Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

A Brewing Storm

"THAT'S Gen. Andrade? 'Yong tatay ng Doc ni Z?" 

Imboluntaryong tumuwid ang gulugod ni Zenith mula sa pagkakaupo nang mag-flash sa screen ang surveillance photo ni General Andrade kasama ang dalawa pa sa kumpirmadong utak ng illegal arm deals sa loob ng hukbong sandatahan na sina Col. Batungbacal at Commodore Pelaez.

He was in high spirit nang magpatawag ng meeting si Ferocious sa loft. Tamang-tama naman na kahahatid niya pa lang sa kasintahan sa ospital kaya sa loft na siya tumuloy. Kung gaano kataas ang enerhiya niya pagdating ay tila unti-unti namang bumaba iyon sa nakikita niya ngayong surveillance photos na nagpa-flash sa malaking monitor sa kanilang harapan.

"Yes, gentlemen. That's Gen. Andrade," pagkumpirma ni Ferocious sa katanungan ni Trace. "He was seen for the last couple of days in the company of Col. Batungbacal and Commodore Pelaez. From the look of things, they were trying to bring him on their side. Q is now looking at the paper trails, checking for some irregularities in the cash flow."

"Sapat bang basehan 'yon para masabing kabilang siya sa mga rotten eggs? He is three stars higher than a Commodore for fuck's sake," nagsasalubong ang mga kilay na wika ni Zenith.

"You know how our team works, Z. We're not going to make a move on an innocent man unless we are one hundred percent sure about our information."

Walang naisagot doon si Zenith. Dahil kagaya nga nang sinabi ni Ferocious pagdating sa covert surveillance at background checking ay mahusay ang kanilang mga miyembro. Menace is like a chameleon. He blends well in the background whenever he needs to get close to their subject. Venom is good in forgery and in creating disguises na mala-Mission Impossible. Meanwhile, Thorn is good behind the camera. Walang nakakaligtas na ditalye sa matalas nitong mga mata. Silang tatlo ang kadalasang gumagawa ng mabusising trabaho pagdating sa covert surveillance. And most of the time they coordinate with Q before making the final report on their subject to corroborate the information they have gathered.

"Do you wanna sit this one out?" ani Ferocious.

Nahagod niya ang batok. "No, I'm good."

"Sure?"

Matiim niyang tinitigan ang kausap. "Yes."

"You have to set aside your personal feelings about our subject."

"I perfectly understand."

"Okay. But before we proceed, Scythe, Callous, and Omi will be joining Tor in Italy. Tor wants to focus on Don Umberto Adduci."

Marahang kumuyom ang mga kamao ni Zenith nang marinig iyon. Tor is hell-bent on chasing the man who killed his father. Nasaksihan nila mismo kung paanong binaril ng dimonyong iyon ang Papa ni Tor. Siya sa kabilang banda ay hinahanap ang nawawalang kapatid. May nakapagsabi sa kanya na ang taong pumatay sa kanyang ama ay ang tao rin na kumuha sa kanyang kapatdi. Hindi siya sigurado kung buhay pa ang bunso niyang kapatid. But he will find him, no matter what. And at all cost.

Nagpatuloy ang kanilang meeting. Paminsan-minsan ay may mga singit na asaran at biruan. A typical scenario especially when Scythe is around.

"Hindi na nakapagtataka kung bakit halos madurog ang panga ko nang suntukin ako ni Doc mo," ani Scythe. 

Dalawang upuan ang layo nito sa kanya.

"Tss."

"Para palang dead ringer ni Ironman si Gen. Andrade."

Nagtawanan ang mga tukmol. Umiling-iling lang si Ferocious. Kahit kailan talaga walang matinong usapan kapag nasa paligid lang si Scythe. Pero hindi rin naman maitatanggi na kahit pulos kalokohan ang lumalabas sa bibig nito ay mabisang ice breaker ang mga iyon to break up the tension.

"Akala ko noong una si Pacman ang personal trainer niya, eh. But now I know better. She punched like Ironman."

Dumampot ng isang butil ng cornick si Zenith at ibinato kay Scythe. Ang bilis ng reflex ng ungas, agad itong nakailag.

"What? Aren't you proud that your girlfriend can keep up with you when it comes to man to man combat?" tila nakakaloko pang sabi nito.

"Shut up." Nakakabuwisit talaga ang animal. Ipinaalala pa nito ang araw na iyon na umeksena ang mga ito sa parking lot para magkunwaring mga holdaper ang mga ito. Ngayon tuloy ay nangangati na naman ang kamao niya para suntukin si Scythe.

"Kaya lang delikado ka, brod," dagdag pa ng tukmol. "'Yong mga ganyang babae nang-a-andres 'yan."

Muli itong binato ni Zenith ng cornick. Again, Scythe was quick enough to dodge it. Unfortunately someone else took the hit. Si Vengeance. His reaction was almost comical. He sat frozen on his seat, touched the side of his neck where he was hit before he turned around with a deadpan look on his face.

"Are you waging war, Z?"

"I missed, sorry, man. You are not really my target."

"That's so unlike you, Z--to missed. This is war," he declared before he grabbed a handful of the garlic-flavored corn nut snack.

"Uh-oh," nagkanya-kanyang pulasan ang mga nangakaupo sa pahabang mesa. Pero bago iyon ay mabilis na dumakot din ang mga ito ng cornick sa bowl.

Dala iyon ni Scythe.  Naawa raw ito sa matandang nagtitinda sa kalye kaya pinakyaw nito ang bagong sangag na cornick. Masarap naman at malutong.

"Damn," reaksyon ni Ferocious na marahas na nasuklay ang buhok. "I'm leaving, meeting adjourned."

"Mamaya na. Magpapainom daw si Z," pigil dito ni Omi habang nagkukubli sa likuran ng isang upuan.

"At bakit ako magpapainom?" tanong ni Zenith, dala-dala ang bowl ng cornick.

"Kasi sinagot ka na ni Doc mo," ani Trace.

"At magpapa-farewell party ka para sa amin nina Cal," dugtong naman ni Scythe.

"Ulol!"

"Kaya nga bumili na ako ng advance na pulutan dahil tiyak na hahanapan niyo ako ng mani," dagdag pa nito. "Ang kaso walang mani si Manong, este wala pa siyang nalulutong mani kaya pinakyaw ko na lang ang bagong luto niyang cornick."

"Wala ba siyang itlog?" ani Menace. "I mean, wala ba siyang tindang kwek-kwek? Masarap din na pulutan 'yon. Hindi tulad nitong cornick, kasing-cornick mo. Masakit na ang panga ko."

"Ganyan talaga kapag tumatanda na, pati panga nirarayuma," sagot dito ni Scythe.

"Gago. Magkasing-edad lang tayo."

"Weh?"

Binato ito ni Menace ng isang butil ng mais. Iyon ang naging hudyat para umulan ng mga butil ng mais at mapuno ng ingay ng siyam na kalalakihan ang buong loft. Sa lakas ng ingay at pagkakagulo ng mga ito ay aakalain mong may dalawampung kabataan na naglalaro sa loob.

Napailing-iling na lang si Ferocious na nakatayo sa isang tabi at nakahalukipkip na pinapanood ang mga kaibigan na parang mga batang nagbabatuhan ng cornick. Kung may ibang taong makakakita sa mga ito ay walang mag-aakala na sa likod ng mga nagkikisigang barakong iyon na madalas mag-asal na mga bata ay may nagkukubling madilim na lihim. Lihim na nababalot ng karahasan, lungkot, pait, at matinding galit. For years they learned to rely on each other to get through that, to be strong. They all became brothers connected by a bloody past. A tragedy that would have drove anyone out of their wits.

Nag-vibrate ang cellphone ni Ferocious. Dinukot ng binata mula sa bulsa ng suot na kupasing pantalon ang cellphone at binasa ang pumasok na mensahe. He cursed inaudibly and rushed out of that place. His friends called him back but Ferocious didn't bother to say as much as a goodbye. 

Napatanaw na lang sa nagmamadaling kaibigan si Venom. He saw Ferocious slid inside his old model Ferrari and drove off.

"What happened to him?" may pagtatakang tanong ni Thorn na nakatingin sa humarurot na puwetan ng isa sa pinakamahal na modelo ng sasakyan sa buong mundo--the 275 GTB Ferrari. Last they heard it's worth a whopping £20million, a collector's item. Kaya naman hindi miminsang narinig nila si Ferocious na sinabi nitong mas mahalaga pa sa sarili nitong buhay ang naturang sasakyan.

"Beats me."

"Baka hindi natunawan sa dalang pulutan ni Scythe," makalokohang sabi ni Omi.

"May CR naman dito, ah. Sampu pa nga yata ang banyo sa loob ng bahay ni Q," ani Menace.

"Baka namamahay ang tumbong ni Ferocious," saad naman ni Scythe.

"Namamahay? Ano 'yon?" ani Trace.

"Ask Boy Genius," inginuso ni Scythe ang tahimik na kumakain ng cornick na si Vengeance.

"Hey, V, what's the meaning of namamahay?"

"A serf."

"A what?"

Napahagalpak ng tawa si Scythe! Pati sina Thorn at Menace ay natawa na rin.

"What's so funny?" salubong ang mga kilay na tanong ni Trace sa pag-aakalang siya ang pinagtatawanan ng tatlo.

"Ang ibig sabihin ng namamahay ay 'yong nangingilala," supply na wika ni Thorn. "'Yon bang hindi ka komportable kapag hindi mo sariling lugar o personal space ang ginagalawan mo."

"Tumpak," sang-ayong wika ni Menace.

"Saan naman galing 'yong serf?"

"Ask Boy Genius again," tatawa-tawang sabi ni Scythe.

Umangat lang ang isang dulo ng kilay ni Vengeance. "Caste system, Philippine history."

Kumunot ang noo ni Trace, parang lalong naguluhan.

"Hindi ka nag-aral sa 'Pinas kaya huwag mo ng guluhin ang utak mo, baka magkabuhol-buhol 'yan," saad ni Menace.

"Tagay na tayo," ani Scythe.

"What happened here?" tanong ni Q na kalalabas lamang sa bunker nito. Bunker is how he termed his state-of-the-art computer room.

Parang mga batang nagkanya-kanyang turuan ang siyam.

"You, guys, are so fucking unbelievable! This is supposed to be our meeting room, not a playground! Maglinis kayo!"

"Hoy, bata!" maangas na sagot ni Thorn.

"May angal?"

Mabilis na umiling si Thorn. "Wala po, kamahalan. Tatanungin ko lang kung nasaan ang vacuum cleaner."

"Tsk. Hindi kayo gagamit ng vacuum cleaner. Manu-mano. Pagbutihan niyo. Kapag hindi niyo nalinis ang buong loft wala kayong lunch, got that?"

"Affirmative, your highness!" nakakalokong sumaludo rito sina Trace, Venom, Thorn, at Menace.

"Mga siraulo," bubulong-bulong na tumalikod na ulit si Q para bumalik sa bunker niya.

"Bakit mukhang mainit ang ulo no'n?" may pagtatakang tanong ni Omi.

"PMS," sagot ni Scythe.

"Basted?" hula ni Vengeance.

"Sino naman?" tanong ni Zenith.

"Si Siri," tugon ni Callous.

"I can hear you, fucktards!" mula sa isang speaker ay narinig nila ang boses ni Q. "Clean the damn place before you leave, you hear?!"

"Got it, your highness!" they all replied in unison.

Two hours later when Q came out from his bunker, the loft was rowdy and action-packed. Scythe was singing his heart out in front of the karaoke machine while the rest of the guys were drinking and eating.

"Glad you came out, bud. Join us," ani Venom.

Nang ihagis ni Venom ang isang canned beer sa direksyon ni Q ay wala na itong nagawa kundi ang awtomatikong sambutin ang nakalatang alak. Tahimik na lamang na napabuga ng hangin ang binata habang hinihila ang tab ng lata. Tiyak, said na naman ang naka-stock na alak sa loft. Oh, well. He needs a break, too. He might as well enjoy that day with his rowdy friends.


NANG umuwi si Mariz after her shift ay nakakapanibagong katahimikan ang sumalubong sa kanya pagpasok ng mansion. Kasama niya si Zenith. Kahit mukhang nakainom ito ay maayos naman siya nitong naihatid.

"Nanay Ems, si Mommy?" tanong niya sa mayordoma.

"Aba'y magmula nang umalis ka ay hindi pa rin bumabalik hanggang sa araw na ito, anak," ang tila may paninimbang na tugon ng punong-kawaksi.

Napabuntong-hininga nang malalim si Mariz. Kahit isang text o tawag ay wala rin siyang natanggap mula rito.

Where is she? tahimik na tanong ng dalaga sa sarili.

"Ipaghahain ko ba kayo?" ani Nanay Ems na nagpalipat-lipat ang tingin sa kanya at sa binatang kasama niya.

"Si Zenith nga ho pala, boyfriend ko. Zee, si Nanay Ems."

"Magandang gabi ho," magalang na bati rito ng binata.

"Maganda ka pa sa gabi, ehe, ano ba itong sinasabi ko? Natutuwa akong makilala ka, anak. Gusto niyo ba ng maiinom? Kape o juice? O ipaghahain ko kayo ng hapunan?"

Nilingon ni Mariz ang nobyo. "Gusto mo ba ng kape?"

"Nah, I'm good."

"Huwag na po, Nanay Ems. Magpahinga na po kayo. Kumain na rin kami sa labas bago umuwi kaya busog pa po kami."

"Sige. Pero kapag may kailangan ka tumawag ka lang. Maiwan ko na kayo."

"Sige po. Good night."

"Good night."

Nang maupo si Mariz sa sofa ay tinabihan ito ni Zenith. Kaagad na yumakap ang dalaga sa nobyo, seeking some comfort in his arms. Masuyo namang hinagod ni Zenith ang braso ng kasintahan at manaka-nakang hagkan sa sentido.

"Want to talk about it?"

"I missed Odi and Papa. And Mama, too. Despite everything that happened, umaasa pa rin akong muli kaming mabubuo at magiging isang masayang pamilya," gumagaralgal ang tinig na tugon ni Mariz.

"Have a little faith," may pang-aalong wika ni Zenith. Hinaplos-haplos nito ang kanyang likuran. "Ano ang malay mo, baka sa mga oras na ito ay magkasama sila ng Papa mo."

Or she could be with her lover. 

Sa isiping iyon ay napatuwid siya sa kinauupuan at hinagilap ang kanyang cellphone. Tinawagan niya ang numero ng kanyang Mama. Ngunit mukhang naka-off ang cellphone nito o sadyang ayaw tumanggap ng tawag. Her calls went directly to voicemail. Ang numero ng tiyahing si Criselda ang sunod niyang tinawagan.

"Hello, Tita. Magkasama po ba kayo ni Mama?" 

"No, hija. I haven't seen or talk to her for the past days. Wala ba siya ngayon sa bahay niyo?"

"Wala, Tita. According to Nanay Ems may ilang araw na rin siyang hindi umuuwi. I tried calling her but I can't reach her."

Sandaling natahimik ang nasa kabilang linya.

"I'll try calling some of our... um, friends, okay? I'll get back to you."

Nang magpaalam na ang tiyahin sa kabilang linya ay may palagay si Mariz na hindi ang kung sinong kaibigan lamang ang tatawagan nito. Marahil tulad niya ay may duda na rin ang tiyahin kung sino ang kasama ng kanyang ina sa mga sandaling iyon.

Nahahapong nahagod ng dalaga ang buhok. Hinagod ni Zenith ang kanyang likuran at marahang pinisil ang isa niyang kamay. Nang kabigin siya nito ay muli niyang isinandal ang sarili sa balikat nito. Pagod siya sa maghapong pag-iintindi ng mga pasyente sa ospital. Pero sa mga oras na iyon ay mas nakalalamang ang pag-aalala niya kung nasaan ang kanyang ina kaysa pisikal na pagod sa buo niyang katawan.

"You look tired. You should take a rest, it will do you good."

"Hihintayin ko muna ang tawag ni Tita. After that, magpapahinga na ako."

"Okay, then. I'll stay with you a bit more."

"Thanks."

"Anytime, sweetheart," he kissed her temple and pulled her a little closer.

She's not use to depending on other people when it comes to emotional matters. Dahil lagi na ay ang mga taong nasa paligid niya ang nakadepende sa kanya pagdating sa mga ganoong bagay. Pero masarap din pala sa pakiramdam iyong alam mo na may isang tao kang masasandalan sa mga ganoong sandali.

Hindi naman nagtagal at nag-return call nga ang kanyang tiyahin.

"Don't worry about Ate Sally. She's okay. She said she needs a little time off for herself. She'll come home when she's ready."

-

if you love my stories don't hesitate to hit the follow button-->

frozen_delights is my wattpad username. being awesome and naughty is my game😉😘😘  
 






Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro