Emptiness
MARAHANG pinawalan ni Zenith ang isang malalim na buntong-hininga saka inilayo ang tingin sa babaing walang malay sa ibabaw ng kama. Ang babae ay si Lauryn Joyce dela Costa-Cordova, ang nakababatang kapatid ni Paul John dela Costa.
They were in Italy para sa huling bahagi ng kanilang misyon. But something urgent came up. Paul John dela Costa's sister accidentally saw him nang magbakasyon ito kasama si Roxanne sa Venice. Nag-alala silang masira ang mga planong pinaghandaan nila sa napakatagal na panahon sa pagsulpot doon ni LJ. Ang solusyon na naisip nila ay kidnap-in at pansamantalang itago ang babae para sa kaligtasan nito at para na rin hindi mabulilyaso ang kanilang mga plano. Bagay na ikinagalit ni Roxanne sa kanilang tatlo nina Scythe at Callous.
"She's pregnant, for fuck's sake. Paano kapag may nangyari sa ipinagbubuntis niya? May magagawa ba kayo?"
"Ano ang inaasahan mong gagawin namin? We can't just standby and let her ruin our plans. We all worked hard for it for eight fucking years," sagot dito ni Callous. Na sa totoo lang kahit mahaba-habang linya iyon ay parang tamad na tamad pa rin itong ibuka ang bibig.
"It's all your fault, you know. Kung hindi mo siya isinama rito ay hindi sila magkikita," may bahid-paninising sabi ni Scythe.
"I didn't know that John would be here."
"You didn't know? Or you just missed him?"
"Oh, shut up!" ang napipikong angil dito ni Roxanne.
"Rox. What is the meaning of this?" pare-pareho silang napalingon sa kama. Sumalubong sa kanila ang nalilitong tingin ni Lauryn Joyce.
"LJ," kaagad na nilapitan ni Roxanne ang kaibigan. "How are you feeling? Wala bang masakit sa'yo, hindi ka ba nahihilo?"
Tutop ang noong dahan-dahan itong bumangon at isinandal ang sarili sa headboard ng kama.
"Who are they? Sila ba ang dumukot sa atin? Kilala mo ba sila?"
"LJ, I'm sorry for all of this. Kung pumayag ka lang sana na umuwi na tayo ay hindi mangyayari ito."
"What are you saying? Were you on it, too? Kasabwat ka ba nila?"
"It's not what you think it is. I mean, um... I have no idea about your brother. Kung hindi pa sa ikinuwento mo sa akin ay hindi ko pa malalaman na magkapatid kayo ni John."
"John? You mean, Kuya PJ?"
"Yes."
"So, you knew all along na tama ako?"
"Yes."
"Then you should have told me then."
"Kung sinabi ko sa'yo ang totoo, lalo kang magpupumilit na hanapin siya. But I guess it was a wrong decision. Akala ko kasi makukumbinsi pa kitang magbago ng isip. Pero nagkamali ako."
"He's my brother. And I can't abandon him no matter what."
"I know. I understand how you feel, I really do," malungkot na sabi ni Roxanne sa kaibigan.
"Where is he? Nasaan ang kapatid ko?" may pag-aalalang inilingap ni LJ ang tingin sa kinaroroonan nilang silid.
"We can't let you see him," ani Scythe.
"Sino ka? Sino ba kayo? Ano ang atraso ng kapatid ko sa inyo?"
"Relax, lady," Zenith decided to intervene dahil nakikita niya ang pag-aalala sa mukha ng babae. "Wala kaming gagawing masama sa'yo. In fact, kaya ka namin dinukot ay para ilayo sa peligro."
"Do you honestly expect me to believe that?"
"That's the truth."
"Just who the fuck are you, people? Miyembro ba kayo ng sindikato? Ng Mafia? Sagutin niyo ako!"
"LJ, please. Kalma ka lang."
Bigla itong napasapo sa tiyan. "I need answers, Rox."
Tumingin sa kanilang tatlo si Roxanne.
"I think she deserves to know what is going on. Magkapatid sila ni John, anuman ang matuklasan niya ngayon ay sinisiguro ko sa inyo na iingatan niya iyon para sa kaligtasan ng kapatid niya at ng kanyang pamilya."
Tahimik na nag-usap ang tingin nilang tatlo. Isa-isa silang ipinakilala ni Roxanne kay LJ. At dahil sa palagay niya ay may punto naman si Roxanne, he decided to tell LJ everything. Mas mabuti ngang magkaroon ito ng ideya sa mga nangyari para at least malaman nito kung ano ang napasukan nitong sitwasyon.
"Nang maaksidente ang kapatid mo, kinuha siya ng isang Mafia don," panimulang salaysay niya. "His name is Don Umberto Adduci. Iniligtas niya ang kapatid mo sa tiyak na kamatayan for his own selfish reason, he needs an heir. Kamamatay lamang sa isang ambush ang nag-iisang anak ni Don Umberto ng mga panahong 'yon. And your brother is the spitting image of his dead son. Nagtamo ng malubhang pinsala ang kapatid mo dahil sa aksidente. He was comatose for six months. Nagkaroon siya ng temporary amnesia. Nang bumalik ang memory niya ay hindi na siya pinayagan ni Don Umberto na umalis sa poder nito at bumalik sa sariling pamilya. Bukod sa marami ng nalalaman si PJ sa lihim ng kanilang organisasyon ay siya na ang itinakda ni Don Umberto bilang successor nito."
Bumakas ang hindi pagkapaniwala sa mukha ni LJ. At nauunawaan niya iyon. It sounds almost like a plot from a movie.
"Bakit hindi siya gumawa ng paraan para makatakas? At ano naman ang kaugnayan niyo sa kanya?" tanong nito.
"Hostage ni Don Umberto ang buo niyong pamilya," ani Scythe.
Bahagyang ikinapanlaki ng mga mata nito ang narinig.
"At tungkol sa relasyon namin sa kanya, kami lang ang mga taong puwedeng makatulong sa kapatid mo para tuluyang makawala sa kinalalagyan niyang impiyerno."
"Don Umberto is our common enemy. And we have a common goal, ang pabagsakin si Don Umberto," dagdag na saad ni Zenith.
"Sa pagdating mo at sa mga binabalak mong hakbang para makita ang kapatid mo, you'll be stirring up the hornet's nest. Puwedeng mawala sa focus ang kapatid mo. And if worse comes to worst, everything we've worked hard for will be for naught," matigas na wika ni Callous with a French accent.
Bihirang magpakita ng emosyon o magsalita ng mahabang linyahan ang Beastie niya. Pero sa mga oras na iyon ay nauunawaan niya ang damdamin nito. Well, lahat naman sila ay gigil ng tapusin ang chapter ni Don Umberto sa kanilang buhay. Ang dimonyong pinakautak sa malagim na kamatayang sinapit ng kanilang mga magulang.
"Will you let me see my brother?" ang malumanay ng tanong ni LJ.
Muli silang nagkatinginang magkakaibigan, nag-usap-usap ang tingin.
"Hindi lang kaming tatlo ang puwedeng magpasya tungkol sa bagay na 'yan," kakailanganin nila ang approval ni Tor at ng iba pa nilang mga kaibigan. "Sa ngayon, mas mabuti para sa'yo at sa batang ipinagbubuntis mo kung magtitiwala ka muna sa amin."
"We won't do anything to harm you or your unborn child. Mas ligtas ka kung naririto ka sa poder namin kaysa nasa labas. By this time ay may palagay kaming alam na ni Don Umberto na nagkita kayo ni PJ. Inunahan lang namin ang mga galamay niya sa posibilidad na pagdukot sa'yo," sabi ni Scythe.
He saw her distress. At sa kaalamang buntis ito ay bigla niyang naalala si Mariz. Dahil sa propesyon nito, sa tuwing makakakita siya ng babaing buntis ay tila may automatic button ng rumerehistro sa alaala niya ang mukha ng dalagang doktora. At hindi niya napigilan ang pagbigat ng pakiramdam nang maalala ang huli nilang pag-uusap ni Gen. Andrade.
"'You okay?" tanong ni Callous na nagpalingon sa kanya sa kaibigan.
"Yeah, yeah, I'm okay," kinukumbinsi ang sariling wika niya.
Tumingin lang ito sa kanya na parang binabasa ang iniisip niya. Pagkuwa'y tumango at hindi na nagsalita.
Wala sa loob siyang napatingin sa kanyang mga kamay kasunod ang mga salitang sinabi sa kanya ni General Andrade pagkatapos ng kanilang pag-uusap.
"Kung talagang mahal mo ang aking anak, alam mo kung ano ang makabubuti para sa kanya. She saves lives, while you kill people. Even if they're the scums of the earth, the end does not always justify the means..."
PAGLABAS sa sun deck ng tinutuluyang villa ay natanaw ni Zenith ang pigurang naglalakad sa dalampasigan. It was LJ. Mula sa Venice ay inilipat nila ng lokasyon ang mga magulang ni PJ at ang nagdadalantaong kapatid nito na si LJ. Sa kanilang dalawa ni Callous natoka ang pangangalaga sa kaligtasan ng mga ito. They took them to Bahamas. Sa mga nagdaang araw na nakasama niya ang mag-anak ay kapansin-pansin ang kalungkutan sa mukha ng babae. May ilang pagkakataon pa nga na nakita niya itong palihim na umiiyak. Naisip niyang siguro ay nangungulila ito sa asawang pintor na malayo sa piling nito.
Kusang kumilos ang kanyang mga paa para sundan ito. They were in Lightbourne Cay, maganda at tila isang munting paraiso ang lugar na iyon. Wala sana siyang balak na lapitan si LJ, ang balak niya ay tanawin lamang ito para matiyak ang kaligtasan nito lalo at ito'y nagdadalantao. Naalala pa niya ang minsang sinabi ni Mariz kapag napag-uusapan ang propesyon nito. Na na-appreciate lamang nito nang husto ang sakripisyo ng inang nagluwal dito mula nang ito'y maging isang ganap na OB-GYN.
He missed her. He missed those small talks they had while cuddling. Those were the moments he would always treasure in his heart.
Nang mapansin niya ang tahimik na pag-iyak ni LJ habang nakatingin sa laot ay nilapitan na niya ito.
"Here," he took out his handkerchief and gave it to her.
Tila nagulat pa ito nang makita siya. At bagaman tila may pag-aatubili noong una, sa huli ay tinanggap din nito ang in-offer niyang panyo.
Tahimik itong nagpahid ng luha.
"Thank you," may matipid na ngiti sa labing wika nito.
"Can I sit down here?" itinuro niya ang bakanteng space sa inuupuan nito.
"By all means."
Naupo siya.
"Kumusta na si Kuya? Ayos lang ba siya? Hindi pa ba tapos ang misyon niya?"
Napansin niya ang bahagya mitong pagngiwi sa huling bahagi ng tanong. At nauunawaan niya kung bakit.
Saglit niyang hinimay sa isip kung ano ang tamang sabihin dito. Alam niyang nag-aalala ito. A little assurance that everything is going to be okay would mean so much to ease her worries. Alam niyang hindi lingid dito ang paminsang-minsan pagpuslit nila ni Callous kapag kailangan sila ng grupo.
Everyone's working so hard to finish their mission once and for all.
"Matatapos na ang lahat, huwag kang mag-alala," banayad na sabi niya.
Tila napanatag naman ito sa narinig.
"You're pregnant. Hindi ka dapat masyadong nag-iisip ng mga bagay na puwedeng makaapekto sa ipinagbubuntis mo."
Ngumiti ito saka lumingon sa kanya.
"Are you married, Zenith?" di-kawasa'y tanong nito.
Isang pakahol na tawa ang kumawala sa kanyang mga labi.
"Sa palagay mo ba ang mga kagaya namin ay may karapatan pang mangarap na magkaroon ng isang pamilya?" hindi niya naitago ang pait sa tinig. Sa isip ay naalala niya ang mga sinabi ni Gen. Andrade. Que mabuti man ang layunin nila ay lumalabag pa rin sila sa batas.
The end does not always justify the means...
"Why not? Puro galit na lang ba talaga ang nasa puso niyo? Siguro nga wala akong alam sa buhay na meron kayo o kung ano ang mga pinagdaanan niyo. Pero hindi naman kayo mga robot para tuluyang mawalan ng emosyon at hindi makaramdam ng pagmamahal."
"Pagmamahal? Init ng katawan lang ang alam ko, Mrs. Cordova," mapakla niyang tugon remembering Odi's words.
"Hindi mo pa lang siguro natatagpuan ang babaing nakalaan para sa'yo," aniya.
"Love? What's good with that four letter word, anyway? Look at you, pregnant and miserable."
Tinapunan siya nito ng masamang tingin. He laughed, a little amused. Nang mapansin niyang nakatitig ito sa kanya ay naisip niyang asarin pa ito lalo.
"Careful. Buntis ka pa naman, baka ma-in love ka sa akin."
"Ang kapaaaaaal!"
Napahalakhak siya, naaliw sa reaksyon ng kausap. It felt good. Pakiramdam niya ay dekada na ang nagdaan mula nang huli siyang tumawa. And somehow parang napawi ang awkward na awra ni LJ sa kanya.
"Thank you for being nice to me," sincere na sabi nito.
At alam niya kung ano ang tinutukoy nito. He usually buys her food and other sort of stuff that she likes.
"Don't mention it. May isang tao kasi na nagsabi sa akin na hindi biro ang mga pagbabago at hirap na pinagdadaanan ng isang babae kapag ito'y buntis."
"Talaga? Salamat kung ganoon sa taong 'yon."
Isang matipid na ngiti ang gumuhit sa mga labi niya pagkatapos ay tumingin sa walang hanggang karagatan.
"Was it your Mom?"
Nagtatanong ang tingin na nilingon ni Zenith ang kausap.
"The person who told you about pregnant's stuff."
Umiling siya. May kumudlit na pangungulila at lungkot sa dibdib. He missed his Doc. He missed her smile that always brightens his day. He missed hearing her voice, ang malambing at medyo malat nitong tinig. Her scent... ah, he missed everything about her.
"Uuwi na ako," mayamaya ay sabi ng kanyang kasama.
"I'll walk you home," aniya.
Tumango ito at nagsabay na sila paglalakad pauwi sa tinitirhan ng mga itong villa.
"Hi, Mama. Looks like you're enjoying yourself, huh?" bati ni LJ sa inang nadatnan nilang libang na libang sa bagong hobby nito. Ang paggawa ng Boho beads.
"Hi, you two. Zenith, thank you for these tools," masayang sabi ng ginang. "Napadali ng mga tools na ito ang ginagawa ko."
"It's my pleasure, Ma'am."
"By the way, your boyfriend is here."
Nagkatinginan sila ng kanyang kasama. Naisip niya kung dumating ba roon ang asawa ni LJ without his knowledge, iyon ba ang tinutukoy ng ginang?
"Whose boyfriend, Mama?"
"His. Si Callous. Nasa loob siya, I think they're at the back sun deck, chatting with your father."
Nasamid si Zenith. Kahit parang tuyong-tuyo ang lalamunan niya ay malakas siyang napaubo. Si LJ naman ay kita niyang pigil na pigil ang mapahagalpak ng tawa! Napagkamalan siya nitong gay!
"There's no need to be shy about it. I'm very open-minded," dagdag pa ng ginang. "Pumasok na kayo sa loob. May pinalalamig akong lemonade sa ref, have some."
"Come on in, Zenith. I'll pour you a glass of lemonade," pigil ang paghalakhak na yaya ni LJ sa kanya.
He shook his head in feigned annoyance. The gang will probably have a field day once they learned about it.
Several months later, Don Umberto's reign in the Mafia Underworld ended. Tor shot him at point blank.
-
the end 🤪🤪🤪
the end na si Don Umberto, keyo nemen 😅😅😅😅
always, your naughtiest😘😘
frozen_delights
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro