Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Black Day

PAGOD, nanlilimahid, at gutom. Iyon ang nararamdaman ng labindalawang kabataan habang binabagtas ang isang trail. Kabilang sa labindalawang iyon si Zenith. Their wild goose chase over the missing Yamashita Treasure was a failure. Of course, they already expected that. Muntik pa silang malibing nang buhay sa loob ng isang kuweba nang gumuho ang lupa malapit sa kinalalagyan nila. Natagpuan nila ang ilang bakas ng mining activities doon na naging dahilan ng paghina ng pundasyon ng lupa. Iyon din ang dahilan kung bakit sa halip na balikan nila ang daan kung saan sila nanggaling pabalik ng camp ay umikot sila sa kabila dahil impassable na 'yong daan pabalik sa pinanggalingan nilang camp.

"Do you have any idea where we're headed?" tanong ni Menace sa nauunang si Scythe.

"Of course," confident na tugon ni Scythe habang nakatingin sa hawak nitong mapa. "Madadaanan natin ang kabilang kampo kung saan nagpupulong ang mga oldies. Pero siyempre sa may bandang likuran tayo dadaan para walang sisita sa atin."

Napukaw ang pansin ni Zenith sa narinig. Alam niyang malapit lamang sa camp ang venue ng pinagdarausan ng conference ng kanilang mga magulang. Pero ni minsan man ay hindi pa siya nakasilip doon.

Just then, they heard a gun shot. Pare-pareho silang natigilan.

"What the fuck was that?" ani Venom.

"That was close," saad naman ni Qadid.

"I think it's coming from there," turo ni Ominous sa unahan ng binabagtas nilang trail.

Another gun shot was heard. And another, and another...

Hindi na nila namalayan nang kusang kumilos ang kanilang mga paa at tumakbo patungo sa direksyong pinanggagalingan ng mga putok ng baril. May kutob silang may nangyayaring hindi maganda sa kabilang kampo. Bumakas ang pag-aalala sa mukha ng labindalawang binatilyo. Ang unang bumungad sa kanila ay ang walang buhay na mga guwardiyang nakabantay malapit sa cyclone wire fence na nakapaligid sa buong lugar. They were at the back entrance.

"Shit. What happened here?" bulalas ni Thorn.

Isa-isang nilapitan ng mga kabataan ang mga bultong nakabulagta sa lupa. Bawat isa ay umiling matapos pulsuhan ang bultong nilalapitan ng mga ito.

"They're all dead," saad ni Ferocious.

"Get their guns," mabilis na utos ni Torment sa mga kasama.

They didn't need to be told twice. Kanya-kanyang dampot ng armas ang mga binatilyo. That's exactly the kind of situation they were trained for. Sa halip na paglalaro ng mga pambatang laruan, ang paghawak ng baril at pag-aaral ng self-defense ang naging diversion nila sa murang isipan. Kailangan nilang parating maging alerto at handa sa anumang panganib hindi lamang para sa kanilang mga sarili kundi para na rin sa kanilang pamilya.

Si Torment ang naging leader nila. Isang bagay na hindi na nila kailangan pang pagbotohan o pagtalunan. 

"Go in pairs," bilin nito sa lahat. "If the opponent is too big for you, don't engage in a one-on-one fight, got it?"

"Copy," ang halos iisang taong tugon ng lahat. 

"Our priority is to locate our parents and see to their safety," dagdag pang wika ni Torment.

"Do we have to engage and kill the enemy?" tanong ni Zenith.

"It will be your call once you faced them."

Magkakaiba ang naging reaksyon ng labing-isang kabataan. Dahil oo nga't miyembro ng underground society ang kanilang mga magulang ay tila hindi pa rin malinaw sa isipan ng ilan na minsan ay kailangan nilang kumitil ng buhay upang mabuhay.

"Let's spread out," pagtatapos ni Torment saka pinangunahan na ang pagsugod sa hindi pa nila nakikitang mga kalaban.

Ang totoo ay may nadaramang kaba si Zenith. It will be his first blood if ever. Iba pa rin ang training lang sa actual fight. Si Callous ang kapareha niya. At dahil tipikal na hindi masalita ang kaibigan, sa tingin pa lang ay mabilis na sila nitong magkaintindihan. They move in stealth. At katulad sa unang nadaanan nila, nagkalat ang bangkay ng mga tauhan doon. Some were familiar faces whom they have met on several occasions.

Sa damage na nasaksihan nila ay napapaisip si Zenith kung anong puwersa ang pumasok sa lugar na iyon. The place was heavily guarded with trained and armed men. Natitiyak niyang hindi basta-bastang mapapasok ng pipitsuging grupo lamang ang lugar na iyon. Could they be special forces or... a rival organization?

Nasagot ang tanong sa isipan ni Zenith nang marinig nila ang malakas na boses ng isang lalaki. Sumilip ang magkaibigan mula sa pinagkukublihan. Kapwa ginapangan ng takot at pag-aalala ang dalawang binatilyo nang makita nila kung ano ang nangyayari. Sampu sa labindalawang kilalang gang leader sa underground society ang kasalukuyang bihag ng mga hindi nila nakikilalang mga kalalakihan. At isa roon si Antoinette Dubois, ang ina ni Callous! 

"Mom," ang mahinang bigkas ni Callous pagkakita sa ina.

Lalabas sana ang binatilyo sa pinagkukublihan ngunit mabilis itong napigilan ni Zenith. They had to assess the situation. Hinayon na rin niya isa-isa ang mukha ng mga bihag kung kabilang doon ang kanyang ama. But he was nowhere in sight.

Isang matangkad na lalaki ang nakita nilang kinakaladkad ng dalawang goons. He looks familiar. Panay ang piglas nito upang makawala sa pagkakahawak dito ng mga goons. His hands were tied but he still manages to injure his captors by elbowing them. Hirap na hirap ang mga kalalakihang humihila rito na pasunurin ito. Tila ito toro na nag-uulol sa galit. Hanggang sa isang lalaki ang nagtaas ng baril at binaril ito sa tuhod.

"Fucking son of a bitch!" ang galit na galit na sigaw ng lalaki nang mapaluhod ito sa sakit. "You're a fucking coward! All of you, cowards!"

"What can you expect from a man who earns millions of dollars  from pimping little girls?" ang tila may panunuyang sabi ni Antoinette Dubois bilang suporta sa sinabi ng lalaki sa pagtawaga na duwag ang lalaking bumaril dito.

Malakas na humalakhak ang katabing lalaki ni Antoinette Dubois. Just like the rest of them, his hands were bond, too.

"And I heard he sucked good, too, and loves to be the dom," kunwa'y pabulong na sabi pero halos mag-echo naman ang boses nito sa lakas.

Namumula ang mukhang hinataw ng baril ng lalaki ang huli. He also backhanded Antoinette Dubois na nagpabiling sa mukha ng babae. Gusto na namang sumugod ni Callous upang iligtas ang ina. Ngunit mahigpit itong pinigilan ni Zenith. 

"That's what you're good at, right?" nang-uuyam na sabi ng babae. Walang mababakas na takot sa mga mata nito kahit putok ang labi at nagdurugo. "Taking advantage of the weak. Do you get off by lashing out on someone who can't fight back? I bet you do. You were probably imagining they were your daddy who molested you."

Muling bumiling ang mukha ni Antoinette Dubois nang sapakin ito ng lalaki. "Shut up, shut up! Let's see if you can still smile once I get my hands on your son and ship him in the Middle East to serve as a sex slave."

"That is if you can get your hands on them, Don Umberto," ang tila nakakalokong sagot dito ng isa pang lalaki na kabilang sa mga bihag.

"Oh, you can bet on that, Harry Liu. I heard your son is some sort of a genius. Let's see how he will turn out after this."

Harry Liu? saisip-isip ni Zenith.

"That man is Vengeance's father," ani Callous.

"And that Don Umberto guy, kilala mo ba siya?"

"Kung hindi ako nagkakamali, minsan ko na siyang nakita sa bahay noon. Mom didn't explain why but he looks angry when he left our house. Louis told me not to trust that man, now I know why."

"Ano ang kailangan niya?"

"Beats me. All I know is that we have to do something to save my mom."

"We will, bud. I have to find my dad, too. He's not--" hindi natapos ni Zenith ang sasabihin nang makita niya kung sino ang kaladkad ng mga kalalakihan.

"Let go of me, you bastards! Eiichi, Eiichi, help me!"

"Shit. What is she doing here?" mahinang bulalas ni Zenith.

Patuloy ang pagkaladkad sa babae sa kabila ng pagpupumiglas nito.

"Is that your stepmom?" 

"Yes, that's Daria. And wherever she goes, Seiji is with her, too," tukoy ni Zenith sa bunsong kapatid. Nadoble ang pag-aalala niya. Kung tama ang naiisip niya na kasama ng madrasta ang nakababatang kapatid, nasaan ito? Or his father?

"I said, let me go, bastards! Eiichiiii...!"

"Shut the fuck up!" galit na sigaw rito ng isang lalaki.

"Pak-pak mong mukha mo, gago!"

Tila napikon ang lalaki. Mabilis nitong sinikmuraan si Daria. Napaubo ang babae at halos mawalan ng ulirat na napayuko. Kung hindi sa mahigpit na pagkakahawak ng dalawang goons na kumakaladkad dito ay bumagsak na sana ito sa lupa.

"She's all yours, boys. Give us a good show."

Parang nanlaki ang ulo ni Zenith nang maisip kung ano ang gustong ipagawa ng lalaki sa mga goons nito. Malayo man ang loob niya sa madrasta ngunit alam naman niyang mabuting ina ito sa kanyang kapatid.

"Fuck, we have to do something," natutulirong baling ni Zenith sa kaibigan. "Fast."

Tila mga hayok na lobong umatake ang mga goons kay Daria. Every one of those men wants to have a piece of her. Napaiwas na lamang ng tingin si Zenith nang isa-isang mapunit ang kasuotan ng madrasta. Daria is in a helpless position. Bukod sa nanghihina pa ito sa suntok na natanggap ay babae lamang ito kumpara sa lakas ng apat na lalaking nagsasamantala sa kahinaan nito.

Naisabunot ni Zenith ang isang kamay sa buhok. Iiwas man niya ang mga mata ay tila napagkit na sa isipan niya ang nakaririmarim na tagpong iyon. Each of those men, muscular and beefy, took turns in raping Daria. That scene was sickening it made him want to vomit. Halos mangilo siya sa tawanan at hiyawan ng mga nasisiyahang manonood pati na ang tila mga naglilider-lideran doon. Hanggang sa putulin iyon ng isang malakas na pagsabog. What soon followed was a pandemonium. Nanlaban ang mga bihag na lider ng organisasyon. And they weren't big bosses for nothing. Kahit ang mommy ni Callous ay nakakabilib kung paanong makipaglaban. She's quite good with guns.

They joined in the foray. They were trained and groomed for that moment--to protect themselves and their family. Sa gitna ng labanan ay hinahanap pa rin ni Zenith kung nasaan ang kanyang ama. Buhay pa ba ito o nakapagtago na kasama ang kanyang kapatid?

Ngunit imposible iyon. His father has a reputation. He doesn't run away from any fights. He faced his opponents head on. Kahit anong laban ay hindi nito inuurungan. Sa gitna ng laban at palitan ng mga putok sa iba't ibang direksyon ay nilapitan ni Zenith ang naghihingalong madrasta. Binaril ito ng isa sa mga goons na humalay rito bago ito iniwan. Hinubad niya ang suot na kamiseta at pilit na tinakpan ang kahubaran nito na halos puno na ng pasa at galos sa karumal-dumal na sinapit nito.

"Ze... nith," hilam sa luha na pinilit nitong abutin ang kanyang mukha.

"Don't talk. Just hang in there and you'll be fine," pilit pinalalakas ang loob na sabi ni Zenith sa madrasta sabay hawak sa kamay nito.

"Promise m-me... you will... t-take good c-care... of your bro... ther. Alagaan m... mo si Sei..." humugot ito nang malalim na paghinga. Pagkatapos ay biglang bumulwak ang dugo sa bibig nito. "... ji."

Nag-init ang mga mata ni Zenith ng mga sandaling iyon.

"I promise, I promise, okay? Stop talking and just re--Daria?" tuluyan ng pumikit ang mga mata ng babae. Iginalaw-galaw niya ang kamay nito ngunit nanatili itong walang tinag. "No, no. Wake up. You have to live, you have to live for Seiji. Do you hear me? Daria, Dariaaa...!"

Pinulsuhan ito ni Zenith. Nothing. Susubukan pa sana niya itong bigyan ng CPR ngunit biglang may humablot sa kanya. Hinabol sila ng umuulang bala. At kung hindi siya maagap na nahablot ni Callous ay baka natadtad na siya! Ganoon pa man ay mukhang nahagip pa rin siya. Naramdaman niya ang hapding gumuhit malapit sa kanyang tagiliran. Ngunit sa halip na pagtuunan ng pansin iyon ay humigpit ang pagkakahawak ni Zenith sa baril sa magkabilang kamay. In full force ang puwersang umaatake sa kanila. Tila desidido na ang mga itong iligpit sila at walang itira!

"Whatever happens, you must survive this," wika ni Antoinette Dubois. "Don't let these bastards rule the next generation--your generation. Because if you do, anything that makes us human will ceased to exist."

"Who are these people, mom?" tanong ni Callous sa ina.

"The scums of the earth."

Nagmistulang battlefield ang lugar na iyon. Evil versus lesser evil. Sa isip ni Zenith ay hindi niya maikukunsiderang mabubuting tao ang kanilang mga magulang dahil lumalabag ang mga ito sa batas. Ngunit sa nasaksihan niyang paglapastangan ng mga ito sa kanyang madrasta, sa isip niya ay mga demonyo lamang ang may kakayahang gawin iyon.

Nagngingitngit pa rin sa galit ang puso ni Zenith nang masulyapan niya ang isang pamilyar na bulto.

"Dad," lumabas siya mula sa pinagkukublihan. Hindi pinansin ang nag-aalalang pagtawag ni Callous.

At ganoon na lamang ang gimbal niya nang makita ang kalagayan nito. May gilit sa leeg at wala ng buhay ang kanyang amang si Eiichi Fujimori!


"NO. No, no, no... you can't be dead... no. You're stronger than this. Dad, daaad...!"

"Zenith!"

Isang sampal ang nagpagising sa binabangungot na si Zenith. Tila nagulat pa ang binata nang sa pagmulat ng mga mata ay magisnan ang nag-aalalang mukha ng nobya.

"Zee," inabot ni Mariz ang mukha ng kasintahan at hinaplos ang pisnging sinampal. "I'm sorry. I had to--"

Hindi nito natapos ang sasabihin nang mabilis itong yakapin ni Zenith. Pawisan at bahagya pang nanginginig nang mahigpit na yakapin ni Zenith ang nobya. Ang bangungot na 'yon. Parating ganoon. Sa tuwing sasapit ang anibersaryo ng araw na iyon ay dinadalaw siya ng bangungot ng mga nasaksihan at naranasan nilang magkakaibigan.

"Napanaginipan mo ba ang nangyaring aksidente sa Dad mo?" masuyong tanong ng nobya.

Aksidente? Sa isip ay mapaklang napangiti si Zenith. Kung sana nga ay totoong aksidente lamang ang lahat ay hindi siya babangungutin taun-taon sa tuwing sasapit ang anibersaryo ng trahedyang iyon.

Mariin siyang napapikit saka dahan-dahang niluwagan ang mahigpit na pagkakayakap sa kasintahan. Black Day. That's how they marked that particular day. At sa tuwing sasapit iyon ay sama-sama silang nagtitipong dose sa lugar kung saan naganap ang trahedya.

"I'll be away for a while," aniya sa kasintahan nang marahang ilayo ito.

"Business?"

Tumango si Zenith. He didn't want to say anything more. Kapag nagsalita pa siya ay baka kung anong kasinungalingan lamang ang maidugtong niya.

"Call me, okay?"

"I will."

-

iwas naughty 'cause Santa Claus knows who's naughty and nice😁😁

happy birthday sa may mga birthday ngayon😘😘

the nicest and not-naughtiest author🤣🤣🤣🤣

frozen_delights


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro