Dreamlover
PAGOD na nahagod ni Mariz ang batok paglabas ng pagamutan. Tinanguan niya at nginitian ang guwapong guard nang batiin siya nito. Kaya inspired pumasok ang mga kadalagahang nurse at beki sa kanilang ospital dahil may magandang tanawing sumasalubong sa mga ito.
"Ingat po kayo, Dok," nakangiti pang wika ng guard nang tunguhin niya ang kinapaparadahan ng kanyang kotse.
Ngiti lang ulit ang tugon niya rito. Sa kabila ng pagod ay parati siyang may nakahandang ngiti sa mga taong nakakasalamuha niya. Ngunit ang ngiti niya ay tila na-freeze nang ilang hakbang mula sa kinahihimpilan ng kotse niya ay makita si Zenith.
Deja vu?
Parang noong gabi lang na yayain siya nitong makipag-date. Bahagyang nakasalubong ang mga kilay nito habang nakatingin sa guard. At nang lumipat iyon sa direksyon niya ay kaagad na nawala at naguhitan ng matipid na ngiti ang mga labi.
"Hi."
May hawak itong bungkos ng bulaklak. White tulips. A peace offering perhaps? Hindi na niya nagawang sagutin ang text nito dahil na-low batt ang cellphone niya. Iniwan niya iyong naka-charge. Nang i-check niya para tingnan kung may sapat ng bar para makapag-text o message, wala. Ayaw ng gumana ang cellphone niya. Nakaligtaan niya kasing ipagawa dahil may extra phone naman siyang ginagamit para sa contacts niya sa ospital. Kahapon naman ay hindi na siya nakadaan sa mall para bumili ng bagong unit dahil late na siyang nakauwi.
"Hello," kumakabog ang dibdib na tugon niya sa pagbati nito.
Iniabot nito sa kanya ang bulaklak. Mukhang worried pa ito na hindi niya tanggapin. Pero teka lang muna, bakit naman kailangan niyang umakto na para siyang pinagtaksilang girlfriend? Habang ito ay para namang guilty na boyfriend na nanunuyo sa kanya dahil siya'y nagseselos.
"T-thanks," ikinubli niya ang naaaliw na ngiti sa pag-amoy sa mabangong bulaklak. "Uh, what brings you by?"
"About yesterday."
"Yesterday?" gusto niyang magkunwaring walang idea sa sinasabi nito.
Dahil ang totoo ay hindi niya rin alam kung ano ang isasagot sa message nito sa kanya ng nagdaang araw. She decided to ignore him yesterday and pretended she didn't notice him back in the restaurant. Kasi ano na lamang ang iisipin nito kung mapapansin nitong masama ang loob niya na may kasama itong iba?
"Uh, I thought..."
"Wait. Is this about your message? Tatanungin nga sana kita tungkol doon kaya lang nasira na nang tuluyan ang cellphone ko."
"Ganoon ba?" napakamot ito sa pisngi. "Gusto mong samahan kitang bumili ng bago? Maaga pa naman, so I'm pretty sure may bukas pang mall."
"That would be a good idea." Ang rupok mo, beshie, tahimik niyang sermon sa sarili.
Nang igiya siya nito sa kotse nito ay hindi na siya komontra. Puwede naman niyang iwan doon ang sasakyan niya.
"Nag-dinner ka na ba?" tanong ni Zenith bago nito pinatakbo ang sasakyan.
"Not yet."
"Do you wanna grab something to eat later?"
"Sure." Her chest felt lighter.
Malapit lang naman ang mall.
"So, sino nga ba 'yong pangalang binanggit mo?" kunwari'y kaswal niyang tanong. "Bere..."
"Berenice Leviste. Nananghalian lang kaming magkasama para i-celebrate ang pagkaka-appoint sa kanya bilang bagong chairman ng Alliance-Med Pharmaceuticals."
"Alliance-Med Pharmaceuticals?" pamilyar sa kanilang mga health care provider ang kompanyang iyon dahil karamihan ng mga produktong ginagamit nila sa kanilang propesyon ay mula roon. "You work there, too?"
"Sort of."
"Sort of like an executive?" hinulaan lang niya base na rin sa mamahalin nitong sasakyan. Para sa isang pangkaraniwang empleyado, duda siyang makakabili ito ng ganoong kotse. Maliban na lang kung isa itong drug lord o carnapper.
Lihim siyang napangiwi sa mga naiisip.
"Yah, sort of like an executive."
"Hmm, at 'yong si Berenice is she just a colleague o... nililigawan mo?"
"She's just a colleague. And no, hindi ako nanliligaw sa kanya. It's you that I want to court."
Hindi siya nakasagot. Hindi naman siya nagkape pero nagpa-palpitate siya. Naramdaman niya ang unti-unting pagkabanat ng mga labi sa isang ngiti. Idinako niya ang tingin sa labas ng kotse. Kahit medyo trapik dahil rush hour na ay wala siyang naramdamang pagka-inip.
Malapit lamang ang mall na pupuntahan nila. Puwedeng-puwede ngang lakarin na lang sana. Pero sigurado siyang bago pa sila makarating sa mall ay nakakulapol na sa buo nilang katawan ang lahat ng dumi sa tambutso ng bumper to bumper na mga sasakyan.
They talked about random stuff habang stuck sa traffic. Magaan itong kausap, ang mga salitang lumalabas sa bibig nito ay may sense. Mahahalata sa paraan ng pagsasalita nito na may mataas itong pinag-aralan. She was not into genius or intellect people. Pero masarap din palang kausap ang taong kayang sabayan ang wavelength niya.
Hanggang sa makarating sila ng mall ay kaygaan ng usapan nila. Kaagad silang dumiretso sa bilihan ng cellphone at naghanap ng unit na gusto niya. Tahimik lang itong nakasunod habang kausap niya ang sales clerk na nag-a-assist sa kanya. Gusto niya sana iyong dati niyang unit, mas komportable na siya roon. Pero tukso talaga ang mansanas. May bago na naman itong labas na unit, kinakawayan siya. Naisip niya tuloy na malamang ang konseptong pinagkunan ng logo ng multinational tech company na iyon ay ang panunukso ni Eba kay Adan sa paraiso. O baka naman si Snowhite at ang stepmother nitong bruha.
I'm torn.
Nang lingunin niya si Zenith ay nakita niya itong may kausap sa cellphone. Mukhang busy ito.
"Sige, ito na lang ang kukunin ko," pikit-matang desisyon niya. Ibinigay niya rito ang kanyang credit card at inayos na ng sales clerk ang kanilang transaction.
Nang ibalik niya ang tingin kay Zenith ay mukhang tapos na ang pakikipag-usap nito sa kabilang linya. Hindi nakaligtas sa tingin niya ang dalawang babaing nakatingin dito at parang kinikilig na nagbubulungan.
"Okay na?" tanong ni Zenith nang lumapit sa kanya.
"Yup." Suddenly, she felt possessive. Inihawak niya ang isang kamay sa braso ng binata na tila ba gustong ipakita sa mga babaing humahanga rito na sorry na lamang ang mga ito. Sa kanya lamang ang atensyon nito at wala siyang balak na mag-share.
Nang tawagin siya ng sales clerk saglit siyang bumitaw sa pagkakahawak kay Zenith. Kinuha na niya ang biniling bagong cellphone.
"Ako na ang magdadala," anang binata.
"Thanks."
Nang palabas na sila ng store ay pasimple nitong inabot ang kanyang kamay. Nagulat man sa dumagsang init sa paglalapat ng mga palad nila, inignora na lang niya iyon. Kinikilig siya, no doubt about it.
"Do you wanna eat now o may gusto ka pang bilhin?"
"Honestly, gutom na ako," aniya kasabay ang bahagyang pagkalukot ng mukha.
Natawa ito ng may tunog. "Same here. Anyway, nakapagpa-reserve na ako."
Tumango siya. Walang problema sa kanya kahit saan pa ito nagpa-reserve na restaurant. Hindi lang kasi siya gutom kundi gutom na gutom. Madalas sa sobrang toxic ng trabaho nila ay nakakaligtaan na nilang kumain sa oras.
Lumabas na sila ng mall. Malapit lang ang pinuntahan nila. But it was a fine dining restaurant that serves seafood. The place was cozy with a very warm and welcoming staff. They were ushered to a table for two close to the back garden with a koi pond. Medyo malayo sa karamihan ng mga kumakaing patrons at tila mas pribado. Napapaisip tuloy siya kung tulad sa kinainan nila dati ay kakilala rin nito ang may-ari ng restaurant na iyon.
Kaagad silang inasikaso ng head waiter kaya lalong tumibay ang paniniwala ni Mariz na kung hindi regular doon si Zenith ay well-acquainted ito sa may-ari. Matapos makuha ang kanilang order ay kaagad na nagpasintabi ang head waiter. They were served with apéritif while waiting for their order.
"Do you mind if I ask how old you are?" basag niya sa saglit na katahimikan.
"No, not at all. I'm twenty-seven, going twenty-eight. You?"
"Twenty-six."
"Birthday?"
"May 24."
"That was two months ago."
"Yep. How about you?"
"October 10."
"Talaga? Malapit na pala."
"Uh-hmm. I hope you can celebrate it with me."
"Of course, why not?" nakangiting sagot niya. "Any family member that you can celebrate it with?"
May nagdaang lungkot sa mukha nito bago mabilis din iyong naglaho kasabay ng pag-iling nito. "None. Mostly, it's just me and my friends."
"Oh," nanlumo siya.
Parang ang lungkot naman no'n. Kahit madalas na sala sa init sala sa lamig ang relationship ng mga magulang niya, masaya pa rin siya na isini-celebrate ang birthday niya na kasama ang mga ito at ang kanyang kapatid. Madalas ay bukod ang celebration niya na kasama ang mga ito saka siya magdiriwang na kasama naman ang mga kaibigan niya.
Dumating na ang kanilang order. She almost salivated when she smelled the delicious aroma of their food.
"Gosh, masisira na naman yata ang diet ko," wala sa loob na reaksyon niya nang simulang ihanay ng waiter ang order nila sa mesa.
"Hindi mo naman kailangang mag-diet," ani Zenith.
Iningusan niya ito kunwa kahit ang totoo ay parang kinalabit ang puso niya sa sinabi nito. Bola man iyon o totoo sa loob nito ay nakakataba pa rin ng puso bilang isang babae.
She loves seafood. At ang mga nakahain ngayon sa harapan nila ay talaga namang nakakasira ng diet. Hawaiian shrimp, lobster bisque, orange glazed salmon, crispy fried oyster, seafood pasta, bacon wrapped scallops, and squid pineapple kabobs. Kung last supper na niya iyon ay ayos lang sa kanya.
They started eating. Muntik na siyang mapapikit sa sarap nang sumabog sa loob ng kanyang bibig ang malinamnam na lasa ng lobster bisque. Creamy. Marunong gumawa niyon ang Mama niya. Kaya lang ang huling beses yata na nakatikim siya ng ganoong luto nito ay noong eighteenth birthday niya pa.
She didn't celebrate her eighteenth birthday like the typical debutant--with lavish preparations, dance and all. Hiniling niya lang sa mga magulang niya na kumpleto silang magsalu-salo sa isang espesyal na hapunan. At pumayag naman ang kanyang ina. Bagaman ang gusto talaga nito ay marangyang celebration para sa kanya. Her parents can afford it. Kahit ang grandparents niya sa magkabilang side ng mga magulang ay nagbigay ng cash gift para sa celebration. Pero hiniling na lang niya na itabi ang perang gagastusin ng mga ito sa party for future use. She was already in pre-med that time. At hindi pa man, nasa isip na niya ang mag-private practice if ever na makumpleto niya ang espesyalidad na gusto niya.
"You haven't try this yet," tukoy ni Zenith sa Hawaiian shrimp na in-order niya.
Ngumiti siya at kaagad na kumuha niyon.
"Hmm, super."
She enjoyed their dinner. At talagang nabusog siya nang husto.
When Zenith asked for a digestif hindi siya tumutol. They both had a glass before they leave the restaurant.
"Gusto mo bang maglakad-lakad muna?" tanong ng binata habang naglalakad sila patungo sa kinahihimpilan ng kotse nito.
"I think that would be a good idea to past the rush hour. At para makababa na rin ang kinain natin," aniya. "Pero saan naman?"
"Come," inilahad nito sa harapan niya ang isang kamay.
She took it without an ounce of hesitation.
Hawak ang kanyang kamay, naglakad sila patungo sa may gilid ng restaurant. May concrete pathwalk doon na kasya lamang ang isang tao kaya hindi sila puwedeng magsabay. Hindi siya sigurado kung saan siya nito dadalhin. Ngunit ni munting pag-aalala o takot ay wala siyang maramdaman. Ganoon kalaki ang tiwala niya rito.
Hindi nagtagal at mula sa makipot na daan ay lumabas sila sa isang tila pahabang terrace sa gilid ng isang ilog. Kaya niya nasabing parang terrace ay dahil may ligtas na konkretong balustrahe sa gilid na may gumagapang na mga vines. Para iyong outdoor patio na may pergolang ginagapangan ng halamang namumulaklak. Napakaganda roon. May wall lamp sa bawat poste ng pergola na ang distansya ay may limang metro sa tantiya niya.
"Paano mong nalaman ang lugar na 'to? Hindi kaya tayo mapagalitan ng may-ari for trespassing?" aniya sa kasama.
Palinga-linga siya sa paligid at baka bigla na lang may sumulpot na pulis doon o di kaya ay mababangis na aso.
Naramdaman niya ang marahang pagpisil ni Zenith sa kanyang kamay. Nilingon niya ito.
"Don't worry. Walang sisita sa atin dito," assurance nito sa kanya.
"Let me guess. Kilala mo ba ang may-ari ng lugar na 'to?"
"Yes."
"Tss, it figures."
Nagpatuloy sila sa marahang paglalakad. From a distance she could hear the faint sound of automobiles. Natatanaw rin nila ang makulay na ilaw ng lungsod mula sa kanilang kinaroroonan. Hindi niya alam na may ganoon kagandang lugar doon sa gitna ng maingay na lungsod.
Nang marating nila ang dulo ay niyaya siya ni Zenith na maupo sa naroroong bench.
"Pasyalan ba talaga ang lugar na 'to o private haven ng may-ari ng restaurant?"
"The latter."
"Hm, this is a nice place. And I wonder..." hindi niya naituloy ang katanungang naglalaro sa kanyang isipan.
"What?"
"Wala." Itinikom niya ang bibig at itinuon ang pansin sa tila mga alitaptap na ilaw ng lungsod sa kanilang harapan.
Ang nasa isip niya ay kung maliban sa kanya ay may nai-date na rin ba ito roon. Pero siyempre ay nagdalang-hiya pa siya. Kasi ano naman ang pakialam niya kung sakali roon. Wala pa siyang say sa mga ganoong bagay. Dahil bukod sa wala pa naman silang relasyon ay maano naman kung may una na itong dinala roon maliban sa kanya? Masyado naman siyang pa-espesyal para umakto ng ganoon.
"You are my very first date. At ikaw rin ang kauna-unahang babae na niligawan ko."
"S-seriously?" gulat na tanong niya.
"Yes."
Napaawang ang bibig niya. Para kasing hindi kapani-paniwala. Nakasisiguro siyang maraming babae ang magkakandarapang maging boyfriend ito.
"You're the only woman who made my heart flutter the very first time I saw you."
As far as she knows, she's healthy. Wala siyang sakit sa puso. Pero pakiramdam niya ay lumaktaw ang pintig ng puso niya sa sinabi nito. Hindi siya kaagad nakasagot. In fact, may ilang sandali yatang nakaawang ang bibig niya habang nakatanga rito. At nang makita niyang unti-unting napuputol ang distansya ng kanilang mga labi ay awtomatikong pumikit ang kanyang mga mata.
Warm lips met hers. Saglit na tila nanantiya ito bago marahang gumalaw. Kusang gumalaw ang mga labi niya at sinabayan ito. And then he was pulling her close, gathering her in his arms and kissing her hungrily as if he's been starving for her lips. Her arms involuntarily snaked around his nape and returned his kiss with equal heat.
-
marufowk talaga mga heroine ni author.🤣🤣🤣
buti na lang si Calixta Monroe hindi 😁😁
always the naughtiest😘😘
frozen_delights
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro