In the beginning...
MULING itinaas ni Zenith ang dalawang kamao at humanda sa muling pag-atake ng kanyang opponent. It was a friendly sparring. Ang kalaban niya ay si Vengeance Liu. Kanina pa ito nakalalamang ng puntos sa kanya at napipikon na siya. He heard Vengeance's father bragging to his Dad that his son trained in Thailand to hone his fighting skills in Muay Thai.
Who the fuck cares?! nasusuyang sabi niya sa sarili. He's into mixed martial arts, too. At tiniyak ng amang si Eiichi Fujimori na pawang mahuhusay na instructor ang magtuturo sa kanya upang mahasa ang husay niya sa pakikipaglaban.
Nang mapatingin siya sa direksyon ng kanyang ama ay nakita niya ang dismayadong ekspresyon sa mukha nito. Mukhang hindi nito nagugustuhan ang mga nangyayari. Nagtiim ang kanyang mga labi sa isiping na-disappoint na naman niya ang kanyang ama. He hates disappointing his father. Madalas nitong sabihin na ayaw nitong magkaroon ng anak na mahina. He even hates the fact that most people regards him as pretty boy. Lalaki raw siya. At ang isang lalaki ay hindi dapat tawaging pretty. His father is a notorious Yakuza. At simula yata nang mamulat siya sa mundo ay itinatak na nito sa isip niya na isang liability ang anumang senyales ng kahinaan.
Umatake si Vengeance. Ilang sipa at knee strike ang pinawalan nito. Salag at ilag at mabilis na footworks ang ginawa niya. He wants to corner him. At nababasa niya kung ano ang gusto nitong gawin. He is attempting to grip his head. Clinch. Kapag nangyari iyon ay tapos na ang kanilang laban. But he's not gonna lose. He won't allow it. Never. Mistula silang dalawang tandang na naggirian sa gitna ng octagon. It was a freestyle sparring using any form of martial arts.
Sumipa siya sa ilalim, nakaiwas ito at hangin ang kanyang nahagip. Bahagyang umikot ang kanyang katawan. Umatake ito ng sipa sa itaas, ginamit niya ang gravity para mai-bend ang katawan at maiwasan ang atake nito. Vengeance delivers a low kick and hits the side of his knee. Napaluhod siya. Muli nito iyong sinundan ng isa pang sipa, aiming for the side of his head ngunit mabilis niyang nasalag iyon ng kanyang braso. Ginamit niya ang kanyang ulo at sinuwag ito sa dibdib. Hinuli niya ang binti nito at mahigpit itong hinawakan sa ilalim ng tuhod at sunod-sunod na suntok sa tagiliran nito ang kanyang pinawalan.
Ibinuhos niyang lahat sa suntok na iyon ang kanyang desperasyon na manalo. He needs to win. He must win. He hits him with his elbow, then his knee. He grabbed the back of his neck and was about to deliver a deadly blow when someone grabbed him from behind.
"Enough, enough!" awat ng isa sa kanilang mga instructor na siyang tumatayong referee sa kumpetisyong iyon.
Putok ang mga labi at namumula ang isang bahagi ng mukha ni Vengeance. Ngunit kung anong galit ang nakabakas sa kanyang mukha ay siya namang kawalan ng emosyon sa mukha nito. He's a puzzle to him. Kahit dalawang magkasunod na taon na niya itong nakasama sa training camp na iyon sa tuwing sasapit ang bakasyon sa eskuwela, isa pa ring malaking palaisipan sa kanya kung bakit para itong robot na walang emosyon. Hindi rin ito nakikihalubilo sa mga kaedaran nilang bata. Madalas itong mapag-isa, kung hindi libro ang hawak ay panay ensayo lamang ang ginagawa nito.
"Zenith wins."
Nang maalala niyang muling sulyapan ang kanyang ama ay likuran na lamang nito ang nahagip niya. Naglalakad na itong paalis habang may kausap na dalawang lalaki. Gusto niya itong tawagin at sabihing: Dad, look at me. I won.
Gusto niyang makita ang tuwa at pagmamalaki sa mukha nito habang inaanunsyo ng referee ang pagkapanalo niya. Ngunit bigo siya. Kunsabagay, kelan nga ba nangyaring natuwa ito sa mga achievements niya? Nakatiim ang mga labing iwinaksi niya ang kamay na nakahawak sa kanya at umalis ng octagon.
The next match was announced. It was Torment Izquierdo versus Callous Dubois. Katropa niya si Callous. Magka-batch sila nang pumasok sa training camp. Torment is way older than them. He's probably fourteen going fifteen. Nauna rin itong pumasok sa kanila sa training camp. Filipino ang tatay nito at lider ng isa ring sindikato. Oo, ang training camp na iyon ay para sa mga anak ng mga bigating lider ng underground society. And yes, his family belonged to that group. At ang training camp na iyon ay paghahanda para sa kanila sa panganib na laging nakaamba sa kanilang mga buhay. Dahil pagdating ng tamang panahon, obligasyon nilang protektahan hindi lang ang kanilang mga sarili kundi maging ang kanilang pamilya.
Mainit kaagad ang sagupaan nina Callous at Torment. At may nadamang pagkainggit si Zenith sa mga ito. No wonder his father was not impressed by his fighting skills. Watching those two inside the octagon made him look so friggin' weak. Parehong napakagaling ng mga ito sa pakikipaglaban gayong kung iisipin ay magkasing-edad lamang sila ni Callous at sabay pa silang pumasok ng camp.
Nakita niya ang sabay na paglundag nina Callous at Torment sa ire. Sabay ring nagpawala ng sipa ang mga ito. Callous hits Torment's middle and the latter hits his friend on the jaw. Di-hamak na mas mahaba ang mga biyas ni Torment kumpara kay Callous kaya malayo ang naabot ng sipa nito. Parehong ininda ng dalawa ang tamang natanggap. Nakita pa niya ang pagsargo ng dugo sa ilong ng kaibigan nang lumapag ang mga paa nito sa octagon. Habang si Torment naman ay sapu-sapo ang tiyan.
Hindi na hinintay ni Zenith na matapos ang laban. Para kasing nahuhulaan na niya kung ano ang magiging katapusan niyon. Kung hindi magbabago ang momentum ng pakikipaglaban ni Callous, posibleng tumabla. Ngunit isang pagkakamali nito ay natitiyak niyang katapusan na ng kaibigan. Hindi iyon ang unang pagkakataon na napanood niyang lumaban sa octagon si Torment kaya alam niya kung gaano kahusay ito. Suwerte pa nga na hindi ang pangalan nilang dalawa ang nagkatapat sa laban. Kung nagkataon ay kaagad siyang may kinalagyan.
Lumabas siya sa pinagdarausan ng kumpetisyon. He noticed that most of the big shots are not there. Kabilang na ang mga magulang nina Torment at Callous. Gayong dati-rati naman ay nanonood ang mga ito kasama ang kanyang ama.
Mayroon na naman kayang emergency meeting ang mga ito? Taun-taon, kasabay ng pagpasok nila sa training camp ay nagkakaroon din ng tila convention ang underground society na kinabibilangan ng kani-kanilang pamilya. Ngunit kumpara sa kanilang training ay maikling panahon lamang ang ginugugol ng mga ito sa pagtitipong iyon. Samantalang sila, buong panahon ng bakasyon ay mananatili sa training camp hanggang sa magsimula na ulit ang klase.
"Alam niyo ba kung ano ang nasa likod ng chain-link fence na'yan?"
Naudlot ang paglalakad ni Zenith patungo sa kanilang barracks nang marinig niya ang boses na iyon. Kilala niya kung kaninong boses iyon. Ang pinakamakulit at pinakapasaway na newbie sa kampong iyon. Si Scythe de Asis. Ito ang parating nagpapasimuno ng mga kalokohan doon kaya sila madalas maparusahan. Ke bago-bago nito sa training camp ay napakaangas. May mga natutuwa sa kakulitan nito, ngunit mas lamang ang naiinis dahil nga lagi silang nasasali sa parusa.
"Isn't it obvious?" narinig niyang sagot ni Ominous Burman. "It's a jungle full of wild animals."
"Hah! That's what you think. Iyon lang ang sabi sa inyo ni Sarge para walang magtangka na kahit isa sa inyo na pumasok d'yan."
"Bakit? Ano ba ang iniisip mong meron sa loob ng kagubatang 'yan?" tanong ni Menace La Guardia.
"The Yamashita Treasure," confident na sagot ni Scythe.
Tinawanan ito ng mga naroroon at maging siya ay napangiti rin sa kalokohang pumasok sa isip nito.
"Alright, I have one question for you, gentle dogs," nakangising wika nito na tila hindi man lang nawala ang composure sa pagtatawanan ng lahat. Inikot nito ang tingin sa lahat ng mga nakapaligid dito kabilang na siya. "Do you have any idea where we are right now?"
"Philippines," sagot ng isa na tila siyang pinakabata sa kanila, si Qaid Demir.
"Good answer, dog. But where in the Philippines, does anyone know?"
"Cagayan Valley," sagot ni Vengeance.
Noon lamang napansin ni Zenith na naroroon na pala ito. And he seemed okay, too. May plaster na ang mga sugat nito at nakapagbihis na rin.
"Very good! Give the boy the prize!"
"You're saying that the Yamashita Treasure was buried in there?" ani Trace Agostinelli.
"Exactly. Aren't you wondering why our folks chose this place for their annual meetings when they can do it somewhere in Europe? Not to mention, setting up this camp in the middle of the valley?"
"Didn't it also cross your mind, dumb ass, the strategic position of our location?" kontra namang wika ni Ferocious de Silva. "In case you didn't know, it's accessible to sea ports. And that's the easy route for them to gain entry under the radar of authorities."
"Of course, I know about that, Einstein. Pero marami ring bansa sa Asya ang may mas maluwag na patakaran sa pagpapapasok ng mga foreigners sa bansa nila. Why not there?"
May palagay si Zenith na buo na ang isip ni Scythe sa ideya nito na may nakatago ngang kayamanan sa loob ng kagubatang iyon. The thought was actually thrilling. For once, mukhang magiging enjoyable ang training camp na iyon.
"So, what are you planning to do kung totoo ngang may treasure sa jungle na 'yan?" tanong ng isang bata. Kung hindi siya nagkakamali ng tanda sa pangalan nito, ito si Thorn Villegas.
More or less ay nasa apatnapu ang kabataang naroroon sa training camp na iyon na pawang anak ng mga miyembro ng underground society. Kahit ang mag-iisang taong gulang pa lamang niyang kapatid ay papasok din doon pagdating ng takdang panahon.
"What else? Find it, of course. So, who's with me?"
"I'm in."
Parang iisang taong napatingin ang lahat sa direksyon niya.
Ang lapad naman ng pagkakangisi ni Scythe.
"Is there anyone else who wants to join us?"
"Count me in," mula sa likuran niya ay sabi ng isang boses.
Paglingon niya ay nakita niya ang halos nakapikit na ang isang mata na si Callous.
"Fuck, you look like hell," aniya rito na kaagad lumapit para tingnan kung ayos lang ito.
"How did you know? Have you been there?" pilosopong sabi nito.
Pumalatak lang siya at inalalayan itong maupo sa isang malaking ugat ng puno.
"Who won?" curious niyang tanong.
"Torment."
"Tsk. You had a chance against him, pero mukhang nagpabaya ka."
He just shrugged his shoulders as if it was no biggie.
"Sasama ka ba talaga? Mukhang malala ang mga bugbog mo compare sa akin."
"I'll ask Doc to patch me up."
Tatanungin pa sana niya kung sigurado ito ngunit nabasa niya ang katiyakan sa ekspresyon ng mga mata ng kaibigan.
"Okay, if you say so."
Habang nag-uusap silang magkaibigan ay patuloy naman si Scythe sa panghihikayat sa mga naroroon pa na sumama sa treasure hunt na naisip nito.
"Do you think it's true?" ani Venom Estevez.
"I don't know," sagot niya. "But it sounds fun, though."
"I know, right?"
Hindi na niya kailangang magtanong kung interesado rin itong sumama. Despite their rigorous training in the camp, some days can be really boring. Ni wala silang ibang diversion sa lugar na iyon kung hindi ang magbasa. Which he hates doing. Iyon na nga lang ang maituturing na break nila mula sa pag-aaral, pagdating sa camp ay ganoon pa rin ang ipagagawa sa kanila.
Hindi lahat ay nahikayat ni Scythe na sumama sa treasure hunt nito. Ngunit binalaan nito ang mga iyon na huwag magsusumbong kay Major--ang pinakamataas na opisyal at nangangasiwa sa kampong iyon--dahil tiyak na malalagot ang mga ito sa kanya. Gusto niyang bumilib sa lakas ng loob nitong magbanta ng ganoon, samantalang bukod sa newbie ito ay patpatin ito at hindi naman ganoon katangkad. Physically ay mukha itong mahina, ngunit kung angas at tiwala sa sarili ang pag-uusapan nag-uumapaw ang taglay nito.
Kinagabihan ay tinipon ni Scythe ang lahat ng interesadong sumama sa treasure hunt na plano nito. Sampu sila sa kabuuan kasama na ito. Sinabi nito ang mga importanteng gamit na kakailanganin nilang dalhin particular ang flashlights at baterya. Tunnel daw ang papasukin nila. Base sa mapang hawak nito, medyo malalim iyon at marami silang pagdadaanang pasikot-sikot.
"Isn't it dangerous?" tila may pag-aalalang tanong ni Venom.
"Are you chickening out? Pock, pa-pock-pock," pang-aasar ni Scythe.
"I was just asking, retard."
Maayos na ipinaliwanag ni Scythe ang plano. Na bagama't malalim ang tunnel ay marami iyong branches na puwede nilang lusutan patungo sa mga underground cave. Sa paraan ng pagpapaliwanag nito ay confident talaga ito na mahahanap nila ang Yamashita Treasure. He's not hopeful, but it's worth a shot. Ano nga naman ang malay nila, baka ang kayamanang mailap sa mga nakatatanda sa kanila ay sila ang suwerteheng makakuha.
"What are you going to do if we find the treasure?" asked by Qadid.
"We'll split it into ourselves, of course. Pantay at walang lamangan. Take everything you can carry so make sure na may dala kayong bag para meron kayong paglalagyan, are we clear?"
"What about food?" tanong ni Thorn.
"That shouldn't be a problem," pakibit-balikat na sagot nito. "Para saan pa ang training niyo kung kahit isang baboy-ramo ay hindi niyo kayang makatay?"
"Bakit marunong ka bang magkatay?" tanong dito ni Callous, tila may panghahamon.
"Kapag kumakalam na ang sikmura niyo kahit pagkakatay ng tao aaralin niyo."
"Pansin ko lang, bakit third person ang gamit mo? Parang kami lang ang isasabak mo sa kapahamakan, ah," sabi ni Menace.
"I'm your navigator kaya dapat lang naman na kayo na ang bahala sa pagkain."
Napailing-iling si Zenith. May pagkatuso rin ang isang 'to, saloob-loob niya.
Isa-isang nagreklamo ang kanilang mga kasama. Siya ay sinarili na lang kung anuman ang iniisip. Puwede siyang magpuslit ng ilang snack bar dahil giliw na giliw sa kanya ang cook na nagluluto ng mga pagkain nila. Gandang-ganda ito sa kanya, sana raw ay makamukha niya ang magiging anak nito. Noong una ay naiinis siya. Pero ngayon ay mukhang magagamit niya sa kanyang pabor ang pagkawili ng cook. Hihingi siya rito ng ekstrang pagkain na puwede nilang mabaon ni Callous. He loves meat. Pero hindi niya ma-imagine ang sarili na nagkakatay ng hayop para lang makakain ng karne. That's so gross.
Inilatag ni Scythe ang plano kung kelan nila gagawin ang treasure hunt. Kinabukasan iyon ng gabi. Kapag tulog na ang lahat ay pasimple silang pupuslit sa likod ng kanilang barracks kung nasaan ang fence. Nakahanda na raw ang steel cutter hand tool nito para ma-cut ang chain link fence. Damang-dama nila ang excitement nito, at tila nahawa na rin dooon ang lahat. May pagdududa man sa isip niya sa paglilider-lideran ni Scythe, nakalalamang doon ang kagustuhan niyang masubukan ang adventure na iyon. Kahit pa nga pagkatapos noon ay posible silang maparusahan.
"It looks creepy," ani Trace na nakatingin sa madilim na kagubatan sa loob ng mataas na fence.
"It looks mysterious to me," saad naman ni Venom.
Napatingin siya sa kadilimang bumabalot sa kagubatang pinagmamasdan nila. Ano nga kaya ang kapalarang naghihintay sa kanila sa sandaling pasukin nila ang lugar na iyon?
-
expect slow update :)
I need to do more research.
frozen_delights
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro