Love Bites
©photo credit to the owner
PAGOD man pero hindi mabura-bura ang ngiti sa mga labi ni Zenith habang isinasalansan nang maayos ang mga pinutol na sanga ng puno. Nahihimbing pa si Mariz nang iwan niya. Nang tanungin niya ito kung magpapahatid sa trabaho bago siya umalis ay ungol lang ang natanggap niyang sagot. Pagod na pagod ito. Nang iangat niya ang braso nito para alalayan itong magbanyo ay parang lantang-gulay ito na hindi halos makakilos mula sa pagkakadapa sa mga unan.
"Go away."
"Ang lakas ng loob mong maghamon, Doc," panunukso pa niya rito. "Don't worry, next time ibibili kita ng energy drink para lumakas ang stamina mo."
"Ugh, I hate you. Namamanhid ang vajayjay ko."
"Gusto mong gamutin ko?"
"Bakit? Doktor ka na rin ba ngayon ng mga vajayjay?" pagmamaldita nito.
"Bakit? Doktor lang ba ang puwedeng gumamot d'yan?" pilyo pa niyang inginuso ang ibabang parte ng katawan nito.
"Fine, if you insist. Ano ang mairerekomenda mong gamot, Doc?"
"Laway."
Napairap ito sa sinabi niya. "Scammer."
Ang lakas ng halakhak niya. Kung hindi lang siya hahanapin ni Gen. Andrade ay hindi pa sana niya iiwanan ang nobya.
"I hate to leave you here alone, sweetheart, pero masyadong istrikto 'yong nililigawan ko baka mabawasan ang aking pogi points."
Napangiti ito sa sinabi niya. Sa inaantok pang mga mata ay inabot nito ang kanyang pisngi at marahang hinaplos iyon. "Tiyagain mo na lang. Mahal mo naman ako, di ba?"
"With all my heart, sweetheart," pinaglapat niya ang kanilang mga noo at pagkuwa'y dinampian niya ito ng halik sa labi. "I have to go. Call me if you need anything, okay?"
"Okay lang kaya kay General ang istorbohin ka sa trabaho?"
He grinned. "Sasabihin kong may emergency ako at kailangan kong makita ang aking doktor."
"Tss. Go now at baka mabasted ka nang hindi oras ng nililigawan mo," pagtataboy nito.
Isang mabilis na halik ang muli niyang ipinatak sa mga labi ng nobya at nagpaalam na rito.
Remembering that scene earlier made him smile once again. Pag-angat niya ng tingin ay napansin niyang mataas na ang araw. Pinalis niya ang pawis sa noo gamit ang braso. Nakahubad-baro siya habang naghahakot at nagsasalansan ng mga pinagputol-putol niyang sanga. Ang kamisetang suot niya kanina nang mag-umpisa siyang gumawa ay nakatali sa kanyang beywang. Paminsan-minsan ay kinakalas niya iyon para ipangpagpag sa mga naliligaw na insekto sa kanyang katawan. Napakarami kasing weaver ants sa inakyat niyang mangga. Samantalang ang puno naman ng sampalok hitik na hitik sa higad. Mabuti na lamang at ilang sanga lamang ang kinailangan niyang putulin sa punong 'yon.
Dinukot niya ang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon. It was quarter to twelve. Sa mga sandaling ay baka gutom na ang iniwang nobya sa bahay niya. Tinawagan niya ito. Nakailang ring ngunit walang sagot. Nag-iwan na lamang siya ng voicemail.
"Sweetheart, I left some food in the oven. If you don't feel like eating it just give me a call and I'll ask someone to deliver what you want."
Matapos iyon ay muling isinuksok ni Zenith sa bulsa ang CP. Kumakalam na rin ang sikmura niya. Pero tatapusin niya muna ang paghahakot ng mga naputol na sanga malapit sa bakod. Bagama't pribadong kalsada ang bahaging iyon ay may dalawang malayong kapitbahay ang heneral na may mga sariling sasakyan na magkaminsa'y napapadaan doon, baka makasagabal.
Lingid sa kaalaman ni Zenith ay may isang pares ng mga mata ang siyang-siya sa panonood sa kanya. Napapakagat-labi pa iyon habang lihim na pinagmamasdan ang pagkislap ng pawis sa matipuno niyang pangangatawan sa ilalim ng sikat ng araw. Ang pagkislot ng mga siksik na kalamnan sa mga braso na hindi masasabing payat ngunit hindi rin naman maskulado. Na binagayan ng pantay-balikat na buhok na tinalian ng goma.
Naglakad patungo sa may bakod si Zenith. Mag-isang binuhat ng binata ang nakasampang sanga sa pantay-balikat na wrought-iron grills. Nang mahila niya ang buong sanga papasok ng bakuran ay lumabas siya ng gate para kunin ang isa pang mas maliit na sanga na bumagsak sa labas malapit sa gilid ng daan. Nang may makita siyang paparating na sasakyan ay nagmadali siyang kuhanin ang sanga bagaman dahan-dahan naman iyong nag-menor. At nang mapatapat sa kinatatayuan niya ay bumaba ang bintana sa tabi ng driver seat. Isang babaing mukhang kolehiyala ang nakita niyang nakaupo sa harapan ng manibela.
"Hi, handsome. Ilang araw na kitang nakikita rito. How are you related to Gen. Andrade?"
"Uh, I'm--"
"He's my fiancé, Polly," tugon mula sa gate na nagpalingon doon kay Zenith.
"Oh, hi, Doc," hilaw ang ngiting sagot ng babaing tinawag na Polly.
Agad namang naguhitan ng ngiti ang mga labi ni Zenith pagkakita sa kasintahan. "How long have you been here? Hindi ko namalayan ang pagdating mo."
"Nagpasundo ako kay Odi. I told him na huwag sabihin sa'yo," malambing na tugon ni Mariz na kaagad iniyakap ang isang braso sa beywang ni Zenith.
"Sweetheart, basang-basa ako ng pawis," iiwas pa sana si Zenith dahil halos naliligo na siya ng pawis sa buong katawan. Ngunit nang makita niya ang tila pagbabanta sa mga mata ng nobya ay hinayaan na lamang niya ito.
Kung hindi siya nagkakamali ay iyon pa lamang ang kauna-unahang beses na nagpakita ng pagka-territorial ang kasintahan. And he kind of like the feeling. Nakakataba ng puso, nakakaliyad ng dibdib. Pakiramdam niya ay napakaguwapo niya para umastang ganoon ang nobya.
"I haven't seen you around here, Doc," ani Polly.
"I've been busy," ang matipid na sagot ng kanyang doktora.
"Maybe we should get together sometime. You know, to catch up for lost time."
"I'll take a rain check on that."
"Oh, you should. By the way, you haven't introduce your boyfriend yet."
"His name is Zenith. Baby, meet our neighbor, Polly Marquez."
"Hello," kaswal siyang ngumiti sa babae.
Nang ilabas nito ang kamay para makipagkamay sa kanya ay naramdaman niya ang palihim na pagkurot ng kasintahan sa likuran niya.
"Pasensya na, marumi ang kamay ko. But it's a pleasure meeting you."
"Likewise. Your boyfriend is hot, Doc watch out and don't let your guard down," after saying that Polly rolled up her car window and waved goodbye.
"Witch," mahinang sabi ni Mariz na ikinangiti ni Zenith. "Tell me honestly, papatulan mo ba ang ganoong klase ng babae?"
Her question is ridiculous but he answered her anyway. "She's pretty but she is not my type. Aside from that I am already taken and committed to a very hot doctor so the question is irrelevant."
"Very hot, huh?" nakataas ang isang kilay ni Mariz bagaman mukhang nasiyahan ito sa narinig nang ipulupot ang dalawang braso sa baywang niya. "How hot?"
He leaned down and whispered the words in her ear. "Very hot that she could melt the whole Antarctic region."
She giggled and planted a kiss on his chest, not minding the sweat that covers his upper torso.
"Why the animosity, though?" he asked. "Inagawan ka ba niya ng boyfriend?"
"Hah. Hindi 'no? Inaanak ni Papa ang bunso niyang kapatid na babae. She is also six years my junior kaya magkaiba kami ng circle of friends. But going back to your question, naiinis ako sa kanilang magkapatid dahil pinaglaruan nila ang feelings ng kapatid ko. And I am someone who holds grudges when it comes to my loved ones."
"Ano ang ginawa nila kay Odi?" mula sa amused na ekspresyon ay bahagyang nagsalubong ang mga kilay ni Zenith.
"Oh, you know. The usual with teenagers, power tripping. Polly dared her friends na magiging boyfriend niya ang kapatid ko--"
"Natin."
"Right, natin. Anyway, as I was saying nakipagpustahan si Polly sa mga kaibigan niya na magiging boyfriend niya si Odi sa loob lamang ng isang linggo. I wasn't aware that Odi had a huge crush on her back then. Polly learned about it through her sister who was Odi's classmate since prep. At dahil nga roon, pinagplanuhan ng dalawang bruha ang kapatid ko para magkapera. Suplado kasi at medyo recluse si Odi, so I guess he was a bit of a challenge to them."
"And they succeeded, I presumed."
"Yes."
"Nasaktan ba siya?"
"Well, he said he's okay. No biggie. But you know, and I'm sure you know since you're a guy, too. He probably just said that to assure me that he wasn't hurt."
Sa sinabi ng nobya ay nag-alala rin si Zenith. Posible kasi iyong magbigay ng emotional trauma sa kapatid niya lalo pa nga at nangyari iyon noong nagbibinata na ito.
Naglalakad na sila pabalik ng bahay nang matanaw ni Zenith sa azotea ang bulto ni Gen. Andrade. Nakapanalikuran iyon habang matamang nakatanaw sa kanila ng nobya.
"Nagkita na ba kayo ni General?" tanong ni Zenith.
"He was on a meeting when I got here," itinaas ni Mariz ang kamay at kinawayan ang ama.
Napalunok si Zenith nang makita ang tila naniningkit na mga mata ng heneral.
"Malabo na ba ang paningin ng tatay mo o gusto niya lang akong patayin sa tingin."
Tinawanan lang siya ng kasintahan at pagdaka'y tumakbo na ito para puntahan ang ama sa azotea. Idiniretso na muna niya sa pinagtatambakan ang pasan-pasang sanga. Mayamaya pa ay narinig na niya ang pagtawag ng kapatid.
"Kuya, kakain na."
Napangiti si Zenith. Sa tuwing tatawagin siyang Kuya ni Odi ay kakaibang tuwa ang bumabalot sa dibdib niya.
"And'yan na." Naghilamos muna siya at nagpagpag ng mga kumapit na dumi sa kanyang katawan.
"Catch," dumungaw mula sa barandilya ng azotea si Odi at hinagisan siya ng malinis na t-shirt at tuwalya.
"Thanks, bro."
"Hurry up. Gutom na si Papa, baka ikaw ang ihain no'n sa mesa," pagbibiro pa ng kapatid.
Pumalatak lang si Zenith. Gayunma'y ramdam niya ang kabog ng dibdib.
Pagpasok niya ng komedor ay mukhang siya na lamang talaga ang hinihintay. Nakaupo na ang heneral sa kabisera ng pahabang mesa. Sa kanan nito ay si Odi at sa kaliwa ay si Mariz. Tahimik siyang sinenyasan ng nobya na maupo na rin sa tabi nito.
As soon as he was seated, pinamunuan ni Odi ang maikling pagdarasal bago sila nagsimulang kumain. Sa ilang beses na nakasalo na niya ang heneral sa hapag ay sanay na siya na nagdarasal talaga muna ang mga ito bago mag-umpisang kumain.
Tahimik silang nagsimulang kumain. Kahit kasalo nila ang heneral ay hindi maiwasang mapansin ni Zenith ang pagkain ng nobya.
"Nagda-diet ka ba?" hindi napigilang tanong niya.
Parang ikinagulat naman ni Mariz ang tanong niya. "N-no. Why did you ask?"
"Hindi ka halos kumakain ng kanin. Kagabi rin ay halos ulam lang ang kinain mo."
Nang tumikhim si Gen. Andrade ay saka lamang naisip ni Zenith kung ano ang nasabi niya. Nasimplehan siya ng kurot ng nobya sa braso. They were no longer teens. Ngunit sa mga naobserbahan niya sa heneral sa mga nagdaang araw ay alam niyang masyadong sinauna ang mga paniniwala nito.
"I'm not really hungry. At mas gusto kong magpapak ng ulam, na-miss ko ang kare-kare ni Manang Salud."
Hindi na lamang nagkomento si Zenith at baka mabaril siya ng heneral kahit kaharap pa nila sina Mariz at Odi.
Matapos ang nakakatensyong pananghalian ay pinasunod ni Gen. Andrade sa library si Zenith. Bumakas ang pag-aalala sa mukha ni Mariz. Bagay na kaagad na pinawi ni Zenith sa pamamagitan ng paghalik sa sentido nito.
"Relax. Sigurado akong may pag-uusapan lang kami," pagpapakalma niya rito kahit pa nga ang totoo ay parang dinadaga na naman ang dibdib niya.
FOR some reason ay hindi maipaliwanag ni Mariz kung para saan ang kabang biglang bumalot sa dibdib niya. Tumagal nang halos isang oras pag-uusap ng kanyang ama at ni Zenith. Nang lumabas ang nobyo mula sa library ay kapansin-pansin ang kunot nito sa noo na parang ang lalim ng iniisip.
"What happened?"
Bigla ang pagbabago ng ekspresyon nito nang tumingin sa kanya. Ang kanina'y nakakunot na noo ay kaagad na nabura at napalitan ng ngiti.
"Is there something wrong? May sinabi ba sa'yo si Papa?" magkasunod niyang tanong nang hindi kaagad ito sumagot.
Ngumiti lang ito atsaka siya marahang kinabig payakap. "Wala naman. Magpahinga raw muna ako ngayong araw at mukhang pagod na pagod na ako."
Marahang itinulak ni Mariz sa dibdib ang nobyo upang matitigan ito nang mata sa mata. Nang ngumiti ito ay alam niyang may mali. He was hiding the truth behind his smile.
"Zee."
"Ano bang reaksyon yan?" he brushed her cheek with his thumb. "Chill, okay? Gusto mo bang mamasyal? Rest day mo ngayon, di ba? Let's go out, manood tayo ng sine."
"I don't feel like going out. I'd rather stay here, maligo sa natural pool na ipinagawa sa inyo ni Papa."
"Okay. Kung ano ang gusto mo, ikaw ang masusunod."
"Really?"
"Really."
"I'll just go and change into my swimwear," pero sa isang sulok ng isipan ni Mariz ay igigisa niya ito para mapilitang magsabi kung ano ba ang napag-usapan nito at ng kanyang ama sa loob ng library.
Two piece ang balak na isuot ni Mariz para sana ma-distract ang nobyo at hindi nito magawang magsinungaling sa kanya. Pero ang balak niya ay hindi niya naituloy nang makita ang bakas ng kapusukan nila ng nagdaang magdamag. Ang dami niyang love bites!
"Darn it," inis na bulalas niya.
Palibhasa ay aantok-antok pa siya nang maligo kanina sa loob ng banyo ni Zenith kaya hindi niya masyadong nabistahan ang katawan. Nang magbihis naman siya ay tamang kuha lang siya sa pares ng longsleeve top at jeans na naiwan niya dati pa sa bahay nito.
Nang silipin niya ang mga singit-singit ng kanyang katawan ay namumutiktik ang bakas ng mga halik doon ng nobyo. Lalo na sa magkabila niyang punong-hita at tiyan. Nang maalala niya kung paano niyang nakuha ang mga markang iyon ay nag-init ang buo niyang mukha. At siyempre pati na ang kanyang katawan.
Naiiling na kumuha na lamang siya ng malaking t-shirt at tattered shorts. Pupuwede na iyon kaysa naman maeskandalo ang kanyang ama kapag nakita nitong tadtad ng hickeys ang balat niya.
Paglabas ni Mariz sa kanyang silid ay nakita niya ang nobyo na tila lagusan ang tingin sa kaharap na bukas na bintana. Masyado bang interesting ang tinatanaw nito sa labas? O may nakamamanghang ditalye sa capiz window ng kanilang bahay na hindi man lang nila napansin sa napakatagal na panahon? Sa totoo lang alam niyang mas matanda pa sa kanya ang bintanang iyon.
"What's so interesting on that window?" aniyang iniharang ang kanyang mukha mula sa line of sight nito.
He tsked before he surveyed her from had to foot. "That's your swimwear?"
She tiptoed and whispered her reply. "I have so many hickeys all over my body. Gusto mong matadtad ng armalite ni Gen. Andrade?"
Napalunok ito saka muling sinuyod ng tingin ang kanyang kabuuan na para bang may x-ray vision ito. "Ooh-kay. Let's go."
"Ikaw, hindi ka na magpapalit ng suot mo?"
"Hindi naman ako maliligo, sasamahan lang kita."
"Hmm," well see about that, saloob-loob niya.
Napakaganda ng natural pool na ipinagawa ng kanyang ama. Sa tuwing bibisita siya roon ay talagang doon halos siya nakababad. Nang makita na nga niya iyon ay parang guminhawa ang pakiramdam niya. Napaka-refreshing naman kasi talaga ng kinalabasan. Bukod sa natural ang tubig mula sa bukal ay napaliligiran pa iyon ng lush green scenery na aakalain mong nasa gitna ka ng kagubatan.
"Wow, I missed my pool," hindi napigilang bulalas ni Mariz.
Bagay na ikinatawa naman ng nobyo sa tabi niya. "Gusto mo bang ipaggawa rin kita ng ganito sa magiging bahay natin?"
Waring nahinto ang pintig ng puso ni Mariz sa narinig. Magiging bahay natin?
Bigla ay parang nagbara ang kanyang lalamunan at biglang nag-init ang magkabilang sulok ng kanyang mga mata. Yes, he already proposed. But the plans for their future hindi pa nila napag-uusapan. And hearing him say that rendered her speechless.
"I... I love your house. I don't care kahit walang pool, may Jacuzzi naman."
He chuckled and pulled her for a hug. "I want to give you everything, sweetheart. Kung puwede ko nga lang sungkitin ang buwan at mga bituin, gagawin ko and laid them at your feet."
"Aw, you're making me cry."
Tumawa lang ito.
Mayamaya pa ay hinila na ni Mariz ang nobyo sa tubig. Parang kinakawayan na siya niyon na maglunoy. At wala ng nagawa si Zenith nang buong lakas niya itong hilahin para samahan siya. Katamtaman lamang ang lalim niyon. At napakalamig ng tubig. Pero ayos lang din dahil katirikan ng araw, ayos lang sa kanya kahit abutin na sila ng hapon pagbababad doon.
Naramdaman niya ang pagpulupot ng braso ng nobyo sa kanyang baywang. Nakangiti siyang pumihit paharap dito at iniyapos ang dalawang braso sa leeg nito. Yumuko ito at kinintalan siya ng halik sa noo.
"I have something to tell you. At sana hindi sumama ang loob mo."
Sa kabila ng paunang-salita ni Zenith ay kabaliktaran niyon ang naramdaman ni Mariz.
"I'm gonna be away for a while."
"I knew it," mabilis siyang bumitiw sa pagkakayakap dito at tangkang lumangoy palayo ngunit maagap siya nitong napigilan.
Hinapit siya nitong palapit, ang likuran niya ay nakasandal sa dibdib nito. Pilit niyang binaklas ang mga braso nitong nakapulupot sa baywang niya ngunit parang bakal sa higpit ang mga iyon na hindi niya mabaklas. Kinurot na niya at pinagpapalo pero walang silbi.
"Please listen to me, sweetheart, please, please, please..." he whispered against her nape. Isiniksik nito ang mukha sa kanyang leeg. Dahilan para magtayuan ang mga balahibo niya sa batok at mga braso. "General asked me to do something for him."
"Si Papa?"
"Yes. Gusto niyang bawiin ko ang isang napaka-importanteng bagay na iniregalo sa kanya ni Daddy."
"Iyon ang pinag-usapan niyo kanina?"
Naramdaman niya ang pagtango nito.
"I-is it dangerous?"
"It depends."
"What do you mean?"
"Depende kung ang taong 'yon ay may kinalaman sa pagkamatay ni Daddy."
"Zenith."
"Shh."
Nang ipihit siyang paharap ng nobyo ay hindi na siya nanlaban pa. Gayunma'y hindi niya napigilan sa pag-iinit ang magkabilang sulok ng mga mata. "H-how long will you be away?"
Sa halip na sagutin iyon ay hinila nitong pababa ang neckline ng t-shirt niya. Isang singhap ang umalpas sa kanyang mga labi nang hagkan nito nang mariin ang ibabaw ng left boob niya at mag-iwan iyon ng panibagong marka!
"Why did you do that?" kastigo niya rito.
"You asked how long. Before it fades, nakabalik na ako sa'yo."
"Siguraduhin mo lang."
"I promised."
"You'll be careful, okay?"
"Of course, your loveliness. I'll get back to you in one piece. And be ready," makahulugang sabi nito. "Hindi kita patutulugin nang magdamag."
-
ahem. sabi ko naman sa inyo, nagsisimula pa lang tayo 😂😂😂
always the naughtiest 😘😘
frozen_delights
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro