Hold Me
thank you for your undying support. here's from the untouchables😘😗😙😘😗😙 😚😘😗😘😗😙 pili na lang kayo kung kaninong kiss ang gusto niyo.
.
HINDI pa rin makapaniwala si Zenith na girlfriend na niya si Mariz. Nakakabigla man ang mga pangyayari ay hindi niya rin maitatangging sobra-sobra ang katuwaan niya. Marami man siyang karanasan sa babae ngunit ito pa lamang ang matatawag na official girlfriend niya.
Nang maihatid ng kasambahay ang inumin at lechon manok na hinihingi ni Mariz ay kaagad na tinagayan ng dalaga ang dalawang baso.
"A toast," anito. Iniabot ang baso ng alak sa kanya.
"A toast to a long-lasting relationship," he said.
"Long-lasting, huh?" she smiled, but it does not hide the hint of sadness in her brown eyes. "I like that--a long-lasting relationship. Let's have that, shall we?"
"We will have that," paniniyak niya rito saka pinagpingki ang kanilang mga baso.
Sabay nilang tinungga ang baso na may lamang vodka. It was a pricey one, he noticed. And according to Brigida Deville the pricier the vodka, the fewer impurities and less chance of bad hangover. Mayamaya pa ay nag-request si Mariz na gamitin nila ang karaoke player machine. Mukhang naka-standby mode naman iyon kaya kinuha na lang niya ang remote para i-on ang aparato. Ngunit laking gulat niya nang ang lumabas doon ay ang nangyaring drinking session nila noong nakaraan!
Mabilis na sana niyang i-o-off iyon ngunit huli na. Nakita na ni Mariz ang nakakahiyang sandali sa kanyang buhay! Ang eksena pa naman ay eksakto kung saan siya umaatungal sa kanta ni Bryan Adams!
Fuck! I will wring your neck, Q! May palagay siyang sinadya ng ungas na iyon na iwan doon ang USB. Ililibing niya ito nang buhay!
He turned off the video.
"Hey, I'm watching," protesta ni Mariz.
"Gusto mong mag-videoke, di ba?" nag-iinit ang mukhang sabi niya. "Tatanggalin ko lang 'yong USB."
"No. Tatapusin ko muna ang video."
Magrereklamo pa sana siya ngunit kinuha na nito sa kamay niya ang remote. Muli nitong binuhay ang aparato at prenteng pinanood ang nakaka-eskandalong sandali ng buhay niya. Hindi pa ito nasiyahan, naibalik nito mula sa umpisa ang palabas. Tawa ito nang tawa. Siya naman ay halos itago na ang sarili sa ilalim ng kinauupuan nila.
"Gad," ungol niya.
"You were all like a bunch of kids," tawa nang tawang sabi ni Mariz. Kulang na lang ay gumulong ito roon habang tutop ang tiyan.
Ilang ulit pa nitong pinanood ang video, na talaga naman. Talo pa yata nito ang nanood ng pelikulang comedy. She was laughing so hard. Nakahawak ang isang kamay sa tiyan at maluha-luha ang mga mata.
"But of course, I have my personal favorite. Drum rolls, please.I present to you, ladies and gentlemen, the singing drun-ken masteeer!" inilahad nito ang kamay sa kanya.
Napapahiya man ay tumayo si Zenith at nag-bow sa kanilang imaginary audience. Panay ang palakpak ni Mariz. Habang nakatingin sa tumatawang kasintahan ay naisip ni Zenith na ayos lang na maging source of amusement siya nito kung makakabawas iyon sa dinadala nitong problema. Nang lumapit ito sa kanya at tutupin ang magkabila niyang pisngi ay hindi siya kaagad nakagalaw. Tumiyad ito sabay lapat ng mga labi sa kanya.
"Hmm-mwah!"
Maagap niya itong sinuportahan sa beywang nang ilayo nito ang sarili.
"Oops," muntik na itong mawalan ng balanse.
"I think you're drunk already," sabi niya habang inaalalayan itong maging steady.
"Tss, hindi , 'no? Hindi pa nga natin napapangalahati ang isang bote."
"Mataas ba ang alcohol tolerance mo?"
"Um, ayos lang."
"Anong ayos lang?"
"Aah-yos lang. Capeesh?"
"Capisco," amused na sagot niya.
"Okay, kakanta na ako."
Eksakto namang pagkasabi nito niyon ay biglang kumulog at kumidlat. At dahil salamin halos ang malalaking bintana ng loft ay kitang-kita nila sa loob ang pagdidilim ng langit. Gusto niyang matawa nang biglang malukot ang mukha ni Mariz.
"Hmp, kahit komontra pa ang langit, kakanta pa rin ako," nakaingos na saad nito.
"At dahil girlfriend kita, suportahan kita, sweetheart."
"Huwag kang magtatakip ng tenga, ha?"
"Hinding-hindi ko gagawin 'yon, promise."
"Good." Pumili na ito ng kanta.
He wasn't expecting much nang magsimula itong kumanta. And though he was expecting the worst, her voice is not that bad.
So much to believe in, we were lost in time
Everything I needed I felt into your eyes
She looked into his eyes and winked. Para namang kinabog ang dibdib niya. Ang ganda-ganda nito lalo at namumula ang magkabilang pisngi.
Always thought of keepin', your heart next to mine
But now that seems so far away
Don't know how love could leave without a trace
Where do silent hearts go?
Where does my heart beat now?
Where is the sound?
That only echoes through the night?
Where does my heart beat now?
I can't live without
Without feeling it inside
Where do all the lonely hearts go?
Habang kumakanta ito ay hindi niya maiwasang mapaisip nang malalim. As far as he knows ay wala naman itong nobyo o manliligaw. Kaya bakit parang masyadong broken hearted ito?
Candle in the water, drifting helplessly
Hiding from the thunder, come and rescue me
Driven by the hunger, of the endless dream
I'm searching for the hand that I can hold
I'm reaching for the arms that let me know
Where do silent hearts go?
Where does my heart beat now?
Where is the sound
That only echoes through the night?
Where does my heart beat now?
I can't live without
Without feeling it inside
Where do all the lonely hearts go?
Where do all the lonely hearts go?
Damang-dama niya ang paghihirap sa boses nito. Kahit sumasabit ang boses sa matataas na nota ay naroon 'yong emosyon, frustration. Hinayaan niya lang ito na ilabas ang lahat ng tila naipong hinanakit sa dibdib. Not minding kung may kasalit na pagpiyok ang bawat pagpipilit nitong maabot ang high notes. Celine Dion ba naman ang kantang napili nito.
Then one touch overcomes the silence
Love still survives
Two hearts needing one another
Give me wings to fly
Where does my heart beat now?
Where is the sound
That only echoes through the night?
Where does my heart beat now?
I can't live without
Without feeling it inside, oooh
I need someone to give my heart to
I feel it getting stronger and stronger and stronger, yeah!
And I feel it inside
Hearts are made to last, 'til the end of time...
Nang matapos nito ang kanta ay nakita niya ang pagpapahid nito ng mga luha. Kinuha niya ang mic mula rito at kinabig ito sa kanyang dibdib.
"'Want to tell me about it?" aniya.
Narinig niya ang mahinang paghikbi nito sa gitna ng malakas na pagbuhos ng ulan.
"My parents are splitting up."
Hindi siya kaagad nakasagot sa sinabi nito.
"N-nagkaroon ba ng ahm, affair ang Papa mo?"
Isang tawang may bahid ng histerya ang pinawalan nito. Pagkatapos ay umiling.
"Every one would expect that, but the irony it wasn't Papa who had an affair."
Lalo na siyang napipilan sa tugon nito. Hinayaan niya lang itong umiyak. Hindi nakapagtataka kung bakit ganoon na lamang kalungkot ito. Nang humupa ang pag-iyak ng nobya ay bumalik ito sa kinauupuan at muling tumagay. Nagpatuloy rin ang pagkanta nito, sinasabayan ang malakas na buhos ng ulan sa labas ng loft. Hinayaan niya na lang. Nang humiling itong kumanta siya ay pinagbigyan niya. Tila lalo pang lumakas ang buhos ng ulan, bumabagyo na nga yata. Dalawa na kasi silang umaatungal sa mic.
Hanggang sa maubos na nila ang isang bote.
"Kuha ka pah," ungot ni Mariz.
"Lasing ka na. At hindi pa tayo naghahapunan," aniya. Lampas ng alas- siete ng gabi ng mga oras na iyon. "Let's eat dinner at pagkatapos ihahatid na kita sa inyo."
"Ayokong umuwi."
Napakamot siya batok. "Okay. Pero tama na ang inom, kakain na lang tayo."
"Tss," umingos ito. "You are such a fuddy duddy."
"Iniingatan lang kita."
Umusli ang mga labi nito sa pagkakasimangot. Namumungay na ang mga mata nito at nagro-rosy ang magkabilang pisngi sa kalasingan. Halos ito lang kasi ang umubos ng alak. Parang tubig lamang nito iyong nilaklak.
Hindi naman nagtagal at nagpahatid ng masaganang hapunan si Qaid para sa kanilang dalawa.
"Masarap palang mag-stay rito, may libreng food," Mariz was giggling nang alalayan niya itong maupo sa harapan ng nakahaing pagkain sa parihabang mesa. "Tumatanggap kaya ng boarder si Qaid?"
"Kain nang kain," pasupladong sabi niya saka ito ipinaglagay ng corn soup sa bowl. "Ito muna ang higupin mo."
"Sungit," nakangusong komento nito saka dinampot ang kutsara.
"Careful, it's hot."
"I know, I'm hot," she giggled.
Napangiti siya. Ang kulit pala nito kapag lasing, parang bata.
Habang humihigop ng mainit na soup ay patingin-ting ito sa malakas na buhos ng ulan sa labas ng loft.
"Gusto kong maligo sa ulan."
"Huwag na at baka magkasakit ka pa."
"Maliligo lang sa ulan magkakasakit kaagad?"
He tsked. Nilagyan niya ng kanin at ulam ang plato nito. "Kain na."
"Ligo tayo sa ulan, please, please, please?"
"No."
"Baby Zee, pu-lesh?" nangalumbaba ito sa mesa atsaka siya pinapungayan ng mga mata.
"Jeez."
"Papayag na 'yan."
"Okay, fine. Pero hindi dito."
"What do you mean?"
"Pag-uwi na lang natin sa bahay. At least doon may maipapamalit kang damit."
"I'm sure Qaid won't mind kung manghihiram ako sa kanya."
"Absolutely no. I will not allow my girl to borrow another man's stuff."
"Seloso."
"Because you are already mine. And I don't share," kinudlitan niya ito ng halik sa labi bilang pagtatapos sa kanyang sinabi.
"Fine. Let's hurry, then. Baka tumigil na ang ulan."
That's the idea, saloob-loob niya habang sumusubo ng pagkain. "Eat slowly. Baka hindi ka kaagad matunawan sa ginagawa mo. Napakalakas ng ulan, baka nga baha na ang ibang kalye. I'm sure hindi kaagad titila 'yan."
"Sigurado ka? Kapag ako hindi nakaligo sa ulan," may pagbabantang sabi nito saka siya pinanliitan ng mga mata.
Nginitian niya lang ito.
Pero katulad ng sinabi niya, hindi nga kaagad tumila ang ulan. After dinner ay bumiyahe na sila pauwi sa kanyang bahay. May isang oras na biyahe iyon mula sa loft. Moderno at malayo sa mga kabahayan dahil iniiwasan niya ang mga usyoserong kapitbahay. Tatlong palapag iyon at may basement kung saan niya iginagarahe ang kanyang dalawang sasakyan at ang kanyang big bike. His security is quite tight, thanks to their computer whiz friend Qaid. Ito ang nag-i-install ng security sa bahay nilang lahat na magkakaibigan. They even have a locator chip--na ito rin ang may gawa--embedded on their body in case anything happens to any one of them.
"Here we are," aniya nang maigarahe ang sasakyan.
Tila amazed na iniligid ni Mariz ang mga mata. There's nothing much to see in there. Makikita lamang ang kagandahan ng bahay niya mula sa front lawn. At ang pinto ng basement na remote operated ay nasa likuran ng tatlong palapag na bahay. Pakurba ang medyo pabulusok na kalsada. Nakatirik iyon sa malawak na solar na napaliligiran ng hindi maliparang uwak na berdeng kaparangan. And that vast land is family owned. Na ang bawat hangganan ay napaliligiran ng barb wire.
Binuksan niya ang pinto sa tapat ng nobya at lumabas ito ng kotse. Fingers entwined, iginiya niya ito sa hagdan paakyat sa unang palapag. Lumabas sila sa pagitan ng breakfast room at kitchen.
"Wow, you have a very nice place," wika nito na inilibot ang tingin sa modern interior ng bahay niya.
"I'll give you a tour."
"Hmm," tumingin ito sa labas ng malalaking sliding glass door. Gumuguhit sa papawirin ang paminsan-minsang pagkidlat. "Maligo muna tayo sa ulan."
Inawat na lang niya ang sarili na mapailing. Ang buong akala niya ay magbabago ang isip nito dahil sa matatalim na kidlat, pero nagkamali siya. Binuksan niya ang pinto at magkahawak-kamay silang lumabas sa patio. Mahalumigmig ang hanging sumalubong sa kanila. Isinahod ni Mariz ang mga kamay sa ulan.
"Hoo, lamig!"
Kukumbinsihin sana ulit niya ito na huwag na silang maligo sa ulan. Puwede naman itong mag-shower na lang sa loob kung gusto talaga nitong maligo. Pero bago pa niya naibuka ang bibig ay tumakbo na ito sa ulanan at parang batang umikot habang nakadipa ang dalawang kamay. Nakatingala ito sa langit at kaygandang pagmasdan habang isinasahod ang mukha sa patak ng ulan.
Inilabas niya ang kanyang cellphone at kinunan ito ng picture. Hinayaan niya lang itong mag-enjoy. She looks like a goddess. A wet goddess whose upper body was clad in a see-through camisole top that hugged her curves in the right places.
Uh, shit.
Pinilit niyang iiwas ang tingin sa nakatutuksong tanawin. Lasing ito at emotionally down. Pangit na kumbinasyon para samantalahin niya ang kahinaan nito.
"Hindi mo ba ako sasamahan?" nilingon siya ng nobya.
"Ipaghahanda muna kita ng damit."
"'Kay, hurry back."
Muli ay parang bata itong naglaro sa ulan. Hindi siya nag-aalalang baka matisod ito roon o ano. May outdoor lamps sa paligid ng bahay niya na naka-set automatically pagsapit ng gabi kaya may sapat na liwanag ang buong solar. Nasa third floor ang silid niya at mayroon siyang home elevator kaya lumulan na siya roon para mabilis na makarating sa ikatlong palapag. Kumuha siya ng isang bagong boxers, sweatshorts at kamiseta. May robe at towels naman sa linen cabinet ng bawat banyo kaya hindi na siya nagdala.
Nang balikan niya si Mariz ay tila nag-i-enjoy pa rin ito sa paliligo sa ulan.
Hindi ba siya nilalamig? saloob-loob niya habang pinagmamasdan ito.
Marahil ay naramdaman nitong nanonood siya. Nakangiti itong lumingon sabay lahad ng isang kamay, pinalalapit siya.
Hinubad niya ang suot na sapatos at nilapitan ito. Nang abutin niya ang kamay nito ay hinigit siya nitong palapit at iniyapos ang mga braso sa kanyang beywang.
"You're cold," aniya. Ipinalibot niya ang mga braso sa katawan nito at masuyo itong hinagkan sa sentido.
"It's okay, just hold me. You can keep me warm."
And he did. They stayed like that for a while. Ngunit nang mas lumakas pa ang pag-ulan at pagkidlat, niyaya na niya itong magbanlaw. Bumahing ito nang pumasok sila ng bahay.
"I told you. Ang tigas kasi ng ulo," aniya nang hilahin na niya itong papasok ng banyo.
Tinimpla niya ang temperature ng tubig sa shower saka ito itinapat doon. Habang nasa ilalim ito ng shower ay iniluhod niya ang isang tuhod sa tiled floor at hinubaran ito ng suot na sapatos. Kaagad niyang nahubad ang isa. Isusunod na niya ang ikalawa nang bumagsak sa harapan niya ang hinubad nitong blusa. Napalunok siya at pinigilan ang sariling tingalain ito. Ngunit hindi nagtagal at sumunod doon ang suot nitong palda. Nabalunbon ang tela sa may paanan nito.
He took off her last shoe at sininop ang mga iyon kasama ng mga damit nito. Hindi pa rin siya tumitingin dito. Mahirap na, hindi ganoon kalakas ang kontrol niya pagdating dito.
"Zenith."
"Y-yeah?"
"Make love to me. Make me forget the pain."
-
ahem😁😁😁🥳🥳
your votes and comments keep me motivated😌😌
I will rest for a while🤧😷🤒
frozen_delights
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro