Chapter 4
Zamia Brecken Wringler
Nagising ako nang maramdaman ang sinag ng araw na tumama mismo sa mukha ko. Dagdag pa ang mahinang hagikhik na nagmula sa gilid ng kama.
Dahan-dahan kong minulat ang mata ko dahilan para tumama ang tingin ko sa kisame.
"Good morning Mommy!" Malakas na sigaw ni Brazilla at mahigpit akong niyakap kahit pa man nakahiga ako.
"B-Brazilla..." tinapik ko ang likuran niya bago tumayo mula sa pagkakahiga ko.
Pero halos lumuwa ang mata ko nang makita ang nasa labas.
Mabilis akong lumapit sa may balkonahe para mas makita ang tanawin sa labas.
Nasaan ako!? Bakit... bakit may dagat sa labas?
Muli kong nilibot ang paningin ko sa buong kuwarto at napagtanto kong hindi ito ang guestroom kung saan ako hinatid ni Pilosopong-robot kagabi, hindi ganito ang disenyo!
"Mommy... let's eat breakfast na po," bumaba ang tingin ko kay Brazilla na ngayon ay malawak ang ngiti.
Lumuhod ako para magka-pantay kaming dalawa. "Brazilla... nasaan tayo? Hindi niyo bahay 'to 'di ba? Saang lugar 'to?"
"I don't know Mommy... but Daddy said, we have a vacation here!" Vacation? Nababaliw naba 'yon!?
May klase pa ako! At sa totoong lang subrang late ko na! Tapos hindi pa ako nakauwi, paniguradong hinahanap na ako nila Nanay!
"You're awake." Napatayo ako nang marinig ang pagbukas ng pintuan. "Brazilla, go downstairs, breakfast is ready."
"Yes daddy," sinundan ko ng tingin si Brazilla hanggang sa tuloyan na siyang makalabas, tsaka ako matalim na tumingin kay Al.
"Nasaan tayo?"
"Vacation, Miss Zamia." Sarkastiko niyang tugon kaya nagsalubong ang kilay ko.
"Niloloko mo ba ako? Alam mo bang ang dami ko pang gawain!? Ang dami ko pang kailangang atupagin! Tapos dinadamay mo ako sa kalokohan mo! Uuwi na ako!" Sigaw ko at nilagpasan siya pero mabilis niyang nahuli ang braso ko.
Seryoso lang ang mukha niya. "You can't Zamia. Makakaalis ka lang sa lugar na 'to kung gagamit ka ng chopper," nanlaki ang mata ko.
"Ano!?"
"If you just accepted my offer... hindi sana tayo aabot sa ganito," bumagsak ang balikat ko. "My daugther wants you, at lahat ng gusto niya ibibigay ko."
"Baliw ka! Pogi ka sana at hot pero baliw ka!" Napatakip ako ng tenga dahil sunod-sunod na pumasok ang limang tauhan niya dala-dala ang mga baril nila habang nakatutok sa akin.
Dumapo ang tingin ko kay pilosopong-robot na ngayon ay nakatingin rin sa akin. Naalala kong huminge siya nang tawad sa akin kagabi, hindi kaya ito ang dahilan?
Kung titignan ko siya ngayon, bumalik na ulit siya sa pagiging seryoso. Ibang-iba sa emosyon niya kagabi.
"Mananatili ka rito ng tatlong buwan Zamia. Pagkatapos ng tatlong buwan, tsaka kita pakakawalan," he said without hesitation.
"Kindnap 'to! Sa tingin mo hindi kita mapapakulong!?" Halos sugurin ko na siya kung hindi lang dahil sa mga tauhan niya.
"Hindi mo ako mapapakulong. So if I were you, just stick with this. Tatlong buwan lang," pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tinalikuran niya ako.
Pero dahil matigas ako'y hinabol ko siya. "Hayop ka! Hindi ka na pogi! Pangit! Pangit! Kahit mamatay ako ngayon--- Joke lang ayoko pang mamatay! Pero pangit ka pa rin! Hindi ka hot! Puwet mo flat!" Sunod-sunod na sigaw ko.
Binigyan niya lang ako nang pamatay na tingin.
Naramdaman ko rin na hinila ako ng mga tauhan niya pero nagpumigalas ako dahilan para matalisod ako at bumagsak sa sahig.
Oh... aray. Ang sakit n'on ah!
"What the hell? I told you to be careful!" Pinikit ko ang mata ko at kunwari'y nawalan ng malay.
Mukhang nauto ko naman siya dahil naramdaman ko ang presensya niya malapit sa akin. At hindi ako nagkamali dahil kinarga niya ako!
Mabilis kong pinulupot ang kamay ko sa batok niya at dali-daling kinagat ang leeg niya.
"Ahh! Fuck!" Daing niya kaya hindi ko maiwasang matawa. "Damn!"
"Akala mo ha! Handa akong maging zombie makagat at makaganti lang sa 'yo!"
Pero in fairness! Ang bango niya!
***
Nakatanaw lang ako sa labas habang rinig na rinig ko ang paghampas ng alon mula sa dagat. Sa totoo lang napaka-refreshing ng lugar na 'to.
May naririnig rin akong huni ng mga ibon, at kung titignan mo nang mabuti halos palibutan ang lugar ng mga naglalakihang puno.
Sa hindi kalayuan naman ay klarong-klaro ang mga bundok.
Magandang ang lugar na ito... pero hindi ibig-sabihin n'on gusto ko nang manatili rito. Kailangan ko pa ring umalis!
At dahil ginalit ko kanina si Al, heto at kinulong niya ako sa kuwarto.
Nabaling lang ang tingin ko sa pinto nang bumukas ito at niluwa si pilosopong-robot na ngayon ay may dala-dalang tray ng pagkain.
Pinaningkitan ko siya ng tingin pero seryoso lang ang mukha niya, nilapag niya sa maliit na mesa ang dalang tray bago tumingin sa akin.
"Kumain ka na. Kung ayaw mo hindi ko na 'yon problema." Hindi lang pala 'to pilosopo! Suplado rin.
"Ah... robot!" Tawag ko sa kanya at hinarangan ang pinto para hindi siya makalabas. "Uhm... tungkol kagabi..."
"Hindi 'yon kagabi. Kung hindi mo alam, tatlong araw ka nang tulog, akala ko nga matutuloyan ka na." Napaawang ang bibig ko.
Hindi ko alam kung magugulat ba ako dahil sa sinabi niya o sasapakin ko siya dahil sa pamimilosopo niya sa akin.
"Tatlong araw... anong ginawa niyo sa akin at tatlong araw akong tulog!?" Hinila ko ang braso niya at pinaupo siya sa maliit na sofa. Tinaasan niya pa ako ng kilay pero kalaunan ay nag seryoso siya ulit. "Ano nga? May pinainom ba kayo sa akin?"
Napasapo ako sa noo ko. Mukhang wala siyang balak sagutin!
"Ito na lang... 'di ba nag sorry ka sa akin? Ito ba 'yung dahilan kung bakit? Nakonsensya ka 'no kaya ka huminge ng sorry sa akin?" Pinasadahan ko siya ng tingin pero poker face ang robot! "Alam mo kung talagang nakokonsensya ka... tutulungan mo akong makawala rito!"
"At bakit ko naman gagawin 'yon." Bumuntong-hininga ako. Ang hirap naman kausap ng lalaking 'to.
"Kasi nga 'di ba nakokonsensya ka. Alam ko naman na hindi ka baliw katulad ng amo mo, kaya sige na! Tulongan mo na ako... gusto ko nang umalis." Umirap na lang ako dahil tinitignan niya ako na para bang ako na ang pinakawalang-kuwenta sa balat ng lupa.
"Robot ka talaga! I hate you so much! Binabawi ko na ang sinabi ko! Pareho lang kayo ng amo mo!" Nagtiim-bagang ako at muli siyang hinarap. "Ito na lang... nasaan ba ang Mommy ni Brazilla?"
Sa pagkakataong 'to ay mas lalong lumalim ang titig namin sa isa't-isa. Pakiramdam ko tuloy mapapaso ako sa tingin niya.
"Bakit hindi mo 'yan tanongin sa Amo ko? Mukha ba akong tanungan Miss Zamia?" Mabilis siyang tumayo at naglakad papalabas.
Inis kong binato sa kanya ang suot kong tsinelas na tumama mismo sa likuran niya. "Opps! Hindi kita nakita! Masyado kang i-relevant!" Sipol ko at sinubsob ang mukha sa kama.
Paano na ako makakaalis dito?
***
"Give it to her, Zamia. Tatlong buwan lang, pagkatapos ng tatlong buwan ay hahayaan na kita." Magkaharap kami ngayon ni Al.
Nakatitig lang ako sa kanya habang siya ay diretso lang ang tingin sa laptop na nasa harapan niya.
Nag request talaga ako sa mga tauhan niya na kakausapin ko siya.
"Hindi ko lubos maintindihan, anong gusto mong gawin ko sa tatlong buwan Mr. Al?" Sarkastiko kong tanong.
"Be her mother. Act like you are." Inangat niya ang tingin sa akin. "Don't worry about your salary, I can deposit half a million every month." Doon ay muntikan ko nang mailuwa ang kinakain kong pizza.
Oo nga pala nag request rin ako eh, na gusto ko ng pizza.
"Half a million!? Sinong niloloko mo!?" Ganoon kalaki? Binobola ata ako ng lalaking 'to.
"It seems like I am, but I'm not Zamia. Ibigay mo sa akin ang bank account mo at papatunayan ko sa 'yong totoo ang sinasabi ko," kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.
"Sige sabihin na nating totoo nga... p-paano naman ang trabaho ko, ha? Sila Nanay at Tatay ko? Sa tingin mo ba hindi sila mag-aalala? For sure pinapahanap na nila ako ngayon sa mga pulis!" He pursed his lips, sinundan ko pa 'yon ng tingin pero umiwas rin agad ako.
Ang kalandian ay dapat isantabi muna.
"They don't Zamia. Alam ng magulang mo na kasama mo ako. I already talked to them." Napatayo ako dahil sa gulat. "About your work, you don't have to worry also. Approved na nila ang 3 months leave mo."
"Anong... nasiraan kana ba talaga ng utak, ha?! Bakit mo ginawa 'yon!?" Subrang frustration na ang nararamdaman ko ngayon!
"That's why you don't have to worry Zamia. Focus on my daugther, she needs a mother for now. And she choosed you, hindi ko alam kung bakit ikaw, pero it's her decision. Just 3 months, after that you're free."
Napanguso ako.
"And Zamia..." Tumingin ako sa kanya. "Stop flirting with my bodyguard," wala sa akin ang tingin niya kundi kay Robot na ngayon ay nasa labas.
Hindi niya naman kami naririnig dahil may glass wall na nakapalibot sa amin.
"F-Flirt!? Hoy pinagsasabi mo d'yan!? Hindi ako nakikipag-flirt!" Sigaw ko, pero parang wala siyang narinig at diretso lang lumabas. "Hmp! Padalhan mo ako ng pizza! Ubos ko na ang dalawang box! Utang na labas!"
Umiling na lang ako at tinignan si robot na seryoso pa rin ang mukha at nakatingin rin sa akin.
Flirt? Baka mag sapakan pa kami niyan.
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro