Chapter 5
Zamia Brecken Wringler
"Brazilla..." tawag ko sa kanya nang makitang nasa may living room ito.
Hinayaan nga pala ako ni Al na lumabas sa kuwarto, gayon nga lang pinalibutan naman ako ng mga bantay niya.
"Mommy! I draw something!" Salubong niya sa akin at pinakita ang sketch pad niya.
Inabot ko ito at tinignan kung anong ginuhit niya. Hindi ko maiwasang ngumiti.
"This is daddy..." turo niya sa lalaking ginuhit niya. "This is me, and this is you! We are happy family!" Tumalon-talon pa siya na para bang subrang aliw niya.
Parang hinaplos ang puso ko. "This is me?" Tumango siya. "Ang ganda naman nito Brazilla... magaling ka." Hinaplos ko ang buhok niya at binalik sa kanya sketch pad.
"Thank you Mommy! You like it..." umupo lang ako sa katabing upuan at hindi inalis ang tingin sa kanya.
Ano kayang meron? Bakit wala dito ang Mommy niya? Masigla at mabait na bata si Brazilla, paanong nagtitiis ng kanyang Ina na hindi siya makasama?
Pero paano nga naman kung wala na ang totoong mommy niya? Ayokong mag-isip ng kung ano-ano... pero hindi ko maiwasan.
Pag tinitignan ko pa lang si Brazilla, alam ko nang nangungulila siya sa kalinga ng isang ina. Kaya siguro ganoon na lang siya sa akin, iniisip niya na ako ang mommy niya.
Kahit naman naiinis ako ro'n kay Al hindi naman kasali si Brazilla sa inis ko. May saltik lang talaga 'yung tatay niya!
Huminga ako nang malalim bago tumayo.
Pagbibigyan ko na ang lalaking 'yun! Kahit dinala niya ako sa weird na lugar na 'to pakikisamahan ko na lang. Para ito kay Brazilla, at isa pa... tatlong buwan lang naman.
"Hoy robot." Agaw ko sa pansin niya.
Bumaling naman ang tingin niya sa akin.
"Pakisabi sa amo mong may saltik na pumapayag na ako! Basta tatlong buwan ang usapan. Gets mo? Kung hindi, problema mo na 'yan." Tinaasan ko siya ng kilay bago tumalikod.
Tiisin mo Zamia. 3 months.
***
"Woah! Ang ganda!" Hapon nang maisipan naming maligo ni Brazilla sa tabing dagat.
Gusto atang lumuwa ng mata ko dahil sa subrang ganda ng view.
Kung nasa labas ka ay mas lalo mong maaninag.
"Hoy! Al! Maliligo ka ba ha? Puwede bang sakyan 'yan?" Turo ko sa maliit na barko.
"No." Tipid niyang sagot at binalik ang tingin sa laptop niya.
"Bakit naman? Puwede ba mangisda dito? Sa tingin mo kaya makakahuli kami ni Brazilla," nilingon ko ang bata na busy sa paglalaro ng buhangin.
"Whatever Zamia. You're too loud." Nakapamewang akong lumapit sa kanya. Naalarma pa ang iilang tauhan niya pero sinenyasan niya itong 'huwag lumapit sa amin.
Lihim akong ngumisi at mas lumapit pa kay Al na ngayon ay parang walang paki sa presensya ko.
"Hoy! Nasaan 'yung pizza na request ko?" Malamig niya akong tinignan.
"Mamaya Zamia."
"Bakit mamaya pa? Kanina ko pa ni-request 'yon ah? Sabi rin ni Brazilla gusto niyang kumain!" Hindi siya sumagot.
Bumaba ang tingin ko sa leeg niya. Gusto kong tumawa dahil hanggang ngayon bakas pa rin ang pamumula doon.
Kinagat ko kaya 'yon kanina!
Dahan-dahan ulit akong naglakad papunta sa likuran niya at mabilis na hinawakan ang leeg niya kung saan 'yung kinagat ko kanina.
"Fuck. What are you doing!" Sigaw niya muntik pang mabitawan ang laptop na hawak niya.
"Namula? Malakas na kamandag ko? Kawawa ka naman!" Lumayo ako sa kanya nang kaunti dahil mukhang bubugahan niya na ako ng apoy.
"Shut up. Kanina pa ako nagtitimpi sa 'yo Zamia!" Mas lalong lumawak ang ngisi ko.
"Ang sarap mo palang asarin, Mr. Al."
"You'd better stop now. I swear," tumalikod lang ako sabay flip hair.
"Sus! Pangit! Panot! Walang puwet!" Kumaripas ako ng takbo pagkatapos kong sabihin 'yon.
Pero nanlaki ang mata ko nang makitang... sinundan niya ako!
"RUN FOR YOUR LIFE ZAMIA!"
Shit. Takbo na!
Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa paa ko na mismo ang bumigay, halos bumagsak ang katawan ko kasabay n'on ang paggulong ko sa buhangin.
"Aray!" Daing ko at mabilis ring tumayo kahit pa ramdam ko ang hapdi sa tuhod ko.
Nang lingonin ko si Al ay parang wala lang sa kanya ang layo nang tinakbo namin. Ni hindi siya hiningal o ano, ilang metro lang din ang layo niya sa akin.
"Come here Zamia, malayo na tayo," umiling ako. Baka kung anong gawin niya sa akin?
Paano kong kagatin niya rin ako? O baka balian niya ako ng buto?
"Hindi... mauna kang umalis susunod ako!" Mas lalo lang siyang lumapit sa akin kaya todo atras rin ako. "Mauna ka na sabi! Binibiro lang naman kita!"
"I told you I'm not into jokes," seryosong-seryoso ang boses niya habang humahakbang siya papalapit sa akin.
"Al naman... baka puwedeng idaan sa usapan 'to..." ang lapit niya na sa akin!
Rinig ko rin ang mahina niyang halakhak. "Are you afraid, huh? I already told you Zamia, inubos mo na ang pasensya ko! Come here! Huwag mong hintayin na ako ang makalapit sa 'yo." Umiling ako.
Wala na akong choice. "Never! Ang isang Zamia ay walang inuurongan! Hindi ako susuko! At matibay ang loob ko! Bahala ka d'yan!" Nang maka-ipon ako nang lakas ay tumakbo ako papunta sa tubig.
Naramdaman ko agad ang malamig na alon na dumampi sa paa ko.
Tumakbo lang ako nang tumakbo kahit pa subra akong nahihirapan, hanggang sa hindi ko na namalayang umabot na pala sa may dibdib ko ang tubig.
Omy... habol-habol ko ang hininga ko, nilingon ko rin ang kinaroroonan ni Al pero hindi ko na siya makita doon!
Lumakas ang kabog ng puso ko. Gusto kong maglakad pabalik pero ayaw humakbang ng mga paa ko, at pakiramdam ko'y mas inaanod ako ng alon!
"A-Al! Kuyang Hot!" Pag-tawag ko sa kanya pero wala akong nakuhang sagot. "Robot! Brazilla!" Sumigaw lang ako nang sumigaw kahit hindi ako sigurado kung maririnig ba nila ako.
Mas lalo akong kinabahan nang maramdamang umabot na sa leeg ko ang tubig at hindi ko pa rin magawang kontrolin ang paa ko.
Namamanhid ito. Hindi ko maramdaman. Maging ang kamay ko ay nagsimula nang manginig.
"Al! Inaanod na ata ako ng alon! Al!" Napatikom ako ng bibig dahil sa biglaang panginginig ng paa ko.
Ginalaw ko ito dahilan para mababad sa tubig ang mukha ko.
Sa isang iglap ay biglang humina ang katawan ko.
Gusto kong umahon pero hindi ko magawa. Sumasakit na ang mata ko at ramdam ko na ang hapdi dahil kanina pa ako nakadilat sa ilalim ng tubig.
A-Al... natatakot na ako. Unti-unti akong nauubusan ng hininga habang lumulutang ang katawan ko sa tubig.
Sumabay pa ang pag-sakit ng ulo ko, gusto kong sumigaw at dumaing dahil sa sakit mula doon.
Parang mabibiyak ang ulo ko at wala man lang akong magawa para pigilan 'yon. Ang sakit... subrang sakit.
Ayoko ring isara ang mga mata ko... dahil mas lalo lang akong dadapuan nang takot... ayokong isara ang mata ko dahil nangangamba ako.
"Zamia!" Sigaw na nagbigay nang pag-asa sa akin. Para akong nabuhayan ng loob. "Fuck!"
Ilang segundo lang ay naramdaman ko na ang matigas niyang braso may bewang ko at ang isa naman ay sumusuporta sa katawan ko.
Ilang ulit akong umubo nang sa wakas ay makaahon ako sa tubig. Hindi agad ako nakapag-react nang bumungad sa akin ang malaking yatch.
"Are you dumb!? Bakit ka tumakbo ro'n!?" Galit na galit ang mukha niya animo'y kakagatin niya ako ng wala sa oras.
Napalunok ako. "Hinahabol mo kasi ako! M-Malamang tatakbo ako!" Balik kong sigaw sa kanya.
"So it's my fault? Paano pag nalunod ka Zamia!? Can't you take care of yourself!?" Hindi ko nagawang sumagot dahil binuhat niya na ulit ako.
"Mommy! What happened po!" Sinalubong kami ni Brazilla, puno ng pag-aalala ang mukha nito kaya medyo na guilty ako.
"She's fine Braz, but she needs a rest."
Gusto kong bumaba mula sa pagkaka-karga niya sa akin, pero mukhang wala siyang balak pakawalan ako.
Dumiretso kami sa kuwarto kung saan ako nanatili.
"Mag bihis ka Zamia." Tango lang ang sinagot ko at pumasok na sa loob. Mabuti na lang at may sarili ring bathroom ang kuwartong 'to.
Pagkatapos kong mag bihis ay hiniga ko ang sarili sa kama.
"How's your feeling?" Muntik na akong mapaigtad dahil sa gulat. Lumabas si Al mula sa balkonahe ng kuwarto.
Sapo-sapo ko ang dibdib ko. "Nakakagulat ka naman..." mahinang aniya ko. "Okay na ako... g-gusto kong magpahinga."
Wala siyang naging sagot, bagkos ay lumapit siya sa akin at bahagyang lumuhod sa harapan ko. Akala ko kung anong gagawin niya, sinuri niya pala ang tuhod ko.
"A-Ako na mag gagamot niyan," suhestiyon ko, kaso ayaw paawat.
Ilang minuto niyang ginamot iyon bago tumayo at mariing akong tinignan.
"Don't do that again Zamia." Banta niya bago lumabas ng kuwarto.
Binagsak ko na lang ulit ang katawan ko sa kama. Ilang saglit lang ay nag-unahan nang tumulo ang luha galing sa mata ko.
Habang naalala ko ang nangyari kanina... muntikan na 'yon.
Pero 'yong sakit sa ulo ko... akala ko wala na.
Akala ko tapos na.
Bakit biglang bumalik?
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro