A Shade of Blue
"MR. Fujimori."
Ang balak na paglulan ni Zenith sa lift ay naudlot nang marinig ang pagtawag ng isang babae. Si Berenice Leviste, ang bagong appointed chairman ng Alliance-Med Pharmaceuticals. Hinayaan na niyang sumara ang lift at hinarap ang babae.
"I'm sorry. I hope you're not in a hurry," paghingi ng paumanhin ng babae.
"No, not at all."
Pahapyaw niyang pinagmasdan ang babae. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa twenty-eight lamang ang edad nito. Pero dahil nakasuot ito ng eyeglasses, nagmukha itong mas matanda kaysa totoong edad nito. Mahirap ding hulaan ang vital stats nito dahil bukod sa wala sa latest trend ang fashion style ng babae, tila mga pinaglumaang damit pa ni Miss Tapia ang suot nitong long sleeve blouse at skirt.
Pero bakit ba niya pinagkaka-abalahang suriin ang pananamit nito? Ang importante lang naman sa kanya ay ang matiyak na nasa maayos na mga kamay ang pamamalakad ng kompanya. Her track record is quite impressive for a twenty-eight year-old. Nagtapos ito ng kolehiyo sa edad na disinuwebe. At habang nagta-trabaho sa umaga, nag-aral pa ulit ito sa gabi upang mas madagdagan ang espesyalidad nito sa tinapos na kurso.
She is an illegitimate child. Apo ito ng dating chairman na si Dr. Placido Leviste. Ang co-founder ng kompanya ay tatay ng pinalitang chairman. Tatlong magkakaibigan ang founder ng Alliance-Med Pharmaceuticals. Pare-pareho ng sumakabilang-buhay ang mga ito at second generation to third generation na lamang ang nasa kompanya. Sila ni Berenice ay parehong third generation na. He didn't want to assume the presidency dahil makasasagabal iyon sa misyong sinimulan niya. Bagaman kung kakayahan ang pag-uusapan, he is more than qualified for the job.
"Gusto sana kitang pasalamatan sa tiwala at suportang ibinigay mo," nakangiting sabi ni Berenice kay Zenith.
"Hindi mo kailangang magpasalamat," sinserong tugon niya rito. "You are in that position because you are qualified for the job."
"I only wish everyone shares your opinion."
"That would be boring, wouldn't it?"
Napangiti ito sa sinabi niya. At mukhang nakabata iyon sa hitsura nito.
"I know this would sound very forward, but can I ask you to have lunch with me?" her eyes were almost pleading.
Hindi iyon ang unang beses na babae pa ang unang nagyaya sa kanya na lumabas. Bagaman sa personalidad ni Berenice, walang mag-aakalang magagawa nito iyon. Nang pahapyaw niyang igala ang tingin sa kanilang paligid ay naintindihan niya kung bakit. Some of the executives are there. Kasama na si Larry Soler, na siyang pinakamahigpit na kakumpetensya ni Berenice sa posisyon. Nakita niya rin ang dating chairman na matamang nakatingin sa direksyon nila.
Without giving it much thought, he offered her his arm. Tila nabunutan ng tinik sa dibdib ang babae at nakangiting ikinapit ang isang kamay sa braso niya.
"Thank you," sabi nito nang makalulan na sila ng lift. Para itong nakahinga nang maluwag.
Nauunawaan niya ang pressure na nakaatang sa mga balikat nito. And the fact na bata pa ito at isang babae ay mas lalong nakadagdag sa bigat ng pasanin nito. Marami pa rin kasi ang nag-iisip na ang corporate world ay para lamang sa mga lalaki at sa mga may sapat na gulang. Well, they are now in the modern era. Kung saan ang babae ay may pantay ng karapatan sa mga lalaki.
"Don't let anyone browbeat you. You have my full support," wika niya rito.
At tila biglang namasa ang mga mata nito. Na kaagad nitong iniwas sa pamamagitan ng pagbababa ng tingin.
"Thanks."
"Chin up. Don't ever show them your weakness."
"Noted."
Nang nasa sasakyan na sila ay nag-request ito na kung maaari raw ay idaan niya muna ito sa bahay nito. Sandali lang daw ito at hindi naman masyadong magtatagal. Pinagbigyan na niya. Malapit lamang sa gusaling kinaroroonan ng kompanya ang condominium tower na tinitirhan nito. It was a modern two-bedroom unit. Nang alukin siya nito ng maiinom ay tubig lang ang hiningi niya.
"I'll be quick, I promise," sabi nito bago tinungo ang silid.
"No problemo, take your time."
Habang naghihintay ay saglit niyang inabala ang sarili sa paglilibot ng tingin sa unit nito. Maraming personal knick knacks doon. Contrary to what he expected na pulos libro ang makikita niya pagpasok ng bahay nito. Napansin niya ang ilang picture frame na nakahanay sa ibabaw ng bureau. May picture roon ng isang batang babae na hula niya ay nasa anim na taong gulang. Si Berenice. Napapagitnaan ito ng babae't lalaki na parehong kaytamis ng ngiti sa larawan.
They must be her parents, he guessed.
Katabi ng larawang iyon ay ang larawan ng pareha at graduation picture ni Berenice. She was smiling in the picture ngunit makikita ang kawalan ng kinang sa mga mata nito.
"Um, let's go?"
Paglingon niya ay bahagya siyang nagulat nang makita si Berenice. Nagpalit ito ng damit at nag-ayos din nang kaunti. Ngunit napakalaki ng improvement niyon sa dati nitong ayos kanina. She now looked her age and well, very pretty. At hindi naman nakapagtataka iyon dahil napakaganda ng ina nito sa picture, petite at napakaamo ng mukha. At may hitsura rin naman si Mr. Leviste. Tipikal na may pagka-tisoy.
Parang naaasiwa itong napasuklay ng buhok nang hagurin niya ito ng tingin sa suot na white top at blazer na pinarisan nito ng ripped jeans at heels.
"I'm sure maayos naman ang pagkakalagay ko ng mascara," halos bulong lamang na sabi nito.
He tsked. Amused siyang napangiti. "Nah, you look good. Nagtataka lang ako na parang ibang-iba ang nakikita ko ngayon sa nakita ko kanina sa loob ng conference room."
"Sabi kasi ni Lolo, dapat daw akong parating magsuot ng disente at magmukhang may edad para igalang at seryosohin ako ng mga taong makakaharap ko."
"I beg to disagree. Wisdom may come with age but knowledge does not. As for being decent, some men are pigs that even when you're not showing a skin they will still sexually harassed you--may it be verbal or physical. And when that happens, you should know how to put them in their place."
Parang naluha na naman. Ngumiti na lang siya at muling inalok dito ang kanyang braso.
"Let's go?"
"Uh-hm."
WALA sanang balak si Mariz na kumain sa labas. Pero dahil sa pangungulit ni Dr. Fernan, napilitan siyang sumama. Hindi lang naman silang dalawa ang magkasama, may tatlong iba pa. They went to a high-end restaurant sa buong pagtataka niya. At nang naroroon na sila ay saka lamang niya nalaman kung bakit. It was sort of a late birthday treat from Dr. Fernan. Nagpakain na rin daw ito sa ibang staff sa ospital. Pero dahil nagkataong rest day niya ng araw na iyon, hindi siya nakatikim ng handa--sila ng mga kasama niya.
"Bongga talaga si Doc. O baka naman nadamay lang talaga kami," tila may parunggit na sabi ng beki nilang kasama. Isa itong registered nurse at regular employee sa ospital na pinapasukan nila.
"Hoy, Junior, ang bibig mo. Baka magbago ang isip ni Doc, ikaw rin. Ngayon lang masasayaran ang bibig mo ng sebong sosyal," saad naman ng bilugan at mid-forties na si Ate Ana, nurse rin ito at regular sa Sacred Heart Hospital. Para itong nakatatandang kapatid ng lahat.
"Ate naman, kung maka-Junior, wagas. It's Ju-no--dyu-know, you know?"
"Ano 'yon? Short for Junior no more?" pakikibiruan niya.
"Ay, get-ching mo, Doc," malantik ang mga kamay na nakipag-apir ito sa kanya. "Sabi ko na nga ba, hindi ka lang beauty, brainy ka pa."
Ngumiti lang siya. Ang isa pa nilang kasama ay isa ring resident na kaparis niya ngunit magkaiba sila ng field, isa itong internist at mas ahead sa kanya ng isang taon sa SHH. Si Lailani Castro. Maganda ito at kalog din kung mahuhuli mo ang kiliti. Maputi at mukhang K-pop diva sabi ng karamihan sa mga kasamahan nila sa ospital. Kumpleto nga raw ang line-up ng magagandang residents sa ospital nila. May lahing bombayin, may Pinay beauty queen, at may tsinita.
Dr. Fernan is not a bad catch, also. He is a cross between Piolo Pascual and Alden Richards. Financially well-off at may magandang propesyon as a cardiologist. Hindi lang siya sigurado kung may nobya na ito o may nililigawan sa SHH. Pero sa pahaging ni Junior--or Juno, mukhang meron. At sa palagay niya ay si Lailani iyon.
They will make a cute couple, naisip niya.
Kasalukuyan ng isinisilbi ng waiter ang kanilang pagkain nang mapagawi ang tingin niya sa parehang papasok ng restaurant. Pumitlag ang puso niya nang makilala ang lalaki.
Zenith.
May kasama ito. Maganda, katamtaman ang taas, alun-alon ang kulay itim na buhok, maputi, at maganda ang hubog ng katawan. Lalo na sa bandang puwetan, ang ganda ng hubog. She's wearing a pair of big rimmed eyeglasses. At naisip niya, siguro malabo ang mga mata ng babae kaya ito nakasalamin. Sana ay nagpa-Lasik na lang ito o kaya ay nagsuot ng contact lens. Para kasing nakakaharang sa view ng maganda nitong mukha ang suot-suot nitong eyeglasses.
On second thought, ano ba ang pakialam niya? Baka naman iyon ang fetish ni Zenith. Sa naisip ay bigla siyang napabawi ng tingin. May pinong kurot siyang naramdaman sa kanyang puso sa tila mababasaging kristal na pag-alalay ng lalaki sa ka-date nito.
She's probably very special to him, mapakla niyang naisip.
Hindi na ulit nasundan ang paglabas nila mula ng gabing iyon na niyaya siya nitong kumain sa labas. Nagka-text naman sila matapos iyon. Telling her that he had a wonderful time and hoping she did, too. And she said, yes, of course. Hinihintay niya kung muli itong mag-aaya na lumabas sila, pero maliban sa muli nitong pag-ungkat sa order nitong item sa kapatid niya ay wala na itong iba pang sinabi.
Sa nakalipas na tatlong araw ay natutukso na siyang tawagan ito o i-text. Pero naisip niya, dapat bang siya ang gumawa ng move? Kung talagang gusto siya nito ay mag-i-effort ito. Dahil siya, aminado siyang gusto niya ito. Wala pa man itong masyadong ginagawang effort pero iyong halik na ibinigay nito sa kanya ng gabing iyon ay halos hindi nagpatulog sa kanya magdamag. Hindi naman iyon ang una niyang halik pero mas matindi pa sa first kiss niya ang naging epekto sa kanya.
She sighed. Napalingon tuloy sa kanya ang katabi niyang si Dr. Fernan.
"Don't you like your food?" anito.
"Oh, sorry," hingi niya ng paumanhin dito. "Para kasing nangasim ang sikmura ko."
"Drink some water," suggestion ni Lailani.
Tumango siya at inabot ang kanyang baso na may lamang tubig. Paborito niya ang kanyang mga in-order na pagkain. Pero habang nakatingin sa mga iyon ay daig pa niya ang may kaharap na kusot. Ngunit pinilit niyang damputin ang kanyang mga kubyertos at nagsimulang kumain. Nahihiya siyang magpaka-KJ sa harapan ng mga kasama at baka tulad niya ay mawala rin ang gana ng mga ito. Birthday pa naman ng nag-treat sa kanila.
Matapos nilang kumain ay nagpasintabi siyang pupunta ng restroom. Sumabay na sa kanya sina Juno at Ate Ana. Pumasok siya sa isang bakanteng cubicle roon at umihi. Masama ang loob niya at nakakaramdam siya ng galit. Ano ba ang trip ni Zenith? Collect and collect, then select? Ito ba ang tipo ng lalaki na pinagsasabay ang panliligaw sa maraming babae? At kung sino ang unang sumagot dito, iyon ang gagawin nitong girlfriend.
Kalokah.
Parang ang hirap paniwalaan na ganoong klase ito ng lalaki. Sa kabilang banda, ano lang ba ang alam niya rito? Ni hindi niya nga alam kung ilang taon na ito. O ang birthday nito. Ang alam niya lang ay ang pangalan nito. Pero ano ang malay niya, baka maging iyon ay hindi pala totoo.
"Doc, matatagalan ka pa?" tanong ni Ate Ana.
"Tapos na," mabilis niyang nilinis ang sarili at lumabas na ng cubicle.
Nagulat pa siya nang paglabas niya ay makitang naroon ang babaing ka-date ni Zenith. Naghihilamos iyon at parang conscious na sinisipat na mabuti ang sarili sa salamin. Kumurap-kurap pa ito na parang inaaninag ang sariling repleksyon. Kinumpirma lamang niyon ang hinala niya na malabo nga ang mga mata nito.
Well, it's a shame. She's very pretty, saloob-loob niya. Sayang at natatakpan iyon ng malaking rim ng suot nitong eyeglasses.
Naghugas na rin siya ng kamay. Nagkasabay pa sila sa pag-abot ng toilet paper sa tissue dispenser.
"I'm sorry. You go, first," aniya.
"Thanks."
Napansin niya ang black smudge ng mascara sa gilid ng mata nito. Habang nagpupunas ng mga kamay ay iniisip niya kung sasabihin dito iyon o hahayaan na lang ito.
Mind your own business, malditang saway ng isang munting tinig sa kanya.
She was about to do that when her conscience screamed at her.
"Go ahead, Ate Ana. Mauna ka na," aniya sa kasama.
"Sige, Doc. Naiwan ko kasi cellphone ko sa labas."
Tinanguan niya ito. Pagbaling niya sa salamin ay nakita niyang nakatingin sa kanya ang babae. Nginitian niya ito. Gumanti rin ito ng tipid na ngiti sa kanya. Pinunasan nito ang salamin.
"Um, may dumi ka sa gilid," isinenyas niya rito ang sariling mata sa kaliwa, sa sulok para malaman nito ang eksaktong lugar.
"Oh," taranta nitong isinuot ang salamin para sipatin ang parteng sinabi niya.
Napansin niyang mukhang wala man lang itong dalang compact mirror o anumang cosmetic na puwedeng ilagay sa mukha.
"Let me help you," volunteer niya.
Mukhang nag-alangan pa ito. Pero sa huli ay nagpaubaya na lang sa kanya. Binuksan niya ang kanyang purse at inilabas doon ang dalang compact mirror na may gentle taper brush. Tinulungan niya itong burahin ang smudge at inayos ang koloreteng inilagay nito sa mukha. Hindi naman nito kailangan ng make-up, kung tutuusin. Makinis at mamula-mula ang mga pisngi nito. Natural ding mapula ang mga labi kahit walang bahid ng lipstick. Hindi na siya magtataka kung ano ang nagustuhan dito ni Zenith. She's a beauty under those big-rimmed eyeglasses.
"Thank you," anito.
"You're welcome."
Nauna na siyang lumabas dito dahil baka kanina pa siya hinihintay ng kanyang mga kasama.
I forgot to ask her name, naisip niya. Ngunit sa huli ay naiiling na dinismiss din niya ang idea. Bakit pa? Sigurado naman siyang hindi na sila nito magkikita pa.
Nang makita siya ng mga kasama ay nagyaya na ang mga itong umalis.
"Mariz."
Muntik na siyang mapatigil sa paglalakad nang marinig ang pagtawag ng isang pamilyar na boses. But she chose to ignore it at dumiretso na sa kanyang sasakyan.
"Doc, parang may tumatawag sa'yo," kalabit sa kanya ng kasamang si Juno.
"Ows? Baka imagination mo lang 'yon."
She started her car engine at nag-convoy na sila ng kotse ni Dr. Fernan. Nang makalabas sa parking ay napasulyap siya sa kanyang side view mirror. Nakita niya si Zenith sa labas ng restaurant, nakatanaw ito sa papalayo niyang sasakyan.
"His face sounds familiar?" ani Juno.
"Ano?" tinawanan niya ang obvious na biro sa sinabi nito.
"Tama, parang na-heard-sung ko na ang fez niya."
Tumawa siya para madisimula ang hindi maipaliwanag na pakiramdam. Nahihiya siyang naiinis kung makikilala ni Juno si Zenith at pagkatapos ay makikita itong may ka-date na iba.
"Parang nagkita na kami before. Hindi ko lang matandaan kung saan."
"Baka sa mga suki mong bar."
"Hm, baka nga."
Nang makabalik sila ng ospital ay nakita niyang meron siyang ilang missed call at messages. Galing kay Zenith.
Her name is Berenice. She's just a colleague.
-
may explanation agad-agad? 😅😅
wagas magselos si Doc, wala pa namang sila 🤣🤣🤣
'can't be naughty yet, apaka init😥😥
frozen_delights
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro