Chapter 6
Zamia Brecken Wringler
Dalawang linggo. Halos dalawang linggo na simula nang manatili kami rito.
Wala naman masyadong nangyari, paminsan-minsan inaasar ko si Al pero hindi na masyado dahil nag-iingat na ako.
Mukhang may galit pa rin ata 'yon sa akin dahil sa nangyari noong nakaraan, 'yung muntikan na akong malunod.
Pagkatapos n'on hindi na siya masyadong nagtutuon ng pansin sa akin. At sa totoo lang subrang bother ko dahil ro'n!
"Mommy, should I put this already inside the oven?" Nabalik ako sa wesyo nang magsalita si Brazilla.
Nandito kami ngayon sa kusina dahil naisipan kong mag bake. Wala kasi kaming magawa at mukhang nagustuhan naman ni Braz ang ideya ko.
Nagpabili kami kanina kay robot ng mga gagamitin namin. Mabuti na lang rin at may oven dito.
Marunong akong mag-bake pero hindi ako magaling.
"Oo, wait ako na maglalagay para hindi ka mahirapan," kinuha ko 'yon mula sa kanya at ako na ang nag lagay n'on sa oven. "Hintayin na lang natin. Puwede ring i-handa na natin ang topings."
"Okay Mommy!" Ngumiti lang ako.
"Huwag natin bigyan 'yung Daddy mo," mahinang bulong ko pero mukhang narinig niya. "Joke lang, bibigyan natin siyempre, basta ako bahala sa topings."
Ngumiti lang ito at binalik ang pansin sa ginagawa niya.
Sa dalawang linggo ring 'yon naging malapit kami ni Braz sa isa't-isa. Masyado siyang clingy sa akin na halos makiusap na siya kay Al na tabi raw kaming matulog.
Hindi ko naman maiwasang mahulog ang loob sa kanya. Napaka-extraordinary niya! Minsan kasabwat ko rin siya sa mga kalokohan ko.
"Mommy... do you love daddy po ba?" Nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa tanong niya.
Biglaan ata 'yon ah?
"Hindi." Tipid kong sagot. Ngumuso siya. "Pero type ko 'yang daddy mo eh. May kringking nga lang sa ulo." Dagdag ko pa.
Kumunot ang noo niya. "What's 'kringking' po ba?" Gusto kong tumawa dahil hindi niya masyadong mabigkas nang maayos.
"Shh... kalimutan mo na lang." Lumipat ang tingin ko sa oven. May iilang minuto pa, cupcakes nga pala ang binake namin.
"I want you to be my mommy forever," nagsalita siya ulit.
Nakatalikod ako sa kanya kaya hindi ko makita ang reaksyon niya. Gusto ko siyang lingonin pero hindi ko rin magawa dahil ayaw kong makita niya ang reaksyon ko.
Ano na lang mararamdaman niya pag nalaman niyang tatlong buwan lang ang pagsasama namin?
Parang nalulungkot rin ako sa puwedeng mangyari.
"Brazilla, I will do my best as your mother! Promise!" 'Yun na lang ang sinabi ko at hinalikan siya sa noo.
Nagpatuloy kami sa ginagawa namin hanggang sa matapos na ito.
"Yummy!" Pinahid ko ang icing na lumagpas sa gilid ng labi niya.
"Pst! Robot! Gusto mong i-try?" Tawag ko sa kanya. Nakatayo lang kasi siya sa may pinto ng kusina.
"Hindi." Dalawang linggo na ang nakalipas, suplado pa rin ang isang 'to! Nga naman... hindi pa ako nasanay.
"Dali na! Arte ka pa eh! Malulungkot si Braz pag hindi mo tinikman! Pinaghirapan namin 'tong dalawa!" Nag-iwas siya ng tingin sa akin bago humakbang.
"Fine. Give me one." Binigyan ko naman siya ng isa.
Tinawag ko na rin ang iba pang bodyguards papunta sa kusina dahil masyadong marami ang na-bake namin, sayang kung hindi maubos.
"Masarap ba robot?" Tanong ko sa kanya.
"Masarap Ma'am!" 'Yung isang lalaki ang sumagot. Hindi ko pa masyadong maintindihan ang sinabi niya dahil puno ang bibig nito.
"What's going on here?" Napatigil lang kaming lahat nang pumasok rin si Al. Nagtataka siguro dahil nandito kaming lahat.
"Uy Al! Nag-bake kami remember? Gusto mong tumikim?" Tinaas-taas ko ang kilay ko.
"Yummy Daddy!" Galak na ani ni Braz kaya ngumiti ako.
"Oo nga Boss, naka-tatlo na ako,"
"Masarap rin 'yong icing!"
"Pahinge pa ako isa!"
Kanya-kanya nilang saad habang diretso lang ang tingin ko kay Al.
"Gusto mo rin? Ito bibigyan kita." Kumuha ako ng isa at binigay sa kanya.
"Are you sure about this?" Parang naninigurado pa kaya tumango ako habang nakatikom ang bibig.
Nang kumagat na siya ay doon na ako natawa.
"What the? Zamia!" Malakas na sigaw niya dahilan para mas lalong lumakas ang tawa ko. "I thought it's yummy?" May halong galit na 'yung mukha niya.
"Yummy nga, pero sunog naman 'yung binigay ko sa 'yo!" Pati ang mga tauhan niya ay nag tawanan na rin ang iba ay nagpipigil pa.
"You! You never learnt your lesson Zamia!" Sigaw niya pa ulit.
"May sunog pa dito baka gusto mo?" Pulang-pula na ang mukha niya dahil sa inis.
"ZAMIA!!!"
At ayon mukhang bubuga nanaman siya ng apoy.
***
"Hello Roxan?" Usal ko at hinintay na magsalita siya sa kabilang linya.
Pinayagan na rin ako ni Al na gumamit ng cellphone. Bunos pa dahil may load!
["Zamia! Buhay ka pa pala! Akala ko humimlay kana, eh!"] Siguro kung kasama ko 'to ngayon nakatanggap na nang batok 'to sa akin.
"Wow ha grabi. So, kamusta ka naman? Sila Nanay ba..." pinutol ko ang sasabihin ko.
Aminin ko man at sa hindi, namimiss ko na sila!
["Sila Tita? Nako noong nakaraan pa nag-iingay sa inyo!"] Napakunot ang noo ko.
Anong ibig-sabihin n'on.
"Hindi ko gets Roxan. Anong nag-iingay?"
["Paano ba naman kasi may karaoke na pala kayo ngayon?"] Mas lalong nagsalubong ang kilay ko.
"Karaoke? Wala kaya, hindi namin afford ang ganoon." Dahilan ko. Sumasahod naman ako, pero hindi lahat napupunta talaga sa akin.
May mga utang kami na binabayaran tapos tubig at kuryente pa sa bahay.
["Oo nga may karaoke na sa inyo! Kaya nga ang ingay eh, kasi puro na lang silang kantahan doon Zamia! Akala ko nga wala silang paki sa biglaang pagkawala mo, pero pinaliwanag nila sa akin na kasama mo pala 'yung lalaking pumunta dito noon..."]
Matagal bago ako sumagot. Hindi kaya si Al ang bumili ng karaoke? Talaga lang ah? Pangarap rin 'yon ni Tatay ang magkaroon kami ng karaoke sa bahay.
Minsan kasi nagkakasiyahan sila ng mga kaibigan niya.
"Ganoon ba. Mabuti naman at ayos lang sila... ikaw? Nasaan ka ngayon, nasa eskuwelahan?"
["Oo, papauwi na ako dahil maggagabi na rin. Okay lang din ako! Ikaw? Masarap ba buhay ah? Araw-araw mong nakikita ang mala-anghel na mukha ng lalaking 'yon!"]
Napailing ako sa kawalan. "Sira, may saltik naman. Pero type ko pa rin siya asarin!"
["Nako ah! May kapatid ba 'yan? Reto mo nga sa akin! Share your blessings!"] Napaisip ako sa sinabi niya.
May kapatid kaya si Al? O pamilya? 'Yung mga magulang niya nasaan kaya?
["Hello? Nandiyan ka pa ba?"]
"Ah oo. Kailangan ko nang ibaba Roxan, magluluto ako ng dinner. Nangamusta lang talaga ako."
["Okay sige! Ingat Zamia! Reto mo sa akin ang kapatid ah, pag meron!"] Ngumiti lang ako bago ibaba ang cellphone.
***
Kakatapos lang naming kumain ng hapunan. Nakatulog na rin si Brazilla, pagod na pagod siguro dahil buong araw kaming nagkukulitan kanina.
"Bakit gising ka pa?" Napalingon ako nang marinig ang boses ni Al.
"Kasi hindi ako tulog." Umiwas siya ng tingin na para bang nagpipigil sugurin ako. "Bakit ikaw gising ka pa?"
"I have a lot things to do." Seryosong sagot niya bago maglakad papalapit sa akin.
"Oo nga pala... anong pangalan mo? Tinanggap ko na ang offer mo, 'di ba sabi mo, sasabihin mo sa akin," nakatitig lang siya sa akin kaya ako na mismo ang umiwas.
"Interested, huh? Are you that interested on me Zamia?" He smirked.
"Bakit bawal ba? At ano bang meron diyan sa pangalan mo at parang napaka-misteryoso?" Tumaas lang ang sulok ng labi niya. "Huwag na nga lang."
"Sleep already Zamia, it's getting late," nilingon ko ang wall clock.
Alas otso pa lang naman. Arte nito.
"Mamaya. May tanong muna ako," tinaasan niya ako ng kilay na para bang naghihintay siya sa susunod kong sasabihin. "N-Nasaan ang totoong nanay ni Brazilla?" Dahil do'n ay natigilan siya.
"Why are you asking that?"
"Gusto ko lang naman malaman. Nag-abroad ba?" Umiling siya.
"No, what the fuck." Tumikhim ako. "Hindi ko hahayaang mag abroad 'yon kung sakali man. Tss."
"Kung ganoon, iniwan kayo? May iba bang pamilya?"
Tinaasan niya ako ng kilay. "No."
"Eh nasaan? Hindi nag abroad pero nasa ibang bansa, ganoon ba?" Umiling ulit siya.
"Stop asking Zamia."
"Sagutin mo na lang... curious talaga ako. Nawala ba na parang bola?"
"No. No. No."
"May ibang lalaki ba kaya wala dito? Oh, may ibang asawa---"
"She's dead Zamia." Natigilan ako. "Brazilla's mother is dead."
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro