
CHAPTER 8
Chapter 8: Monthsary
29 days later...
"This is useless! Repeat!" Halos mapatalon ako sa sobrang gulat nang biglang dumagundong ang boses ni Sir D sa loob ng opisina.
Nakita ko naman ang pagkataranta ng Marketing Manager namin. Para itong tinakasan ng dugo sa sobrang takot kay Sir D.
Sir Dragon slash Sir D, iyon na ang bagong tawag ko sa kanya kasi simula nang mabilaukan siya ng tubig noong nakaraang buwan ay nagbago na ito.
Kung noon ay masungit siya, ngayon ay para siyang dragon na nagkatawang tao. Ay hindi pala, nagkatawang demigod pala.
"B-but, S-sir, t-that's all we c-could g-give for now-"
"USE YOUR BRAIN! GOT IT?" Nanggagalaiting bulyaw nito na halos lumabas ang eyeballs niya. Tsk! Malala na talaga ang dragon na'to.
"W-we d-did o-our best, S-sir b-but-" nauutal na sago ng lalaking manager. Kawawa naman si kuya, siya ang unang nabugahan ng apoy ng dragon ngayong araw.
"USELESS! GET OUT!"
Nataranta naman ang empleyado at dali-daling lumabas ng glass door. Napailing na lang ang kagandahan ko. Buti nakaabot ako ng isang buwan dito kahit araw-araw niya rin akong binubugahan ng apoy.
Speaking of isang buwan, bukas na pala ang 30th day ko rito sa SDM Empire. Hmm. I think there should be a celebration.
Bigla naman akong napaayos ng tayo nang biglang nagawi ang tingin ni Sir D sa direksyon ko. Kasalukuyan kong inaayos ang mga confidential documents sa steel cabinet dito sa loob ng office niya.
"My schedule, Miss Borara," tipid na sabi niya. Apat na salita lang 'yan pero naintindihan ko agad ang ibig niyang sabihin dahil dyosa ako at taglay ko ang maladyosang common sense. Sanay na rin ako sa kaka-murder niya ng apelyido ko kahit hindi naman talaga namamatay, bininyagan nga lang.
"Sandali lang po." Dali-dali akong lumabas at kinuha ang schedule niya sa ibabaw ng table ko.
Pagpasok ko ulit sa loob ng opisina niya ay nakasimangot na ito ulit na para bang inip na inip sa kahihintay sa'kin samantalang hindi naman yata umabot ng twenty seconds ang pagkuha ko ng schedule niya, tsk.
"A-ah ito, Sir. May signing of contract kayo with Simone Salvatore at 11:30am sa Sebonne's Place, lunch meeting na rin po 'yon. At 1:00PM may business proposal meeting kayo with Mr. Levine. May meeting din po kayo with the Board of Directors mag-2:30PM."
"Is that all?" aniya na hindi nakatingin sa'kin. Busy ito sa kakabasa at kakapirma ng mga nagtatangkasang vouchers at checks.
"Ah, meron pa po." Napatigil naman ito sa pagpirma at bahagya akong tinapunan ng tingin ngunit ibinalik din nito kaagad sa ginagawa ang kanyang mga mata.
"Mag 5PM po..." Natigilan naman ako. Ano nga ba ang puwede? Hmm.
Nag-angat ulit ito ng tingin habang hindi binibitawan ang kanyang ballpen.
"Mag 5PM puwede na kayong umuwi. Hihi." Ngumiti ako nang nagpapa-cute dahil alam kong nakakahawa ang ngiti ko sabi ni Lady M.
Ngunit sadyang gawa talaga sa bato itong si Sir D dahil wala manlang itong reaksyon at bumalik ulit sa kanyang ginagawa. Na para bang hindi manlang ako humirit. Ano ba 'yan. Corny yata ng joke ko. Hindi naman ako kumakain ng mais ah.
Binalikan ko na lang ang ginagawa ko at tinapos ito nang walang imik. Hindi ako sanay sa ganito dahil ayaw kong napapalibutan ako ng nakakabinging katahimikan. Malungkot kaya 'yon. Pero dahil mabait at masunurin akong secretary pinagtatiyagaan ko na lang ang nakakabagot na opisina ni Sir D.
Lumabas na ulit ako ng office niya pagkatapos kong maligpit lahat ng files na in-alpha ko sa steel cabinet. Kahit ganito ang scenario namin araw-araw ay parang hindi pa rin ako sanay. Haay. Ang hirap talaga kapag bugnutin ang boss mo at bigla-bigla na lang nagta-transform sa dragon kapag nagagalit.
Masyado itong perfectionist lalo na sa pagpapatakbo ng kompanya nila. Hindi na rin bago sa'kin kung may nabubulyawan siyang empleyado dahil sa kapalpakan. Masyado nga talagang matalino si boss dahil kahit isang pahina pa lang ng report ang nababasa niya, alam niya kung may mali o wala. Kaya nga napaalis ang Finance Manager no'ng nakaraan linggo dahil nagtangka raw itong magsabutahi ng bank accounts ng SDM Empire. Kung paano nadiskubre ni Sir D ay hindi ko alam at wala rin akong balak na alamin dahil baka bugahan pa ako ng apoy no'n 'pag malaman niyang nakiki-tsismis ako.
Mabilis lumipas ang oras at pagtingin ko sa orasan ay 11:15 na. Napatingin ako sa glass door nang bigla itong bumukas at iniluwa 'non si Sir D bitbit ang kanyang attache case. May meeting nga pala siya. Naglakad lang ito ng diretso at nilagpasan lang ako. Hindi manlang nagpaalam, tsk!
Ang sabi nila at ayon rin kay Google, kadalasan ang ginagawa ng secretary ay sinasamahan ang boss sa meeting nito at nagti-take down notes o nagsi-steno, pero iba kami. Hindi niya ako pinapasama at parang taga-remind at taga-arrange lang ako ng schedule niya, taga sagot ng telepono, at taga-file. Parang hindi na nga niya kailangan ng secretary eh, dahil halos wala naman akong matinong nagagawa. Palagi pa akong nabubulyawan.
Haay. Makapag-status na nga lang sa FB.
The dragon is out. My beauty is at rest.🚺💺💺💺
#sleepy
I clicked post. Ayan.
...
NAPANGITI ako nang matapos kong maihanda lahat ng dadalhin ko mamaya. Maaga talaga akong nagising at nagpatulong kay Lady M na magluto. Siya ang nagluto ng carbonara at ako naman sa adobong manok at beef steak. Nilagyan ko rin maraming toppings na sliced onions para kunwari isang chef ang nagluto nito. Gano'n din ang ginawa ko sa adobo.
"Salamat, Lady M."
"O siya, sige na. Magbihis ka na at baka ma-late ka pa."
Tumango ako at mabilis na pumasok sa kwarto ko. Nagsuot ako ng black turtle neck na fitted blouse at tucked-in na paldang puti at nagbelt din ng puti. Naglagay din ako ng pulbo at lip tint para lalo akong gumanda. Hihi.
Pagkarating ko sa SDM ay dumiretso agad ako sa pantry para itago ang dala ko. Gusto kong isurprise si Sir D mamaya, baka sakaling dito ko pa siya mapapangiti ulit. Kahit binubugahan niya ako ng apoy araw-araw, hindi ako susuko. Mapapangiti ko rin siya. Aja! Fighting!
...
"Sir, tulungan n'yo po ako. Ayaw ko ng pumunta ng pantry. May ipis 'don!" umiiyak na saad ko kay Sir para maniwala. Ramdam ko ang pagtulo ng mga luha ko. Buti na lang nakapagdala ako ng extrang sibuyas at hiniwa ko ito malapit sa mata ko kaya tumulo talaga ang luha ko.
"Y-you're afraid of cockroach?" Untag nito na biglang lumambot ang kanyang mukha. Nabuhayan ako ng loob. Iyak pa more, Nisyel.
"O-opo, Sir. Gumapang pa nga sa binti ko eh kaya bigla akong napatakbo rito. Ayaw ko na talagang bumalik do'n. Baka mamatay ako pag inataki ako sa puso dahil may phobia ako sa ipis." Muli kong pinatulo ang luha ko at ngumuso para magmakaawa. Bigla naman itong napalunok at napaiwas ng tingin.
"How come? I told the maintenance to make sure-"
"Naku hindi po, meron po talaga! Ipapakita ko pa sa inyo kung saang banda."
Napabuntong hininga naman ito at pagkuwa'y tumayo. Hihihi.
And the best actress award goes to...
Nisyel Love Borora!
Nai-imagine ko talagang nasa entablado ako at pinapalakpakan habang kinukuha ko ang aking trophy. Hihi. Parang ang ganda no'n, ah.
Ang totoo wala naman talaga akong nakitang ipis doon dahil napakalinis ng pantry. Pero totoong may phobia ako sa ipis. Nakakadiri kasi 'yon, pakiramdam ko kakainin nila ako nang buhay sa tuwing nakikita ko sila.
Sinamahan ko si Sir D sa loob ng cafeteria. Pagbukas na pagkabukas niya ng pinto ay...
"Charaaaaaan! Surprise!"
"F*ck!" Napaiktad si Sir sa sigaw ko. Nagulat yata. Hihi.
"What the hell is this all about?" Salubong ang kilay nito at napahalukipkip.
"Sir, talaga. Ayaw n'yo ba sa surprise ko? Ako po nagluto lahat niyan." Sorry, Lady M, saka na kita bibigyan ng credits sa pagluto mo ng carbonara. Kailangan kong pangitiin si Sir.
"Y-you did?" aniya na mukhang gulat at...may amusement sa kanyang mga mata?
Hihihi. Si Sir talaga nagustuhan din pala ang effort ko.
"Opo, kaya maupo na kayo at kakain tayo. Sagot ko ang lunch natin ngayon," nakangiting sabi ko.
''Why?'' Naguguluhang saad nito.
''Ay, Sir, hindi n'yo ba naaalala? Monthsary kaya natin ngayon!''
Nataranta ako nang bigla itong napaubo na parang nabulunan ng laway kaya dali-dali akong kumuha ng tubig at binigay sa kanya.
''Ayos lang kayo, Sir?''
''Y-yeah. But monthsaries are for couples only, Love.'' Napailing ito at bigla itong ngumiti pero hindi ko iyon pinansin dahil biglang tumalon ang puso ko.
Holyness! Tinawag niya ulit akong Love!
Napahawak ako sa dibdib ko dahil pakiramdam ko lalabas ang puso ko anumang oras. Hala! Masama 'to. Malapit na ba akong mamatay?
Kalma, Nisyel. Inhale. Exhale. Breathe in. Breathe out.
''Kayo talaga, Sir. Wala namang batas sa Pilipinas na ang monthsary ay para sa magjowa lang, ah. Meron din kaya sa magkakaibigan. Pero sa atin naman, monthsary ng unang araw na naging boss kita at assistant n'yo ako.''
Napatango-tango naman ito habang nakaangat ang sulok ng kanyang labi na lalong nagpakabog sa dibdib ko. Kelangan ko yatang magpacheck-up sa puso.
"Alright. Monthsary it is," sabi niya na nakangiti at umupo sa upuan. Pangdalawahan lang ang mesa rito sa pantry at tamang-tama. Umupo na rin ako sa kabilang upuan at binuksan ang mga natatakpang pagkain.
"W-what's that?" Biglang namutla si Sir D at parang biglang itong pinagpawisan habang nakatingin sa beef steak at adobong manok.
"Adobong manok po at beef steak. Specialty ko 'to lahat, Sir. Naku tikman n'yo at baka makakalimutan niyo ang pangalan niyo sa sobrang sarap," pagmamayabang ko at ngumiti ng pagkalapad lapad. Ngunit walang nagbago sa reaksyon ni Sir. Para itong tatakbo anumang oras habang nakatingin ito sa ulam na parang takot na takot.
"Sir, hindi po kayo kakainin ng ulam. Kayo po ang kakain ng ulam. Bakit po parang takot na takot kayo?" tanong ko.
''N-nothing. I-i'm just s-surprised.'' Nauutal na untag nito. Hala! Bago 'to ah. Si Sir nauutal. Siguro na-overwhelm siya sa ginawa ko.
Pumikit ako at nag-usal ng munting dasal bilang pasasalamat bago sumandok ng kanin.
"Kain na po tayo, Sir. Dinamihan ko talaga ang onions kasi po maraming benefits ito sa katawan. Tulad na lang ng pag-stable ng digestive system natin. Nagre-regulate din ito ng blood sugar at nakakapag-improve ng immune system natin. Kaya po an onion a day will keep the doctor away."
Ngumiti ulit ako kay Sir at napalunok ulit ito dahil nakita ko ang paggalaw ng adam's apple niya. At dahil mabait nga akong assistant, sinandukan ko siya ng kanin at nilagyan ng ulam ang kanyang plato. Dinamihan ko pa nga ang onions para healthy living siya.
Napangiti ako sa sunod-sunod na pagsubo ni Sir. Mukhang hindi na nga ito ngumunguya, eh. Masyado yatang nasarapan sa luto ko. Parang ayaw maubusan, eh. Sunod-sunod din ang pag-inom nito ng tubig. Gutom yata si Sir dahil tumagatak na talaga ang pawis nito.
"Ito, Sir. Tikman n'yo 'tong carbonara. Masarap 'to." Inusod ko malapit sa kanya ang lalagyan ng carbonara. Nakita ko naman ang pagkinang ng mata nito pagkakakita nito sa carbonara.
"Thanks," aniya.
Shet!
First time ulit 'to.
Nag-thank you siya!
"Oh, ano? Masarap po, 'di ba?"
"Y-yeah," nakangiting sagot nito.
Ehmeged! Ngumiti ulit siya! Tagumpay!
Pagkatapos naming kumain ay niligpit ko agad ang pinagkainan namin at nilagay sa lababo para mahugasan.
Nasa gitna ako ng ginagawa ko nang bigla kong naramdaman na parang may kumikiliti sa dulo ng hinlalaki ko sa paa kaya tiningnan ko ito.
Nanlaki ang mga mata ko at bigla kong nabitawan ang basong hawak ko. At...
"Aaaaaaaaah! Siiiiiiiiiir!"
"Dang it! What's wrong, Love?" Nag-aalalang saad ni Sir D at lumapit sa'kin.
"Ipiiiiiiissssss!"
Mabilis pa sa alas kuwatrong tumalon ako kay Sir at nagpakarga. Bridal style.
Huhuhu. Kanina ko lang sinabing may ipis dito, ah. Pero nagkatotoo agad. Huhuhu.
Totoo nga talaga ang sinasabi nilang...
Be careful of what you wish for.
©GREATFAIRY
Twitter: greatfairyWP
FB Group: FAIRYNATICS and GF LOYALS
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro