Brothers In Arms
ANG lutong ng murang kumawala sa mga labi ni Zenith nang maramdaman ang hapding gumuhit sa kanyang kanang balikat. Hiling niya lang ay hindi na iyon madagdagan pa dahil kagagaling pa lang ng mga bugbog niya sa katawan. Ayaw niyang mahirapan na naman kung paano ipaliliwanag kay Mariz ang bagong injury niya sa katawan. He hates keeping secrets from her. And technically for him it wasn't lying. Hindi niya lang puwedeng ilantad rito ang mga impormasyon tungkol sa kanyang tunay pagkatao.
Another shot was fired in his direction.
"Fuck!" mabilis siyang nakapagkubli sa konkretong column. More bullets were fired at him. Hindi siya makakuha ng buwelo upang makaganti ng putok.
They were in Siriwanich's main base. Makalipas ang halos dalawang linggong pagmamanman sa mga galaw ng lalaki ay na-locate rin nila ang main hideout ng organ trafficking ring na pinamumunuan nito. Oo, nakumpirma na nila na ito nga ang lider ng sindikato. He has connections in high places. Mula sa ilang matataas na opisyal ng mga alagad ng batas, medical practitioners, at negosyante.
It's saddening how some people lost their sense of humanity for the sake of money. Lalo na iyong mga sangkot na doktor na dapat ay pinahahalagahan ang buhay ng mga biktimang kinukunan nila ng organ. And they all agreed that everyone involved in the organ trafficking will pay dearly, one way or another. At siya mismo ang magpapataw ng sentensya kay Siriwanich. They have unfinished business. With that firm resolve ay lumabas siya sa pinagkukublihan at gumanti ng putok sa mga nagpapaulan ng bala sa kanya.
"Hey, man. Take it easy," narinig niyang sabi ni Omi sa kanyang military earpiece. "Alalahanin mo, may doktora ka pang sinisinta. Baka biglang ma-in love sa'yo ang bala, tamaan ang ulo mo sa taas."
"Fuck you."
"I love you, too, man," sagot ni Omi na may kabuntot na tawa.
"Where is Siriwanich, Q?" tanong niya kay Qaid na nasa base at siyang nagmo-monitor ng kanilang operation.
Tor is currently out of the country. May iba itong inaasikasong misyon.
Inasinta niya ang dalawang goons na siyang nagpapaulan sa kanya ng bala. Kaagad na bumulagta ang mga iyon nang barilin niya sa pagitan ng mga mata. Mahal ang bala kaya hindi siya dapat mag-aksaya.
"He's in the next building, to your left."
"Copy that."
But the way to Siriwanich is not that easy.
"Shit," ang daming goons ng hinayupak! Hindi niya makita kung saan nanggagaling ang mga balang bumubuga patungo sa kanya.
"I got your back," narinig niyang sabi ni Callous.
Napangisi siya. "Thanks, beastie."
He moved forward. Hindi na siya nag-abalang magkubli at sa halip ay nakipagsabayan na siya ng pagbaril. He's wearing a bulletproof vest. Delikado lang siya kung katulad ng sabi ni Omi ay maligaw ang bala sa kanyang ulo. Padapit-hapon nilang isinagawa ang operation na iyon at hindi na hinintay na gumabi dahil iyon ang eksaktong sandali na nagkatipon ang lahat ng involved sa organ trafficking ring. Tila natiyempo rin na iyon ang pinakamalaking pagpupulong ng grupo kaya present ang lahat ng miyembro.
Katulad noong unang pag-atake nila sa isa sa mga hideout ng sindikato, isang surprise attack ang paglusob nila ng gabing iyon. Parang nabulabog na manok ang mga ito na nagkanya-kanyang pulasan.
Sa labas ay mukha lamang isang ordinaryong istruktura ang mga kabahayan sa lugar na iyon. Pero ang hindi alam ng marami, meron doong malaking operating room at laboratoryo kung saan ginaganap ang illegal harvesting ng mga organs. Doon din dinadala ang karamihan sa mga batang dinudukot ng mga ito.
"Hostages are secured," report ni Venom. "Get rid of the scumbags."
"Roger that."
Nagpatuloy siya sa paglapit sa dalawang palapag na gusaling sinasabi ni Qaid. Nakasarado ang pinto niyon at sigurado siyang naka-lock iyon mula sa loob. He didn't bother reaching for the door handle. Malakas niyang tinadyakan iyon pabukas saka mabilis na nagkubli sa dingding. As expected, natadtad ng bala ang pinto. Napangiti na lang siya. Pinadali lang ng mga gunggong ang trabaho niya. Bahagya na lamang niyang sinipa ang pinto at kusa na iyong bumukas.
"Ah, people. When will you ever learn?" aniya sa mga nabuglawan doon na goons. "You can hide but you can't run away from me."
Sinalubong siya ng tingga ng mga hinayupak.
"Isn't it the other way around?" narinig niyang sabi ni Callous.
Natawa siya habang isa-isang inaasinta ang mga kalaban. Aim and shoot, then reload. Tiwala siyang nakasuporta lamang sa likuran niya si Callous.
"I'm going after Siriwanich," aniya.
"I'll be right behind you."
"Got it."
Sampu silang magkakasama sa operasyong 'yon. Qaid monitors their operation through the use of his drones. He is also their computer analyst. Meanwhile, Tor is currently in Italy. Ito lamang ang wala roon. Pero alam naman nilang lahat na importante ang misyong ginagawa nito roon. Kung tutuusin ay mas importante pa iyon sa ginagawa nilang pagtugis kay Siriwanich. Because the man Tor was after is one of the men behind the death of their parents.
Pagpasok niya ay kaagad niyang tinungo ang hagdan. Sinalubong kaagad siya ng bala ng armalite. Napamura na lang siya.
"Need help?" ani Vengeance.
"You really need to ask?" sarcastic niyang tugon.
He just tsked. Saglit pa at narinig niya ang tila pinong sipol sa hangin. Pag-akyat niya ng hagdan ay nakabulagta na ang mga tauhan ng Thai national na hina-hunting niya. Malaki ang atraso nito sa kanya. At sa kanyang palagay, panahon na para singilin niya ang malaking pagkakautang nito. Siriwanich forfeited the chance to live when he violated the rights of his innocent victims.
Hinanap niya ang lalaki sa ikalawang palapag ng gusali. Natitiyak niyang wala itong ibang malulusutan doon. Sa unang pinto pa lang ay may bumuga ng bala. Mabilis siyang sumilip sa pinto, sunod-sunod na putok ang sumalubong sa kanya.
Napipikong pinigtal niya ang pin ng isang granada sabay hagis sa loob. Sa isang iglap ay lumikha iyon ng pagsabog. Patungo na siya sa susunod na pinto nang may magpaputok sa kanya. On instinct ay napa-dive siya at maliksing gumulong sa kawalan ng mapagkukublihan. Mahigpit niyang hinawakan ang kanyang Ruger PC saka ipinihit paharap sa kalaban ang kanyang katawan. He aimed and fired his gun. Isa ang bumagsak habang ang isa ay may tama na mabilis na nakapagkubli.
Humihingal na isinandal niya ang sarili sa dingding. Ramdam niya ang mabilis na pagragasa ng dugo sa bawat himaymay ng kanyang katawan. Narinig niya ang pagsasalita ng isang tinig ng lalaki sa likod ng nakasaradong pinto.
"Tell me what you want!" tanong nito na may matigas na accent. "Whoever sent you here, I will triple the offer!"
Walang duda sa isip niya na si Siriwanich ang nagsasalita. At natitiyak niyang kasama nito sa loob ang right hand man, ang lalaking natamaan niya.
Mula sa pinanggalingan niya kanina ay sumulpot doon si Callous.
"'You okay?" tanong ng kaibigan sa kanya.
Nag-thumbs up lang siya.
Sumenyas si Callous na pupunta ito sa kabilang side ng pinto. Tumango siya. Nakasarado iyon. Binaril nito ang seradura. Muling nagpaputok ang mga tao sa loob.
"How many?" tanong ng kaibigan sa kanya.
"I'm guessing it's just Siriwanich and his right hand man."
"Let's do this. On the count of two. One..."
"... two," pagtatapos niya sabay balya sa pinto.
Umulan ang bala. Ngunit pagkabagsak niya ay mabilis siyang gumulong. Hinabol siya ng bala. Walang masyadong muwebles sa silid na iyon kaya ang tanging nagawa niya ay gumanti ng putok. Kasama niya si Callous na nakipagsabayan din. Masahol pa sa bagong taon ang malakas at sunod-sunod na pagbuga ng tingga, ang mataginting na kalansing ng bala sa granite flooring, ang tila titis ng apoy sa nguso ng baril sa bawat pagbuga ng bala at ang nakasusulasok na amoy ng pulbura. Pagkatapos ay katahimikan. Ganap na katahimikan.
Nang igala niya ang paningin sa kabuuan ng silid ay nakita niya ang dalawang bulto na nakatumba sa sahig. Siriwanich and his goon were already lying on the floor. The former was barely breathing.
"That was reckless, you fucking pricks!" galit na hiyaw ni Ferocious.
Napaungol siya sa sakit ng balikat.
"Aw, I'm touched," sagot niya rito sa malamyang tinig.
"Jeez, people. Huwag niyong pinaiinit ang ulo ni Tatang the second," ani Scythe.
Iniabot ni Callous ang kamay nito upang tulungan siyang makatayo. Despite himself, gusto niyang matawa sa sinabi ni Scythe. Siraulo talaga ito. Tinanggal na niya ang earpiece sa tenga at nilapitan ang naghihingalong si Siriwanich. Ang tauhan naman nito ay dilat ang mga mata habang may tama ng bala sa noo.
"Who... a-are you people?"
"Does it matter?" walang emosyong tugon niya.
"I... I'm only d-doing this w-world..." napaubo ito at waring hinabol ang paghinga. "... a favor."
"A favor, my ass," sarkastikong tugon.
"I fed... a-and clothed them. At least... e-even for j-just a while... they were t-treated like a h-human... being."
"A human being, you say?" tila nagpanting ang tenga niya. "A human being?!"
Sa galit ay mabilis niyang iniumang dito ang kanyang baril at tinadtad ito ng bala. Galit na galit siya. Tila literal na kumukulo ang dugo niya sa galit. Ubos na ang bala niya ay nanginginig pa rin ang daliri niya sa gatilyo at panay ang kalabit doon.
"You son of a bitch. You filthy son of a bitch!" Lalong nag-umigting ang galit niya nang maalala ang bangungot na sinapit niya sa kulungan nang dahil dito. Kung posible niya lamang itong muling buhayin at tadtarin nang pino ay ginawa na niya.
Maaaring totoo ang sinabi nito. Dahil ayon na rin sa batang si Natoy, ang iba sa mga batang dinudukot ng mga ito mula sa lansangan ay kusang sumasama sa pangako ng isang magandang buhay. Dinadamitan at pinakakain ng mga ito ng masusustansyang pagkain ang mga bata. Pero hindi iyon dahil concern ang mga ito sa mga bata. Kundi dahil kailangan nila ng maha-harvest na malusog na organ.
"That's overkill," anang isang boses mula sa pinto.
Sabay pa silang nagtutok ng baril ni Callous sa mga bagong dating.
"Whoa, chill, bro," ani Trace. Kasunuran nitong pumasok sina Thorn at Menace.
Tinunghayan ng mga ito ang bangkay ni Siriwanich.
"Kulang pa 'yan sa lahat ng kasalanang ginawa niya," ani Callous.
"I could only agree with you on that," sang-ayon dito ni Thorn. "Kung makikita niyo lang 'yong hitsura no'ng operating room nila, tsk. For a minute there I thought we're hunting monsters."
"How about the others?" tanong ni Zenith sa tatlo na ang tinutukoy ay ang mga biktima.
"They're well taken care of," sagot ni Menace.
"What about his associates?"
"Eliminated."
"Great. Let's clean up," aniya. Gusto na niyang umuwi para makapagpahinga.
"Q already sent his men to take care of that."
"Much better. I'm going home, I need a shower."
MARIZ checked the time on her wristwatch. It was already seven forty-five. She arrived fifteen minutes early in the restaurant kung saan nila napag-usapang maghahapunan ni Zenith. Kung iisipin ay may isang oras na siyang naghihintay roon. Dapat yata ay pumayag na lang siyang sunduin nito para at least hindi siya napapanis doon sa paghihintay rito. She hates waiting. Iyon ang pinakaayaw niya.
For the past week ay bihira rin sila nitong magkausap o magka-text. Madalas pa ay delay ang mga reply nito. Pero agad naman itong humingi ng dispensa dahil ayon dito ay may tinatapos lamang itong trabaho. At naiintindihan naman niya. Siya nga minsan kahit araw ng pahinga niya ay napuputol pa lalo kung emergency. Buhay ang nakasalalay sa propesyon nila kaya naman kahit nasa kalagitnaan pa sila ng pagkain o nakaupo sa trono kailangan nila iyong tapusin at gawin ang kanilang trabaho.
She missed him. Isang linggo lang naman ang lumipas pero para ng taon mula nang huling beses silang magkita.
Napabuntong-hininga siya. Hindi na yata niya mabilang kung ilang beses na niya iyong ginawa. She fished out her phone from her clutch. Balak niya sanang mag-browse ng social media nang may masamyo siyang mabangong halimuyak. Nang bahagya siyang pumihit sa kinauupuan ay isang pumpon tulips ang sumalubong sa kanya.
"Sorry, I'm late," wika ng pamilyar na boses na nagpakabog sa dibdib niya.
Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niya ang mukha ni Zenith.
Nakasimangot kunwa na tinanggap niya ang bulaklak.
"I am really, really sorry."
"Sit down. I'm hungry. Kapag nabusog na ako saka ko pa iisipin kung dapat ba kitang patawarin."
Masunurin naman itong naupo at kaagad na tinawag ang kanilang host para sa kanilang order. She didn't talk much. Hinayaan niya itong matensyon at manghula kung ano ang tumatakbo sa kukote niya.
Hindi na rin masyadong ma-elaborate ang hapunan nila dahil talagang gutom na siya. Hindi na niya kailangan ng appetizer para gisingin ang taste buds niya. Kahit anong ihain sa kanya sa mga oras na iyon ay kakainin niya. Mariin at tila gigil ang paghihiwa niya ng steak. Sunod-sunod ang subo niya. Mabuti na lamang at kakarampot ang bawat serving ng mga pagkaing nakahain sa harapan nila. Kung sa isang ordinaryong restaurant iyon ay baka hindi na siya makahinga sa kabusugan.
She ordered dessert. Chocolate torte. Sanay naman siyang kumain sa mga fine dining restaurant dahil parehong maykaya ang parents niya. Pero may mga pagkakataon talaga na hindi siya satisfied sa mga ganoong kainan.
"Um, drinks?" tanong sa kanya ni Zenith.
"I want pineapple rum punch."
"Brandy for me."
Nang mai-serve ang kanilang inumin ay tahimik lang nilang sinimsim iyon.
"Why were you late?" tanong niya.
"Something came up."
"And that is?"
"Berenice called and she asked for my help."
Parang gustong magsiklab ng galit niya ng mga oras na iyon at ibuhos dito ang iniinom niya. Sa lahat ng puwedeng ibigay nitong dahilan kaya ito na-late ay dahil pa sa ibang babae! Dahil sa ibang babae!
Nakuyom niya ang isang kamay sa kanyang kandungan. May kutob siyang gusto ito ng babaing 'yon. Pero ang tanong: gusto rin ba nito ang babae?
"Do you like her?"
"As a friend, yes. But anything beyond that, no."
Sana lang ay hindi nagsisinungaling ang sinseridad na nababasa niya sa mga mata nito. She finished her drink. Nang makitang ubos na rin nito ang iniinom ay nagyaya na siyang umuwi.
"Please don't be mad," tila hirap ang kaloobang sabi nito nang pareho na silang nakaupo sa loob ng sasakyan.
"I'm not mad. I'm just," hindi niya naituloy ang sinasabi at napabuga siya ng hangin. She's jealous.
"She is just a friend. Nothing more."
Pero mas pinili mo siyang unahin kaysa sa akin, paghihimutok ng kalooban niya.
"Hindi na ito mauulit. I promise."
She just shrugged her shoulders. They say promises are made to be broken. May palagay siyang mauulit pa ang sandaling iyon.
Hanggang sa maihatid siya nito ay hindi na ulit siya nagsalita. Pababa na siya ng sasakyan nang abutin nito ang kanyang kamay.
"I'm sorry."
She wanted to say, it's okay. Pero magsisinungaling lang siya. It's not okay. Natutuwa siya na nagsabi ito sa kanya ng totoo. Ngunit nakakainis din pala iyon. Willing na siyang patawarin ito kanina. Pero nang malaman niya ang dahilan kung bakit ito na-late, nagbago ang isip niya.
"Good night. And thanks for the flowers," binawi niya ang kamay rito at umibis na ng sasakyan. Mabigat man sa kanyang kalooban ay hindi na niya ito nilingon at tuloy-tuloy na siyang pumasok sa loob ng kanilang mataas na gate.
THE Loft.
An hour later Zenith found himself inside The Loft. He opened the fridge and took a cold drink. Tinangay niya ang six-pack ng canned beer at ipinatong sa mesita bago pasalampak na naupo sa naroroong malapad na upuan. He pulled the tab at parang uhaw na uhaw na pinangalahati ang isa.
Damn, that taste good.
Nakakatatlo na siya nang pabagsak na maupo sa katapat ng kinauupuan niya si Qaid.
"Himala, lumabas ka sa lungga mo," puna niya rito.
Ang lungga nito ay ang state of the art computer room na nasa dulo ng loft.
"Looks like you need some company."
He snorted. "Please, don't bother on my account. Just pretend I'm not here."
"I'm afraid I can't do that," inginuso nito ang pagbukas ng front door. Mula roon ay magkakasunurang pumasok ang mga kaibigan nila.
"Party, party, yeah!" maingay na bungad ni Scythe.
Ugh, he groaned in silence.
Nagkanya-kanyang dampot sina Menace, Venom, at Trace sa nakalapag na canned beer sa mesa.
"The fuck, guys, get your own drink!" hiyaw niya sa mga ito.
Pero hindi apektadong hinila ng mga ito ang tab at parang nang-aasar pang ngumisi bago iyon tinungga.
"The heck," mahinang bulalas na lamang niya sa kawalang-magawa.
"Wala ba kayong dalang pulutan?" tanong ni Qaid sa mga ito.
"Ano ang tingin mo sa amin, mani?" ani Scythe.
Sabay na napabuga ng iniinom na beer sina Venom at Trace.
"Gago ka talaga!" inis itong pinukol ni Venom ng nahagip nitong throw pillow.
"Ano ba ang masama sa tanong ko? Malilibog lang kayo masyado kaya pati 'yong inosenteng mani binibigyan niyo ng malisyosong kulay," painosenteng sabi pa ng tukmol.
"Nagsalita ang hindi malibog," sagot dito ni Thorn.
"Cold fried chicken, anyone?" tanong ni Ferocious.
"Me, likey!" parang mga batang sabay-sabay na sagot ng mga ito.
Dinala ni Ferocious ang isang bucket ng malamig na fried chicken. Ang labas ng red and white na bucket ay may larawan ng isang lalaking bigotilyo na nakangisi. Kanya-kanyang dampot ang mga ito pagkalapag ng bucket. Hindi rin nagtagal ang dalawang pack ng canned beer na ibinaba ni Callous sa mesa.
"Basted ka?" walang busi-busina ay tanong ni Vengeance kay Zenith.
Biglang natahimik ang lahat. All eyes were trained in his direction. Mga nagtatanong.
"Hell, no!"
-
haha! mga tsismoso😂😂
your naughtiest author😘😘
frozen_delights
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro