move forward or backward.

Mabigat ang pakiramdam na dinampot na ni Mariz ang kanyang Speedy 30 at lumabas ng kanyang pribadong opisina. Pasado alas-singko na iyon ng hapon. At katulad ng madalas mangyari, mukhang sa labas na lang siya kakain habang pinalilipas ang rush hour.

Patungo na siya sa kinahihimpilan ng sariling kotse nang mapansin niya ang isang sasakyan na nakahimpil di-kalayuan. Bahagyang kumunot ang kanyang noo. It was an old model sports car. Volvo, to be exact. Mahirap na hindi mapansin kaagad ang sasakyang iyon dahil bukod sa noticeable niyong emblem ay makatawag-pansin din ang kulay. Pula. Kung hindi siya nagkakamali ang regular niyang nakikita na nakahimpil sa parking slot na iyon ay metallic gray na BMW. 

Gusto niyang balewalain ang nararamdamang kuryosidad. Ngunit tila may nagbubulong sa kanya na kung gusto niyang makumpirma ang hinala ay aalamin niya kung sino ang lulan ng sasakyang iyon.

But what if you're wrong? Paano kung pinaglalaruan ka lang ng imagination mo at wala naman talagang tao sa loob ng sasakyang 'yan, aber? Nakikipag-debate siya sa sarili ngunit ang mga paa niya ay nagsimula ng maglakad papalapit sa sasakyan.

Kalkulado lamang ang mga hakbang niya. At alin lamang sa dalawa ang puwedeng mangyari: ang mapahiya siya o mapatunayang wild lang talaga ang imagination niya. The car is not heavily tinted kaya naaaninag niya ang silhouette ng taong nakaupo sa harapan ng manibela. One point, napatunayan niyang may tao sa loob. Ngayon ang tanong ay ito ba ang taong iniisip niya?

Napahugot ng malalim na paghinga si Mariz bago kinatok ang bintana sa tapat ng driver seat. It was a tense moment. At iyon na rin siguro ang pinakamahabang sampung segundo sa buhay niya. Hanggang sa marinig niya ang pagbukas ng pinto. Yep, she didn't expect that. She was expecting the driver to roll down the car window and...

"Zenith."

"Hello... your loveliness," a weak smile appeared on his lips.

Ang pagkagulat niya ay napalitan ng pag-aalala nang makita ang hitsura nito. Maputla at mukhang nanghihina.

"What happened to you?" a quick scan of his upper torso and she noticed the blood on his hand. "Oh, my God. Are you hurt?"

"I... think so."

"Anong I think so? Where is it? Saan banda masakit?"

Tumaas ang duguang kamay nito. Worried na sinundan niya iyon ng tingin. Hanggang sa makita niya iyong lumapat sa tapat ng dibdib nito.

Napasinghap siya at kaagad na hinawi ang suot nitong jacket. He's wearing a dark blue undershirt. Kung may mantsa man ng dugo roon ay mahirap makita. Kinapa niya ang dibdib nito sa senyales ng injury. But there was none.

Naniningkit ang mga mata ni Mariz na pinukol ito ng tingin. "Niloloko mo ba ako?"

"I've missed you. My heart is in pain for missing you so much."

Napakuyom ang kamay niya na nakalapat sa dibdib nito sa biglang sulak ng halu-halong emosyon. Hinawakan iyon ni Zenith. Gusto ng sumabog ng galit niya ng mga sandaling iyon. Ngunit kaakibat ng galit ay ang pag-aalala niya. He really look pale. And there's no mistaking the smell of blood inside his car. 

"Naaksidente ka ba?" worried na tanong niya. Hindi siya dapat nagpapatalo sa emosyon niya ng mga sandaling iyon dahil doktor siya. At ang kausap niya ng mga sandaling iyon ay posibleng maging pasyente niya. "Zenith, God damn it, answer me!"

"I was shot."

Napasinghap siya. "Where?"

"Galos lang... yata."

"Can you walk?" naisip niyang mas makikita niya nang maayos ang sinasabi nitong galos sa loob ng klinika.

"Of course, your loveliness. Buhatin pa kita kung gusto mo."

Pinagtiim ni Mariz ang mga labi. "Ganyan at malakas ka naman pala, sumunod ka na lang sa akin."

Hindi na siya naghintay kung susunod nga ito. Basta't tumuwid siya ng tayo at diretsong naglakad pabalik sa kanyang clinic. 

A few minutes later, they were inside her examination area. Nakaupo si Zenith sa ibabaw ng examination bed minus his leather jacket at nakarolyo ang sleeve ng suot nitong t-shirt. Katulad ng sabi nito ay galos nga lamang iyon. Ngunit medyo malaki ang naiwang sugat na para iyong nilaslas ng matalim na bagay. Tahimik niyang nilinis at tinahi ang sugat nito.

"How did you know I was in the car?" tanong nito na marahil ay hindi na nakatiis sa kumakapal na katahimikan.

"I have this weird feeling that I am being watch for the last couple of weeks."

"Ah."

"Is that all you can say--ah?"

He gave her a roguish smile. Muling napatiim ang mga labi ni Mariz. Kung wala lang itong sugat ay masasapak niya ito. Ang sarap burahin sa sampal ang ngiti nito.

"I just can't help it, you know. Not seeing you even from afar..."

"I hate you," three words. Tatlong kataga na punong-puno ng conviction. 

At nakita ni Mariz nang wari'y matilihan sa kinauupuan nito si Zenith. Ang ngiting kanina lamang ay nasa mga labi nito ay parang pinahid. 

"Mariz."

"But you know what? I hate myself more. I hate myself for loving you too much. For waiting for you like a fool."

-

sino rito ang nakabasa sa interview ng Untouchables?

natatandaan niyo 'yong sa fast talk?

anong konek?😏😏😏

you know me, always the naughtiest😘😘

frozen_delights












Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro