Beautiful Stranger
MARIZ reported the incident to the security personnel. Ngunit sa pagtataka nito ay walang nakuhang video footage sa parking area. At hindi na pinagtakhan ni Zenith ang bagay na iyon. Nagtulungan ang apat na tukmol para walang maiwang bakas ang kalokohang ginawa ng mga ito. They're a bunch of dynamite once they put their brains to it. Especially when they have one goal to achieve: to make mischief.
Napailing-iling siya. Sa ganoon siya nalingunan ni Mariz. Napatuwid siya ng tayo. He saw the woebegone expression on her face. And the disappointment. Kung sa kanya o sa kapabayaang nangyari sa security ay hindi siya sigurado.
"Let's go, I'm famished," yaya nito sa kanya.
He opened the door for her and followed her out from the CCTV control room. Tahimik lang silang lumabas ng hospital.
"That was so disappointing," mayamaya ay sabi nito nang ipagbukas niya ito ng pinto sa kanyang sasakyan.
"You're disappointed that the CCTV didn't catch the incident at the parking lot?" he asked when he occupied the driver seat.
"Ya-ah. I mean, c'mon, that's their job. I'm not trying to belittle them or anything. Pero trabaho nilang bantayan ang kaligtasan ng mga empleyado ng ospital na ito. Lalo pa nga at majority ng mga nagta-trabaho rito ay babae. Paano na lang kung umatake ulit ang maniac na 'yon?"
"Maniac?" ang balak na pagbuhay ni Zenith sa makina ng kanyang kotse ay naudlot.
"Yes!" mariing tugon nito. Her lips formed a hard line. Lumitaw ang magkabilang dimple nito at naningkit ang magagandang pares ng mga mata. "That maniac. Kung makikilala ko lamang ang lalaking 'yon ay muli siyang makakatikim ng suntok."
He started his car engine.
"Did... did he make a pass at you?" maingat niyang tanong nang tumatakbo na ang sasakyan.
She chewed her lower lip as if contemplating whether to answer him or not. Nang hindi kaagad ito sumagot ay hindi na rin siya nagtanong ulit.
"H-he... he cupped my boob."
Muntik ng mapa-preno nang wala sa oras si Zenith.
"He did?"
"Yeah."
Nagtagis ang bagang niya at mahigpit na napahawak sa steering wheel. Magtutuos talaga sila ng lalaking 'yon.
"Anyways, let's drop the subject. What food do you like?"
"Hmm, fried chicken," he said the first thing that came into his mind.
She laughed. "Very specific. I meant, Chinese food, Italian, Filipino cuisines, Indian food, Japanese and so on."
"Ahm, Chinese food is okay. Pero mas gusto ng panlasa ko ang pagkaing Pinoy. Ikaw ba?"
"Of course, nothing beats our own. But aside from that I like Japanese food and Italian."
"I'm not much into pasta but I like ramen."
"Me, too. My little brother hook me to it. He loves watching Naruto and One Piece, and he was influenced by watching those cartoons."
"Animé."
"Oh, right. Para kang si Odi, every time I ask him why he loves watching those cartoons he would correct me. Telling me it's A-NI-MEY."
"Magkaiba kasi sila. Cartoons refer to Western animation with children as their primary viewers. While animé has wide range of audience and a Japanese-made animation."
"Wow. I think just found a fellow animé lover for my brother."
He smiled. "Where do you want to eat?"
"Uhm," tumingin-tingin ito sa dinaraanan nila. "We both like ramen. Pero wala namang Japanese restaurant sa area na 'to. But since you like fried chicken, how about we eat there."
Itinuro nito ang ulo ng malaking bubuyog. Nilingon niya ito.
"Are you sure?"
"Yep. Why? Hindi ka ba kumakain sa ganyang kainan?"
"Hindi naman sa gano'n. I just thought, you know."
"No, I don't."
He chuckled.
"Bilis na at baka wala ng available parking slot."
"Ayaw mo sa drive-thru?"
"Saan tayo kakain, dito sa car? No, thank you. Mas gusto kong nakaupo sa harap ng mesa habang ninanamnam ang food."
"Ooh-kay, you're the boss, Doc."
Ngumiti ito labas ang dimples. "Good."
Isang family van ang papalabas ng parking area. Hinintay muna iyong makalabas ni Zenith before maneuvering his own car into the newly vacated slot.
"There we have it, your loveliness, we're in. Sana lang may bakante pang mesa." Aware siya na bihirang mabakante sa parukyano ang mga ganoong fast food chain, lalo na sa ganoong oras.
"What did you just call me?"
"Ah, loveliness...?"
She smiled sweetly, with dimples and sparkly brown eyes. "Keep it up."
"Noted," nakangiting tugon niya.
"Let's go. I'm buying us dinner."
"No, dinner's on me," mabilis niyang kontra sa sinabi nito.
"I'll race you to the door, then."
Bago pa siya nakakilos ay nakababa na ito ng sasakyan. Nagmamadali siyang sumunod dito. Isang hakbang na lamang ang layo ni Mariz sa entrance door nang mahagip niya ito sa beywang at marahang hataking pabalik.
"Hey."
Nang mailayo ito sa entrance ay kaagad na niya itong inunahan.
"First," he winked.
Napalabi ito sabay irap sa kanya.
Tatawa-tawang ipinagbukas niya ito ng pinto.
"You cheated," akusa nito.
"Wala ka namang inilatag na rule, di ba?"
"Fine. At dahil ikaw naman ang magbabayad, pumila ka na sa counter. Maghahanap na ako ng mesa."
"No problem. Ano ba ang gusto mong kainin?"
"Pandesal."
"May pandesal dito?" tumingin ito sa menu.
"I was just messing with you. You decide since you're the one who will be paying."
"Okay."
Tumalikod na ito at naghanap ng kanilang mauupuan. A young male crew is with her, he directed her to a vacant table. Siya naman ay pumila na sa counter. Pang-anim siya sa nakapila. Tatlong counter ang open at pare-parehong mahaba ang pila. Nagugutom na rin siya. Isang crew ang lumapit sa kanya at nagtanong kung ano ang order niya.
Habang nagtatanong ito ay pasulyap-sulyap siya sa menu. Sanay siya sa food delivery o di kaya naman ay iimbitahan niya lang sa bahay niya si Callous at may pagkain na siya.
YOU'RE so trusting, Mariz told herself in a sing-song voice. Hindi humihiwalay ang tingin niya sa matangkad na lalaking nakapila sa counter at mukhang batang naliligaw sa Divisoria na hindi alam kung paano uuwi.
Nangingiti siya habang nakapangalumbaba.
Who could blame me? Mukhang masarap ang kanyang pandesal, katwiran ng luka-lukang parte ng kanyang utak.
At naisip niya bigla, hindi pa nga pala niya kilala ang pangalan nito. Pero ito ay kilala siya. Could he be a cop? Or a detective? Or... a deep penetration agent?
Possibly, nangingiting saloob-loob niya.
Her mind traveled back to the time they first met. Ideas are starting to fill her head. At kung magpapadala siya sa mga naiisip niya, isa lang ang mabubuong conclusion sa utak niya. That the man is a member of a law enforcement agency.
Naabala siya sa pagtitig sa napakagandang estranghero nang tumunog ang kanyang cellphone. Mabuti naman at gumagana pa iyon kahit may damage na ang screen.
"Hello, panget," she answered her phone without removing her eyes from her subject.
"Kung panget ako panget ka rin. Ate kita, remember?"
"Point taken. So, what is it you want, my mortal servant?"
"Ha-ha," he mocked. "Can you buy me a pack of condom?"
"Ano?!" marahas na napatayo sa kinauupuan si Mariz at halos umusok ang magkabilang butas ng ilong.
Nang mapansin niyang pinagtitinginan siya ng ibang kustomer doon ay nakangiwing napaupo siya at bahagyang hininaan ang boses.
"Alam mo, ikaw. Matutuyuan talaga ako ng dugo sa'yo. Umayos ka, Odilon Reinald. Tatamaan ka na talaga sa akin."
"He-he, joke lang, siyempre. Bakit naman ako magpapabili sa'yo may dalawang box akong nakatabi rito?"
"Aba, ba, ba, ba, ba, bata."
"Hindi na ako bata, Mother Superior. Marunong na akong gumawa ng bata."
"Aba't gumaganyan ka na, ha? Humanda ka sa akin pag-uwi ko. Susunugin ko 'yang dalawang box ng condom mo," gigil ngunit pabulong niya lamang halos na sabi rito.
"Nasa safe ni Papa, hindi mo makukuha. Fifty-fifty kami ro'n, eh."
Naningkit ang mga mata ng dalaga. Kung kaharap niya lamang si Odilon sa mga oras na iyon ay makakatikim na naman ito ng sabunot sa kanya. Sakit sa bangs ng bubwit. She shook her head when she realized the word bubwit is no longer applicable to call his little brother. Mas matangkad na ito sa kanya kahit magsi-sixteen pa lamang ito. Parang kailan lang, siya pa ang nagpapalit ng diaper nito. Tapos ngayon sakit na ng kanyang ulo, napakapilyo.
"Humanda ka lang."
"Joke nga lang po, Ate kong diyosa ng mga diyosa. Can you buy me some paints? Please, please, please?"
Napailing siya sabay tirik ng kanyang mga mata. Her brother is into sculpting clay. As soon as he starts holding a pencil napansin na niya na may talent ang kapatid niya. He is good with his hands. Nagsimula ito sa play doh, then air dry clay, to water-based clay and then polymer clay. Some of his works were sold on-line for the collectors. Libangan lamang iyon ng kapatid ngunit sinusuportahan niya ito. Bukod kasi sa nalalayo ito sa bisyo at barkada ay nag-i-enjoy pa ito.
"Fine, text me the list."
"Message sent. I love you."
Natawa siya. "I love you, too."
"Sweet."
Pag-angat ng tingin ni Mariz ay naroroon na ang magandang estrangherong ka-date niya. She smiled with that thought and put down her phone.
"That was my little brother," aniya.
Ngumiti lang ito at sinimulang ihain sa harapan niya ang mga in-order nitong pagkain.
"Ang dami, ah," komento niya. At puro large pa--large fries and large drinks and then fried chicken in a bucket? May burgers pa, mango pie, spaghetti and sundaes. Panglima katao yata ang mga inorder nito.
"Gutom na rin ako," nakangiting sagot nito bago naupo sa katapat niyang upuan. "Let's eat."
Nag-sign of the cross muna siya bago dumampot ng fries at isinawsaw sa gravy.
"Aren't you supposed to dip it in ketchup? Or mayo?"
"It tastes yummier. Try it."
Parang duda pa ito pero sumunod din naman.
"What do you think?"
Ang sagot nito ay ang muling pagsawsaw sa gravy.
He likes it, naaaliw niyang naisip. She found herself watching him eat.
Akala niya ay magiging mahinhin ito. But he is very manly. He bit and chewed his food with gusto. Na para bang lahat ng isinusubo nito ay napakasarap. Nakakahawa ang gana nito. Siguro kung ito ang parati niyang kasalong kumain ay hindi na niya kakailanganin pa ng appetizer.
"What's your name, by the way?" she asked after swallowing a bite of her cheeseburger.
"Right, uhm, my name is Zenith," pinunasan muna nito ng tissue ang kamay bago inilahad sa kanya. "Zenith Fujimori."
"Mariz Andrade. May Japanese blood ka?"
"Yeah, half-half. My mother was a Filipina."
"Was?"
"Yes. She died giving birth to me."
"Oh. How about your father?"
"He died in a freak accident with my stepmother," he answered in a monotone.
Nakagat niya ang dila. Minsan talaga ay hindi niya mapigilan ang pagiging usisera. Itinikom na niya ang bibig at nagpatuloy sa pagkain. Nangangalahati na siya sa kanyang cheeseburger nang may maalala na naman siya.
"So, what do you do for a living?"
Sandali itong tila nag-isip habang ngumunguya ng fried chicken.
"Are you a c-cop?"
He stopped chewing his food. Then he looked straight into her eyes.
"What gave you that idea?"
"Just a wild guess."
"What if...?"
"What?"
"What if I am... not?"
Natigilan siya at matagal na napatitig dito. She tried to shrugged it off, told herself that it doesn't matter since they were just strangers. Pero bakit parang disappointed siya sa possibility na isa itong lawbreaker? A menace to the society.
"I think I'll just call you a cab," sabi nito nang makitang tapos na siyang kumain.
She nodded and grabbed her phone and purse.
"Wait, ipabalot na muna natin ang mga natirang food," aniya.
"Iuuwi mo?"
"Ibibigay ko sa mga street children."
"Kung gano'n ay dagdagan na natin."
Before she could say another word he stood up and went to the counter. Isang female crew ang nagbalot ng mga natira nilang pagkain. Paglabas nila ay napakarami nilang bitbit. Para silang magpapa-party.
"Sasamahan na kitang mamigay sa mga bata," he said when he started his car.
"Sure. You can also just drop me off to the nearest mall."
"May pupuntahan ka pa?"
"Yep. May ipinapabili sa akin ang bubwit kong kapatid."
Tumango lang ito. Katulad ng napag-usapan nila ay magkasama nilang ipinamahagi sa mga batang-kalye at sa mga matatandang namamalimos ang mga pagkaing dala nila. Hindi rin nakaligtas sa kanyang paningin ang patagong pag-aabot ng pera ni Zenith sa mga ito, pero nagkunwari siyang walang nakita. And she thought, maybe he's not really a bad man like he wanted her to believe.
"Let's go," yaya niya rito matapos nilang maipamahagi ang huling bitbit na pagkain.
He opened the car door for her.
"Kung ayos lang sa'yo, sasamahan na kitang bumili ng bibilhin mo sa mall."
She smiled. "Sure."
-
extended date sila.
until next update😘😘
back to editing muna ako.
frozen_delights
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro