Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 30

Zamia Brecken Wringler

"Gizem..." Mahigpit ko siyang niyakap. Dumating na ang mga ambulansiya para sa mga pulis at tauhan na dala namin na ngayon ay sugatan.

Mr. Choi is dead. Hindi na ito humihinga at ngayon ay sinakay na rin sa ambulansiya.

Tahimik lang umiiyak si Gizem. Alam kong mahirap sa kanya ang nangyari dahil kitang-kita ko kung gaano niya kamahal ang Ama.

Maging ang desisyon niya kanina ay mahirap pero pinili niyang gawin. After all, Gizem have a nice and warm heart.

Sadyang nalason lang ng kanyang Ama ang isipan niya. "Gizem... t-thank you for the cooperation... hindi ako masaya na nawala na ang Daddy mo, dahil kahit galit ako sa kanya ayoko ring mamatay siya... pero wala tayong ibang nagawa dahil nanlaban ang Daddy mo."

She faced me. "Naiintindihan ko. Mahal na mahal ko rin ang Daddy ko Zamia, gaano man siya kasama... pero ayoko rin namang hayaan na lang siya na may masaktan ulit."

"I'm sorry kung napagbintangan ka namin... We're sorry for judging you too early." Pilit siyang ngumiti.

"Alam ko namang kaduda-duda talaga ako Zamia. Thank you for believing me, sa dami ng mga nangyari nagawa mo pa ring magpakabait 'no? Ako 'yung namali ng pagkakakilala sa 'yo." Hindi ako sumagot, mahigpit ko lang siyang niyakap.

"Zam, Gizem. Let's go?" Lumapit si Analiz sa amin. "Okay lang kayo right? Baka may sugat ka Gizem?"

"No, I'm fine..."

"Analiz, how about you? Ayos ka lang?" She nodded.

"Tara na?" Sumunod kami sa kanya pabalik sa van.

Natanaw ko rin hindi kalayuan si Klaus, Al at Exeriel na kausap ang mga pulis.

"Exeriel was shot..." napalingon kami kay Analiz. "Hindi ko alam kung anong iniisip ng lalaking 'yon. But he covered himself kanina, kaya imbes na sa akin tumama ang isang bala ay siya ang natamaan." Nanlaki ang mata ko.

He was shot?

"Dapat sumama siya sa ambulansiya..." sumimangot si Analiz.

"That's what I said to him! Pero nag mamagaling! Daplis lang daw, I don't what to do about him."

Bumalik ang tingin ko sa tatlong lalaki na ngayon ay naglalakad na pabalik sa Van.

Sa itsura ni Exeriel ay parang hindi ito natamaan. May puting tila lang ang nakapulupot sa braso niya.

"You guys are okay?" Si Klaus.

Kanya-kanya lang kaming tumango.

Nagsimula ng mag drive si Al. Hinayaan ko rin ang sarili kong sumandal sa bintana ng van.

Is it really done now? Wala akong ibang nararamdaman kundi ang tuwa sa puso ko.

Nang sa wakas ay nakarating kami sa bahay ay wala akong sinayang na oras at mabilis na tumakbo papasok sa loob.

"Zam!" Sinalubong ako nang yakap ni Mommy, pati na rin si Roxan. Lumapit rin ako kay Daddy na ngayon ay nakaupo sa kanyang wheelchair.

"Brazilla!" Mahigpit ko rin siyang niyakap. "Mommy is home now... already home..." bulong ko rito kasabay nang hagulhol.

"I'm glad you all are safe," tumango ako at hinarap si Mommy.

"Wala na po si Mr. Choi, nasa hospital siya ngayon dahil inaayos ang katawan niya." Hindi sumagot si Mommy.

Hinarap ko si Roxan. "Thank you Rox, and Darth for being here... sa inyong lahat, thank you so much. I can't win this battle without you guys. Salamat sa lahat ng tulong nito... lalo na sa 'yo Gizem, you lost your father in able to help me." Tumango siya at ngumiti.

"I did what I need to do. I'm so sorry for all the troubles I made before, for all the words I throw to you, for every pain that I've caused you. I'm so sorry Zamia, you deserve all of this, kailangang pagbayaran ni Daddy ang ginawa niya."

Pinunasan ko ang luhang naglandas sa pisnge ko.

"I need to go now, pupunta ako sa hospital dahil aasikasuhin ko pa ang lamay ni Daddy."

"Thank you Gizem." Muli siyang ngumiti at binaling ang tingin kay Al.

"Be happy Zam and Al..."

"I can offer you a ride Gizem." Napalingon ako kay Klaus. "Malalim na ang gabi, you can't easily find a taxi or cab. I'm driving you to the hospital."

"That's a good idea Klaus." Aniya ko. "Salamat rin sa tulong mo."

"I did my best Zam, kahit man lang sa pamamagitan n'on ay makabayad ako sa lahat. Oh, I almost forgot, here is the annulment paper... I already sign it Zam." Tinapik niya ang balikat ko bago magsimulang maglakad.

Muling tumulo ang luha sa mata ko.

"Thank you!" Kumaway lang sila ni Gizem sa akin.

* * *

"Alam mo kanina ka pa sa akin eh! I hate you so much!" Napailing ako dahil sa lakas nang sigaw ni Roxan.

Heto at naghahabulan nanaman sila ni Darth. May dalang sandok si Roxan ganoon rin si Darth.

"Shh! Guys! Focus!" Sita ko sa kanila.

Busy ako sa paghahalo ng pastang niluto ko.

It's Brazilla's birthday, at nandito sila ngayon para tulongan rin ako sa pag-aayos ng lahat. Gusto ko kasing ako mismo ang magluto ng mga pagkain. Matagal ko itong hindi nagawa kay Brazilla.

"They look like a dog and a cat, right?" Si Analiz na inaayos ang kaldertang niluto ko.

"Subra, I wonder kung ganiyan na sila habang-buhay?" Sabay kaming tumawa ni Analiz. "Darth, pabuhat na lang nito papunta sa pool area." Aniya ko sabay turo ng mga plato at kubyertos na gagamitin para mamaya.

"Rox, can you help me with this?" Tinawag rin ni Analiz si Roxan para magpatulong sa iba pang ulam.

Ngumiti lang ako habang pinagmamasdan sila. Mabilis naman silang naging close sa isa't-isa, at sa totoo lang subrang saya ng mga bonding namin.

"Done!" Sigaw ko matapos haluin ang pasta. "Akyat muna ako sa taas para makaligo at magbihis." Paalam ko sa kanila.

Dumiretso ako sa kwarto namin ni Al. And yes! Kwarto naming dalawa! Apat buwan na ang nakalipas simula nang mangyari ang insidenteng 'yon.

Apat na buwan na simula noong naging masaya at malaya kaming lahat.

After what happened. Inaya na ako ni Al na lumipat sa bahay na matagal na niyang hinanda para sa amin.

Malaki ang bahay, may pool area pa nga at doon gaganapin ang party ni Brazilla.

"Al, tapos ka na?" Tawag ko sa kanya nang makapasok ako sa loob.

Nagpaalam kasi siya kaninang maliligo muna.

"Yes, almost done..." kumatok ako sa bathroom. May sariling bathroom ang kwarto namin.

"Papasok na ako," I said.

Pagkapasok ko'y humarap agad ako sa salamin at nagsimulang mag toothbrush.

Naagaw lang ang pansin ko nang bumukas ang shower curtain at lumabas roon si Al.

"Ather Lavien! Nakakagulat ka!" Umiwas ako ng tingin sa kanya.

He's only wearing his boxer for pete's sake! Muntik ko nang malunok ang toothpaste na nasa bibig ko.

"Am I not hot?" Binilisan ko na lang ang ginagawa. "C'mon..." hindi pa ako nakagalaw nang bigla niyang ipulupot ang braso sa baywang ko.

"Maliligo na ako! Magtigil ka d'yan," banta ko sa kanya.

Pero parang walang narinig! Hinalikan niya lang ako sa leeg at mas lalong diniin ang katawan sa akin. Hindi ko nga namalayan na nahawi na pala ang suot kong roba kaya naman malaya niyang halikan ang balikat ko.

"Al...  wala na tayong oras, okay? Maliligo na ako!" Humarap ako sa kanya.

Imbes na pakinggan ako'y sinalubong niya ako nang halik.

His hand were still in my wrist, mahigpit itong nakapulupot sa akin. While the other hand is on the top of my boobs. Ramdam ko ang pamumula ng aking pisnge.

"I love you Zamia Brecken Wringler... soon to be Vaulghin." He whisphered. Mas lalo lang tuloy akong nakiliti dahil sa init ng hininga niya.

Maingat niya akong hinalikan sa labi. I parted my lips to let his tongue enter my mouth.

He squeeze my boob, bumaba rin ang halik niya sa panga ko hanggang sa dumating ulit siya sa leeg ko. Dinampian niya ng halik ang noo ko at mainit akong tinitigan.

Nice! Kung kailan uminit nang uminit ang pakiramdam ko tsaka siya tumigil? Wow, you're the best Ather Lavien!

"Why did you stop?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Wala na tayong oras baby... you said that." He smirked.

Mahina ko siyang tinulak at umiling.

"Tabi na nga, maliligo na ako!" Mahina lang siyang tumawa at hinila ulit ang pulsuhan ko.

"Hihintayin kita sa labas..." tumango ako. "I love you." Mabilis na halik ang ginawad niya sa akin.

"I love you too... Al." Ngumiti siya.

"Pakakasalan na kita Zam, I can't for us to get married. I love you so much..." Tumitig ako sa kanya. Maging ako ay handa kang pakasalan Al.

Ito ang matagal ko nang gusto, ang matagal ko nang pinapangarap.

"Let's get married..."

.

"Pack! Ganda ng Mommy natin ah," sinalubong ako ni Roxan nang malawak na ngiti.

"What a lovely view." Si Analiz naman, palipat-lipat lang ang tingin sa amin ni Al.

"Tigilan niyo ako ah!" Tumawa lang ako.

"Mommy!"

"Brazilla! You're so pretty baby!" I hugged her tight. Pagkatapos ay binuhat siya ni Al.

"I love, Mommy and Daddy!" Napangiti ako at hinalikan siya ng pisnge.

"Gosh, gusto ko rin ganiyan..." ngumuso si Roxan.

Narinig ko naman ang pag-ubo ni Darth, sabay kaming umiling ni Analiz.

"Darth gusto niya daw..." Mabilis na umirap si Darth kay Analiz.

"Ano? Iwan ko sa inyo! Duh!" Sabay ulit kaming tumawa.

Hindi nakapagsalita si Roxan, halatang hindi nag si-sink sa kanya ang nangyayari.

"Zamia! Al!" Binaling ko ang tingin sa pinto nang marinig ang pamilyar na boses.

Si Gizem! Sumunod na pumasok ay si Klaus!

"Gizem!" Yumakap ako sa kanya nakipag-beso, ganoon rin kay Klaus.

"Happy birthday, Brazilla... thank you for inviting me Zam."

"Ano ka ba! Siyempre naman... Brazilla, this is your Tita Gizem and Tito Klaus." Aniya ko at pinaharap siya sa dalawa.

"Yehey! I have so many Tita and Tito po!" Pinisil ko lang ang ilong niya.

"Hi there, Gizem and Klaus!" Lumapit si Analiz sa amin at pati na rin si Roxan.

"Uy, sabay kayo dumating?" May panunukso sa boses ni Roxan.

Binaling ko ang tingin sa dalawa, oo nga pala, sabay silang dumating?

"Hmm... kind of." Si Gizem sabay iwas ng tingin sa amin.

"Nako! Tara na doon, paparating na rin sila Mommy at Daddy!" Sabay-sabay na kaming pumunta sa pool area.

Sa bawat takbo ng oras, wala akong ibang naramdaman kundi ang labis na saya at pagdiriwang sa aking puso.

I was lost, but in the end I found my way back home. Patunay lang na, may mga oras o panahon man na maliligaw tayo, babalik at babalik pa rin tayo sa buhay na nararapat para sa atin. Babalik at babalik pa rin tayo sa tamang landas.

There are people that can be part of our life, either a good ones, or the bad ones. Palagi ko lang tinatatak sa sarili ko na, kahit ano ang papel ng taong dumarating sa buhay ko, lahat sila ay may iniiwang aral sa akin.

At may mga oras na kailangan mong bumitaw sa taong dapat at kailangan mong bitawan.

Every problems has a solutions. It's up to you if you're willing to find the solutions or you will let the problems screw you.

Piliin at gawin mo ang kung anong alam mong makabubuti sa 'yo. Ngunit huwag mo ring kalimutan na minsan ay may maling desisyon tayo, but don't let that decision ruin you. Be the guide and savior for yourself.

Habang nakikita ko ang ngiti at saya sa mukha ng mga taong nakapalibot sa akin ngayon, wala akong ibang masabi kundi... nasa tamang landas na ako.

After all the pain and hardships... nasa tamang landas na ako.

I can't say anything... masaya na ako dahil sa wakas... nasa tamang landas na ako.

Who would expect it right?

The unknown man who came to my life is the man I love... The unknown people who came to my life is my family and friends... and mostly... The unknown daugther is mine.

____________________________________________________________

Epilogue Next. Tysm.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro