
CHAPTER 26
Chapter 26: Sorry
"D-dee..."
"I can't believe you lied to me," malamig na saad nito at parang hinahalukay niya ang buong sistema ko sa paraan ng kanyang pagtitig.
"D-dee, m-magpapaliwanag ako--"
"Why am I surprised anyway? Women are of the same skin. I just can't believe I was fooled... What a hopeless, terrible liar bitch," nang-uuyam na wika nito. Pakiramdam ko tinusok ng milyon-milyong punyal ang aking dibdib sa kanyang sinabi.
"Wala kang karapatang insultuhin ang anak ko! Kukunin ko siya sa puder mo!" Galit na wika ni Mama at akmang susugurin ng sampal si Dee kaya mabilis ko siyang hinawakan sa braso.
"Tama na, Mama."
"You can bring your daughter, Mrs. Pelaez and I don't want to see your faces inside my territory when I come back," malamig na saad ni Dee bago tumalikod.
"Dee, sandali!" tawag ko sa kanya at hinabol siya ngunit hindi manlang ito lumingon. Dire-diretso itong pumasok ng private lift.
"Dee!"
"Tama na, anak. Umuwi na tayo."
"Pero, Mama, kailangan ko siyang makausap. Magpapaliwanag ako sa kanya," nanginginig na saad ko. Pakiramdam ko lumambot ang lahat ng buto-buto ko sa katawan.
Hindi ko kaya.
Hindi ko kayang nagagalit sa'kin si Skeet.
Kailangan ko siyang makausap.
Kailangang ipagtapat ko sa kanya na hindi ko ginustong magsinungaling.
"Hindi siya nararapat sa'yo, anak. Kailangan mong tanggapin 'yon."
Sunod-sunod akong umiling.
Hindi ko iyon matatanggap.
"Hindi, Mama. Soulmate namin ang isa't isa. Kaya kami lang ang nararapat."
Nagsimulang bumalong ang mainit na likido sa aking mga mata hanggang sa naramdaman ko ang masaganang pagdaloy ng mga ito sa aking magkabilang pisngi.
Pero wala akong pakialam. Kailangan kong sundan si Dee. Alam ko hindi ako matitiis no'n.
Magpapa-cute at magpa-puppy eyes ako sa harap niya para kausapin niya ako.
"Tama na, anak. Hindi mo ba narinig ang sinabi niya? Ayaw ka na niyang makita," mahinahong wika ni Mama na ikinakirot ng aking dibdib.
"Hindi ako naniniwala. Nagbibiro lang siya, Mama. Mahal ako 'non. Palagi niya kayang sinasabi yun sa akin," natatawang sagot ko habang umiiyak.
Pinahid ko ang aking mga luha pati ang aking sipon na naki-epal sa aking pag-iyak.
"Pasensya na, Mama, pero hindi kita masusunod. Kailangan kong sabihin sa kanya na hindi ko siya niloloko."
"Anak!"
Hindi ko pinansin si Mama. Lakad-takbo akong pumasok ng public elevator para sundan siya.
Hindi ko inalintana ang mga usiserang empleyado na nakasabay ko sa elevator. Tinatanong nila kung bakit ako umiiyak pero hindi ko sila pinansin.
Dire-diretso akong lumabas pagkalapag ng elevator sa ground floor.
Tumakbo ako palabas ng lobby. Natatarantang tinawag ako ng mga kuya guard pero dinedma ko sila. Tinungo ko ang parking lot para hanapin ang sasakyan ni Dee pero wala na roon.
Baka umuwi.
Mabilis kong tinakbo ang daan para mag-abang ng taxi ngunit na-realize kong wala pala akong dalang pera. Naiwan ko pala ang bag ko sa opisina.
Nanghihinang napaluhod ako sa gilid ng daan.
Pambihira. Nagmumukha yata akong pulubi nito.
Bakit ba kasi nagmamadali ako? Hindi naman siguro lalabas ng Pilipinas ang dragon na 'yon.
"BFF?"
Napaangat ako ng tingin nang makita ang dalawang pares ng sapatos sa aking harapan.
"Anong ginagawa mo rito sa gilid? Ang init-init nakaluhod ka riyan!"
"G-galit siya. Galit siya sa'kin, BFF. Galit siya sa'kin!"
"Sinong galit? Teka tumayo ka nga muna." Inalalayan akong tumayo ni BFF kasi parang napako ang tuhod ko sa semento.
"Ang akala niya niloko ko siya pero hindi. Hindi ko siya niloko, BFF!" Bakit gano'n? Parang nagmistulang ilog ang aking mga mata dahil ayaw tumigil sa pagtulo ang aking mga luha.
"Si Skeet ba ang tinutukoy mo?" Nanlulumong tumango ako kay BFF.
"S-sinungaling daw ako. 'Di ba, BFF, hindi totoo 'yon? 'Di ba hindi ako sinungaling? Hindi ko naman sinasadya, BFF. Hindi ko naman sinasadyang magsinungaling sa kanya. Bakit hindi niya ako pinakinggan?"
"Shh... Tahan na, BFF. Baka nagpapalamig lang siya ng kanyang ulo. Hayaan mo muna siya." Niyakap ako ni BFF kaya lalo akong napahagulgol.
"Anak, tara na." Pareho kaming napalingon ni BFF kay Mama.
"Ma'am Andrea?"
"Bianca?" Sabay na wika ni BFF at Mama sa isa't isa.
"K-kayo ang M-ama ni Nelnel?"
"Ako nga. Magkakilala pala kayo ng anak ko."
Nakita kong parang namutla si BFF at 'di-makapaniwalang nagpalipat-lipat ang kanyang paningin sa aming dalawa ni Mama.
"Magbestfriend p-po kami," nauutal na wika ni BFF.
"Gano'n ba? Kay liit nga naman ng mundo," komento ni Mama.
Hindi ko na nagawang mag-usisa kung bakit sila magkakilala dahil lutang ang aking utak.
Bakit ba ang lupit ng tadhana sa'kin? Nagpapakabait naman ako, ah.
Si Dee. Bakit parang ibang tao siya kanina? Bakit parang nandidiri siya habang nakatingin sa'kin?
Dahan-dahan kong inihakbang ang aking mga paa para tahakin ang daang maaring pinuntahan ni Dee. Ngunit nakatatlong hakbang pa lang ako nang hinawakan ako ni Mama sa braso.
"Umuwi na tayo, anak." May simpatyang saad nito ngunit umiling ako.
"Hindi, Mama, susundan ko si Dee. Sigurado akong kakausapin din ako no'n dahil hindi niya ako matitiis. Mahal niya ako."
"Hindi, anak. Hindi ka niya mahal. Kung mahal ka niya, sana hinayaan ka muna niyang magpaliwanag. Pero anong ginawa niya? Itinaboy ka niya, anak! Ayaw na niya sa'yo. Hindi ka niya totoong mahal!"
Bigla akong napatigil at napatda sa aking kinatatayuan.
Hindi ako totoong mahal ni Dee?
Kaya ba ayaw niya akong makita?
Kaya ba ipinamigay niya ako kay Mama?
Lalong bumalong ang mga luha sa aking mga mata. Nanlalabo na rin ang aking paningin nang dahil sa luha.
"H-hindi niya ako t-totoong m-mahal?"
"Oo, anak, kaya tara na. Sumama ka sa'kin."
Hinayaan ko na lang si Mama na akayin ako. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng taxi-ng pinara ni BFF. Sumakay kami at naiwan si BFF pero hindi ko na nagawang magpaalam sa kanya.
Hindi ako tumigil sa kakaiyak habang nasa taxi kami. Tahimik lang naman si Mama na hinahagod-hagod ang aking likod.
Bakit ganito?
Bakit ang sakit-sakit ng aking dibdib?
Pinigilan ko ang sarili kong humagulgol dahil nakakahiya kay Kuyang taxi driver ngunit hindi ko napigilan.
Walang hiya! Ang sarap palang mag-moment sa loob ng taxi.
Hindi ko na nasubaybayan kung paano kami nakarating sa harap ng bahay ni Mama. Natauhan lang ako ng pinagbuksan pa niya ako ng pinto ng taxi.
Parang robot lang akong naglalakad papasok ng kanyang bahay. Hawak-hawak niya ako sa kaliwang kamay na parang isa akong bata.
"Ito ang magiging kwarto mo. Magpahinga ka muna, anak." Tumango lang ako at naupo sa manipis na kama. Napabuntong hininga naman si Mama.
"Hayaan mo na 'yon, anak. Makakalimutan mo rin siya. Nandito na si Mama para hindi ka na mag-iisa. Mahal na mahal kita, anak, at hindi ako makakapayag na sasaktan ka ng Mijares na 'yon," puno ng simpatyang wika nito.
Pero nasasaktan na ako, Mama.
Gusto ko sanang idugtong ngunit pinili ko na lang manahimik.
Humiga ako sa kama at ipinikit ang aking mga mata. At dahil nananakit ang aking mga mata sa sobrang pag-iyak ay nakatulog agad ako.
Nagising ako sa malakas na pagpatak ng ulan sa bubong. Mababa at manipis lang ang kisame kaya maririnig mo talaga ang bawat patak na nagmimistulang maliliit na bato na tumatama sa bubong.
Alas singko ng hapon na pala nang tingnan ko ang oras sa maliit na bilog na wall clock.
Ang tagal ko rin palang natulog. Hindi ako nakapag-agahan ngunit hindi ako nakaramdam ng gutom.
Ang lungkot. Napakalungkot.
Naisipan kong i-text si Dee para mag-sorry pero naalala kong hindi ko nga pala nabalikan sa opisina ang bag at cellphone ko.
Niyakap ko ang dalawa kong binti at isinubsob ang aking mukha sa ibabaw ng dalawa kong tuhod.
Ano ba 'tong mga mata ko. Nakikisabay rin sa pagluksa ng kalangitan.
...
KINABUKASAN ay naalimpungatan ako sa sobrang pagkalam ng aking sikmura. Hindi nga pala ako nakakain kahapon, nagtulog-tulogan rin ako kagabi nang ginising ako ni Mama para kumain ng hapunan.
Tumila na rin ang ulan.
Naramdaman ko ang panginginig ng tuhod ko sa sobrang gutom kaya pinilit kong bumangon.
Bakit ba kasi nag-inarte pa ako kagabi?
Tinungo ko ang pinto at kinapa ang switch ng ilaw. Alas sais pa lang ng umaga.
Lumabas ako at tinungo ang kusina para maghanap ng puwedeng kainin. Sana meron.
Nagdiwang ang aking sikmura nang makitang may malamig na kanin sa loob ng rice cooker. Natira siguro kagabi. Binuksan ko ang maliit na refrigerator at tumambad sa akin ang piniritong isda sa loob mg mangkok. Tamang-tama.
Kumuha ako ng maraming kanin at isang isda. Hinugasan ko muna ang aking mga kamay. Mas masarap kasing magkamay kapag pritong isda ang ulam.
Malamig na kanin at malamig na malamig na piniritong isda. Pak na pak sa malamig kong umaga.
Wala naman akong nakitang oven o heater kaya kinain ko na lang sa sobrang pagkagutom ko.
Tumulo ang aking mga luha nang manuot sa lalamunan ko ang malamig na kanin at isda.
Walang hiya! Naiiyak ako sa sobrang tuwa. Sunod-sunod na pagsubo ang aking ginawa na parang wala nang bukas. Muntik pa akong mabilaukan pero pinagpag ko lang ang aking batok.
Dali-dali akong kumuha ng tubig pagkatapos kong kumain. Bahagya pang sumakit ang aking tiyan. Marahil ay hindi maganda ang pagkikita ng pagkain at mga anaconda sa aking tiyan.
Ano na ang gagawin ko ngayon?
Kailangan makausap ko ngayon si Dee kahit ano'ng mangyari.
Pero wala akong perang pampasahe. Siguradong hindi naman ako bibigyan ni Mama.
Napatingin ako sa ibabaw ng ref.
Eh?
Wallet!
Napangisi ako.
Salamat, angels, ah? Salamat sa tulong n'yo.
Kumuha ako ng isandaan at mabilis na ibinulsa. Wala sa sariling napatingin ako sa kabuuan ko. Gano'n pa rin pala ang damit ko simula kahapon.
Inamoy-amoy ko ang aking sarili. Mabango pa rin naman.
Nag-tip toe ako patungo sa main door dahil baka magising si Mama ngunit...
"Saan ka pupunta, anak?"
Waaah! Ano ba 'yan! Ang malas ko naman.
"Pupuntahan ko po si Dee at susubukan ko siyang kausapin," kalmadong sagot ko habang nakahawak sa door knob.
"Hindi, anak. Hindi ka maaaring pumunta pa roon. Dito ka lang," nagtitimping tugon ni Mama.
Breath in.
Breath out.
Kaya mo 'yan, Nisyel.
Mabilis kong pinihit ang door knob at tumakbo palabas.
Halos mapatalon ako sa tuwa nang makitang may paparating na taxi kaya mabilis ko itong pinara.
Nakita ko namang hinahabol ako ni Mama ngunit nakahinga ako nang maluwag nang umandar na ang taxi.
Mabuti na lang at hindi traffic kaya mabilis na nakarating ang taxi sa harap ng SDM Empire. Eighty-nine pesos lang din ang binayaran ko.
Dali-dali akong bumaba pagkatapos kong makuha ang aking sukli at tumalilis papasok ng building ngunit...
"Ma'am Nisyel, hindi po kayo puwedeng pumasok," pigil ni Kuya guard na humarang sa aking harapan.
Huh?
"Nangtitrip ka ba, kuya? Bakit hindi ako puwedeng pumasok, e dito ako nagtatrabaho?"
"Kabilin-bilinan ho ni Sir Skeet na huwag na huwag kayong papasukin pati ang nanay niyo. Pasensya na po sumusunod lang kami ipinag-uutos," malungkot na saad ni kuya.
Naramdaman ko na naman ang pagkirot ng aking dibdib.
"Bakit daw, kuya? Ang alam ko healthy naman ako at walang nakakahawang sakit, ah."
"Iyon nga ipinagtataka namin, Ma'am. Kahapon lang ang sweet-sweet ni Sir sa inyo pero ngayon ayaw na kayong papasukin dito. Pero wala naman po kaming magagawa. Ayaw naming mawalan ng trabaho kaya pasensya na ho."
Nanlumo ako at nag-umpisa na namang mamuo ang luha sa aking mga mata.
"A-ayos lang po, mga kuya. Hihintayin ko na lang siya."
Nanginginig ang aking mga binti habang tinatahak ang parking lot.
Kaya mo 'yan, Nisyel. 'Di ba isa kang dyosa? Kaya huwag kang susuko!
Naupo ako sa gilid at nangalumbaba. Tiniis ko rin ang mga nangangagat na lamok.
Kailangan makausap ko siya kahit ano'ng mangyayari. No retreat. No surrender.
Isang oras din ang lumipas bago ko natanaw ang kanyang sasakyan kaya dali-daling akong tumayo.
Ang gwapo talaga ni Dee.
Isang gray na armani suit ang kanyang suot at may suot rin siyang aviators. Malawak ang parking lot kaya hindi niya agad ako napansin.
"Dee!"
Mabilis ko siyang sinunggaban ng yakap pagkatapos niyang masarado ang pinto ng kanyang kotse.
"Get off me," malamig niyang saad at pilit na tinatanggal ang nakapulupot kong mga kamay ngunit hinigpitan ko lalo ang yakap.
"Sorry na, Dee. Sorry na... Bati na tayo, please?" umiiyak na saad ko.
"I SAID GET OFF ME," tiim-bagang na wika nito.
"Anak, bakit ba ang tigas ng ulo mo? Huwag kang magmakaawa sa Mijares na 'yan," narinig kong wika ng boses mula sa aking likod.
Sinundan pala ako ni Mama.
"Hindi! 'Di ba, Dee, bati na tayo?" Ngunit isang malamig na tingin lang ang ipinukol sa akin ni Dee matapos niyang matanggal ang aking mga kamay sa kanyang katawan.
"Dee--"
"ENOUGH!" Napatalon ako sa pagtaas ng kanyang boses.
"Tara na, anak." Iwinaksi ko si Mama at humakbang paatras. Pinaglipat-lipat ko ang aking paningin sa kanilang dalawa habang umiiyak.
"Ang daya n'yo! Ang daya-daya n'yo! Bakit ba hindi kayo magkasundo? Hirap na hirap na ako! Kung ayaw ninyong magkasundo, e 'di huwag! Bahala kayo sa mga buhay ninyo! Ayaw ko nang mai-stress! Ayaw ko na talaga! I QUIT!" bulyaw ko sa kanilang dalawa bago tumakbo.
Ayaw ko na.
Ayaw ko na sa kanila.
Babalik na lang ako sa ampunan.
Tama.
Babalik na lang ako sa mga taong totoong tinuring akong pamilya.
Tumatakbo akong tumawid sa kalsada at nanlalabo ang aking paningin sa sobrang pag-iyak kaya hindi ko namalayan ang pag-ugong ng dumadaang sasakyan.
"Mahabaging Diyos! Ang babae! Ang babae!"
Sigawan ng mga tao sa paligid ang huli kong narinig bago nagdilim ang aking paningin.
©GREATFAIRY
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro