Falling Apart
NAPAHAWAK si Zenith sa magkabilang sentido. Pakiramdam niya ay kasalukuyang may nangyayaring demolition doon. Nagsama-sama yata ang lahat ng heavy duty equipment sa pagbabaklas ng bungo niya.
"Agh," ungol niya bago dahan-dahang bumangon mula sa kinahihigaang... tatami mat?
Nang igala niya ang paningin sa kanyang paligid ay noon niya lang napansin ang kinaroroonang lugar. He's still at the loft. O sa mas tamang salita, sila. Nakita niya si Scythe na nahihimbing pa di-kalayuan sa kanyang puwesto habang yakap-yakap ang basket ng balut. Sina Omi at Venom ay magkatabi sa isang tatami mat at mahigpit na magkayakap. Si Menace ay kung papaano lang ang pagkakahiga habang nakadantay naman ang isang binti sa tiyan ni Thorn. Si Trace ay nakadapa sa sofa habang nakalaylay ang isang braso.
What the hell happened? Talo pa ang may dumaang bagyo sa loob ng loft at kung saan-saan sila tumilapon.
Nang isa-isang magsulputan ang mga eksena ng nagdaang gabi ay parang lalong tumindi ang pananakit ng kanyang ulo.
Holy fuck. Napamura siya nang may maalalang ilang malalabong eksena. Did I really do that?
Dahan-dahan niyang itinayo ang sarili. Nasulyapan niya si Ferocious na nakaupo sa harapan ng dining table kaharap ang umuusok pang mug. Base sa nalalanghap niyang aroma sa paligid, bagong laga iyong kape. Nakasubsob ang ulo nito sa mesa at nakasabunot ang isang kamay sa buhok. Sa palagay niya ay kagigising lang din nito.
"Yo, catch!"
Awtomatikong tumaas ang kamay niya para saluhin ang bottled drink na inihagis ni Vengeance.
"That's alkaline water with electrolytes, by the way," wika nito. "Good for hangover."
He mumbled his thanks, removed the cap and took a long swig. Habang tutop ang kanang sentido ay naupo siya sa katapat ng inuupuan ni Ferocious. Bigla siyang may naalala.
"Where is Cal?"
"In the kitchen."
"Ah." Mahusay mangusina ang kanyang beastie kaya siguradong meron na itong inihandang masarap na hangover soup a la Callous.
Sa ilang saglit pa ay narinig na niya ang isa-isang pag-uungulan ng mga nakahiga sa sahig.
"Fuck! Kaninong basket 'to?!" si Scythe.
"Tangina! Ang sarap na ng panaginip ko. Akala ko bebot ang katabi ko, 'yon pala si Omi. Uh, my head..."
"Which head?"
"Shut the fuck up, Omi. Ouch."
"Tengene. Akala ko nga rin bebot ang kayakap ko, ikaw lang palang tukmol ka."
"Don't call me that. Do you even know what it means?" galit na singhal ni Venom sa kausap.
"Aba, malay ko. Masakit na ang bungo ko paghahanapin mo pa ako ng meaning ng salitang 'yan."
"It's a slang term for someone who is very ugly," sagot naman ni Vengeance.
"You hear that? Hustisya naman sa kaguwapuhan ko."
"Ugh, will you shut your trap?" galit na wika ni Thorn. "And you, remove your leg or I will break it."
"Galit na galit?" parang hindi apektadong sagot ni Menace saka isinampa ang isa pang binti sa tiyan ni Thorn.
"I warned you," tila napipikong ungol ni Thorn.
"Ang sungit mo naman sa umaga, love. Kagabi lang panay ang hirit mo sa akin ng isa pa, isa pang tuut-tuut."
"Gago!"
"Gross," angal ni Trace. Kinuha nito ang throw pillow sa sahig at itinakip iyon sa ulo para hindi marinig ang usapan ng mga kaibigan.
"Good morning, gentle dogs! Rise and shine!" malakas na bungad ni Qaid pagpasok ng loft. Bagong paligo na ito at preskong-presko sa suot na muscle tee at sweat pants. Sa likuran nito ay nakasunod ang tatlong tauhan na may dalang tray ng pagkain.
"Wow, fooood!" sabay-sabay na napabangon sina Menace, Thorn, at Venom pagkakita sa pagkain.
Kahit halatang mabibigat pa ang katawan ay isa-isa ng dumulog ang magkakaibigan sa hapag. Pang-labindalawahan ang pahabang mesang naroroon malapit sa bar. Sa may gilid niyon ay ang malaking sliding glass doors patungo sa main house kung saan nakatira si Qaid. Doon ito pumasok kasama ang mga tauhan. At hindi nagtagal pumasok din doon si Callous, dala nito ang isang malaking kaserola na inilapag nito sa gitna ng mesa.
"Whoa, lemme guess. Sinampalokang manok a la Callous?" ani Scythe.
"Be my guest," matabang na tugon nito.
Kanya-kanyang kuha ng mangko ang magkakaibigan at ipinila iyon sa tabi ng mainit na kaserola. Naiiling namang kinuha ni Callous ang sandok at parang mga batang ipinagsandok ng sinabawang manok ang mga kaibigan.
"Gusto ko ng puwet," request ni Scythe.
"Sa akin hita," ani Venom.
"Sa akin pek-pek," sabi naman ni Menace.
"Gago, nasa harapan tayo ng pagkain," saway rito ni Thorn. "Sa akin nga rin, with wings."
Napahilot ng sentido si Ferocious, gustong mapikon sa gulo ng mga kasama sa hapag.
"Puwede na sa akin ang breast," dagdag naman ni Trace.
"Same here," si Omi.
Tahimik lang na iniabot ni Zenith ang kanyang mangko.
"Ikaw, may request ka rin?" ani Callous sa kaibigan.
"Kahit sabaw lang."
Nilagyan nito ng isang pirasong hita ng manok ang kanyang lalagyan. Nang pare-pareho ng may hinihigop na soup ay namayani saglit ang katahimikan. Inihain ng mga tauhan ni Qaid sa hapag ang isang masarap na agahan. Tocino, tapa, pritong itlog, hotdog, bacon at ham, danggit at dinaing na isda na may sawsawang kamatis at pipino, sinangag at pandesal.
"Wa, da best talaga ang soup a la Callous," komento ni Scythe.
"Hmm, I agree. One hundred percent," sang-ayon naman ni Menace.
"Ano ba ang sikreto nito?" tanong ni Thorn.
"Medyas na hindi nilabhan ng isang taon."
Pare-parehong nasamid ang magkakatabing sina Thorn, Menace, Venom, at Trace. Tatawa-tawa naman sina Zenith at Qaid. Sina Omi at Scythe ay parehong walang pakialam. Parang isang linggong hindi pinakain ang dalawa. Si Ferocious ay salubong lang ang kilay kahit kumakain. As usual, poker face naman si Vengeance. Minsan ay para lang itong may sariling mundo.
Patapos ng kumain ang lahat nang kunin ni Qaid ang isang remote at itutok sa malaking flat screen television na naroroon. Sa pag-aakalang may importante silang misyon na ipapakita ng binata, sabay-sabay na lumingon doon ang magkakaibigan. Ngunit ang palabas na nakita nila roon ay nagpatanga sa kanilang lahat sa pagkakaupo. At hindi nagtagal, umulan ang kantiyawan at malakas na tawanan ng magkakaibigan!
"God damn," ang mahinang naibulalas na lamang ni Zenith dahil sa kanya nabunton sa huli ang pinakamalakas na kantiyaw.
"Ang lakas talaga ng tama mo kay Doc," pang-aasar ni Omi.
Tinungga na lang ni Zenith ang natirang tubig sa kanyang bote at hindi na nagkomento. Makakatanggi pa ba siya kung nagdudumilat naman ang katotohanan? Nagkatisod-tisod pa siya dahil nakaharang sa daan ang binti ni Menace habang lumalapit siya sa screen. Ang mga ungas ay pinagtawanan lang siya. Mga siraulo talaga, ang lalakas ng tama.
"I'm gonna send this to Tor," ani Qaid.
"Puwede rin kay Doc," suggestion ni Vengeance.
"Hmm," napangising-dimonyo si Qaid.
"Don't even think about it," mariing babala ni Zenith. Alam niyang madali lamang dito na gawin iyon.
Nakangising nagkibit ng balikat na lamang si Qaid.
"I'm warning you, Q."
Pinagdikit nito ang dalawang magkakuyom na kamao na parang sinasabing nakatali na ang dalawang kamay nito at wala itong ibang gagawin.
Hindi nagtagal at nakatanggap sila ng tawag mula kay Tor. Nagbigay ito ng update. At bagong misyon para sa kanilang lahat. Mahaba ang naging pagpupulong. Sa loft na rin sila nananghaliang lahat habang ginaganap ang meeting at planning sa nalalapit nilang operasyon. Their next mission is arm smuggling. Sangkot ang ilang matataas na opisyal ng hukbong sandatahan. Nang sabihin ni Ferocious ang bahaging iyon ay sandaling dumaan ang katahimikan.
"What?" may pagtatakang tanong ni Zenith nang mapansing sa kanya nakapako ang tingin ng mga kaibigan.
"Di ba ang tatay ni Doc mo ay isang general?" ani Qaid.
Dito kasi siya humingi ng tulong para kumuha ng ilang importanteng ditalye tungkol kay Mariz.
"So? Are you saying he's one of the rotten eggs?" diretso niyang sinalubong ang mga mata ni Qaid.
"Well, I never went beyond what's necessary when you asked me to look into Doc's family background."
"I don't think he's one of them," may conviction na sagot niya.
"'Kay, if you say so."
Hindi na rin naman nakisawsaw ang iba sa usapan nila. Anyway, naroroon naman at nakabalandra sa malaking screen ang dalawa sa pinaka-promotor sa pag-i-smuggle ng mga armas ng armed forces sa ilang grupo ng sindikato at mga rebelde. Bagaman may possibility na may ilan pang taong dawit sa illegal na gawaing iyon ay komokontra ang isip ni Zenith na may kinalaman doon ang Papa ni Mariz. Nahihimigan niya ang mataas na respeto ng dalaga sa ama sa tuwing mababanggit ito sa usapan nila.
Nang matapos ang meeting ay nagkanya-kanya na silang uwian. He received a message from Mariz.
How are you? No hangover I hope.
Napangiti siya atsaka tinawagan ito.
"Hello."
Napapikit siya at may kung anong ginhawang idinulot sa kanya ang malamyos nitong boses sa dulong linya.
"Hello, sweetheart. Your voice is a balm to a tired soul."
SA kabilang dako ay parang may kumiliti sa puso ni Mariz habang kausap sa kabilang linya si Zenith. Kaysarap ding marinig ang boses nito. Especially his singing voice. Tila lalong nadagdagan ang kilig niya nang maalala ang pagkanta nito sa kanya ng nagdaang gabi. Natatandaan pa kaya nito? May mga tao kasi na kapag nalalasing ay nalilimutan ang ginagawa sa inebriated state ng mga ito.
"You sound very drunk last night," aniya.
"Uh, about that. I hope I didn't offend you or make any untoward behavior that is cringe-worthy."
Napangiti siya. Nahihiya ba ito sa ginawang pagkanta sa kanya?
"It depends," pa-suspense na tugon niya.
"It depends with what?"
"Depende kung natatandaan mo ang lahat at kung bakit mo ginawa 'yon?"
"You mean, the drinking? I'm sorry about that, I don't usually drink past my limit. It's just that I... uhm, I hated myself for hurting you. I feel like I failed you, you know. And I regret that. Again, I'm sorry."
Parang nagkabikig ang lalamunan niya. "So, the song you sang last night... is that your way of asking for my forgiveness?"
"Among other things, yes."
Naitikom niyang paloob ang mga labi. Mabuti na lamang at katatapos lamang ng isang C-section operation niya, nagpapahinga siya sa mga sandaling iyon. Feel na feel niya ang kiligin.
"Um, will you let me make it up to you?" tila nag-aalangang tanong nito.
"Are you gonna ask me out on a date again?"
"Will you go out on a date with me again?"
Unti-unting gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi niya. Ngunit ang ngiti niyang iyon ay unti-unti ring nabura sa kanyang mga labi nang mapansin niya ang isang lalaki na nakatayo sa gilid ng hallway at nakamasid sa labas ng dingding na salamin. Her brother.
"Zenith, can I call you back?"
"Sure."
"Bye."
Saglit niyang inobserbahan ang hitsura ng kapatid na may ilang dipa lamang ang layo sa kanya. May ilang nurses at bantay ng mga pasyente na pasulyap-sulyap dito--mapa-babae man o lalaki. Hindi naman nakapagtataka iyon. Napakapogi nito, mapagkakamalan itong artista o iyong mga nauusong male groups sa South Korea. May anggulo itong mukhang babae minsan. Ang ganda kasi ng lips at ilong. Tinalo pa siya.
"Ate."
Nakangiting nilapitan niya ito.
Tumuwid naman ito sa pagkakatayo at inalis sa pagkakapamulsa ang isang kamay.
"What brings you to your most hated place on the planet?"
"Hindi mo ba gustong dalawin kita?"
"Psh. Hindi ko talaga gusto dahil nawawala sa concentration ang mga female nurses at mga beki rito."
Napaingos ito, namumula.
"Asus. Nag-blush ang baby ko. Ano ang kailangan mo?" matiim niyang tinitigan ang mga mata nito.
May nabakas kasi siyang lungkot doon habang lihim niya itong pinagmamasdan na nakatanaw sa labas ng salaming dingding. Na para bang napaka-interesting ng tanawin doon when in fact, lagusan lamang itong nakatingin.
"Wala lang, baka late ka na naman kasing umuwi, sasabayan na kita."
"Nag-away ba kayo ni Mama? Napagalitan ka ba?" panghuhula niya. Iyon lang naman kasi kadalasan ang puwedeng maging rason kapag bigla-bigla na lamang itong umaalis ng bahay.
"Tsk. Worried lang ako sa'yo kaya sinundo na kita," paiwas na sagot nito.
"Ang alam ko ng taong sumusundo, siya ang may dalang sasakyan para sa susunduin niya. Pero sa ating dalawa, kabaliktaran. Ako 'yong susunduin mo pero ako ang magmamaneho para sa ating dalawa."
"Puwede rin namang ako ang mag-drive," nakangising sabi nito habang nagtataas-baba ang dalawang kilay.
"Para-paraan," inabot niya ang pisngi nito at banayad na kinurot.
Kahit anong piga niya ay hindi niya ito napilit na magsabi kung ano ang nangyari. Ngunit pag-uwi nila ng gabing iyon ay nasagot ang tanong sa isipan ni Mariz. Nadatnan niyang nag-aalsa-balutan ang kanyang ama.
"Papa?" nagtatanong ang tingin ni Mariz sa ama.
She saw her mother on top of the stairs, her face wooden. Pero tama ba ang nakikita niya? Tila may bakas ng sampal sa pisngi nito. At ang kanyang ama, blangko ang mukha nito ngunit naroon ang tila ikinukubling pait sa mga mata.
"Where are you going, Papa? Hindi ba't kadarating niyo lang?" aniya nang makita ang isang malaking maleta nito na dala-dala ng driver slash bodyguard nitong si Kuya Cris.
"I'm sorry, anak. But I can no longer live in this house habang patuloy na iniiputan ng iyong ina ang aking ulo."
Napamaang siya. Mabilis na lumipad ang tingin niya sa ina na tila hindi man lang apektado sa ipinahayag ng asawa nito.
"Sasama ako sa'yo, Papa," ani Odilon.
"Odi."
"I'm sorry, Ate."
"Get your stuff. Hihintayin na lang kita sa kotse."
Parang gustong humiyaw ni Mariz sa nadamang frustration ng mga oras na iyon. Ano ang nangyari at napakadali lamang sa mga magulang niya na itapon ang pagsasama ng mga ito na tumagal din ng mahigit dalawang dekada? Ganoon na lamang ba iyon?
"Papa...?"
"You take good care, okay? Call me if you need anything," iyon lamang at tumalikod na ang kanyang ama at lumabas sa loob ng kanilang tahanan.
Nalaglag ang mga butil ng luha sa kanyang mga mata. Pagtingala niya sa itaas ng hagdan ay wala na roon ang kanyang ina. Sukbit ang isang duffel bag, nagmamadaling bumaba ng hagdan si Odilon. Nilapitan siya nito at mahigpit na niyakap.
"I'll call you," wika nito.
Tango na lang ang naitugon niya.
Her heart break nang sundan ng tingin ang papalabas na sasakyan ng kanyang ama palabas ng kanilang bakuran. Sa pag-alis ng mga ito ay natitiyak niyang hindi na magiging katulad ng dati ang magarang tahanang iyon kung saan siya lumaki at nagkaisip.
Mabilis niyang pinalis ang mga luhang nalaglag sa magkabilang pisngi. Sa determinadong mga hakbang ay inakyat niya ang ikalawang palapag ng bahay at hinanap ang ina. Natagpuan niya ito sa bar, sa entertainment room. May hawak itong isang kopita at parang uhaw na lumalagok ng alak.
"What happened, Mama?" walang maraming seremonyas na bungad niya.
"Shit happens," walang emosyong tugon nito sa kanya.
"Is it true?"
Isang pagak na tawa ang kumawala sa mga labi ni Sally Andrade.
"Answer me, Mama! Is it true that you're having an affair?"
"Yes!"
Tila siya hinagisan ng bomba, bigla siyang natulig.
"Can you blame me, though?" mapait na tanong ng kanyang ina.
"Papa was telling the truth!"
"Hah! Hanggang sa huli ba naman ay ang Papa mo pa rin ang kakampihan mo? Okay, fine! Ako na ang kontrabida, ako na ang masama!"
Napailing-iling siya habang muling tumutulo ang masaganang luha.
"I have the DNA test, Mama. I even ask a colleague to do the test three times. Same results. He didn't lie to you."
Bahagyang namilog ang mga mata ni Sally. Pagkuwa'y tila nanlalambot na napaupo ito, nanginig ang baba at sunod-sunod na pumatak ang mga butil ng luha. Malakas na hagulhol ang narinig ni Mariz nang talikuran ang ina at tunguhin ang pinto. Nang maisara iyon ay napasandal siya roon saka parang biglang nanghina ang mga binti na napadausdos ng upo. Natutop niya ang bibig at impit na napahagulhol ng iyak. She didn't want to put blame to anyone. Pero sa nangyari tila nasa Mama niya ang sisi dahil masyadong naging matigas ang puso nito.
-
haay, iyakan muna tayo😭😭😭
malapit-lapit na tayo sa vowel sounds😁😁
uy, ano 'yon? sexcited🤣🤣🤣
always the naughtiest😘😘
frozen_delights
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro