Chapter 7
Zamia Brecken Wringler
Simula nang gabing 'yun hindi na ako nag tangkang tanungin pa siya ulit patungkol sa nanay ni Brazilla.
Ngayon mas lalo ko nang naitindihan kung bakit ganoon na lang nangungulila si Brazilla sa kalinga ng isang ina.
Maingat kong hinalikan ang kamay nito. Nandito siya kuwarto ko natulog, nakasanayan niya na rin dahil ayaw niya talagang humiwalay sa akin.
Hindi ko rin magawang matulog dahil hindi naman ako dinadalaw nang antok.
Mag-uumaga na lang ay wala akong ibang ginawa kundi titigan si Brazilla, o hindi kaya'y tumulala sa kisame.
Bandang alas kuwatro nang umaga ay bumangon na ako at nag tungo sa kusina. Tahimik pa ang buong rest house dahil malamang tulog pa ang mga tauhan ni Al.
Maliban nga lang kay Robot na kitang-kita kong naglalakad sa gilid ng dagat. Saglit akong uminom ng tubig at naglakad papalabas.
Kusa akong dinala ng mga paa ko sa puwesto kung nasaan si Robot. Mukhang nagulat rin siya nang makita ako.
"Hindi ka natulog, Robot?" Bungad ko sa kanya. Umiwas siya ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad. "Subrang lamig pa nang hangin, hindi ka ba giniginaw?"
"Bumalik kana ro'n Zamia." Pormal niyang sabi at hindi man lang ako binalingan ng tingin.
"Eh bakit ikaw nandito ka? Madilim pa..." gaya ng sabi ko 4 am pa lang nang umaga. Kaya medyo madilim pa rin ang paligid.
"Nag re-relax lang." Tumango ako. "At puwede ba? Tigilan mo na kakatawag ng Robot sa akin." May halong irita sa boses niya.
Hindi ko maiwasang ngumiti.
Minsan ko lang kasi siya makitaan ng emosyon, kumbaga rare sa kanya ang magkaroon ng emosyon. Kaya nga Robot tawag ko.
"Huwag kang ngumiti Zamia, para kang may sapi." Inis kong sinapak ang braso niya.
"Sus! Suplado kang talaga!"
Ilang minutong nanaig ang katahimikan sa aming dalawa. Sumabay na rin ako sa kanya at medyo nakakalayo na kami sa rest house.
"Pribado ba ang lugar na 'to, Robot?" Nagsalita ulit ako habang ang pansin niya naman ay nasa dagat lang.
"Oo. Private property ni Al." Napaawang ang bibig ko. Ganoon siya kayaman? Pag-aari niya pa talaga 'to ah?
"Matagal ka nang nagtatrabaho sa kanya?" This time lumingon siya sa akin.
"Hindi masyado." Nagkibit-balikat ako. "Bakit ka ba sumusunod sa akin? Paano pag nalaman niyang wala ka ro'n? Bumalik ka na Zamia." Malamig na tugon niya pero umasta lang akong walang naririnig.
Tumitig lang ako sa mukha niya at mukhang naiilang siya dahil tumigil ito sa paglalakad at nilabanan ang titig ko.
Kumalabog nanaman ang puso ko sa paraan ng titig niya. 'Yung parang kinakabahan ako na iwan, hindi ko maintindihan.
Ano bang meron sa robot na 'to?
Nabigla pa ako ng hawiin niya ang kaunting hibla ng buhok na humarang sa mukha ko.
"Damn, face." Mahina pero narinig ko naman ang sinabi niya.
"Bakit? May dumi ba sa mukha ko?" Wala nanaman akong natanggap na sagot. Nilagpasan niya lang ako. "Hoy robot! Alam mo parang may potential ka sa pagmomodel! Bakit ka pa nag bodyguard?" Totoo naman kasi.
Mula sa mukha niya hanggang sa katawan, siguradong papasa siya!
Hindi maipagkakait na may itsura.
"Kasi gusto ko. Tama na ang tanong Zamia. Bumalik na tayo doon." Lumiko na siya at naglakad pabalik pero hindi ako natinag.
"Ang ganda siguro abangan ang sunrise dito," ani ko.
"Zamia. Bumalik na tayo," huminahon ang boses niya.
Huli na nang mapagtanto kong hawak niya ang pulsohan ko.
"Tss." Hinayaan ko siyang hawakan ako doon habang dinaramdam ko rin ang malamig na simoy ng hangin.
"ZAMIA!" malakas na sigaw dahilan para mapatigil kaming dalawa ni Robot. "Kanina pa kita hinahanap!" Si Al! Umuusok nanaman ang ilong!
"Namasyal lang naman kami Al," aniya ko.
Pero imbes na pansinin ay bumaba ang tingin niya sa pulsohan kong hawak-hawak ni Robot.
"Bitiwan mo siya." Mahina pero mariin at ma-autoridad niyang utos. Inagaw ko na lang ang pulsohan kay Robot na mukhang chill lang ngayon.
Hindi ba siya natatakot?
"Zamia, pumasok ka na sa loob!" Ngumiwi ako at dahan-dahang naglakad papasok.
Pero saglit akong tumigil at sinilip silang dalawa. Kumunot ang noo ko nang makitang nag-uusap silang dalawa at parehong seryoso ang mukha nila!
Tatalikod na sana ako pero mas lalong lumaki ang mata ko nang makitang... Sinuntok ni Al si Robot!
Napatakip ako sa bibig ko habang diretso pa rin ang tingin sa kanila mula rito sa loob. Gusto kong lumabas ulit para awatin sila pero may kumalabit sa akin.
"Mommy... good morning!" Masiglang bati ni Brazilla sa akin. Tipid na ngiti ang sinagot ko at muling lumingon sa puwesto nila.
Medyo nakahinga ako nang maluwag nang makitang naglalakad na papalayo si Robot sa kanya.
"Good morning Brazilla," dinala ko siya sa kusina. Magsisimula na akong magluto ng agahan. "Ang aga mo nagising..."
"Yes Mommy, I can't feel you in the bed kasi, I thought you left me," may halong takot ang boses niya.
Gumuhit tuloy ang lungkot sa sistema ko.
"Hindi naman ako mawawala bigla..." aniya ko. "Baka inaantok ka pa?"
"No Mommy, I want to be with you," pinanliitan ko lang siya ng mata bago tumango.
Eggs, bacon, hotdog at canton, ang niluto ko para sa agahan. Buong oras ay nakamasid lang sa akin si Brazilla, walang balak na iwan ako.
Habang nakatingin rin sa kanya mas lalo akong naawa. Knowing sa nangyari sa totoong nanay niya. Subrang bata niya pa para maulila sa ina.
Kaya naman mas lalo lang lumakas ang loob kong magpaka-nanay sa kanya pagkatapos ng mga nalaman ko. Makita ko lang na malungkot siya... parang nahahawa ako.
Alas syete nang matapos kong pakainin si Brazilla. Nakatambay lang kami sa sala habang busy siya sa sketch pad niya.
Ngayon lang din ako dinadalaw nang antok.
"I'm leaving Zamia." Napaayos ako nang upo dahil sa biglaang pagsulpot ni Al sa kung saan.
Naalala ko tuloy ang nangyari kanina. Nag-away ba sila ni Robot? Bakit niya sinuntok?
"2 days only. I'll be back after I solve everything." Tumayo ako at sinalubong ang tingin niya.
"Aalis ka? Saan ka naman pupunta?"
"Manila." Ilang ulit akong napakurap. Kung aalis siya, bakit hindi niya pa kami isama? Huwag niya sabihing iiwan niya kami dito?
"B-Bakit? Hindi ba puwedeng isama mo na rin kami?" Mabilis siyang umiling.
"I won't. Hindi pa ako sigurado kung talagang totoo na 'yang pinapakita mo. Baka pag-makaalis ka dito, tatakasan mo ako," nilingon ko si Brazilla na busy pa rin sa ginagawa niya.
"Maiiwan kami dito?"
"2 days Zamia. This is urgent," ngumuso ako at bumalik sa sofa. "Take care of her. And also give me your bank account, I'll deposit the money."
"A-Agad? Wala pa namang isang buwan ah?" Iyon naman kasi ang sinabi niya. Every month ang sahod ko.
"Yes. But you doesn't believe me right? Gusto ko lang ipakita sa 'yo na totoo ang mga sinabi ko."
Mabilis siyang tumalikod pagkatapos n'on. Pero bago 'yon ay may huling hirit pa ang dragon.
"Don't miss me too much, it's only 2 days."
Ang kapal rin!
***
"May pinag-awayan ba kayo?" Diretso ang tingin ko sa gilid ng labi ni Robot na ngayon ay may kaunting pasa. Dala ata nang suntok ni Al sa kanya.
At mukhang hindi niya man lang ginamot ang sarili!
"Ano bang ginagawa mo?" Medyo iritado niyang tanong nang mag-aamba akong hawakan ang pasa niya.
"Tinitignan ko lang naman. Mukhang napuruhan ata? Paano kaya pag ako sinuntok n'on sa tingin mo makakayanan ko?" Hinawi niya lang ang kamay ko.
"Umakyat kana sa taas Zamia," ano ba talagang problema ng lalaking 'to. Hindi ko maintindihan minsan.
Inabot ko na lang sa kanya ang band aid. "Huwag kana papasuntok ulit,"
"Bakit? Nag-alala ka ba?" Umawang ang bibig ko.
Nag-aalala ba ako? Aba malamang! Normal lang naman siguro 'yon. Nagulat lang din ako, tapos grabi pa 'yong inabot ng labi niya.
"Huwag mo lagyan nang malisya!" Asik ko.
"I didn't. Ikaw lang ang nagsabi niyan," tinanggap niya ang band aid at matagal na tinignan 'yon. "Zamia... paano kung nagsinungaling si Al?"
Napawi ang ngisi sa labi ko. "Huh? Ano namang sinasabi mo?"
"Never mind." Marahas kong hinila ang braso niya.
"Ano nga? Anong nagsisinungaling?" Pamimilit ko. Alanganin siyang tumingin sa akin habang matalim ang tingin ko sa kanya.
"Nasa sa 'yo na kung paniniwalaan mo ako o hindi. Pero Zamia, hindi ka niya pakakawalan pagkatapos ng tatlong buwan, he will keep you here..." unti-unti akong umatras dahil sa narinig.
"A-Ano?"
"Sinabi niya lang sa 'yo na hahayaan ka na niya pagkatapos ng tatlong buwan, pero hindi 'yon ang totoo. I know his plan, kanang kamay niya rin ako kaya alam ko lahat." Parang sumakit ang ulo ko dahil sa mga sinabi niya.
"Nagsisinungaling lang siya? Kung totoo nga, gaano naman ako katagal mananatili rito?" Bumagsak ang balikat niya.
"Sabihin na nating mananatili ka rito hanggang sa kung kailan niya gusto... puwedeng aabot ng ilan pang buwan, o taon, pwede ring habang-buhay Zamia." Ramdam ko ang panghihina ng tuhod ko.
"That's Al, maybe he loves his daugther that much that he was willing to do whatever she wants. At ikaw... isa ka sa mga gusto ni Brazilla." Tinaas ko ang kamay sa ere na para tumigil siya sa pagsasalita.
Masakit na ang ulo ko dahil sa mga sinabi niya!
"Anong gagawin ko kung ganoon..."
"Alam kong mahirap. That's why I felt sad for you, hindi ko 'to gusto pero kailangang gawin ko dahil under niya ako." Patuloy lang akong nakikinig sa kanya. "Pero kung kailangan kitang tulongan para makaalis dito... gagawin ko." Napahilot ako sa noo ko.
"Malalagot ka rin kung sakali mang tutulungan mo ako?" Bumagsak ang tingin niya sa sahig.
"Wala na akong paki ro'n." Tumingin ulit siya sa akin. "Papayag ka ba kung sakaling tutulongan kitang makaalis?"
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro